"Hindi naman sila mukhang excited, hindi ba?" Nakangiting humarap si Lorah sa kan'yang secretary at sabay silang mas napangiti. Nilahad ni Lorah ang kan'yang palad na inabot naman ni Adam."Then we should go." Mahigpit na hinawakan ni Lorah ang kamay ng lalaki at nagsimula silang maglakad palabas sa kan'yang kuwarto. Sa mismong itaas na floor nila ay ang siyang unit ni Shianna. Binili ni Lorah ang unit na kinaroroonan nila ngayon upang mag-spy lang. She was staying silent dahil ito ang nararapat niyang gawin.At ngayon, ang oras na pinakamatagal na niyang pinakahihintay ay dumating na.From now on, her plans would be executed.Adam and her left the unit. Dumiretso sila sa elevator at pinindot ng lalaki ang first floor. Pinagmasdan ni Lorah ang kan'yang magandang mukha. Bagama't nakakaaya ang kan'yang anyo ay natatangay naman ito palayo ng kan'yang mariin kung manitig na mga mata.Her presence and her very whole was screaming danger. Yes, she's... the danger herself.Hindi kalaunan ay
Kasama ang ilang men in black ay dumiretso si Lorah at Adam sa lugar na makikita nila ang lalaking pabalik na ngayon. At nang makarating sila sa kanilang patutunguhan ay bumungad sa kanila ang Viacera clan na nakatanaw sa private plane na kakalapag pa lamang. Naglakad papalapit si Lorah sa kan'yang mga kamag-anak na saglit lamang siyang nilingon. Nakita niya pa si Dion at Livi na kasama si Shoui. Prente silang naglalakad ngunit seryosong nakatanaw sa private plan na unti-unting lumalapit. Tulad ni Lorah at Adam ay kararating lang din ng tatlo.Lorah felt so proud. Ang angkan niya—ay inaabangan ang pagbabalik ni Judas. Ramdam na ramdam niya kung gaano kaimportante ang kan'yang kuya na lubos niyang hinahangaan. Even her Papa and Lolo were here.Natigil lamang ang kan'yang kasiyahang nararamdaman nang tumabi sa kan'ya si Livi. Nakahalukipkip ito at taas kilay siyang tiningnan."Ah... Look at here. The proud younger sister of Judas Viacera is waiting so patiently sa kan'yang kuya. Should
"Judas," pagtawag ni Papa at nilapitan ang apo sa tuhod. "You've changed a lot, you look like a fine man.""Thank you, Lolo." Nag-flash ng isang pekeng ngiti si Judas. At sa isip-isip nito ay nagpaplano na kung paano mamanipulahin ang matalino niyang Papa."Nasaan si Nyx?" Nawala sa pag-iisip ng plano si Judas nang marinig ang tinanong ng kan'yang Papa. Lumapit din ang Lolo ni Judas kay Papa at as if on cue ay lumabas mula sa private plane ang isang magandang babae. Magaan ang aura nito at maamo ang maputing mukha. Itim na itim ang straight at makapal nitong buhok na sumabay sa paggalaw ng babae nang humakbang ito pababa. Nakasuot ito ng fit na leather pants na pinarisan ng isang fit na leather jacket. Mataas ang takong ng suot nitong black boots."She's also come back," usal ng ibang miyembro ng Viacera na nakamasid sa babaeng tahimik na naglakad papalapit sa anak ni Papa. Nang huminto ang magandang babae sa harapan ng matandang lalaki ay tipid itong yumuko."I am back, Mr. Samuel Vi
"Is everyone ready?" tanong ni Cayer pagkalabas na pagkalabas niya mismo mula sa kan'yang mamahaling kotse. Matikas siyang naglakad at pinamulsa ang isang kamay habang nakatitig sa babaeng matamis na nakangiti. Huminto siya sa harapan nito nang isang metro na lamang ang pagitan nila sa isa't isa."Of course, Cayer." Pinagdaop ni Jessica ang kan'yang mga palad at siya na ang tumawid sa distansyang natitira sa pagitan nila. Nilapit ni Jessica ang kan'yang mukha sa mukha ni Cayer at mabagal na hinawakan ang salamin na suot ng lalaki. Hinaplos niya ito at akmang aalisin ang salamin nang hinuli ng lalaki ang kan'yang kamay."Ano'ng ginagawa mo?" Binaba ni Cayer ang kamay ni Jessica at seryosong pinagmasdan ang babae. "We have no time to stay idly, Jessica—""I know." Tinalikuran siya ng babae at naglakad palayo. Sinundan ni Cayer si Jessica at sabay silang pumasok sa malaking gusali."The helicopters are ready. Ang kailangan na lang nating gawin ay umalis at magtungo sa lugar ng camp."Dum
