Share

Kabanata 6

Author: Kreine
last update Last Updated: 2025-08-14 13:54:17
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of View

Pinaglaruan ko ang aking mga daliri sa aking kandungan. Tahimik akong nakaupo sa passenger seat, at hindi magawang iangat ang aking ulo.

Busy siya sa pagmamaneho, at wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin. Wala rin ako sa sarili ko magmula pa kanina. Ni hindi ko nga alam kung ano ang aking gagawin matapos naming maghalikan ni Helios kanina, eh.

Kung hindi pa niya ako pinaupo rito sa passenger seat, baka kanina pa ako tulala, habang nasa kandungan niya.

Ramdam ko pa rin naman ang tensyon sa pagitan namin. Hindi naman mawawala kaagad ‘yon, pero para sa akin na unti-unting nalilinawan, hindi ko mapigilang makaramdam ng hiya.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya.

“Penthouse.”

Kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi. Kasi bakit kami pupunta roon kung may trabaho ako?

“May trabaho ako. Hindi pa ako puwedeng umalis. Ibalik mo muna ako roon sa bar.”

Marami pa akong kailangan gawin. Kailangan ko pa ng pera para sa pag-aaral ko. Hindi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
uyyyy ang harot eeyyy
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire’s Dangerous Desire   Kabanata 136

    Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of View“Are you sure you’re not going to wear this?” he asked.Umiling na lamang ako bilang sagot, dahil ayaw ko naman talagang isuot ‘yong hearing protection. Since nasa isang shooting range kami ng kanilang headquarters, kampante akong gagamit ng silencer si Helios.Kanina pa niya ako pinipilit na suotin ‘yon. Kaso kanina ko pa siya tinatanggihan, kahit nang inaayos niya ‘yong baril na gagamitin niya.Tingin ko kasi ay kailangan kong masanay sa ganoong klase ng tunog. Kasi kung matatakot pa rin ako, paano ang buhay ko kung si Helios talaga ‘yong gusto kong makasama hanggang sa huli?Sabihin na nating ganoon nga ang plano ng tadhana sa amin. At kung hindi kami handa, ano na lang ang mangyayari? Palagi na lang ba akong matatakot sa putok ng baril na dapat ay hindi?“I’m fine,” sagot ko.Walang kahit anong suot na personal equipment si Helios. Tanging baril lang ang hawak niya, at bukod doon? Wala na.Tinitigan niya lamang ako nang mariin, at halatan

  • The Billionaire’s Dangerous Desire   Kabanata 135

    Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewPinanood ko ang pagmamaneho nila nang matulin. Sa tuwing dumadaan sila sa harapan ko ay literal na inililipad ng hangin ang aking buhok, at damit. ‘Yong tipong humahampas talaga sa akin ang hangin na para bang nakasakay ako sa isang motor na sobrang tulin ng takbo? Ganoon ang pakiramdam.Halos hindi ko nga sila masundan sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nila, eh. Hirap na hirap ako, pero nang nakailang lap na sila, saka ko lang sila nasundan.Nagawa ko pa ngang ilabas ang aking cellphone para lang kuhanan ang sasakyang minamaneho ni Helios, eh. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isip, at talagang kinuhanan ko pa nang video si Helios.Nang tuluyan na silang tumig

  • The Billionaire’s Dangerous Desire   Kabanata 134

    Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewNang makarating kami sa racetrack na sinasabi ni Helios, kaagad akong namangha. Malawak kasi ‘to, at hindi ko masiguro kung ano nga ba ang eksaktong sukat nito, dahil halos malula ako, habang inililibot ang aking mga mata.Matapos naming dumaan sa bundok, malawak na bukid naman ang bumungad sa akin na kung saan ay roon nakatayo ang racetrack na sinasabi ni Helios.‘Yong racetrack na sinasabi ni Helios, parang kagaya talaga sa mga napanonood ko. Parang umaabot yata sa billion peso ang halaga para lang ipatayo ‘to, eh.“Kanino ‘to?” tanong ko sa kaniya, dahil hindi ko talaga kayang manahimik.Nang isara naman niya ang pinto ng kaniyang sasakyan ay saka lamang ako napalingon sa kaniya.Inayos niya ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri, habang nanatiling nakatitig sa akin.“Triumphus.”“Kayo mismo ang nagpatayo nito?” pang-uusisa ko pa sa kaniya.Tumango siya bilang sagot. Maya-maya pa ay lumitaw naman si Darius sa gilid ni Helios na ma

