"What is happening here?" Nabigla ako nang may marahang humawak sa mga balikat ko at hinatak ako palayo. Napasandal ako sa katawan ni Cayer na siyang humatak sa akin palayo. Awkward akong ngumiti habang siya ay matalim na tiningnan si Hudson. Napatingin din ako sa huli at awkward akong ngumiti nang makitang mukhang magsasakitan na ang dalawa.
Awkward akong tumawa. Problema ng dalawang ito? May nangyari ba sa kanila na hindi ko nalalaman?
Parang hinugot sa kailaliman ng lupa ang mga galit nila.
"Ehem," tikhim ko. "Tama na 'yan."
Sabay na napatingin sa akin ang dalawang lalaki na may madilim pa ring mukha. Awtomatikong napataas ako ng dalawang mga kamay at napaatras ako. "S-Sige, mag-away kayong dalawa. Pero roon sa labas, magigising ang mga bata."
Sabay na bumuntong-hininga ang dalawa. Kumalma na rin si Cayer at nilabas ang pile ng letters na inabot niya sa akin.
1 day later..."Magkaklase tayo. Yehey!""Saang section kayo?""Kasama ko sila Rexia!""Gusto ko nang ma-meet sila teacher!"Nakangiting tinanaw ni Solei ang mga bata na excited na naglalakad sa malaking quadrangle ng Kalinga School. Bakas ang tuwa sa mga mukha nila ngayong opisyal na silang papasok sa klase."Shianna..." Her smile faded. "How I wish na makita mo ngayon ang saya sa mga batang ito."Inipit niya sa likod ng kan'yang tainga ang kan'yang takas na buhok. Payapa lamang siyang nakamasid sa mga bata habang suot ang isang light pink laced skirt na pinarisasan ng white top at nude sandals. Hawak niya sa kan'yang kanang kamay ang isang white handbag.'I hope no one will hurt them,' sa isip-isip niya. Aminadong mahina siya, ngunit ngayong natauhan na siya ay pipilitin niyang magbago.
"Shianna?" Nanlaki ang mga mata ni Solei. At awtomatiko siyang napangiti nang mapagtanto na ang kaibigan nga ang kan'yang nakikita. "Ikaw nga!"Solei looked at the kid. And as if on cue ay tumunog ang bell ng Kalinga School. Lumayo sa kan'ya ang bata na inayos ang pagkakasukbit sa dalang bag."Sana magkita po tayo mamaya." Ngumiti ito at nilingon si Shianna. "Pasok na po ako sa klase, Mama.""Galingan mo!" Itinaas ni Solei ang kan'yang kamao na tinugunan naman ng bata ng isang tipid na ngiti at tango. Nang maglakad palayo ang bata ay saka hinarap ni Solei si Shianna."Shianna!" Malawak siyang ngumiti at patakbo itong niyakap. Niyakap din siya pabalik ni Shianna na nakita niyang banayad na nakangiti. "Na-miss kita! Pero bakit nandito ka pa rin sa Pilipinas? Hindi ba ay umalis ka na noong nakaraang gabi?""Hindi natuloy." Sumimangot si Shianna at naglayo sila ni Solei. "Anyway, nab
You've prepared this, haven't you, Ivana?"In exchange of covering up the truth about me, tutulungan kitang makabalik sa Kalinga.""Hmmm..." Ipinatong ko ang aking siko sa table at nangalumbaba sa aking nakataas na palad. Sinandal ko ang aking pisngi rito at mas tinitigan si Ivana. Halatang nailang siya sa ginawa ko kaya binuksan niya ang bagong file na nilabas."I-Ito—" Hinarap niya sa akin ang isang dokumento at nalaman kong bagong kopya ito ng member list. Kumunot ang noo ko at binasa ito habang hawak ni Ivana ito gamit ang kan'yang dalawang kamay. Dahil sa ginawa niya ay nagmukha siyang alalay ko."Shianna Viacera, Hudson Sevilla," pagbasa ko sa dulo ng members sa parents section. Ginalaw ko ang aking mga daliri na nakadikit sa aking pisngi. "So what does it mean, Ivana?""I will remove Lorah and Judas' participation. At ang bagong dokumento na ito ang i-re-release ko.
