Mag-log inMARA's POV
Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Ang araw na niyayanig ng isang pangalan ang buong bansa. Isang pinakabatang bilyonaryo na walang-awang nagpalugi ng libu-libong kumpanya at naging malupit sa iba. Ako si Maria Liliana Perez. Mara for short. 23 years old, isang baguhang mamamahayag na halos hindi pa kilala sa industriya. Kung ikukumpara sa ibang reporters na may sariling mga kotse at mamahaling equipment, ako, may luma lang na laptop, isang cellphone na ilang beses ko nang pina repair at tapang na hindi ko alam kung magdadala ba sa akin sa tagumpay o kapahamakan. Hindi ko in-expect na ang unang malaking assignment ko ay ang press conference ng pinakamapanganib at pinakamahiwagang tao sa bansa. Ang bilyonaryong si Sebastian Blake Velez. Pagpasok ko sa hotel ballroom, halos mabulag ako sa mga ilaw ng kamera. Ang daming tao. Ang daming mikropono. Ang daming sikat na pangalan sa industriya ng media na nandoon. Pakiramdam ko, isa lang akong maliit na butil ng alikabok sa gitna ng mga higante. Pero syempre hindi ako magpapakabog. Kahit baguhan ako, kaya ko paring pumantay sa galing ng ibag reporter dito. Ito na ang pagkakataon ko. Syempre hindi ako papayag na mauwi lang sa footnote ang pangalan ko. Gagawin kong headline ang sarili ko. Umupo ako sa pinakadulong bahagi, kung saan halos hindi makikita ng mga tao. Mula roon, pinagmamasdan ko si Sebastian. Gosh. Hindi ko maipaliwanag ang presensya niya. Hindi siya yung tipikal na mayamang businessman na nakangiti at nagpapabango ng imahe sa publiko. Hindi. Iba siya. Para siyang estatwa. Matangkad, malaki ang pangangatawan at matikas, nakasuot ng simpleng itim na suit na mas mahal pa yata sa annual salary ko. Ang mukha naman nya ay unang tingin mo palang ay sigurado akong mapapanganga ka. Ang mga mata niya ay parang yelo na bumabaon sa balat mo kahit tumingin lang siya saglit. “From this day forward, I no longer own anything. My entire fortune will go to the Velez Foundation. A new beginning for me, and for everyone.” maikling pahayag nito. Ganun lang? Walang emosyon? Walang drama? Para bang binasa lang niya ang shopping list niya. Kaloka! Napanganga ang lahat ng reporters. Agad sila nagkagulo. May mga nagtatanong kung totoo ba ang narinig nila, may mga nag-live feed na kaagad, may mga nagtitilian pa. Pero ako, nanatili akong nakatitig lang. Kasi may napansin akong kakaiba. Habang kumikislap ang mga kamera sa mukha niya, dumaan ang liwanag sa gilid ng kanyang leeg. At doon ko nakita ang isang gintong hikaw na suot nya at halos bumaon na sa tenga nito. Ang yaman yaman nya, pero ang hikaw na suot nya, parang mabibili lang sa palengke. Ang cheap. Nagsimula na ang Q&A. Tumayo ang mga batikang reporter, nagtatanong tungkol sa foundation, kung sino ang makikinabang, kung saan mapupunta ang pera. Paulit-ulit lang ang sagot niya. “For a new beginning.” “For a better tomorrow.” Mga generic na linyang kay dali sanang headline kung tutuusin. Pero para sa akin, hindi sapat. Kumakabog ang dibdib ko habang dahan-dahan kong tinaas ang kamay ko. “Next question,” sabi ng host. Itinuro ako. “Name, affiliation?” tanong ng moderator. Kinakabahan akong nagsalita. “M-Maria Liliana Perez. Daily Tribune.” hindi ko mapigilang hindi mautal dahil sa kabang nararamdaman ko. Napalingon na rin ang mga tao sa akin. Kanya kanyang reaksyon ang ipinakita nila. Sino ba naman ako para makasingit, diba? “Sino ‘yon?” "Baguhan lang ata.” Rinig kong mga bulungan sa paligid,, habang nakatingin sakin. Pero binalewala ko nalang. Bahala sila. Basta, ginagawa ko lang ang trabaho ko. Tinignan ko si Sebastian ng deretso ng walang pag-aalinlangan. “Mr. Velez,” tanong ko, pilit pinatitibay ang boses ko, “may nagsasabi pong ang foundation ay hindi lang simpleng charity. May mga haka-haka na ginagamit