Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of View
“Hindi mo ako pag-aari,” mariin kong wika.
Natawa naman siya nang pagak sa aking sinabi, at mas lalong inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Kaya nagawa kong higitin ang aking hininga, dahil sa pagkabigla.
Hindi ko kasi talaga inaasahan ang paglapit ng kaniyang mukha sa akin. Akala ko ay lalayo na siya, o pagbubuhatan ako ng kamay, pero hindi. Ginamit niya ang kaniyang mga mata, at presensya para lang makaramdam ako nang panghihina.
Kahit gaano pa yata ako katapang, nawawala ‘yon pagdating sa kaniya. Hindi ko tuloy maiwasang mainis sa sarili ko. Bakit kasi ang lakas ng epekto niya sa akin?
“You’re mine, Elsie,” he muttered dangerously.
Umigting ang aking panga, at inis na inilapat ang aking mga kamay sa kaniyang dibdib, at sinubukan siyang itulak palayo sa akin. Kaya lang ay hindi naman siya natinag sa kaniyang kinatatayuan.
Buong lakas ko na nga siyang itinulak, pero wala pa rin. Parang hindi man lang niya naramdaman ang aking pagtulak sa kaniya.
“Tumigil ka!” singhal ko sa kaniya. “Hindi ako pag-aari nang kung sino!”
Paulit-ulit ko bang sasabihin sa kaniya ‘yon? Sa totoo lang ay nagsisimula na akong magalit sa kaniya, pero hindi ko maintindihan kung bakit niya nagagawang tanggalin ‘yon nang wala man lang ginagawa.
Simpleng pagtitig, at paglapit lang ng kaniyang mukha sa akin, nawawala na ‘yon. Gosh! Pakiramdam ko tuloy ay hindi lang basta simpleng epekto ang nararamdaman ko sa kaniya. Parang kaiiba na.
Unti-unting nabura ang ngisi sa kaniyang labi. Umigting ang kaniyang panga, at ipinilig ang ulo nito sa kanan, habang mariing nakatitig sa akin.
“Don’t make me repeat myself, Elsie.”
Bago pa ako makapagsalita, kaagad niyang ipinulupot ang kaniyang bisig sa aking bewang. Hinapit niya ako palapit sa kaniya na naging dahilan upang ako ay matigilan, at matulala sa kaniyang mga mata.
“Kung ano ang sinabi ko, ‘yon ang masusunod,” aniya na para bang hinihipnotismo ako.
Inabot niya ang aking pisngi, at hinaplos, ngunit maya-maya pa ay inilapat na niya ang kaniyang hinlalaki sa aking labi. Marahan niya ‘yong hinaplos, at habang ginagawa niya ‘yon ay nakararamdam ako nang init sa katawan.
Isang pamilyar na pakiramdam ‘yon, at kung hindi ako nagkamamali, ‘yon ang naramdaman ko nang unang beses nagtama ang aming mga mata. ‘Yong unang gabi na nagtagpo ang landas namin, at napunta sa ibang bagay.
Napalunok ako. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga hita, dahil sa kaniyang paghaplos sa aking labi. Alam ko naman na aware siya roon, pero bakit hindi pa rin siya tumitigil?
Pinutol niya ang aming pagtititigan, at piniling sulyapan ang aking labi. Pansin ko ang pagdilim ng kaniyang mga mata nang sumulyap siya roon, at parang may kaunting kislap.
“Can I kiss your lips?” he asked. “I just wanted to taste what’s mine.”
“I’m not yours,” bulong ko nang matauhan.
Natawa naman siya sa aking naging sagot, at dahan-dahang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Nakapikit na rin ang kaniyang mga mata, habang ako naman ay dilat na dilat pa rin.
Balak ko sanang umilag, pero parang hindi nakikinig ang aking katawan. Parang hindi ko ‘to makontrol, at parang may sarili siyang pag-iisip.
Nang lumapat ang kaniyang labi sa aking labi, tuluyan na akong nawalan ng lakas. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, at umaasang lumayo na siya—tapusin ang halik, pero nagkamali ako. Nang gumalaw ang kaniyang labi, tuluyan ng nawala sa isipan ko ang lahat ng galit, at katanungan ko sa kaniya.
Marahang gumalaw ang kaniyang labi, at parang punong-puno nang pag-iingat. Sa kagustuhan kong matapos ang lahat, hindi ko napansin na kusa akong tumugon, at hinayaan ang sarili na sumabay lamang sa agos ng tubig.
