LOGINJasmine Elizabeth Valiente’s Point of View
“Table six, Jasmine,” utos sa akin ni Alexa.
Kinagat ko ang aking ibabang labi, at pasimpleng nilingon saglit ang table six. Kanina pa siya nakatingin sa aking gawi, at parang binabantayan ang aking galaw.
Gusto ko siyang iwasan, pero paano kung makahalata ang mga kaibigan ko rito sa trabaho na para bang may iniiwasan?
Ibinalik ko naman ang aking mga mata kay Alexa na ngayon ay seryoso sa paglalagay ng mga order sa tray.
Nakasunod lang kanina sa akin ‘yong lalaking ‘yon kahit na sumakay ako ng jeep papunta rito sa bar para sa duty ko. Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako kung bakit sinusundan niya ako. Dahil ba gusto niya akong bantayan, o sadyang trip niya lang?
“Comfort room na muna sana ako, Alexa,” saad ko na lang para iwasan ang paghatid muli ng order ng lalaking ‘yon.
“Ihatid mo muna ang order niya,” pamimilit nito. “Kanina pa siya naghihintay.”
Kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi. Kung kanina pa siya naghihintay, hindi ba dapat ay inihatid na nila kanina ang order niya? Bakit kailangang ako?
“Bakit hindi niyo pa ibinigay—”
“Walang mag-aayos ng orders, Jasmine,” rason ni Alexa sa akin.
Bumuga ako ng hangin, at kaagad na nilingon si Gail na ngayon ay busy rin sa paghahatid ng orders ng mga customer namin.
Aaminin kong kulang nga kaming waitress ngayon. Nag-day off kasi ang dalawa. Talagang sabay pa sila. Kaya nga hirap kami ngayong gumalaw nina Alexa, eh. Kung puwede lang ay hindi na sana ako mag-break time, pero parang bibigay naman ang katawan ko kung sakali.
Bumuga ako ng hangin, at kinagat nang mariin ang aking ibabang labi. Pasimple kong nilingon ang order ng lalaking ‘yon, at napansing mamahaling alak na naman, pero may kasama ng lechon.
Pulutan?
Tahimik kong inabot ang tray, at kaagad na naglakad papunta sa kaniyang table. Habang palapit nang palapit, ramdam ko ang kabog ng aking puso na hindi matigil-tigil.
Inis kong iwinaksi ‘yon sa aking isipan, at pinakalma ang aking sarili bago ilapag ang kaniyang order.
Ipinilig ko ang aking ulo saglit sa kanan, at binigyan lang ng pansin ang lechong baboy na nasa harapan ko na unti-unti kong inilalapag sa table.
Nakatingin siya sa akin nang mariin, at mabigat. Walang pinagbago kung paano niya ako titigan. Kaya medyo nanginig ang aking mga tuhod, pero pinili kong maging matapang.
Nag-angat ako ng tingin, at sinalubong ang kaniyang mga mata. Kahit madilim sa tabi namin, may kaunting ilaw pa namang tumatama sa kaniyang mukha. Pero hindi ko naman inaasahan na parang hihigupin ako ng mga mata niya na naging dahilan para mahigit ko ang aking hininga.
Napaawang ang aking labi, at hindi maiwasang maguwapuhan sa lalaking ‘to, habang nakatitig nang mariin sa akin.
“Good evening, baby,” he greeted.
Unti-unti namang lumitaw ang ngisi sa kaniyang labi, habang ang kaniyang dila naman ay dumaan sa kaniyang ngipin, saka naman nito kinagat ang kaniyang ibabang labi.
“Bakit mo ba ako sinusundan?!” tanong ko sa kaniya nang mariin nang ako ay matauhan.
“Be my secretary.”
Umiling ako nang marahas, at umayos ng tayo. “No.”
“Why?”
“Ayaw ko nga. Kailangan may rason?”
He clicked his tongue. May kinuha siya sa kaniyang wallet, at tiningnan ‘yon saglit. Nang mag-angat siya ng tingin, inilabas naman niya ang libuhing pera sa kaniyang wallet, at kaagad na inilapag ‘yon sa mesa.
Nanglaki ang aking mga mata, at bahagya pang nagtaka nang sundan ko ‘yon ng tingin. Pero bago pa ako makapagsalita, kaagad siyang tumayo nang hindi man lang ginagalaw ang kaniyang in-order.
Aalis na ba siya?
Tinangala ko naman suga nang maramdaman kong nasa gilid ko na siya. Balak ko sanang magtanong, pero hinuli niya ang aking pulsuhan, at kaagad na naglakad.
