Mag-log inMARA's POV
Pagkatapos ng Q&A, halos sabay-sabay na bumagsak ang mga kamay ng mga kamera at recorder. Ang iba, masayang-masaya dahil may headline na sila. Ang iba, naiirita pa rin sa tanong ko. Ako? Hindi ko alam kung masaya ba akong nakapagtanong… o nagsisisi na ako. Pakiramdam ko, tinusok ako ng tingin ni Sebastian kahit ilang minuto lang iyon. Ang lamig. Parang pinapasok ng mga mata niya ang kaluluwa ko. Mali bang mag tanong? Trabaho ko lang naman yun ah! “Hoy, Miss Baguhan,” bulong ng katabi kong reporter habang nag-aayos siya ng gamit. “Tibay din ng sikmura mo ha? Kung ako, hindi ko tatanungin ng ganyan si Velez. Baka mawalan ka agad ng trabaho.” Napangiti lang ako ng pilit. “Trabaho ko lang naman yon.”sagot ko, feeling unaffected sa nangyari. Ngunit sa loob-loob ko, nanginginig pa rin ako. Nagawa ko syang tanungin ng ganun, kahit alam kong delikado syang tao. Para na rin akong naghukay ng sariling libingan. Habang umaalis ang mga tao sa ballroom, pinili kong manatili saglit. Gusto kong masilip pa ang kilos ni Sebastian. Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam kong may butas sa kwento niya. Hindi sapat ang sagot niya. New beginning? For a better tomorrow? Hindi iyon tipikal na linya ng isang bilyonaryong kilalang sakim. Tumayo ako at dahan-dahan kong sinundan ang grupo niya mula sa di kalayuan. Kasama niya ang apat na bodyguard, lahat sila malalaki, naka-itim na parang galing sa pelikula. Nakipagkamay siya sa ilang investors bago tuluyang lumabas ng ballroom. Sinundan ko kung saan sila papunta. At doon, muli kong nakita ang maliit na hikaw sa tenga nya. Nag-adjust siya ng kwelyo niya at saglit kong nasilayan ang isang peklat sa gilid ng kanyang leeg. Hindi naman kalakihan, pero sapat na para makita ko. Parang hiniwa ito gamit ang matalim na bagay. Parang kumislot ang sikmura ko. Hindi iyon basta peklat. Para bang may kasaysayan. May sugat na tinatago. At bakit nga ba ngayon ko lang siya nakitang may gano’n? Paglabas ko ng hotel, halos sumalubong sa akin ang init ng gabi at ingay ng syudad. Ang daming taong nag-aabang, may mga fans, curious citizens, at mga taong umaasang baka mapansin sila ng bilyonaryo. Ako naman, diretso agad sa jeep, dala-dala ang recorder at notebook ko. Halos sumabog ang utak ko sa dami ng tanong. Bakit niya ipinamimigay ang lahat ng kayamanan niya? Bakit biglang may peklat ang bilyonaryo? Kinagat ko ang labi ko. Para bang sinasabi ng pakiramdam ko na hindi ito simpleng assignment. Pagdating ko sa maliit kong apartment, agad akong umupo sa sofa. Kalat-kalat ang mga papel, may instant noodles na hindi ko pa naluluto, at laptop na halos sumuko na. Nag timpa muna ako ng kape, bago binuksan ang laptop at sinimulan ang research ko. Naghanap ako ng lumang litrato ni Sebastian. Nakita ko ang mga headline noong bata pa siya. “Teenage Genius Makes First Million” “Youngest Billionaire in the Country” “The Ruthless King of Business.” At doon ko na-confirm. Wala. Wala akong makitang peklat sa leeg niya sa kahit isa sa mga lumang larawan. Kahit sa mga interview. Kahit sa mga candid shot. Wala. Nag-slide ako ng mga litrato pakaliwa’t pakanan. Mas lalo lang akong na curious. “Peklat…” bulong ko habang naka-pause sa screen ang mukha ng bilyonaryo. Nakatutok ang kamera sa kanya nang bahagyang lumingon siya sa kanan, at doon, kitang-kita ang manipis na marka sa leeg. Bakit ngayon lang lumitaw? Napahigpit ang hawak ko sa tasa ng malamig kong kape. Kung tutuusin, wala naman akong sapat na dahilan para halungkatin pa ang buhay niya. Pero iba kasi ang kutob ko. Hindi lang simpleng desisyon ang ginawa niya. Hindi lang basta “generosity.” Alam kong may iba pang dahilan. Konektado kaya ang peklat sa leeg nya? Huminga ako nang malalim at isinulat ang working title ng article ko sa draft. “The Mysterious Bequest of a Billionaire.” Bago pa ako makapagsimulang magsulat, biglang may kumatok sa pinto. Napakurap ako. