MARA's POV
Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa opisina na ako. Hindi ako makatulog ng maayos kagabi, dahil paulit-ulit kong naiisip ang mga nangyari. Parang isang babala yon. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba. Malakas ang kutob kong si Sebastian ang may gawa non. Pagpasok ko sa department namin. Abala ang lahat sa paggawa ng kani-kanilang article tungkol sa “kabaitan” ni Sebastian. Lahat sila tuwang-tuwa, may mga nakalagay pang headline sa boardroom na “The Golden Billionaire” “ Mr. Velez: The Man Who Gave It All” “A Legacy of Selflessness” Napailing ako. “Wala man lang nagdududa…” Agad kong nakita ang editor ko na si Sir Dan, nakakunot-noo habang inaayos ang mga headline na ipapadala sa printing. “Oh, Mara,” bati niya ng makalapit ako, hindi man lang tumingin. “Balita ko, ikaw yung nagtanong ng 'iskandalo’ kay Velez kagabi. Astig ka ha.” Ngumiti ako kahit medyo naiilang. “Pasensya na po, Sir. Naisip ko lang—” Itinaas niya ang kamay nya para patigilin ako. “No need to apologize. Actually, gusto ko yon. Brave move. Pero careful ka, okay? Hindi biro ang taong yon. Maraming reporters na rin ang… naglahong parang bula matapos kumalikot sa buhay niya.” ANO? Napalunok ako sa narinig. “Naglahong… parang bula?” di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Tumango si Sir Dan. “Yup. Kaya kung may plano kang sumabak sa ganyang imbestigasyon, siguraduhin mong alam mo kung anong pinapasok mo.” Pagkatapos nyang sabihin iyon, agad syang umalis dala ang mga papelis na inaayos nya kanina. Tama nga ako. Isang babala yun! Ibig sabihin, binibigyan na nya ako ng babala na wag pakialaman ang buhay nya. Pero, bakit parang mas ginaganahan akong alamin? Alam kong delikado, pero parang may pwersang nagluluklok sakin na ipagpatuloy ang pangingialam. Huminga muna ako ng malalim bago naupo sa desk ko. Binuksan ko ang laptop, at nagsimulang mag-type. Hindi pa ako sigurado kung anong angle ang gagawin ko, pero isa lang ang malinaw… hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalalaman ang totoo. Habang nagsusulat ako, napansin ko ang isang notification sa screen. May bagong email. Walang sender name, pero ang subject line ay simple lang. “Stop.” Binuksan ko ang email, at halos malaglag ang puso ko sa nakita. Isa iyong larawan—ako, kuha ito kagabi, habang nakaupo sa harap ng laptop. Ang mismong eksenang iyon. Parehong angle. Parehong ilaw. Biglang lumitaw ang bagong email, kaya agad ko itong binuksan. Isa nanamang litrato ko, kuha ito kanina, habang nakatayo ako sa harapan ni sir Dan at kausap ko sya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Agad kong tiningnan ang paligid ng office namin. Abala ang lahat sa kanya kanyang gawain. Sobrang busy nila para kumuha lang ng litrato ko, kaya wala akong suspect kung sino ang possible kumuha ng litratong yun. Paano? At sino ang kumuha nito? Pumikit ako at pilit pinapakalma ang sarili. Huminga muna ako nang malalim para bawasan ang kakaibang nararamdaman ko. Hindi ako pwedeng pangunahan ng takot. Ayokong maging duwag, dahil kahit kailan, hindi ko pa naiisip na umatras sa laban, kahit mali. Biglang bumukas ang pintuan ng opisina. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko si fritzy ang matalik kong kaibigan at kapwa-journalist. Dalawang tasa ng kape ang hawak niya, at gaya ng dati, nakataas ang isang kilay habang diretso siyang lumapit sa akin. “Girl,” aniya sabay abot ng kape, “I was impressed.” Napakunot ako ng noo. “Ha? Anong ibig mong sabihin?” “Yung tanong mo kay Mr. Velez. Ikaw lang ang nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong ng ganon. Pero girl, magiingat ka, malaking tao sya," Parang nanlamig ang palad ko. Bumalik sa alaala ko ang eksena sa presscon. Yung titig niyang matalim, parang