ito bilang pagtatakip sa isang iskandalo. Ano ang masasabi niyo rito?” buong tapang kong tanong. Ito ang parati kong naririnig tungkol sa kanya, pero ni isa walang nag tangkang mag imbistiga at makialam. Pero ito ako ngayon, buong tapang nakaharap sa kanya. Nag-freeze ang buong kwarto dahil sa tanong ko. Shit, Mara. Ano bang pinasok mo? Lahat ng mata, nakatingin sa akin. Ang iba, halatang naiirita. Ang mga senior reporters, parang gusto akong patalsikin at kaladkarin palabas ng ballroom. Pero ang pinaka-nakakatakot? Si Sebastian. Unang beses ko siyang nakitang ngumiti. Hindi iyon ngiti ng pagkatuwa. Hindi rin ngiti ng pagiging mabait. Kundi ngiti ng isang taong mapanganib, at alam niyang hindi ko dapat sya kinakalaban. “Miss Perez, tama ba?” tanong niya, mabagal, parang nilalasap ang bawat syllable ng pangalan ko. Seryoso parin itong nakatingin sakin. Tumango ako. “Opo.” “Interesting question.” Sandaling tumigil siya, tumitig sa akin, at tila ba sinusuri ang buong pagkatao ko gamit lang ang mga mata niya. “But I assure you… the foundation is nothing but the truth. A gift. And unlike some people, Miss Perez, I don’t waste my time chasing shadows.” Parang may sumampal sa akin. Hindi niya ako tinanggihan nang diretso. Pero ang paraan ng pagsabi niya? Para bang sinasabi niya na "Alam ko kung sino ka. At alam kong delikado ang ginagawa mo." Seryoso syang nakatitig sakin na parang gusto nya ako balatan ng buhay. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung bakit, pero may kutob akong nagsisimula na ang isang bagay na hindi ko na kayang takasan.Hindi pa rin ako makapaniwala na magkasama raw kami ni Velez kagabi—gaya ng sabi ni Fritzy.Paano nangyari ‘yon? Paanong siya ang kasama ko? Hindi kaya…Napahinto ako sa paglalakad nang biglang sumagi sa isip ko ang lalaking kausap ko sa bar. Hindi kaya siya ‘yon? Pero bakit naman niya ako kakausapin? At higit sa lahat, bakit siya lalapit sa’kin?Ibig sabihin… siya rin ang naghatid sa amin ni Fritzy pauwi?Siya rin kaya ang nagpadala kina Mama ng pera at bagong cellphone para kay Shaun? Pero bakit niya gagawin ‘yon? Para makabawi sa pagpapalayas niya sa’kin sa trabaho?“Arggg!” halos mapamura ako. Para na talaga akong mababaliw sa kakaisip kung ano ang nangyari kagabi. Huling naaalala ko, umiiyak ako nang todo, tapos, nakatulog ako sa balikat niya. Pagkatapos noon—wala na. Blanko na ang lahat. Parang binura ng alak at ng gabi ang lahat ng dapat kong tandaan.“Haysst…” Napahinga ako nang malalim, sabay yuko habang pinagmamasdan ang aspalto. Ewan ko ba. Ang gulo ng isip ko. Pakiramdam k
MARA POVNagising ako sa tunog ng isang bagay. Agad kong kinapa ang cellphone ko habang nakapikit pa, pero hindi mahanap ng kamay ko. Idinilat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang pamilyar na kisame—kisame ng kwarto ko.Teka… hinatid ba ako ni Fritzy?Agad akong napabangon at nilibot ang paningin sa paligid. Tama nga ako, kwarto ko ‘to. Agad kong binaling ang tingin sa cellphone na kanina pa tumutunog. Nakita ko ang pangalan ni Mama. Shit!Alam kong hihingi siya ng pera, gaya ng ipinangako ko. Agad kong inayos ang pagkakaupo at hinanda ang sarili bago sinagot ang tawag.“Hello, Ma,” nakapikit kong sagot. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na wala na akong trabaho. Wala rin naman akong planong sabihin.“Mara, anak, gusto ko lang magpasalamat sa mga pinadala mo. Sobra-sobra na ‘to, baka wala ka nang allowance diyan?” sagot niya sa kabilang linya, na nagpakunot ng noo ko.Anong sinasabi ni Mama? Wala naman akong pinadala, ah.“Po?” naguguluhan kong tanong. Hindi ko siya maintindihan. Wa
