“Bakit ngayon ka lang, Via? Maaga ka na ngang lumabas kanina, late ka pang umuwi. Parang walang naghihintay sa ‘yo dito sa bahay a,” litanya agad ni Rosario ‘Rosie’ De Guzman, ang ina ni Via. "Oh please, I'm tired, Mom," ani Via bago nilampasan ang ina na siyang nagbukas ng pinto para sa dalaga."Aba, talagang nilalampas-lampasan mo na lang ako ngayon, Olivia. Ano ako hangin? Sinong nagturo sa 'yo na h'wag akong respetuhin?" ani Rosie sinundan ang anak na noon ay paakyat na sa hagdan. Rumolyo ang mga mata ni Via, inis na muling hinarap ang ina. "Ano bang gusto mo, Mommy? I said I'm tired. Pwede ba bukas na lang tayo mag-usap. Pagod ako. I need rest.""Paanong hindi ka mapapagod, maghapon kang wala. Ano sinundan mo na naman ba si Jace?" ani Rosie, namaywang na. "'Yan ang napapala mo kasi nagmamagaling kang tanggihan ang proposal niya at inuna mo 'yang ballet. Ano ka ngayon? Sinusundan ng palihim si Jace kasi ayaw na niya sa 'yo. Pera na naging bato pa, Olivia. Sa katangahan mo 'yan,
“Lara? O napatawag ka? May kailangan ka?” tanong ni Erin kay Lara nang tumawag ang huli sa kaibigan.“Oo e. May gusto sana akong makuhang f-files,” ani Lara, alanganin.“Files? Anong files? Nasa work station mo ba? Gusto mo i-access ko—““Hindi. Ano…wala ro’n. Actually, hindi ko nga alam kung pwede tayong makakuha ng copy no'n,” nakangiwing sabi ng dalaga.Lara was asking for the files for the Aura Project. Hindi niya kasi maiwaglit sa kanyang isip ang naging pag-uusap nila ni Jace noong isang gabi tungkol sa project. Gusto niya sanang tignan ang marketing plan na kasama sa proposal. Maybe she can give her insights and make the proposal more appealing to the project managers.Alam ni Lara na hindi siya eksperto but she can see an excellent marketing plan when she sees one. At kung si Amanda din lang ang gumawa ng lahat ng marketing plan para sa project na ‘yon, sigurado si Lara na kailangan ng improvement sa part na ‘yon ng proposal.Gusto niyang gawin ‘yon para kay Jace. Gusto niyang
CHAPTER 29“Mabuti naman at dinalaw na ninyo ako, Jace, Lara. Akala ko nakalimutan na ninyo akong dalawa. Malapit na nga akong magtampo sana,” ani Cristina habang sinasalubong ang mag-asawa sa mansyon.B*umeso si Lara at magaang niyakap ang matanda. Sa pakiwari ng dalaga ay lalong pumayat ang matanda mula nang huli nilang pagkikiat ilang araw lang ang nakalilipas. Bagay na agad nagpabigat sa dibdib ng dalaga.Subalit hindi nagsalita si Lara, she just gave the old woman a genuine hug.“Sorry po, Lola. Natagalan kami. Hinintay ko pa po kasi ‘yong check-up ko at saka marami din pong inaasikaso si Jace sa opisina,” paliwanag ng dalaga.Bumitiw si Cristina sa dalaga. “Nonsense! Why are you apologizing for your check-up? Si Jace ang dapat na mag-sorry dahil unuuna niya ang trabaho kaysa sa lola niya,” anang matanda, pinanlakihan pa ng mata nag apo kunwari.Umiling si Jace. “Why is everything my fault now and not Lara’s? Last time I checked, ako ang apo mo Lola.”“At si Lara ang magbibigay sa
Gaya nang unang beses siyang halikan ni Jace, pakiramdam ni Lara ay para siyang idinuduyan sa alapaap. The kiss was magical, transporting her into a place where nothing else mattered but just her and Jace.Nang lumalim ang halik at hapitin ni Jace ang kanyang baywang upang lalo siyang mapalapit dito, nagkusa nang pumikit si Lara. Limot na ng dalaga ang lahat—ang kanilang kasunduan, ang kanilang pagpapanggap, maging ang bukas na walang kasiguraduhan.And just when she thought that the kiss would last longer, a loud knock from the door was heard.“Jace? Nandiyan ba kayo ng asawa mo? Pinapatawag kayo ni Doña Cristina sa lanai,” ani Lagring sa labas ng pinto ng silid.Parang napasong naghiwalay ang dalawa, namumula ang mga pisngi at kapwa habol ang hininga. Nagkatinginan sila pagkatapos.“Lara…” tawag ni Jace sa asawa subalit hindi rin malaman kung ano ang dapat sabihin.Nagkusa nang umiwas ng tingin si Lara. Ngayong natapos na ang halik, agad na bumalik ang katinuan sa isip ng dalaga. At
