TEASER
Erin Jade Villegas was done with love. Matapos siyang saktan ng kanyang huling nobyo na si Lucas, nangako siya sa sariling hindi na iibig pang muli. Itinuon niya ang kanyang buong atensyon sa kanyang sarili at sa advertising agency na kanyang naipundar sa tulong ng kanyang mayamang tiyahin na si Aunt Ingrid, ang pinsan ng kanyang namayapang ina.
Minsan, binigyan siya ng tiyahin ng isang malaking kliyente, ang mga Dela Fuente. Malapit ang pamilya sa tiyahin ni Erin. Kaya naman ang sabi nito’y kapag maayos niyang naitawid ang transaksiyon sa mga Dela Fuente, bayad na siya sa lahat ng utang niya rito. Handang gawin ni Erin ang lahat, maging maayos lang ang kanyang trabaho. Subalit paano kung tila pinaglalaruan siya ng tadhana dahil ang direkta niyang makakatrabaho ay ang fiancé ng nag-iisang dalaga ng mga Dela Fuente, si Engr. Ezekiel ‘Kiel’ Benavidez, ang half-brother ni Lucas at ang lalaking nakasama niya sa isang gabi ng pagkakamali?
Magawa pa kaya ni Erin ang kanyang trabaho gaya ng pangako niya sa tiyahin? Paano niya iiwasan ang lalaki kung mayroong matinding atraksyon sa kanilang pagitan? Handa ba siyang gawin ang lahat para sa kapakanan ng kanyang kumpanya? Kahit na ang ang itago ang katotohanan kay Kiel… na dala-dala niya sa kanyang sinapupunan ang bunga ng isang gabing kanilang pinagsaluhan?
"Kumusta ang unang araw mo dyan sa Cebu, Lily? Maayos ka ba? Hindi ka naman ba nahihirapan?" tanong ni Esme kay Lily nang tawagan ito nang dalaga pagkagsing na pagkagising niya kinabukasan. "Okay lang po ako dito, Lola. Maayos naman po itong accomodation k-ko. Kumpleto sa gamit. Hindi ako mahihirapan dito," sagot ni Lily, bumigat ang dibdib. Padami nang padami ang kasalanan niya sa abuela. Subalit wala naman siyang magagawa kundi patuloy na gawin 'yon. Iniisip na lang niya na parte talaga yon ng kanyang trabaho kay Liam. Siguro kapag nakabalik na si Liam sa Australia, aaraw-arawin na lang niya ang pagsisimba nang mabawasan ang mga kasalanan niya. "Mabuti naman kung gano'n, Lily. Panatag na ako ngayon dahil sabi mo maayos ka dyan. Siya nga pala, pyesta dito sa barangay bukas. May misa raw malapit sa barangay hall. Pupunta kami ni Noel." Noon pa man ay palasimba na ang abuela. Natigil lang nang magsimula na ang paghina ng katawan nito. " Sigurado po kayo, Lola? Baka maini
Marahas na kumatok si Liam sa hotel room kung nasaan si Hans. Nang malaman ng binata kung saan tumutuloy ang lalaki dahil sa report ni Dustin, agad silang dumiretso roon. His friend Dustin Antonious Carpio is a military reservist. He came from a family of high ranking soldiers and is working as a businessman by day and a freelance military asset by night. Ito ang tumulong sa kanya nang hanapin niya ang kanyang tunay na pamilya. At ito rin ang sinabihan niya kanina nang ipahanap niya si Hans. "Let's just bust the damn door open. The wait is making me bore," ani Aries, humalukiplip at prenteng sumandal sa pader. Aries Sandoval, is a race car enthusiast and a mixed martial arts expert. They met on the racetrack a decade ago and he's been his friend since. Pinsan nito si Dustin. "It feels illegal to be here. Why don't we just go home and let the police handle this?" komento naman ni Tyrone. He is a college professor who always abides with the law. Kaibigan ito ni Dustin. "Jeez b