MARA POVPagdating namin sa bar, sinalubong kami ng malakas na tugtug na umaalingawngaw sa buong paligid. Maraming tao ang nandoon—nagsasayawan, nag-iinuman, at nagsisigawan dahil sa kalasingan. Maingay, pero hindi masakit sa tenga.“Doon tayo,” turo ni Fritzy sa isang mesa na walang nakaupo, kaya agad kaming naglakad papunta roon.“Alam mo, Mara, ‘wag mo munang isipin ang nangyari kanina. Nandito tayo para makalimot at magsaya. Ano ka ba!” sabi ni Fritzy sabay lapag ng bag niya sa table.Tama siya, nandito kami para makalimot. Pero paano ko gagawin ‘yon kung sunod-sunod ang mga nangyayari ngayong araw? Una, ang engkwentro namin ni Sebastian sa Velez Tower. Pangalawa, natanggal ako sa trabaho. Pangatlo, ang kanina. Hindi ko alam kung sinusubok lang ako ng panahon o sadyang kakambal ko ang malas. Nakakainis.“Hoy, ayos ka lang?” pagpukaw ni Fritzy sa atensyon ko. Tumango ako bilang sagot sa kanya. Sa totoo lang, gusto ko talagang makalimot sa mga nangyayari, kaya susulitin ko na ang ga
mara' POVNakahawak na ako sa seradura ng pinto ng kotse… at sa mismong sandaling iyon, may tumawag sa pangalan ko mula sa dilim.“Mara!”Napalingon ako sa direksyon kung saan galing ang boses. Mula sa kabilang kalsada, may lalaking nagmamadaling tumawid. Nakita ko ang pamilyar na itsura nitosi JudePutik! Anong ginagawa nya dito?Parang biglang huminto ang oras sa mga sandaling iyon. Dalawa silang nakatingin sa akin. Si Velez na nakaupo sa loob ng mamahaling sasakyan, malamig at walang emosyon, at si jude na papalapit at halatang nagmamadali at may kung anong alalahanin sa mukha niya.“Don’t.” Malamig na boses ni Velez, halos pabulong pero ramdam ko ang bigat. “Get inside.” ma autoridad na utos nito. “Don’t go with him!” sigaw ni jude. Nanlaki ang mga mata ko sa pag sigaw nito. Baliw ba sya? Ramdam kong parang hinihila ako ng dalawang magkaibang direksyon. Ang kamay ko, nananatiling nakadikit sa seradura ng pinto, pero nanginginig. Ang utak ko naman, sumisigaw ng tanong kung baki
Leaving already?”Sabay kaming napalingon ni Fritzy.Nakatayo roon si Lander?, habang naka pamulsa, parang matagal na kaming pinagmamasdan. Naka ngiti ito samin, pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya.“L-lander…” halos pabulong ang sambit ni Fritzy. Parang may kaba sa tono niya, at napansin kong bahagyang namula ang pisngi niya.Napakunot ang noo ko. “You know him?” tanong ko, nagtataka sa reaksyon niya.How? Ba't ngayon ko lang nalaman?Saglit lang akong tiningnan ni lander bago ibinalik ang tingin kay Fritzy. Hindi siya sumagot sa akin, pero parang may sinasabi ang mga mata niya na ako lang ang hindi nakakaintindi.Nag-aalangan si Fritzy. “Let’s just… go, Mara,” mahina niyang sabi, pilit na ngumiti pero halata ang pagkailang.Pero bago pa kami makalayo, nagsalita si Lander, mababa ang boses nito at diretso, “Running away again, Fritz?”Napalingon ako kay Fritzy, at doon ko lang napansin kung gaano siya nagpipigil ng emosyon, nahihiya, natatakot, at tila ba may matagal nang tin
Paglabas ko ng Velez Tower, malamig na hangin agad ang sumalubong sa akin. Pero hindi nito natakpan ang init ng kaba at galit na kanina pa kumukulo sa dibdib ko. Sa bawat hakbang, ramdam ko ang bigat ng folder na nasa bag ko, parang pasang hindi ko na kayang buhatin.Nasa kalsada na ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napakunot ako ng noo nang makita ang pangalan ni Fritzy sa screen.Sinagot ko agad. “Fritzy?”“Mara, where are you?” mabilis at halatang aligagang tanong niya mula sa kabilang linya.“Outside. I just—” napahinto ako, ayaw ko munang ikwento ang tungkol kay Velez at ang nangyari ngayon. “Bakit?”Narinig ko ang mahinang paghinga niya, parang nag-aalangan. “Listen, you need to get back to the office. Now.”Napatigil ako sa paglalakad. “Office? Fritzy, day-off ko ngayon. Bakit ako papatawag?”Tahimik siya sandali, saka nagsalita nang mababa, parang may nakikinig sa kanya. “It’s the head department. They asked for you, personally."Kumirot ang sikmura ko. “Did they say