Matulin ang pagpapatakbo ni Jace kay Midnght subalit tila hindi sapat ang bilis ng alagang hayop para sa binata. Midnight’s run is not fast enough for him to forget that stupid thing he did inside his room. He kissed Lara… without any logical reason.Kung bakit… hanggang ngayon hindi pa rin mabigyang kasagutan ng binata. Maybe he is curious. Lara may not know it but she is one hell of an attractive woman. She is charming and kind. A little stubborn at times but… he can keep up with her most of the time. She plays the piano too, that’s something they have in common. And most of all, she is beautiful.Napabuga ng hininga ang binata, marahang hinila ang renda ni Midnight. Tumigil ang kabayo sa gitna ng parang na puno ng talahib at ligaw na bulaklak. Sa di kalayuan ay mayroong burol kung saan matatanaw ang dagat. Iyon ang lugar na kanyang kinalakhan. For others, it can be an enchanting place especially at night where the night sky is fully clothed with the wonder of the cosmos. Subalit h
“Sir, hindi pa po ba kayo babalik sa bahay ni Doña Cristina?” pukaw na tanong ni Eli sa boss.Pasado alas otso na ng gabi subalit hindi pa rin bumabalik sa mansiyon ng abuela si Jace. Kanina pa tapos ang pakikipag-usap ng binata sa project engineers ng dalawang pinapatayo nilang condominium building na sabay nagkaroon ng aberya. It was an emergency and in need of his immediate attention kaya napilitang bumalik sa siyudad ang binata. Subalit tila ayaw pang bumalik ng binata sa bahay ng kanyang abuela. Not because he doesn’t want to. He actually wanted to be there as soon as he can, kaya lang natatakot siya. Natatakot siya sa maari na naman niyang gawin kay Lara.He must admit, he was curious at first about her. Dahil aminin man niya o hindi, mula nang tumira sa bahay niya si Lara isang linggo na ang nakararaan, he had always looked forward going home. He was comfortable in being alone before. But now that he has a companion, hindi maikakaila ni Jace na mas exciting pala ang kanyang buh
“Uy, kababalik mo pa lang sa opisina, tulala ka na agad,” untag ni Erin kay Lara habang nakasakay sila sa lift paakyat sa floor kung saan naroon ang kanilang opisina.Iyon ang unang araw ng pagbabalik-trabaho ni Lara. Subalit, gaya ng sinabi ng kaibigan, tila siya lutang at tulala dahil hindi maayos ang kanyang huwisyo. Mula kasi kahapon, nang utusan siya ni Jace na layuan ito, hindi na naging maayos ang takbo ng isip ng dalaga.Hindi niya mabigyan ng rason kung bakit siya nito inutusan nang gano’n. gayong nang umalis ito sa bahay ng lola nito ay tila maayos naman sila. May nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan nang hindi niya alam?Nalukot ang mukha ng dalaga. Kagabi pa niya tinatanong ‘yon sa kanyang sarili subalit, hindi niya talaga mahanapan ng sagot ang sariling tanong.Kagabi, sinubukan niyang magluto ng isa sa mga paborito nitong ulam. Subalit mas pinili nitong kumain sa labas. Umalis ito bago mag-alas sais ng gabi at saka lang bumalik nang halos madaling-araw na. Kaninang uma