Gulat na napasunod ako sa kaniya. Nanglalaki ang mga mata, at bahagyang nakaawang ang labi. Saan naman kasi niya ako dadalhin?
“Nasa trabaho ako!” natataranta kong paalala sa kaniya, dahil mukhang nakalimutan na niya.
Kung makahila naman kasi sa akin ay akala mo naman kagaya niya lang akong customer. Gosh!
“Ano ba?!” naiinis kong saad, at pilit hinihila ang aking pulsuhan.
Wala nga lang akong laban lalo na nang makarating kami sa parking lot. Basta na lang niya akong isinandal sa isang sasakyan, at iniharang ang kaniyang bisig sa aking magkabilaang gilid na para bang ikinukulong ako.
“Hindi ko nga kita kilala tapos basta mo na lang akong hihilahin papunta rito?” naiinis na tanong ko sa kaniya, habang nakatingala. “Hindi ko nga rin alam kung ano ang pangalan mo—”
“Helios Devereaux Monastero,” he said while staring at my eyes. “That’s my name.”
Umigting ang aking panga, habang nakatitig nang masama sa kaniya. Hindi ko maiwasang purihin kung gaano kadepina ang kaniyang panga. Kaya sa tuwing umiigting ang kaniyang panga, hindi ko maiwasang mamangha.
“Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin,” giit ko.
Kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya ipinakilala ang sarili niya. Hindi rin naman matatanggal ang paghihinala ko sa kaniya, eh. Sino ba naman kasi ang matutuwa?
“Kailan lang nang magkaroon tayo ng interaksyon. Ni hindi ko nga masabi kung interaksyon nga ba ‘yon, dahil hindi naman talaga kita nakilala,“ paliwanag ko.
Ang tanging nag-ugnay lang talaga sa amin ay nang lumapit ako sa kaniyang gawi para lang ibigay ang kaniyang order. Matapos no’n? Wala na.
Hindi niya ipinakilala ang sarili niya, at wala akong ibang impormasyon na alam kung hindi ay ang hula kong mayaman siya.
Kaya nga nagulat ako nang mag-offer siya na maging secretary niya, eh. Base pa lang naman sa knowledge na alam ko, hindi sapat ‘yon para i-hire niya ako. Kaya bakit?
“Kaya bakit ko tatanggapin ang offer mo?”
Ngumisi siya sa naging tanong ko, at yumuko nang kaunti para lang ilapit ang kaniyang mukha sa akin.
Naamoy ko naman ang pamilyar nitong pabango na naging dahilan ng aking pag-uwang muli ng aking labi.
Napasulyap naman siya roon. Kaya mas lalong dumilim ang kaniyang mga mata lalo na nang salubungin ulit niya ang aking mga mata. Nagliliyab na ‘yon, at parang nagalit ko sa hindi malamang dahilan.
“Dahil akin ka, Elsie,” mapanganib nitong usal. “Akin ka lang.”
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of View“Are you sure you’re not going to wear this?” he asked.Umiling na lamang ako bilang sagot, dahil ayaw ko naman talagang isuot ‘yong hearing protection. Since nasa isang shooting range kami ng kanilang headquarters, kampante akong gagamit ng silencer si Helios.Kanina pa niya ako pinipilit na suotin ‘yon. Kaso kanina ko pa siya tinatanggihan, kahit nang inaayos niya ‘yong baril na gagamitin niya.Tingin ko kasi ay kailangan kong masanay sa ganoong klase ng tunog. Kasi kung matatakot pa rin ako, paano ang buhay ko kung si Helios talaga ‘yong gusto kong makasama hanggang sa huli?Sabihin na nating ganoon nga ang plano ng tadhana sa amin. At kung hindi kami handa, ano na lang ang mangyayari? Palagi na lang ba akong matatakot sa putok ng baril na dapat ay hindi?“I’m fine,” sagot ko.Walang kahit anong suot na personal equipment si Helios. Tanging baril lang ang hawak niya, at bukod doon? Wala na.Tinitigan niya lamang ako nang mariin, at halatan
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewPinanood ko ang pagmamaneho nila nang matulin. Sa tuwing dumadaan sila sa harapan ko ay literal na inililipad ng hangin ang aking buhok, at damit. ‘Yong tipong humahampas talaga sa akin ang hangin na para bang nakasakay ako sa isang motor na sobrang tulin ng takbo? Ganoon ang pakiramdam.Halos hindi ko nga sila masundan sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nila, eh. Hirap na hirap ako, pero nang nakailang lap na sila, saka ko lang sila nasundan.Nagawa ko pa ngang ilabas ang aking cellphone para lang kuhanan ang sasakyang minamaneho ni Helios, eh. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isip, at talagang kinuhanan ko pa nang video si Helios.Nang tuluyan na silang tumig
