Beranda / Romance / The Billionaire's Contract Bride / Book 3: Chapter 28- Viral Video

Share

Book 3: Chapter 28- Viral Video

Penulis: shining_girl
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-08 22:20:51

“Girl, bakit parang tulala ka ulit?” takang-tanong ni Paul kay Lily nang mapansin na nakaharap sa desktop nito ang dalaga subalit parang wala namang ginagawa.

Naptuwid naman ng upo sa kanyang swivel chair si Lily, nilingon si Paul. “H-ha?”

Nangunot-noo na si Paul, sinalat ang noo ng babaeng sekretarya. “Wala ka namang lagnat. Pero bakit parang wala ka pa ring energy. Okay ka lang ba talaga, Lily? Baka need mo pa ng mahabang pahinga.”

Umiling ang dalaga, bahagyang napangiwi. “H-hindi na kailangan. O-okay lang ako, Paul. M-medyo ano lang… p-puyat,” pagdadahilan ng dalaga.

It was a white lie. Totoong hindi maayos ang tulog niya nang nagdaang gabi dahil sa pagsasagutan nila ni Liam. Subalit wala sa nangyari kagabi ang isip ng dalaga. Naroon sa text message ni Liam na nagsasabing hindi ito uuwi ng ilang araw.

Kanina pa nagtatalo ang isip ng dalaga kung dapat na niya itong tawagan o i-text at tanungin kung saan ito pupunta. Kaya lang, nag-aalangan din ang dalaga. Hindi maayos ang paghihiwal
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Honey Quilang
ang sakit naman nun, thanks sa update miss A
goodnovel comment avatar
Adora Ong
thanks s update
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 3: Chapter 33- Efforts 2

    Nang makasampa sa mobile truck, agad na nagsimulang mamili si Lily. Nagkukumahog na sa pagpili ang mga kasamaha niya sa trabaho. Premium designs ang lahat ng dala ng mobile shoe truck kaya naman hindi iyon pinalampas ng mga kasama ng dalaga. Lumipas ang ilang minuto, nagsibabaan na rin ang mga kasamahan ng dalaga nang makakuha ng kanilang mga gustong sapatos. Matapos magpasalamat kay Tyrone, bumalik na rin ang mga ito sa loob ng gym. Hanggang sa si Lily na lang ang natira sa mobile truck.“Lily, why don’t you get this? Bagong labas ito,” ani Calix na biglang sumulpot mula sa kung saan, kinuha nito ang isang pares ng sapatos mula sa display rack.“C-Calix, nandito ka rin?” gulat na tanong ng dalaga.“Well, I was forced to—““Calix!” saway ni Tyrone sa kapatid na noon ay nakabantay sa may hagdan ng truck.“I’m just lending my hand to a friend. Ito, ayaw mo nito?” sabi pa nito, inilahad sa kanya ang pili nitong sapatos. Noon napansin ng dalaga na may kipkip itong paper bag na tila pamil

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 3: Chapter 32- Efforts

    “Salamat, Charles! Sakto sa akin,” ani Lily, matapos isuot ang sapatos na hiniram ng dalaga. Malapit lang ang condo unit ng kapatid ng binata sa SGU kaya sinamantala na ni Lily ang manghiram ng sapatos.Hassle na kasi masyado para sa kanya kung bibili siya ng bago gayong isang araw lang naman niya iyong gagamitin. At lalong hindi rin mas maganda kung babalikan niya sa bahay nila ang rubber shoes niya gayong ang alam ng lola at kapatid niya, nasa Cebu siya.Mabuti na lang at mabilis na umaksyon ni Charles at inayos ang problema niya. They may have started on the wrong foot per sobrang naa-appreciate ni Lily si Charles sa nakalipas na mga araw.“That’s good to hear. Runner si Carrie. Kaya for sure kompotable mong maitatakbo ‘yang sapatos niya,” sagot naman ni Charles, tumuwid na ng tayo, nag-stretching na rin.Ngumiti naman si Lily, itinuloy din ang pagwa-warm up.“O Lily, five laps muna tayo dito sa loob ng gym bago tayo dumiretso sa practice game,” sabi ni Paul na noon ay nagi-strecth

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 3: Chapter 31-Sports Fest 2