"I just know." Nagkibit-balikat ako.Of course I know, Ivana. Paano ko hindi malalaman—e halos lahat ng kamag-anak ko ay gustong agawin sa akin ang kompanya. Mula sa akin na lehitimong tagapagmana."It's easy, Ivana. I am offering alliance." Humakbang ako paatras at humalukipkip. "I help you destroy Vincent while you also help me destroy my enemies.""At paano kung ayaw ko?""Well, kaya ko namang pabagsakin si Vincent nang mag-isa. Pero a little help will do, right? That's why I am offering it to you.""And?" Napuno ng interes ang kan'yang mukha."And once you betray me" —halos mapangisi ako— "ay saka ko ilalantad sa buong mundo ang bawal mong pagmamahal.""Shianna..." Nagsalubong ang kan'yang mga kilay. "You're really manipulative.""Hindi naman," painosente ko. "I am just offering alliance here."
Dahil sa kanila, Vincent's confession had weakened. Sinasabi ng publiko na walang ebidensya para sabihing nagsinungaling ako about sa amin ni Vincent. At kung totoo ngang peke ang scandal namin dati, ay paniguradong wala rin akong dahilan upang halikan si Vincent.I smirked and fixed my red formal attire. At ngayon ay iniisip ng lahat na si Vincent ang nagsinungaling dahil paniguradong may galit ito sa akin. Of course, alam ng lahat na magkalaban ang Viacera at Aurelius. Isang matagal nang hidwaan na hindi ko alam kung saan talaga nagsimula."Miss Shianna! Is it true po na hindi ka na parte ng Viacera?""What is your opinion about this issue, Miss Shianna? Lalo sa petition ng mga bata?""Ano ang nararamdaman mo ngayon, Shianna?""Miss Shianna! Hindi ka na raw po parte ng Viacera? Then ano pong apilyido ang gamit n'yo?"Pinag-iisipan ko pa. I
Humalukipkip ako at pormal na hinarap sila Papa na huminto ilang dipa ang layo mula sa akin. Sapat na ang distansya namin upang magkausap kaming dalawa. Sa likuran nila Papa at Lolo ay ang aking mga kamag-anak. Sa likuran naman nila ay bodyguards na hindi ko na bibilangin dahil sa dami."Shianna!" Dumilim ang mukha ni Papa. "I heard na babalik ka sa Kalinga.""Hindi pa ako sigurado dahil ayaw akong kausapin ng heads." Binaba ko ang aking nakahalukipkip na mga braso. "Bakit kayo nandito?""We will stay in the Kalinga House from now on." Lahat ay nagulat sa inanunsyo niya. Pati ako ay nabigla ngunit nagawa kong itago ang aking totoong emosyon."Papa..." Dumilim ang aking mukha. "Are you planning to hurt..." Napakagat-labi ako at napailing.They're so unexpected. Dumating sila rito upang kausapin lang ako.Puwede naman silang mag-set ng appointment. 
ONE WEEK LATER..."Daddy" —mabagal akong umupo sa harapan ng puntod ng aking ama— "kumusta na po kayo? M-Miss mo na po ba ako?"Humigpit ang kapit ko sa paboritong bulaklak ng ama ko—ang tulips. Malungkot akong ngumiti bago ko inilapag ang mga bulaklak sa tapat ng puntod niya.Malakas na umihip ang pang-hapong hangin habang ako ay malungkot na nakatitig sa puntod ni Daddy. Huminga ako nang malalim at hinawakan ang lupa kung nasaan nakalibing ang katawan niya."I-It's been a week since the day they decided to stay in Kalinga." Tumanaw ako sa papalubog na araw. "Sabi ni Papa ay kukumbinsihin niya ako na bumalik sa angkan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakaroon ng maayos na usapan dahil lagi ko siyang iniiwasan." Malakas akong napabuntong-hininga at nagbaba ng tingin. Gamit ang aking malalantik na mga daliri ay hinaplos ko ang puntod ni Daddy.
Umakyat ako sa hagdanan ngunit nang nasa kalagitnaan na ako nito ay natigilan ako nang marinig ang pagtawag sa akin ng mga bata. Gulat ko silang tiningnan lalo na nang maproseso ko ang kanilang sinabi.They smiled. "Gusto ka pong makasabay kumain ni Papa at Lolo, Mommy Shianna. Ang bait din po ng angkan n'yo!""Mabait?" Halos mapasinghal ako. Ramdam ko rin na saglit na kumabog ang puso ko. Nabibiglang pinagmasdan ko ang mga bata na halatang hindi na natatakot sa Viacera."Mommy Shianna, pagbigyan mo na po si Papa. Miss ka na po niya."I gritted my teeth. Madilim kong nilingon si Papa na halatang proud sa kan'yang nagawa.Mabait?! Ha! Wow, first time kong makarinig ng ganitong salita na para sa angkan ko.Hindi sila mabait! Nakalimutan na ba ng mga bata ang ginawa sa kanila ng angkan ko? The Viacera almost killed them!Mabigat ang mga paa