binabasa niya ang kaluluwa ko. At ang pagkakabigkas nya ng pangalan ko na parang babala. “Fritz,” mahina kong sabi. “May nangyari kagabi.” Umupo siya sa tabi ko at dumukot ng ballpen, para bang handa na siyang sumulat ng notes. “Okay, spill.” Agad kong ipinakita sa kanya ang laptop screen. Nakabukas pa rin ang email. Ipinakita ko ang litrato ko kagabi at kanina na ipinadala ng unknown email.i kweninto ko rin ang mga naganap kagabi sa apartmen ko. Natigilan si Fritzy habang nakatitig sa email. Bumuka ang bibig niya, pero walang lumabas na salita. Sa huli, napailing siya at tumawa nang pilit. “This is… creepy. Like, sobra. I think it's a…prank?" “Prank?” halos pabulong kong sabi. “Sino ang may access sa apartment ko? At paano nila nakuha ang eksaktong angle ng litrato na to? Unless…” humigpit ang hawak ko sa mouse. “…someone’s watching me.” Natahimik si Fritzy. Kita ko sa mga mata niya na nag-aalinlangan, kung maniniwala ba sya o hindi. Pero may iba siyang iniisip. May ibang bigat ang tingin niya sa akin, parang may alam siya na ayaw pa niyang sabihin. “Mara,” marahan niyang sabi. “Listen to me carefully. Kung ako sayo… huwag mo na munang ituloy tong ginagawa mo.” Napataas ako ng boses. “What? What do you mean?" "I mean, what if gumaya ka nalang sa iba na puro good side ang mga headline? Para naman makabawi ka, sa kanya. Hindi ka ba natatakot kay Velez? Inuumpisahan ka na nyang bigyan ng babala" seryosong sabi nito, habang deretso nakatitig sa mga mata ko. Agad akong sumandal sa swivel chair ko at itinutok ang mata ko sa email na nasa laptop. "You want me to stop? Hindi ba't trabaho natin ang isiwalat ang katotohanan? So bakit ako matatakot?" Huminga siya nang malalim. “Yes, pero may presyo ang katotohanan. You don’t know what you’re getting into. Mara, Sebastian Velez isn’t just some billionaire. Hindi siya tulad ng ibang business tycoon na pinanganak na may yaman. His story is… darker.” Natigilan ako sa sinabi nya at agad akong humarap sa kanya.“ Darker?...may alam ka?” “Konti lang. Mga bulung-bulungan. Pero Mara…” Tumigil siya, sinulyapan ang paligid para siguraduhing walang ibang nakikinig. “…yung mga nagtangkang maghukay tungkol kay Velez? They don’t last long. Either napapatahimik, o biglang nagkaka-career shift. Some even vanish.” Parang may malamig na hangin na dumaan sa pagitan namin. Ang opisina na kanina’y puno ng ingay at tawanan, bigla kong naramdaman na parang naging kulungan. Ang bawat click ng keyboard, bawat halakhak sa kabilang cubicle, parang tunog na pumupunit sa tenga ko. “So you’re saying… if I dig deeper, I’ll end up like them?” “Exactly.” sabay litik ng daliri nya Pero sa halip na matakot, naramdaman ko ang mas matinding apoy sa dibdib ko. Kung may nawawala… kung may pinapatahimik… ibig sabihin may tinatago talaga siya. Umiling ako. “Hindi ko kayang umatras. Pagkatapos ng email na ‘to? Fritz, someone is scared of the truth coming out.” Napatitig siya sa akin nang matagal. Kita ko ang struggle sa mukha niya, takot, pagkabahala, at isang uri ng paghanga. Sa huli, napabuntong-hininga siya. “You’re insane. Remember journalist ka, hindi imbistigador. Pero… I get it. That’s who you are.” pag suko nito. Napangiti naman ako sa sinabi nya. “Which means… you’re with me?” tanong ko, halos may pag-asa sa tono ko. Pinikit muna niya ang mga mata, uminom ng kape, at saka tumango. “Fine. Pero Mara, one condition. Whatever happens, we don’t confront him directly, okay? We gather first. Proofs, documents, witnesses. Kasi sa ngayon… wala tayong panlaban.” Naramdaman kong may bumigat sa balikat ko. Tama siya. Sa puntong ito, halos wala pa akong hawak kundi kutob at isang creepy na litrato ko. Pero kailangan kong magsimula. “Deal,” sabi ko. "By the way, pinapabigay ni sir Dan, para makapasok