    “Why are we here again?” tanong ni Calix kay Liam na noon ay tutok na tutok ang tingin sa gymnasium ng St. Gabriel University. Doon idinirekta ng security guard ng AdSpark si Liam nang hindi maabutan ng binata si Lily sa opisina.He tried calling her subalit gaya kanina nang magising siya, hindi sinasagot ni Lily ag cellphone nito. He had no choice but to see her personally.“Because this is all your fault,” sagot ni Liam, pabulong, ang mga mata nasa direksyon pa rin ng gym, pilit na inaaninag sa loob niyon si Lily.Pumalatak si Calix. “Why is it my fault? I asked my driver to deliver the goods into your house. Hindi naman ako ang bumitbit no’n. Isa pa, pinagmadali ninyo ako ni Aries na sumunod sa inyo. I had no time to double check the grocery bags. You see, this is party your fault,” anang binata, sumandal na sa upuan ng passenger’s seat, lukot ang mukha. Liam forced Calix to go with him, ending his ‘sweet’ time with his current girlfriend Janine, who just came back from the US.“S

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 3: Chapter 30- Sports Fest

    “Lily, ito na ‘yong schedule natin mamaya,” ani Paul, habang inaabot kay Lily ang isang papel na naglalaman ng mga gagawin nila mamaya sa practice game para sa gaganaping sports fest kinabukasan.Agad na nangunot-noo ang dalaga nang makitang alas kwartro ng hapon ang umpisa ng kanilang practice game. “Alas kwatro ang out natin?” takang-tanong ng dalaga sa kasamahan.Excited na tumango si Paul, bumungisngis. “Girl, pumayag si Ma’am Suzanne na maaga tayong mag-out lahat today! Napaka-supportive niya ngayon. Feeling ko talaga nakakagaling ng kasupladahan ang opisina ni Ma’am Erin.”Sabay na napabungisngis ang dalawa sa sinabi ng bakla. Totoo kasi na naging mas approachable si Suzanne ngayong ito ang interim CEO ng AdSpark.“Dati namang mabait si Ma’am Suzanne,” sabi Lily maya-maya.“Exactly! Hindi nga lang halata di ba?” sagot naman ni Paul.Lalong naghagikgikan ang dalawa.“O basta, mamaya ha? Pagpatak ng alas kwatro, out na tayo tapos diretso na tayo sa gym ng SGU, okay?” paala ni Paul

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 3: Chapter 29- Viral Video 2

    laLiam was angrily pacing inside Aries’ house. Hinihintay niya ang tawag ni Dustin kung nagawan na ba nito ng paraan ang tungkol sa viral video niya at ni Mary Jane o MJ na naghahalikan sa racetrack. MJ is a lady mechanic for race cars. They met years ago sa isang racing event gaya ni Aries.He used to date MJ a few years back. Agad silang nag-click because they shared many interests. Subalit nakalipas na ang lahat ng ‘yon. He moved on and so she did. She even got married and had a son before she had a divorce a year ago or so he heard.Akala niya hindi na ito babalik sa racetrack. But to his surprise, bigla na lang itong sumulpot kanina sa racetrack pagkatapos ng practice race nila kasama ang team ni Aries. And MJ quickly made her move on him by greeting him with a kiss.He’s not supposed to mind it. It was just a kiss. But there were sports media around earlier. Natunugan ng mga ito na naroon siya sa Pilipinas at bumibisita. And so they watched the whole practice race. They docume

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 3: Chapter 28- Viral Video

    “Girl, bakit parang tulala ka ulit?” takang-tanong ni Paul kay Lily nang mapansin na nakaharap sa desktop nito ang dalaga subalit parang wala namang ginagawa.Naptuwid naman ng upo sa kanyang swivel chair si Lily, nilingon si Paul. “H-ha?”Nangunot-noo na si Paul, sinalat ang noo ng babaeng sekretarya. “Wala ka namang lagnat. Pero bakit parang wala ka pa ring energy. Okay ka lang ba talaga, Lily? Baka need mo pa ng mahabang pahinga.”Umiling ang dalaga, bahagyang napangiwi. “H-hindi na kailangan. O-okay lang ako, Paul. M-medyo ano lang… p-puyat,” pagdadahilan ng dalaga.It was a white lie. Totoong hindi maayos ang tulog niya nang nagdaang gabi dahil sa pagsasagutan nila ni Liam. Subalit wala sa nangyari kagabi ang isip ng dalaga. Naroon sa text message ni Liam na nagsasabing hindi ito uuwi ng ilang araw.Kanina pa nagtatalo ang isip ng dalaga kung dapat na niya itong tawagan o i-text at tanungin kung saan ito pupunta. Kaya lang, nag-aalangan din ang dalaga. Hindi maayos ang paghihiwal

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status