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewNang makarating kami sa racetrack na sinasabi ni Helios, kaagad akong namangha. Malawak kasi ‘to, at hindi ko masiguro kung ano nga ba ang eksaktong sukat nito, dahil halos malula ako, habang inililibot ang aking mga mata.Matapos naming dumaan sa bundok, malawak na bukid naman ang bumungad sa akin na kung saan ay roon nakatayo ang racetrack na sinasabi ni Helios.‘Yong racetrack na sinasabi ni Helios, parang kagaya talaga sa mga napanonood ko. Parang umaabot yata sa billion peso ang halaga para lang ipatayo ‘to, eh.“Kanino ‘to?” tanong ko sa kaniya, dahil hindi ko talaga kayang manahimik.Nang isara naman niya ang pinto ng kaniyang sasakyan ay saka lamang ako napalingon sa kaniya.Inayos niya ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri, habang nanatiling nakatitig sa akin.“Triumphus.”“Kayo mismo ang nagpatayo nito?” pang-uusisa ko pa sa kaniya.Tumango siya bilang sagot. Maya-maya pa ay lumitaw naman si Darius sa gilid ni Helios na ma
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of View“Puwedeng sumama?” tanong ko kay Helios.Ang sabi niya ay pupunta ulit siya sa race track. Since gusto ko naman siyang mapanood na makipagkarera, wala naman sigurong masama kung sumama ako, hindi ba?Lumingon naman siya sa akin, saka isinuot ang kaniyang itim na damit. Hindi pa naman ako nagsusuot ng damit.Sa katunayan ay tanging roba lamang ang suot ko, dahil pinatutuyo ko pa ang aking buhok.“You’re not a fan of racing, baby. I don’t want to scare you.”Nag-init naman ang aking mga pisngi sa kaniyang naging tugon. Tama naman kasi siya, eh. Hindi kasi talaga ako fan ng racing. Natatakot ako lalo na kung matulin ang takbo nang isang sasakyan.Pakiramdam ko kasi ay mababangga ‘yon, o mawawalan ng preno. Kaya nga kapag may nakikita akong mga sasakyan, o motor na sobrang tulin ng takbo ay kinakabahan ako.Pero kung pagdating naman kay Helios. Tingin ko ay kaya ko naman ‘yong harapin kahit papaano. Alam ko naman sa sarili ko na kaya ni Helios na
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewPagkagising ko, ramdam ko ang sakit sa aking katawan. Ni hindi ko nga alam na tanghali na pala, dahil inabot kami nang madaling araw ni Helios.Mabuti na lamang, dahil Sabado ngayon. Wala akong klase, at hindi ako matataranta na lumiban ako sa klase.Naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap ni Helios. Nasa likod ko lamang siya, at nakasiksik ang kaniyang mukha sa aking batok. Kaya nararamdaman ko ang kaniyang mainit na hininga.“Maaga pa,” ungot niya. “We still need to sleep.”Natawa naman ako nang mahina, at hinaplos ang kaniyang bisig na nasa aking bewang.“Tanghali na,” paos kong wika. “Kailangan nating kumain.”“Are you hungry?”Umiling ako bilang sagot, dahil hindi ko naman talaga ramdam ang gutom. Matapos kasi namin ‘yon gawin, gumawa siya ng sandwich. Early breakfast ang nangyari, pero ayos lang naman.Kailangan din naman kas
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewNaalipungatan naman ako nang maramdaman ko ang paghaplos ng kung sino sa aking mga mata. Bahagya pa nga akong napakurap, dahil nagulat ang aking mga mata sa dilim.Kahit pa nakabukas naman ang lampshade sa tabi ng aming kama, nahihirapan akong imulat ang aking mga mata.Kahit pa hindi ko alamin kung sino ‘yong nasa harapan ko, alam ko kung sino ‘yon.Napansin yata niyang nagising ako. Kaya pinili na lamang nitong ipatong ang kaniyang kamay sa aking pisngi. Gamit ng kaniyang hinlalaki, hinaplos niya ang aking pisngi.“You cried,” he said huskily.Hindi naman ako makapagsalita lalo na nang dumaan ang kaniyang mamahaling pabango sa aking ilong. Lahat ng lungkot, at sakit na naramdaman ko kanina nang sabihin niya kaninang may pupuntahan siya, bigla na lang nawala.Siguro ay dahil nawala na ‘yong galit niya, at bigat ng kaniyang presensya. Bigla tuloy lumabo ang aking mga mata, pero pinili kong tatagan ang aking sarili. Hindi dapat ako umiyak lalo