Mas lalo naman niya akong inilapit sa kaniya, at mas humigpit ang kaniyang pagkayayakap sa akin. Wala sa sarili akong napayakap sa kaniyang leeg, at hindi maiwasang mapaungol lalo na nang bigla na lamang naging marahas, at mapang-angkin ang kaniyang labi.
“Moan my name, Elsie,” he groaned.
Hindi ko napansin na gumapang na ang aking kamay sa kaniyang buhok, at marahas na hinihila ‘to. Wala nga akong narinig na reklamo sa kaniya kung tutuusin. Kahit alam kong masakit sa anit, nanatili pa rin siya sa paghalik sa akin.
Naramdaman ko naman ang pagpangko nito sa akin. Ipinulupot ko naman ang aking mga hita sa kaniyang bewang, hanggang sa matagpuan ko na lang ang aking sarili na nakaupo sa kaniyang kandungan.
I felt his bulge between my thighs. Mas lalo tuloy nag-iinit ang aking katawan. Na kahit kinakapos na ako sa hangin, patuloy pa rin ako sa paghalik sa kaniya.
“Helios,” I mumbled.
Ni hindi ko na makilala ang boses ko kung tutuusin. Hindi rin ako mapaniwala na magagawa kong humalinghing nang hindi iniisip na nasa public place kami—sa parking lot.
Ganito ba ang nararamdaman ng mga magkasintahan sa bar sa tuwing napagagawi ang aking mga mata sa kanilang puwesto?
Kung ganito nga, nagsisi ako sa panghuhusga sa kanila. Kung alam ko lang sana na makalilimutan nila ang lahat sa tuwing tinatamaan na sila nang init, sana hindi ko nagawang mailang, o mag-isip nang kung ano.
Matapos ang ilang minuto naming paghahalikan, naramdaman ko ang pagsiksik ng kaniyang mukha sa aking leeg. Kagaya ko, mabibigat din ang paghinga nito.
“I won’t take you here. You should be laying on my bed as I pleasure you using my hands and lips, Elsie.”
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewNasa kalagitnaan kami ng aming breakfast nang bigla na lang lumapit ang isa sa tauhan ni Helios na may kasamang isang lalaki na hindi ko naman kilala.Natigil ako sa pagsubo, at piniling titigan ang lalaking kasama nang isa sa tauhan ni Helios, dahil hindi ko matandaan na may kaibigan si Helios maliban kay Kirill.Hindi ako nilingon ng lalaki. Kaya mas lalong nangunot ang aking noo. Marahil ay hindi ako nito kilala, at ang gusto lang niyang sadyain ay si Helios.Hindi ko naman hinihiling na bigyan ako ng atensyon ng lalaking ‘to, pero parang ang weird naman yata kung hindi ako nito pansinin.Nang tumikhim si Helios, kaagad na bumaling ang aking atensyon sa lalaking nasa harapan ko na ngayon ay madilim na ang kaniyang mga mata. Bahagya ring umiigting ang kaniyang panga, at parang hindi maganda ang mood niya.Dahil ba ‘to sa paglingon ko sa kasama ng kaniyang tauhan?Tahimik kaming kumakain sa isang mamahaling restaurant. Talagang nasa isang ro
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewNapangiwi ko nang makita ko ang dugo sa aking underwear. Kaya pala masakit ang balakang ko kahapon, at parang pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginagawa. ‘To pala ang dahilan.Wala pa man din akong dalang sanitary napkin. Hindi ko naman ine-expect kasi. Saka wala talaga sa isip ko na magkaroroon ako ngayon.Isa pa, hindi ko rin talaga tinitingnan ang kalendaryo, dahil umiinom ako ng pills. Kung baga ay malakas talaga ang loob kong hindi tumingin doon, dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko nakaliligtaan ang aking pag-inom ng pills.“Baby.”Mas lalong sumama ang timpla ng aking mukha, dahil biglang nagsalita si Helios. Wala akong dalang sanitary pads. Siya kaya ang utusan kong magpunta sa grocery?“Are you done?”“Hindi pa,” malumanay kong sagot.Hindi naman kailangan na sumigaw ako para marinig niya. Nakabukas kasi nang kaunti ang pinto ng banyo. Kaya talagang walang problema sa akin.“What are you doing?” usisa niya.Kulang na lang ay