“Ano ba ‘yan, kababalik mo lang sa trabaho, dinamay-damay mo pa ‘ko sa kagagahan mo,” inis na sabi ni Amanda habang nasa lift sila ni Lara.Patungo ang dalawa sa executive floor ayon na rin sa utos ni Jace.Ikinuyom ni Lara ang kanyang mga kamay. “Humingi ako ng extension sa inyo kahapon, Ma’am. Hindi niyo ako pinagbigyan. Kahit sinong empleyado, hindi makakayang tapusin ang lahat ng pinagawa ninyo sa akin kahapon,” sagot ng dalaga, ang mga mata nasa floor counter ng lift. Umirap si Amanda, bumaling kay Lara. “Ah so ako ang may kasalanan gano’n? Sino ba ang natulog dito? ‘Di ba ikaw? Sino ba ang nag-leave nang matagal at nabuntunan ng trabaho? ‘Di ba ikaw rin? So bakit parang ako ang sinisisi mo sa incompetence mo, Ms. Maritinez? Sumusobra ka na, Lara, ha! Gusto mo, ireklamo kita sa HR for insubordination?”Lalong naghimagsik ang damdamain ng dalaga. Gusto niyang sumagot subalit alam niyang lalo lang lalala ang sitwasyon. Ni hindi pa nga niya alam kung bakit sila pinatawag ni Jace, t
"Hey buddy, sorry I'm late. I'm swamped at work," ani Carlo, pagkadating na pagkadating ng binata sa bar na paborito nilang puntahan ni Kiel. Umupo ang lalaki sa isa sa mga stool na nakapalibot sa bar counter, sa mismong tabi ng kaibigan. Tumungga muna ng alak si Kiel bago sumagot. "It's okay. I understand. Beer?" "Scotch on the rocks." Tumango si Kiel, sumenyas sa bartender at sinabi ang order ni Carlo. "Tough day?" tanong ng binata sa kaibigan maya-maya. "The usual. I'm cracking the mystery case of Lara De Guzman's kidnapping many years ago. 'Di ba kliyente mo rin siya?"Tumango si Kiel. "Yes." "Their problems are piling up. Kaya pasensiya na kung hindi ko pa nauumpisahan 'yong pinapagawa mo." Nagkibit-balikat si Kiel. "It's okay. Hindi naman kita inaya dito para do'n. I just... need someone to join me for a drink," anang binata muling tumungga ng alak sa bote ng beer. Ikatlong bote na niya 'yon. "Alright, you sound like you're having it rough lately. Spill it," ani Carlo, su
Panay ang hikbi ni Michelle habang pinagmamasdan ang kasintahan na si Arlo na nakaluhod sa may baldosa ng bahay na kasalukyang tinutuluyan ng kanyang mga magulang sa London. Doon sila kinaladkad ng inang si Melanie nang matuklasan nito ang kanyang pagsisinungaling.Blood was already dripping on Arlo’s nose, putok na rin ang labi nito dahil sa paulit-ulit na pagsuntok ng mga bodyguard ng magulang nang matagpuan nila siya kanina sa inuupahan niyang unit sa labas ng siyudad.Out of all the times that they’d discover her secret, bakit ngayon pa? The two weeks has been going smoothly, everybody bought the lie she had told everyone. Naibilin din niya nang maayos sa kanyang sekretarya na ayusin ang trabaho nito at na pangalagaan ang kanyang sikreto. Maayos naman ang lahat. She only needs to endure another week para matapos ang kanyang pagpapanggap, para masulit nila ang bakasyon nila ni Arlo. Subalit…Kung paano nalaman ng mga magulang ang kanyang pagsisinungaling, hindi pa rin halos mais
CHAPTER 23“Salamat sa paghatid sa akin, Kiel. Pwede ka nang umalis,” ani Erin nang tuluyang maihinto ni Kiel ang kanyang sasakyan sa parking space na naka-allot sa kanya sa condo tower.“No, ihahatid kita hanggang sa pinto ng unit mo,” pagpupumilit ng binata, binuksan na ang pinto ng driver’s seat, umikot sa bahagi ni Erin bago pinagbuksan ang dalaga ng pinto.Napabuntong-hininga ang dalaga. How can he resist him if he keeps doing things that way? Parusa ba ‘yon ng langit sa kanya? To continue tempting her until she gives in again?But she cannot give in, she must not!Akmang hahawak ni Kiel at tutulungan sana si Erin sa paglabas ng sasakyan subalit tumanggi na ang dalaga. “H’wag na, Kiel. Kaya ko,” ani Erin, nang makababa ng sasakyan. Walang paalam na naglakad papasok sa building si Paige. Tahimik namang sumunod si Kiel hanggang sa loobng lift.“Look, Kiel. I really appreciate what you did for me today. But this has to stop. You know this has to stop. So please, umuwi ka na lang.
