Share

Chapter 219

Inilingan ni Cayer si Shianna upang ipabatid dito na wala rin siyang ideya na imbitado si Vincent. Ang tanging ideya na naiisip niya ay last minute ang pag-invite sa lalaki.

"Daddy is here," ang bulong ni Ashy kay Vincent. "M-Mommy, na-miss ko si Daddy."

Pilit na ngumiti si Shianna habang naglalakad sila ng kan'yang mga anak. Isang limousine ang naghihintay sa kanila na sinakyan ni Shianna, ang kan'yang mga anak, ni Cayer at huli ay si Vincent. Halos magwala ang puso ni Shianna nang umupo sa kan'yang harapan ang lalaki. Nag-iwas ng tingin si Shianna habang si Ashy ay yumakap sa kan'yang ama. Napatingin si Nash kay Vincent bago siya nag-iwas ng tingin. Naaalala niya ang sinabi sa kan'ya noon ng nanny ni Art.

Na hindi siya totoong anak ni Shianna.

Samantala, si Vincent ay seryosong napatitig kay Shianna. Umigting ang kan'yang panga bago binalingan si Ashy na kan'yang nginitian. Awkward ang atmospera sa buong biyahe. Tanging si Ashy lamang ang hindi nakakaramdam nito.

"Ashy," pagtawag ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status