tayo bukas." sabay abot nito sakin. Isang invitation card para sa isang gala party sa Makati. Inabot ko ito at tinignan, halos tumigil ang mundo ko nang makita ko ang pangalan ng guest of honor. Sebastian Velez. "Yes. Guest of honor sya. I think ito na yung chance mo para makakuha ng ibang information about sa kanya" sabi ni Fritzy sabay inom ng kape nya. Tama sya. Exclusive ang Party kaya pili lang ang bisita, pero dahil may invitation ako hindi ako mahihirapang makapasok at mag masid sa bilyonaryong iyon. Kapag natapos ko ang misyong ‘to, magiging ganap na akong sikat na mamamahayag. Isang pangarap na dati ko pang gustong matupad. Matagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng malaking break, isang istoryang hindi lang basta headline, kundi kwento na yayanig sa lipunan. At ngayon, pakiramdam ko malapit na akong makarating doon. Parang naririnig ko pa ang boses ng mga propesor ko noong kolehiyo, na laging sinasabi: “A journalist is only as good as her courage.” At eto na ako ngayon, haharap sa isang kwento na kayang magbago ng lahat. Hindi lang reputasyon ang nakataya dito, kundi pati na rin ang buhay ko. Humigpit ang hawak ko sa invitation card. Sa isang iglap, nakita ko ang sarili kong nakatayo sa gitna ng spotlight, hawak ang ebidensyang magpapatumba sa pinakamalaking pangalan sa industriya. At kung mangyayari ‘yon, wala nang makakapigil sa akin para makilala. Hindi lang bilang si Maria Liliana Perez, kundi bilang isang mamamahayag na handang ilantad ang katotohanan, kahit gaano pa ito kadelikado.Mara's POV.Hindi ko na napansin ang oras sa kakatingin sa maliit na card na hawak ko."You don’t belong here"Paulit-ulit kong binasa ang linyang iyon hanggang halos magsanhi na ng sakit sa mata.Pinilit kong ibalik ang card sa maliit kong bag. Agad akong tumayo, para lumabas ng ballroom.“Mara.”Napapitlag ako dahil sa pag tawag sakin ni Carla. Nagtatakang nakatingin ito sakin. "San ka pupunta?" Kunot-noong tanong nito."Ahh...sa labas..magpapahangin" sagot ko sabay turo sa pinto palabas. Agad naman syang tumanggo, kahit naguguluhan at ibinalik ang attention sa mga tao. Nagdesisyon akong pumunta sa rooftop ng building na ‘to. Hindi ko alam pero parang hinihila ako ng hangin sa itaas. Siguro dahil sobra akong kinakbahan dahil sa mga litratong pinapadala sakin. Hindi rin naman ako nandito para makipagkaibigan at maki party. Nandito ako para sa isang bagay na mas mahalaga. Ang makakuha ng ibang impormasyon.Agad akong dumeretso sa hallway na may carpet na parang sumisipsip n
MARA's POVAng gabi ng party ay ginanap sa isang five-star hotel sa Makati. Sa unang tingin pa lang, para kang nasa ibang bansa, glass walls na kumikislap sa ilaw ng syudad, mga mamahaling kotse na sunod-sunod ang dating, at mga lalaking naka-tuxedo’t babaeng nakasuot ng mga gown na mukhang mamahalin.Ako? Suot ko ang pinakasosyal na damit na nabili lang sa online. Isang simpleng midnight blue cocktail dress na hanggang tuhod, paired with black heels na medyo masikip sa paa. Kahit simpleng ayos lang ang buhok ko, straight at nakalugay, at manipis na makeup, ramdam kong naiiba ako sa karamihan ng mga naroon.Sa loob ng ballroom, parang ibang mundo. May chandelier na halos kasing laki ng maliit na kotse, gintong tableware, wine glasses na kuminang sa ilalim ng ilaw. Sa paligid, puro mayayaman, businessmen, politiko, at celebrities na puro ngiti at halakhak habang nagkakapalitan ng cards at kwento.Ako lang ang nasa isang sulok, mahigpit ang hawak sa phone, pinagmamasdan silang lahat. Hi