Sa bench sa labas ng mall nagtungo ang dalawa. Unang inaya ni Kiel si Erin sa isang coffee shop. Subalit may naamoy na kakaiba si Erin sa loob niyon kaya mabilis na humindi nag dalaga. Si Erin na ang nag-suggest na sa labas na lang sila ng mall mag-usap. Mayroong bakanteng bench sa di-kalayuan kaya doon nila napiling umupo at mag-usap.“I’m sorry,” umpisa ni Kiel. “I was a bloody jerk when we talked. I shouldn’t have said those things to you.”Erin scoffed. “What you did was inexcusable, Kiel. Nakipagkita ako sa ‘yo dahil sa trabahong tinanggap ko mula sa fiancée mo. Your personal questions were out of the line.”“I know, that’s why I want to apologize. Alam kong mali ako, Erin,” anang binata nagbuga ng hininga.The past two days had been tough for him. He was struggling to divide his time with work and with the things Michelle left him in-charge of. Idagdag pa na lagi niyang naiisip na puntahan na lamang si Erin sa condo nito upang personal na humingi ng paumanhin. Dahil ayaw pansin
Latag na nag dilim subalit hindi pa rin malaman ni Erin kung ano ba ang gusto niyang kainin para sa dinner. Kaninang lunch pa siya nagke-crave ng mga kakanin, hindi lang niya alam kung saan siya kukuha. Mula nang lumabas siya ng ospital four days ago, bumalik na ang kanyang appetite. Hindi na rin siya gaanong nahihilo. The supplements she had been taking were of a great help. Kung hindi nga lang ba siya pinilit ni Lily na ituloy-tuloy na lang ang kanyang leave hanggang sa susunod na linggo upang makapahinga siya nang husto, baka pumasok na siya sa opisina.But after that meeting with Kiel, hindi na siya ulit pumasok pa sa opisina. She needs rest. Her body craves for it, she can feel it. Or maybe her growing baby is demanding it. But whatever the real reason is, determinado si Paige na gawin ang lahat ng kanyang magagawa upang protektahan ang kanyang ipinagbubuntis. Kaya naman mas marami nang naka-delagate na trabaho kay Lily ngayon. Mabuti na lang at talagang masipag at maaasahan sa t
“He is arrogant and a despicable liar! We will never do any business with that hateful man ever again!” gigil na pahayag ni Erin habang kumakain siya kasama sina Lily, Paul at Chantal. Wala si Suzanne dahil may inayos ito sa isa sa kanilang mga on-going projects.They were having lunch inside the pantry. Matapos manggaling sa EB Builders, nagpasyang bumalik sa opisina si Erin. She didn’t want to at first. Subalit dahil sa resulta ng pag-uusap nila ni Kiel, alam ng dalaga na kapag umuwi siya, mag-isa lang siyang magngingitngit sa condo niya. Bagay na ayaw niyang mangyari, she knew herself too well. The last time she threw a fit over a project, nabato niya ng vase ang 95-inch TV niya dahil sa sobrang inis. She doesn’t want that to happen again. Mabuti nang nasa opisina siya habang nanggigil. At least doon, may kasama siya, may nagtitiyagang makinig sa kanya.“Ma’am gusto po ninyo, kausapin ulit namin ni Chantal si Engr. Benavidez? Baka po magbago pa ang isip ni Sir,” suhestyon ni Paul,