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon lalo na't gabi na. Agad kong tinignan ang orasan. Pasado alas dyes na ng gabi. Sino naman kaya ‘to? Agad akong tumayo at dahan-dahang binuksan ang pinto. Isang maliit na sobre ang bumungad sakin. Walang tao sa labas, pero nakasabit ang envelope sa door handle. Dinampot ko ito at inikot-ikot, pero walang nakasulat na pangalan. Nang buksan ko, isa lang ang laman. Isang pirasong papel na may nakaprint na linya. "Stop looking for the answer." Napalunok ako matapos mabasa ang nakasulat. Parang biglang lumamig ang paligid, at bumilis ang tibok ng puso ko. “Shit…” bulong ko at pilit na pinapakalma ang sarili. Mabilis kong isinara ang pinto at ni-lock. Nanginginig pa rin ang kamay ko habang paulit-ulit kong binabasa ang nakasulat sa papel. Parang bumigat ang hangin sa loob ng apartment. Napa upo ako sa sofa habang nakahawak sa dibdib kong sobrang bilis ang tibok. Binalot ako ng katahimikan. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mabilis kong paghinga at pagtibok ng puso ko. Inikot ko ulit ang sobre, sinubukang hanapin kung may clue man lang kung sino ang nag-iwan. Pero wala. Walang sulat-kamay. Walang marka. Para bang eksaktong ginawa para takutin lang ako. Kailngan kong malaman kung sino ang nagpadala nito. Tumayo ako at dahan-dahang sinilip ang labas sa bintana. Madilim ang kalye. Ilang poste lang ang may ilaw, at may nakaparadang sasakyan sa tapat ng building habang nakabukas ang makina nito. Napakurap ako. Sa loob ng sasakyan, may siluetang nakaupo sa driver’s seat. Hindi ko makita ang mukha dahil sa tint ng bintana, pero ramdam ko ang titig niya. Diretso sa apartment ko. Mabilis kong hinila ang kurtina para isara, pero bago ko pa iyon tuluyang mahila, saglit kong nasilayan ang ilaw mula sa cellphone sa loob ng kotse. Kumislap ang screen, at kahit sandali lang, malinaw na malinaw kong nabasa ang nakasulat doon. Agad kong hinila ng malakas ang kurtina, halos masira ko pa sa kaba. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko, parang gusto nang kumawala mula sa dibdib ko. Dahil malinaw na malinaw pa rin sa isip ko ang isang salitang nakita ko bago tuluyang nawala ang liwanag— PEREZ.Hindi pa rin ako makapaniwala na magkasama raw kami ni Velez kagabi—gaya ng sabi ni Fritzy.Paano nangyari ‘yon? Paanong siya ang kasama ko? Hindi kaya…Napahinto ako sa paglalakad nang biglang sumagi sa isip ko ang lalaking kausap ko sa bar. Hindi kaya siya ‘yon? Pero bakit naman niya ako kakausapin? At higit sa lahat, bakit siya lalapit sa’kin?Ibig sabihin… siya rin ang naghatid sa amin ni Fritzy pauwi?Siya rin kaya ang nagpadala kina Mama ng pera at bagong cellphone para kay Shaun? Pero bakit niya gagawin ‘yon? Para makabawi sa pagpapalayas niya sa’kin sa trabaho?“Arggg!” halos mapamura ako. Para na talaga akong mababaliw sa kakaisip kung ano ang nangyari kagabi. Huling naaalala ko, umiiyak ako nang todo, tapos, nakatulog ako sa balikat niya. Pagkatapos noon—wala na. Blanko na ang lahat. Parang binura ng alak at ng gabi ang lahat ng dapat kong tandaan.“Haysst…” Napahinga ako nang malalim, sabay yuko habang pinagmamasdan ang aspalto. Ewan ko ba. Ang gulo ng isip ko. Pakiramdam k
MARA POVNagising ako sa tunog ng isang bagay. Agad kong kinapa ang cellphone ko habang nakapikit pa, pero hindi mahanap ng kamay ko. Idinilat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang pamilyar na kisame—kisame ng kwarto ko.Teka… hinatid ba ako ni Fritzy?Agad akong napabangon at nilibot ang paningin sa paligid. Tama nga ako, kwarto ko ‘to. Agad kong binaling ang tingin sa cellphone na kanina pa tumutunog. Nakita ko ang pangalan ni Mama. Shit!Alam kong hihingi siya ng pera, gaya ng ipinangako ko. Agad kong inayos ang pagkakaupo at hinanda ang sarili bago sinagot ang tawag.“Hello, Ma,” nakapikit kong sagot. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na wala na akong trabaho. Wala rin naman akong planong sabihin.“Mara, anak, gusto ko lang magpasalamat sa mga pinadala mo. Sobra-sobra na ‘to, baka wala ka nang allowance diyan?” sagot niya sa kabilang linya, na nagpakunot ng noo ko.Anong sinasabi ni Mama? Wala naman akong pinadala, ah.“Po?” naguguluhan kong tanong. Hindi ko siya maintindihan. Wa