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewInayos ko ang suot kong gown, dahil may mga oras talagang naaapakan ko ang dulo nito.Mukhang napansin nga ‘yon ni Helios, dahil tumigil siya sa paglalakad, at nagpunta sa aking likuran. Kaya pansamantala akong tumigil, at nilingon si Helios na ngayon ay yumuko para lang maabot ang aking gown.Nang iangat niya ‘yon, at umayos siya nang tayo, bahagya siyang natigilan. Tinitigan niya nang mariin ang aking hita pabalik sa gown na hawak niya, at saka umiling.“No,” he mumbled.Hindi ‘yon nakatakas sa aking pangdinig, dahil malapit lang siya sa akin.Binitawan naman niya ang gown ko, at piniling buhatin na lang ako na para bang bagong kasal.Kaya napaawang ang aking labi, at wala sa sariling ipinulupot na lang ang aking mga bisig sa kaniyang leeg.Marami mang katanungan sa aking isipan, saglit ‘yong nawala. Ngunit bumalik rin naman kalaunan lalo na nang magsimula siyang maglakad.“Helios, hindi naman kailangan,” maliit na boses kong wika.Alam kon
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewNapamulat ako ng aking mga mata nang maramdaman ko ang paggalaw ni Helios sa aking likuran.Nakapulupot kasi ang kaniyang bisig sa aking bewang, at niyayakap ako mula sa likod. Ganito ang puwesto namin sa tuwing natutulog kami, at kapag magigising ako, malalaman ko na lang na nakaunan na ang aking ulo sa kaniyang braso, at nakayakap ako nang mahigpit sa kaniya.Ganoon din naman siya sa akin, eh. Kaya nga may time na nahihiya ako, dahil nakasubsob talaga ang aking mukha sa kaniyang leeg na para bang hindi talaga kami mapaghiwalay.Humikab ako, at napaunat na lamang. Wala akong ideya kung ilang oras na akong nakatulog, pero pakiramdam ko ay sapat na talaga ‘yon.“You’re awake.”Wala sa sarili akong napalingon kay Helios nang magsalita siya. Ayaw ko naman talaga sanang tumingin sa kaniya, dahil nahihiya ako, pero alangan namang hindi ko pansinin?Ang tagal na naming magkasama. Ang tagal ko na ring itinatago ang kaniya ang nararamdaman ko, habang
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of View Nang makaligo ako, isinuot ko ang damit ni Helios. As usual, kung hindi shirt na dark colors, madalas ay puro lang white long sleeves ang nandoon. Since wala naman akong underwear, o bra na suot, itim na shirt na lang. Nilabhan ko kasi ‘yon nang maligo ako. Kahit pa hindi sigurado kung matutuyo nga, ginawa ko pa rin para lang may magamit ako bukas. Paglabas ko, dumiretso ako sa bedroom. Isang kama lang naman ang nandoon, at king-sized bed pa. Kasya naman kami rito, dahil ganito rin naman ang kama na hinihigaan namin sa mansion niya, eh. Kaya lang ay iba kasi ngayon. May kasama rin kaming flight attendant. Sa pagkaaalam ko ay nasa cockpit siya ngayon. Hindi ko nga lang masiguro kung tama ba ang akala ko, dahil magmula nang umandar ang eroplano ay hindi ko pa siya nakikita. Pagkahiga ko sa kama, kaagad na sumagi sa isipan ko si Helios. Hindi ko sigurado kung hanggang ngayon ay nasa galley, o kitchen area pa rin siya, o wala na. Napaisip tu
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewNang makaupo si Helios sa aking tabi, nagtama ang aming mga mata. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita, pero ‘yong mga mata namin ay parang nag-uusap.Tumikhim naman ako, at inilihis ang aking mga mata. Nakaramdam kasi ako ng pagkailang, at nag-init din ang aking mga pisngi.Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa kaniya. Simpleng titig lang, hindi pa ako sanay, eh. Nandoon pa rin ang hiya, at nerbyos na para bang first time ko lang siya makita.Maya-maya pa ay tumayo siya, at biglang umalis. Hindi naman niya sinabi kung saan siya pupunta, pero nakaramdam ako ng kaunting ginhawa, dahil sa wakas ay makahihinga na ako nang maayos.Napailing na lamang ako, at kaagad na sinulyapan ang bintana.Habang nasa nanonood ako sa TV, biglang dumaan si Helios sa aking tabi. Sinundan ko naman siya ng tingin, at napansing nagluto pala siya ng potato fries, at burger. Nagsalin din siya ng alak sa kopita, at naglagay nang kaunting ice