“Lily, ito na ‘yong schedule natin mamaya,” ani Paul, habang inaabot kay Lily ang isang papel na naglalaman ng mga gagawin nila mamaya sa practice game para sa gaganaping sports fest kinabukasan.Agad na nangunot-noo ang dalaga nang makitang alas kwartro ng hapon ang umpisa ng kanilang practice game. “Alas kwatro ang out natin?” takang-tanong ng dalaga sa kasamahan.Excited na tumango si Paul, bumungisngis. “Girl, pumayag si Ma’am Suzanne na maaga tayong mag-out lahat today! Napaka-supportive niya ngayon. Feeling ko talaga nakakagaling ng kasupladahan ang opisina ni Ma’am Erin.”Sabay na napabungisngis ang dalawa sa sinabi ng bakla. Totoo kasi na naging mas approachable si Suzanne ngayong ito ang interim CEO ng AdSpark.“Dati namang mabait si Ma’am Suzanne,” sabi Lily maya-maya.“Exactly! Hindi nga lang halata di ba?” sagot naman ni Paul.Lalong naghagikgikan ang dalawa.“O basta, mamaya ha? Pagpatak ng alas kwatro, out na tayo tapos diretso na tayo sa gym ng SGU, okay?” paala ni Paul
laLiam was angrily pacing inside Aries’ house. Hinihintay niya ang tawag ni Dustin kung nagawan na ba nito ng paraan ang tungkol sa viral video niya at ni Mary Jane o MJ na naghahalikan sa racetrack. MJ is a lady mechanic for race cars. They met years ago sa isang racing event gaya ni Aries.He used to date MJ a few years back. Agad silang nag-click because they shared many interests. Subalit nakalipas na ang lahat ng ‘yon. He moved on and so she did. She even got married and had a son before she had a divorce a year ago or so he heard.Akala niya hindi na ito babalik sa racetrack. But to his surprise, bigla na lang itong sumulpot kanina sa racetrack pagkatapos ng practice race nila kasama ang team ni Aries. And MJ quickly made her move on him by greeting him with a kiss.He’s not supposed to mind it. It was just a kiss. But there were sports media around earlier. Natunugan ng mga ito na naroon siya sa Pilipinas at bumibisita. And so they watched the whole practice race. They docume
“Girl, bakit parang tulala ka ulit?” takang-tanong ni Paul kay Lily nang mapansin na nakaharap sa desktop nito ang dalaga subalit parang wala namang ginagawa.Naptuwid naman ng upo sa kanyang swivel chair si Lily, nilingon si Paul. “H-ha?”Nangunot-noo na si Paul, sinalat ang noo ng babaeng sekretarya. “Wala ka namang lagnat. Pero bakit parang wala ka pa ring energy. Okay ka lang ba talaga, Lily? Baka need mo pa ng mahabang pahinga.”Umiling ang dalaga, bahagyang napangiwi. “H-hindi na kailangan. O-okay lang ako, Paul. M-medyo ano lang… p-puyat,” pagdadahilan ng dalaga.It was a white lie. Totoong hindi maayos ang tulog niya nang nagdaang gabi dahil sa pagsasagutan nila ni Liam. Subalit wala sa nangyari kagabi ang isip ng dalaga. Naroon sa text message ni Liam na nagsasabing hindi ito uuwi ng ilang araw.Kanina pa nagtatalo ang isip ng dalaga kung dapat na niya itong tawagan o i-text at tanungin kung saan ito pupunta. Kaya lang, nag-aalangan din ang dalaga. Hindi maayos ang paghihiwal
Walang ganang ibinagsak ni Liam ang kanyang katawan sa sofa bago nagbuga ng hininga. Nasa bahay ni Aries ang binata at kalalabas lamang niya mula sa guest room kung saan siya tumuloy nang nagdaang gabi.Doon siya sa bahay ng kaibgan dumiretso kagabi matapos nilang magsagutan ni Lily. He wanted to clear his head. He even had a few bottles of drink before he hit the sack. He was hoping for a peaceful sleep. But he was sleepless all through the night.“Shit,” anas ng binata, hinawakan ang sentido at bahagya iyong minasahe.“You must feel like crap when the first thing you say when you get out of bed is shit,” ani Aries na noon ay naroon sa kusina at naghahanda ng kape sa coffee maker.Patamad na bumaling si Liam sa kaibigan. “My head hurts,” pag-amin ng binata.Aries chuckled. “I’m not your wife, Liam. I won’t take care of you when you have a hang-over. Bakit ‘di ka na lang umuwi sa unit mo. Doon, maaalalgaan ka ni Lily nang husto,” ani Aries, may himig ng kantyaw ang tinig.Liam scoffe
Walang imikan ang dalawa habang binabaybay nila ang daan pabalik sa unit ni Liam. Gayunpaman, ramdam na ramdam ni Lily ang tensiyon kahit na hindi nagsasalita ang binata. Pinilit niyang kumalma kanina, panatilihin ang maayos na pagiisip. Kaya lang... "Now that you are back into working, dapat ko bang ipaalala ulit sa 'yo ang lahat tungkol sa kasunduan natin?" ani Liam mayamaya sa malamig na tinig, ang mga mata nasa daan. "Alam ko ang tungkol sa kasunduan natin, Liam," kalmado subalit mabigat ang tinig na sagot ni Lily, pinanatili ang tingin sa labas ng sasakyan. Liam scoffed. "If you truly know about our arrangement, why do you keep on violating its terms?" Violation na naman? Saang banda na naman siya nagkamali? Nagtrabaho lang naman siya maghapon. Sumama sa dinner sa bahay ng boss niya. Saan doon ang violation?Ito nga nakipag-date sa iba gayong kaya sila nakatira sa iisang bubong kasi sabi nito may sumusunod dito. Bakit siya ang lagi nitong dinidikdik na nagkakamali? Hindi su
Tahimik lang na kumakain ng hapunan si Lily habang nakikinig sa usapan ng kanyang mga kasama sa hapag. Ni hindi magawang makapagsalita ng dalaga o makakakain man lang nang maayos dahil naiilang siya kay Liam. He looked too serious habang kumakain sa kanyang tabi. At kahit hindi ito magsalita, pakiramdam niya may sasabihin na naman ito sa kanya mamaya pag-uwi. Sa ilang araw na nakasama niya ito sa iisang bubong, nagiging pamilyar na rin siya a mga gestures at nuances nito. At base sa kunot-noo nito at madalas na pag-igting ng panga, tila badtrip na naman ito sa kanya. Ang gusto lang naman ni Lily kanina kaya hindi niya sinabi na may pupuntahan siya after office ay ang makahinga nang maluwag kahit sandali lang. Matapos ang nangyari sa AdSpark kaninang umaga, totoong hindi alam ng dalaga kung paano ulit pakikiharapan si Liam. Idagdag pa na kahit na may kaunting kurot ng tampo sa dibdib niya nang hindi man lang ito magpaalam sa kanya bago ito umalis. Alam niya, hindi dapat. Kaya lan