Abala si Liam sa pagkuha ng champagne habang kausap ang ilan pang guest sa yate nang makarinig ang binata ng malakas na tili.Nang lumingon siya, nakita niya si Mrs. Monroe, kaibigan din ng mag-asawang Pryce na nagpa-panic. “She was thrown off the yacht! Oh my god, help her! Help her!” hindik na sigaw nito.Her?Who the hell is her?Agad na tanong sa isip ng binata. Awtomatikong lumipad ang kanyang mga mata sa pwesto nila ni Lily. Kumabog ang dibdib ng binata ng makitang wala ito roon.Nagsimula nang magkagulo ang mga bisita. Tinakbo naman ni Liam ang table na pinag-iwanan niya kay Lily kanina. He quickly surveyed the whole deck after, hoping she is just somewhere. Subalit wala roon si Lily.Tumakbo si Liam sa railing, humawak roon habang sinusuyod ng tingin ang kadiliman ng dagat. There he saw a familiar figure, fighting her way through the cold waters. It was Lily!“Call the coast guards! It’s my wife!” sigaw ng binata bago walang pagdadalawang-isp na tumalon sa tubig. Wala nang ib
“Still nervous?” bulong ni Liam kay Lily habang iginigiya ito ng binata patungo sa isang round table sa may bandang gilid ng deck. Malapit na ang mesa sa may railings. But he wanted to give Lily some space to breathe kaya doon ang tinutumbok nila. “H-hindi naman na masyado,” sagot ni Lily, bahagyang ngumiti.“That’s good,” ani Liam, mabilis na kumuha ng dalawang champagne flute sa dumaan na waiter. “Here, to help you relax more,” sabi pa nito, inabot kay Lily ang isang champagne flute.“T-thanks,” bulong ng dalaga, tinanggap ang baso ng alak. Nang marating nila ang round table, pinaghila ni Liam si Lily ng upuan. Saka pa lang umupo ang dalaga.Relief washed over Lily instantly when she sat down. Pakiramdam niya kasi, sa buong isang oras nila roon sa yate, noon lang siya nakahinga nang maayos. Nagtentensiyon siya sa buong oras na nakikihalubilo siya sa mga kakilala ni Liam. Kahit pa na naaalala niya ang detalye ng buhay ng karamihan sa naroon, which is helpful in striking a conver
“La, ako na lang po mag-eempake. Baka mapagod pa po kayo,” ani Lily sa abuela na noon tumutulong sa pagtitiklop ng mga dadalhing gamit ng dalaga.“Ayos lang ako, Lily. Madali lang naman itong ginagawa ko. Isa pa, mami-miss kita. Hindi biro ang dalawang linggo, anak,” sagot ni Esme, bahagyang ngumiti, itinuloy ang paglalagay ng tiniklop na mga gamit ng apo sa maleta.Kumurap si Lily, panandaliang bumigat ang dibdib. Iyon na ang ikalawang beses na nagsinungaling siya sa kanyang abuela. At hanggang ngayon, nakukunsensiya pa rin siya. Pinalaki siya nito na maging mabuti at tapat na tao. Subalit… naroon siya, paulit-ulit na nagsisinungaling dito.Pero wala naman siyang choice. Hindi pwedeng sabihin ng dalaga kay Esme ang totoo. Paano niyang sasabihin sa abuela na nagpakasal siya sa isang lalaking hindi niya mahal kapalit ang perang ipinangpagamot niya rito?Kung hindi sasama ang loob ni Esme, baka atakihin ito sa puso. Kapag nangyari ‘yon, alam ni Lily na kahit kailan, hindi niya mapapat
Agad na nalaglag ang panga ni Lily sa sinabi ni Liam, lalong napuno ng katanungan at pag-aalala ang isip.“S-sir… w-wala po sa usapan natin i-ito…” alanganing sabi ng dalaga, inalis ang kamay sa mug bago niyakap ang sarili.Nagbuhol sandali ang mga kilay ni Liam, kapagkuwan ay bahagyang natawa. “No, Lily. I mean, I’m not asking you to stay for any other reason but… you stay with me tonight.”“S-stay? Paanong stay, Sir? As in dito ako matutulog?”Tumango si Liam. “Exactly!” umpisa ng binata, sandaling humigop ng kape sa mug nito bago nagpatuloy. “Someone’s following me mula nang makasal tayo two and half months ago. It was one of Darwin’s men. They are trying to find something against me to support their case.”“C-case? Kinasuhan ka pa rin nila kahit na…”“Yes. Nag-file sila ng kaso to dispute the last will and testament of my adoptive parents. My legal team was already on top of it but they advised me to make sure that Darwin’s camp will not find anything against me. Kaya ako umuwi. Si