MARA POVPagdating namin sa bar, sinalubong kami ng malakas na tugtug na umaalingawngaw sa buong paligid. Maraming tao ang nandoon—nagsasayawan, nag-iinuman, at nagsisigawan dahil sa kalasingan. Maingay, pero hindi masakit sa tenga.“Doon tayo,” turo ni Fritzy sa isang mesa na walang nakaupo, kaya agad kaming naglakad papunta roon.“Alam mo, Mara, ‘wag mo munang isipin ang nangyari kanina. Nandito tayo para makalimot at magsaya. Ano ka ba!” sabi ni Fritzy sabay lapag ng bag niya sa table.Tama siya, nandito kami para makalimot. Pero paano ko gagawin ‘yon kung sunod-sunod ang mga nangyayari ngayong araw? Una, ang engkwentro namin ni Sebastian sa Velez Tower. Pangalawa, natanggal ako sa trabaho. Pangatlo, ang kanina. Hindi ko alam kung sinusubok lang ako ng panahon o sadyang kakambal ko ang malas. Nakakainis.“Hoy, ayos ka lang?” pagpukaw ni Fritzy sa atensyon ko. Tumango ako bilang sagot sa kanya. Sa totoo lang, gusto ko talagang makalimot sa mga nangyayari, kaya susulitin ko na ang ga
mara' POVNakahawak na ako sa seradura ng pinto ng kotse… at sa mismong sandaling iyon, may tumawag sa pangalan ko mula sa dilim.“Mara!”Napalingon ako sa direksyon kung saan galing ang boses. Mula sa kabilang kalsada, may lalaking nagmamadaling tumawid. Nakita ko ang pamilyar na itsura nitosi JudePutik! Anong ginagawa nya dito?Parang biglang huminto ang oras sa mga sandaling iyon. Dalawa silang nakatingin sa akin. Si Velez na nakaupo sa loob ng mamahaling sasakyan, malamig at walang emosyon, at si jude na papalapit at halatang nagmamadali at may kung anong alalahanin sa mukha niya.“Don’t.” Malamig na boses ni Velez, halos pabulong pero ramdam ko ang bigat. “Get inside.” ma autoridad na utos nito. “Don’t go with him!” sigaw ni jude. Nanlaki ang mga mata ko sa pag sigaw nito. Baliw ba sya? Ramdam kong parang hinihila ako ng dalawang magkaibang direksyon. Ang kamay ko, nananatiling nakadikit sa seradura ng pinto, pero nanginginig. Ang utak ko naman, sumisigaw ng tanong kung baki
Leaving already?”Sabay kaming napalingon ni Fritzy.Nakatayo roon si Lander?, habang naka pamulsa, parang matagal na kaming pinagmamasdan. Naka ngiti ito samin, pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya.“L-lander…” halos pabulong ang sambit ni Fritzy. Parang may kaba sa tono niya, at napansin kong bahagyang namula ang pisngi niya.Napakunot ang noo ko. “You know him?” tanong ko, nagtataka sa reaksyon niya.How? Ba't ngayon ko lang nalaman?Saglit lang akong tiningnan ni lander bago ibinalik ang tingin kay Fritzy. Hindi siya sumagot sa akin, pero parang may sinasabi ang mga mata niya na ako lang ang hindi nakakaintindi.Nag-aalangan si Fritzy. “Let’s just… go, Mara,” mahina niyang sabi, pilit na ngumiti pero halata ang pagkailang.Pero bago pa kami makalayo, nagsalita si Lander, mababa ang boses nito at diretso, “Running away again, Fritz?”Napalingon ako kay Fritzy, at doon ko lang napansin kung gaano siya nagpipigil ng emosyon, nahihiya, natatakot, at tila ba may matagal nang tin
Paglabas ko ng Velez Tower, malamig na hangin agad ang sumalubong sa akin. Pero hindi nito natakpan ang init ng kaba at galit na kanina pa kumukulo sa dibdib ko. Sa bawat hakbang, ramdam ko ang bigat ng folder na nasa bag ko, parang pasang hindi ko na kayang buhatin.Nasa kalsada na ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napakunot ako ng noo nang makita ang pangalan ni Fritzy sa screen.Sinagot ko agad. “Fritzy?”“Mara, where are you?” mabilis at halatang aligagang tanong niya mula sa kabilang linya.“Outside. I just—” napahinto ako, ayaw ko munang ikwento ang tungkol kay Velez at ang nangyari ngayon. “Bakit?”Narinig ko ang mahinang paghinga niya, parang nag-aalangan. “Listen, you need to get back to the office. Now.”Napatigil ako sa paglalakad. “Office? Fritzy, day-off ko ngayon. Bakit ako papatawag?”Tahimik siya sandali, saka nagsalita nang mababa, parang may nakikinig sa kanya. “It’s the head department. They asked for you, personally."Kumirot ang sikmura ko. “Did they say