  • The Billionaire’s Dangerous Desire   Kabanata 133

    Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of View“Puwedeng sumama?” tanong ko kay Helios.Ang sabi niya ay pupunta ulit siya sa race track. Since gusto ko naman siyang mapanood na makipagkarera, wala naman sigurong masama kung sumama ako, hindi ba?Lumingon naman siya sa akin, saka isinuot ang kaniyang itim na damit. Hindi pa naman ako nagsusuot ng damit.Sa katunayan ay tanging roba lamang ang suot ko, dahil pinatutuyo ko pa ang aking buhok.“You’re not a fan of racing, baby. I don’t want to scare you.”Nag-init naman ang aking mga pisngi sa kaniyang naging tugon. Tama naman kasi siya, eh. Hindi kasi talaga ako fan ng racing. Natatakot ako lalo na kung matulin ang takbo nang isang sasakyan.Pakiramdam ko kasi ay mababangga ‘yon, o mawawalan ng preno. Kaya nga kapag may nakikita akong mga sasakyan, o motor na sobrang tulin ng takbo ay kinakabahan ako.Pero kung pagdating naman kay Helios. Tingin ko ay kaya ko naman ‘yong harapin kahit papaano. Alam ko naman sa sarili ko na kaya ni Helios na

  • The Billionaire’s Dangerous Desire   Kabanata 132

    Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewPagkagising ko, ramdam ko ang sakit sa aking katawan. Ni hindi ko nga alam na tanghali na pala, dahil inabot kami nang madaling araw ni Helios.Mabuti na lamang, dahil Sabado ngayon. Wala akong klase, at hindi ako matataranta na lumiban ako sa klase.Naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap ni Helios. Nasa likod ko lamang siya, at nakasiksik ang kaniyang mukha sa aking batok. Kaya nararamdaman ko ang kaniyang mainit na hininga.“Maaga pa,” ungot niya. “We still need to sleep.”Natawa naman ako nang mahina, at hinaplos ang kaniyang bisig na nasa aking bewang.“Tanghali na,” paos kong wika. “Kailangan nating kumain.”“Are you hungry?”Umiling ako bilang sagot, dahil hindi ko naman talaga ramdam ang gutom. Matapos kasi namin ‘yon gawin, gumawa siya ng sandwich. Early breakfast ang nangyari, pero ayos lang naman.Kailangan din naman kas

  • The Billionaire’s Dangerous Desire   Kabanata 131

    Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewNaalipungatan naman ako nang maramdaman ko ang paghaplos ng kung sino sa aking mga mata. Bahagya pa nga akong napakurap, dahil nagulat ang aking mga mata sa dilim.Kahit pa nakabukas naman ang lampshade sa tabi ng aming kama, nahihirapan akong imulat ang aking mga mata.Kahit pa hindi ko alamin kung sino ‘yong nasa harapan ko, alam ko kung sino ‘yon.Napansin yata niyang nagising ako. Kaya pinili na lamang nitong ipatong ang kaniyang kamay sa aking pisngi. Gamit ng kaniyang hinlalaki, hinaplos niya ang aking pisngi.“You cried,” he said huskily.Hindi naman ako makapagsalita lalo na nang dumaan ang kaniyang mamahaling pabango sa aking ilong. Lahat ng lungkot, at sakit na naramdaman ko kanina nang sabihin niya kaninang may pupuntahan siya, bigla na lang nawala.Siguro ay dahil nawala na ‘yong galit niya, at bigat ng kaniyang presensya. Bigla tuloy lumabo ang aking mga mata, pero pinili kong tatagan ang aking sarili. Hindi dapat ako umiyak lalo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status