MARA's POV Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa opisina na ako. Hindi ako makatulog ng maayos kagabi, dahil paulit-ulit kong naiisip ang mga nangyari. Parang isang babala yon. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba. Malakas ang kutob kong si Sebastian ang may gawa non. Pagpasok ko sa department namin. Abala ang lahat sa paggawa ng kani-kanilang article tungkol sa “kabaitan” ni Sebastian. Lahat sila tuwang-tuwa, may mga nakalagay pang headline sa boardroom na “The Golden Billionaire” “ Mr. Velez: The Man Who Gave It All” “A Legacy of Selflessness” Napailing ako. “Wala man lang nagdududa…” Agad kong nakita ang editor ko na si Sir Dan, nakakunot-noo habang inaayos ang mga headline na ipapadala sa printing. “Oh, Mara,” bati niya ng makalapit ako, hindi man lang tumingin. “Balita ko, ikaw yung nagtanong ng 'iskandalo’ kay Velez kagabi. Astig ka ha.” Ngumiti ako kahit medyo naiilang. “Pasensya na po, Sir. Naisip ko lang—” Itinaas niya ang kamay nya para patigili
MARA's POVPagkatapos ng Q&A, halos sabay-sabay na bumagsak ang mga kamay ng mga kamera at recorder. Ang iba, masayang-masaya dahil may headline na sila. Ang iba, naiirita pa rin sa tanong ko. Ako? Hindi ko alam kung masaya ba akong nakapagtanong… o nagsisisi na ako.Pakiramdam ko, tinusok ako ng tingin ni Sebastian kahit ilang minuto lang iyon. Ang lamig. Parang pinapasok ng mga mata niya ang kaluluwa ko.Mali bang mag tanong? Trabaho ko lang naman yun ah!“Hoy, Miss Baguhan,” bulong ng katabi kong reporter habang nag-aayos siya ng gamit. “Tibay din ng sikmura mo ha? Kung ako, hindi ko tatanungin ng ganyan si Velez. Baka mawalan ka agad ng trabaho.”Napangiti lang ako ng pilit. “Trabaho ko lang naman yon.”sagot ko, feeling unaffected sa nangyari.Ngunit sa loob-loob ko, nanginginig pa rin ako. Nagawa ko syang tanungin ng ganun, kahit alam kong delikado syang tao. Para na rin akong naghukay ng sariling libingan.Habang umaalis ang mga tao sa ballroom, pinili kong manatili saglit. Gust
MARA's POVHindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Ang araw na niyayanig ng isang pangalan ang buong bansa. Isang pinakabatang bilyonaryo na walang-awang nagpalugi ng libu-libong kumpanya at naging malupit sa iba.Ako si Maria Liliana Perez. Mara for short. 23 years old, isang baguhang mamamahayag na halos hindi pa kilala sa industriya. Kung ikukumpara sa ibang reporters na may sariling mga kotse at mamahaling equipment, ako, may luma lang na laptop, isang cellphone na ilang beses ko nang pina repair at tapang na hindi ko alam kung magdadala ba sa akin sa tagumpay o kapahamakan.Hindi ko in-expect na ang unang malaking assignment ko ay ang press conference ng pinakamapanganib at pinakamahiwagang tao sa bansa. Ang bilyonaryong si Sebastian Blake Velez.Pagpasok ko sa hotel ballroom, halos mabulag ako sa mga ilaw ng kamera. Ang daming tao. Ang daming mikropono. Ang daming sikat na pangalan sa industriya ng media na nandoon. Pakiramdam ko, isa lang akong maliit na butil ng alikabok sa g
MARA's POVWalang ibang maririnig sa loob ng lumang warehouse kundi ang ugong ng hangin na pumapasok sa mga sirang bintana at ang kabog ng dibdib ko. Sa kaliwang kamay ko, mahigpit kong hawak ang isang folder. Laman nito ang ebidensiyang puwedeng magpabagsak sa bilyonaryong nasa harap ko. Si Sebastian Blake Velez Sa headlines tungkol sa kanya ay isa siyang halimaw sa negosyo, ruthless, cold, untouchable. Ang pangalan pa lang niya ay sapat na para pasunurin ang kahit sinong negosyante, politiko, o kriminal. Siya ang uri ng taong hindi dapat kinakalaban. Pero eto ako ngayon, isang babae lang, hawak ang katotohanang kayang itumba ang imperyo niya. “Mara,” malamig ang boses niya at mababa pero nakakapanginig. “Give that to me. Now.” Humigpit ang pagkakakapit ko sa folder na naglalaman ng mga ebidensya tungkol sa kanya. “No. Hindi ako kagaya ng lahat ng binabayaran mo. Hindi ako tatahimik.” pagmamatigas ko. Kahit anong mangyari hinding hindi ko ibibigay ang mga papelis nato. Magkamat