Ang malakas na buhos ng liwanag mula sa bintana ang nagpagising kay Lily kinabukasan. Sandali pang nagtaka ang dalaga nang mabungaran ang hindi pamilyar na kisame at paligid na kanyang kinaroronan. Nang tangkain niyang bumangon, agad siyang napangiwi nang makaramdam ng pananakit ng katawan at kamay. Noon niya napagtanto na mayroon palang nakakabit na swero sa kanyang kamay.Ospital. Nasa ospital siya. Subalit, paanong—Sandaling napakurap ang dalaga, nag-isip. Hanggang sa maalala niya na nilagnat siya nang nagdaang araw at itinakbo siya ni Liam sa ospital. She remembered his panicked voice as he drove her to the hospital. She was in and out of consciousness at that time, subalit sigurado siyang si Liam ang nagdala sa kanya roon. Makikilala niya ang boses nito kahit saan. Kaya lang… kung ito ang nagdala sa kanya roon, nasaan ito?Wala ni anino nito sa hospital suite. O baka naman, ito lang ang nagdala sa kanya roon tapos iniwan din siya?Napalunok ang dalaga sa huling naisip. Baka nga
“Will you stop walking, Liam. Nahihilo na ‘ko sa ‘yo!” saway ni Dustin kay Liam na kanina pa nagpaparoo’t parito sa labas ng ER ng ospital na pinagdalhan ng binata kay Lily.Si Dustin ang unang tinawagan ni Liam nang mawalan ng malay si Lily. Dustin’s sister, Gwyneth, is a doctor. At wala nang iba pang mapagkakatiwalaan pa si Liam sa kalagayan ni Lily kundi ang mag kakilala niya.Nang utusan ni Gwyneth si Liam na agad dalhin si Lily sa St. Agatha Hospital, agad iyong ginawa ng binata. He drove like a madman and reached the hospital in no time. Doon na rin sila nagkita ni Dustin.That was half an hour ago. At hanggang ngayon, wala pa ring balita si Liam tungkol sa kalagayan ng asawa.“Well deal with it. I’m nervous as fck!” gigil na sagot ni Liam, marahas na ipinasada ang kamay sa buhok. Habang tumatagal ang kanyag paghihintay, mas lalong nagbubuhol-buhol ang kanyang mga emosyon!“Relax, will you?” ani Dustin, prenteng sumandal sa dingding. “Gwyneth will take care of your wife."Hindi
Sandaling natulala si Lily habang ipinoproseo ng kanyang isip ang nangyari. Wala sa kanila ni Liam ang kumilos agad. Both of them never dared. They just stayed there on the floor shocked, their lips touching. Subalit nang makahuma ay agad na pinanlakihan ng mga mata ang dalaga. Napasinghap si Lily at nagmamadaling umalis sa pagkakadagan kay Liam. Nagkandahirap pa ang dalaga sa pagtayo dahil hindi niya alam kung saan siya hahawak para makatayo siya agad nang hindi hinahawakan ang katawan ni Liam. "Shit!" anas naman ni Liam bumalikwas din ng bangon sa sahig at nagmamadaling bumalik sa banyo. Agad ding lumabas ng silid si Lily, nagmamadaling bumalik sa kusina. Panay ang kabog ng dibdib ng dalaga. Pakiramdam niya sasabog ang kanyang dibdib sa lakas ng pitik niyon. Ramdam na ramdam din niya ang sobrang pag-iinit ng kanyang pisngi. Ano na naman ba kasi ang nangyari? Ibibigay lang naman niya kay Liam ang cellphone nito. Her intention was good. Pero bakit bigla na lang… Napasinghap nan
"Kumusta ang unang araw mo dyan sa Cebu, Lily? Maayos ka ba? Hindi ka naman ba nahihirapan?" tanong ni Esme kay Lily nang tawagan ito nang dalaga pagkagsing na pagkagising niya kinabukasan. "Okay lang po ako dito, Lola. Maayos naman po itong accomodation k-ko. Kumpleto sa gamit. Hindi ako mahihirapan dito," sagot ni Lily, bumigat ang dibdib. Padami nang padami ang kasalanan niya sa abuela. Subalit wala naman siyang magagawa kundi patuloy na gawin 'yon. Iniisip na lang niya na parte talaga yon ng kanyang trabaho kay Liam. Siguro kapag nakabalik na si Liam sa Australia, aaraw-arawin na lang niya ang pagsisimba nang mabawasan ang mga kasalanan niya. "Mabuti naman kung gano'n, Lily. Panatag na ako ngayon dahil sabi mo maayos ka dyan. Siya nga pala, pyesta dito sa barangay bukas. May misa raw malapit sa barangay hall. Pupunta kami ni Noel." Noon pa man ay palasimba na ang abuela. Natigil lang nang magsimula na ang paghina ng katawan nito. " Sigurado po kayo, Lola? Baka mainit
Marahas na kumatok si Liam sa hotel room kung nasaan si Hans. Nang malaman ng binata kung saan tumutuloy ang lalaki dahil sa report ni Dustin, agad silang dumiretso roon. His friend Dustin Antonious Carpio is a military reservist. He came from a family of high ranking soldiers and is working as a businessman by day and a freelance military asset by night. Ito ang tumulong sa kanya nang hanapin niya ang kanyang tunay na pamilya. At ito rin ang sinabihan niya kanina nang ipahanap niya si Hans. "Let's just bust the damn door open. The wait is making me bore," ani Aries, humalukiplip at prenteng sumandal sa pader. Aries Sandoval, is a race car enthusiast and a mixed martial arts expert. They met on the racetrack a decade ago and he's been his friend since. Pinsan nito si Dustin. "It feels illegal to be here. Why don't we just go home and let the police handle this?" komento naman ni Tyrone. He is a college professor who always abides with the law. Kaibigan ito ni Dustin. "Jeez b
Abala si Liam sa pagkuha ng champagne habang kausap ang ilan pang guest sa yate nang makarinig ang binata ng malakas na tili.Nang lumingon siya, nakita niya si Mrs. Monroe, kaibigan din ng mag-asawang Pryce na nagpa-panic. “She was thrown off the yacht! Oh my god, help her! Help her!” hindik na sigaw nito.Her?Who the hell is her?Agad na tanong sa isip ng binata. Awtomatikong lumipad ang kanyang mga mata sa pwesto nila ni Lily. Kumabog ang dibdib ng binata ng makitang wala ito roon.Nagsimula nang magkagulo ang mga bisita. Tinakbo naman ni Liam ang table na pinag-iwanan niya kay Lily kanina. He quickly surveyed the whole deck after, hoping she is just somewhere. Subalit wala roon si Lily.Tumakbo si Liam sa railing, humawak roon habang sinusuyod ng tingin ang kadiliman ng dagat. There he saw a familiar figure, fighting her way through the cold waters. It was Lily!“Call the coast guards! It’s my wife!” sigaw ng binata bago walang pagdadalawang-isp na tumalon sa tubig. Wala nang ib