Tahimik subalit puno ang kaba ang dibdib ni Erin habang naghihintay sila ni Lily sa labas ng opisina ni Kiel. Ang sabi ng sekretarya nito na nagpakalilang si Sara, may kausap daw na kliyente si Kiel na nauna kaysa sa kanila. Sara told them to just come back after an hour or so. Subalit nagpasyang maghintay si Erin. She might not have the courage to face Kiel again if she leaves."Ma'am gusto po ninyo ng bottled water? Pwede ko po kayong kunan sa--" "H'wag na, Lily," mabilis na tanggi ng dalaga sa alok ng sekretarya. "I'm okay." "Sure po kayo?" "Yes, I'm sure," pormal na sagot ni Erin, ang mga mata, nakatitig sa pinto ng opisina ni Kiel. She was training her mind not to be swayed by her emotions when she finally face Kiel. She was composing her thoughts too, determined to just say the words she needs to say and nothing else. Ayaw niyang awayin si Kiel kahit na alam ng dalaga na ito ang dahilan kung bakit siya naroon sa sitwasyon na 'yon. Kung sabagay, mabuti na rin na siya na ulit
“M-Ma’am Erin, b-bakit nandito ka na?” gulat na bungad ni Lily kay Erin pagpasok na pagpasok pa lamang niya sa kanyang opisa sa AdSpark Media. “H-Hindi po ba dapat nagpapahinga ka pa? Ang sabi ng doktor—““May importante akong gagawin, Lily. The DF Appliances proposals, get them for me,” putol ni Erin sa sekretarya bago nagtuloy-tuloy sa kanyang swivel, umupo at binuksan ang laptop.Si Lily naman ay nanatiling nakatanga sa boss. Matapos nitong ma-discharge kahapon sa ospital, hindi inaasahanng sekretarya na papasok agad si Paige nang araw na 'yon, lalo pa at ganoon kaaaga. Mahigpit ang bilin ng doktor na kailangan nito ng pahinga para sa ikabubuti ng dinadala nito. Kaya lang…“Lily, what are you looking at? I said give me the proposals for DF Appliance,” pag-uulit ni Erin.“S-sure kayo, Ma’am? Ang sabi ng doktor kahapon bawal kayong magpagod at saka—““Alam ko kung anong ibinilin ng doktor, Lily. I was there with you. Narinig ko ang lahat. But like I told you, may importante akong ga
“What are you doing here, Kiel?” pag-uulit ni Erin nang hindi sumagot agad si Kiel. This time, pinakalma ng dalaga ang nagwawalang puso at pinatatag din ang tinig.Umigting naman ang panga ni Kiel. hindi nagawang makasagot agad dahil paulit-ulit na ipinasada ng binata ang kanyang mga mat sa kabuuan ng dalaga. She looked relaxed and well-rested. Habang siya, halos mabaliw na sa kakaisip ng paraan kung paano muling makikita at makakausap ang dalaga.The past few days had been pure hell. Kahit na anong gawin niya, ni ayaw siyang kausapin ni Erin. He even tried visiting her in her office subalit ang laging sagtot ng sekretarya nito ay may sakit ito at naka-sick leave. He asked for her number and they gave him the same number he had been calling and messaging for the past few days subalit wala siyang nakukuhang sagot dito. It’s clear that his number had been blocked. All the damn new numbers he tried to use were all blocked from Erin’s phone.Malinaw sa kanya ang naging usapan nila. But…