Bored lang siyang nilingon ni Matteo, ang head ng third branch of Decoys. Dahil malaki ang Decoys ay may apat itong branch na pinamumunuan ng mga itinilagang tao. Si Cayer naman ang second in command ni Shianna, sa madaling salita, si Cayer ang mas mataas sa apat na branch leaders. May kapangyarihan ang lalaki na pasunurin sila.At ang Decoys... hindi sila mabilang. At bilang lamang ang mga taong may nakakaalam na may ganitong kalaking pinamumunuan si Shianna.Shianna was hiding behind the shadows all along.Tahimik lamang si Matteo at Jessica hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator. Pagkabukas na pagkabukas ng lift ay sumalubong sa kanila ang grupo-grupo ng mga decoy. At tulad ng dati, nakasuot pa rin sila ng purong itim habang ang kanilang mukha ay natatakpan. Tanging ang kanilang malamig na mga mata lamang ang nakalabas. Sapat na ito upang magbigay takot sa kung sinuman ang makakakita sa kanila."Ha..." Hindi napigilan ni Jessica na hawakan ang magkabilang braso dahil sa kan'yang
"Tama ka," tugon ni Jessica at tipid na tumango. Nagpasiya siyang itikom na lamang ang bibig sa buong biyahe. Kahit pilit niyang alisin ang kaba sa kan'ya ay hindi niya magawa. Bagama't kakampi niya si Cayer ay hindi pa rin siya basta-basta dapat na lumalapit dito.Jessica sighed. Matapos nang mahigit trenta minuto ay natanaw na niya ang madilim na kagubatan na paniguradong lugar ng camp ngayon.Who would have thought, magtatapos ang camp na ito sa isang hindi inaasahang dahilan.After a while, the helicopter finally landed. Pero noong kanina—habang pababa ito ay may nakita si Jessica na isang pamilyar na mukha. Kumunot ang kan'yang noo at nilingon si Cayer na napansin din ang babaeng hindi dapat naririto."Midel is here," ani ni Jessica at nakita niya lamang na umigting ang panga ng lalaki. Sabay silang lumabas mula sa sasakyan at walang pag-aaksayang nilapitan ang may edad na babaeng may matinding pag-aalala sa mukha."A-Ang mga bata" —nanginginig na pinagdaop nito ang nanlalamig na
"M-Mommy, a-ano po i-iyon?" Natatakot na lumapit sa akin si Ashy at mahigpit na hinawakan ang aking kamay. Pati ang mga bata ay natatakot na dumikit sa akin habang nakatingin sa direksyon kung saan nangyari ang pagsabog. "Calm down, kids." Tumingala ako sa kalangitan na unti-unti nang nababalutan ng usok dulot ng pagsabog. "Kuhain na ninyo ang mga importante n'yong mga gamit. Aalis na tayo ngayon." "O-Okay po, Mommy." Kahit natatakot ay nagsikilusan na ang mga bata upang kuhain ang kanilang mga gamit. Samantala, ako naman ay hinawakan ang aking suot na jacket at mas hinapit ito sa aking katawan. Alerto kong pinakiramdaman ang paligid habang sinisigurong maayos ang mga bata. At kahit wala sila sa harapan ko ay nakikita ko pa rin sila gamit ang dulo ng aking paningin. Mabagal akong huminga nang malalim at hinarap ang direksyon ng pagsabog. Kinuyom ko ang aking mga kamao at bahagyang naningkit ang aking mga mata. Inaatake ba kami ng mga sindikato? Nalaman ba nila ang camping na 'to?
Mapait akong ngumiti at sinulyapan ang mga bata. Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago nagsalita."Stay back and close your eyes, kids.""Y-Yes po, Mommy." Narinig ko ang mahinang paghikbi ni Ashy ngunit pinili ko na lamang siyang hindi sulyapan. Tiniis ko ang aking kumikirot na puso at piniling humakbang papalapit sa mga lalaki. Alerto rin silang lumapit sa akin at pinalibutan ako."Kung may natitira pa kayong kaluluwa" —nagbaba ako ng tingin— "huwag n'yong sasaktan ang mga bata.""Huwag kang mag-alala, Ms. Shianna," wika ng lalaki na hinanda ang sarili. "Nirerespeto ka pa rin namin bilang isang miyembro ng Viacera."Tipid lamang akong tumango at tumahimik."Ha..." Mayamaya ay bumuntong-hininga ako. "Bakit ba lagi akong napapaligiran ng gulo?""Kaya mas mabuti na lamang po kung sasama ka sa amin—shit!" Mabilis na umilag ang lalaki nang mapagtantong nasa harapan na niya ako. Ngunit huli na ang lahat dahil malakas ko na siyang nasipa sa mukha. May mga sunod na umatake sa akin ng