Share

Kabanata 20

Kabanata 20

Pagkatigil ng sasakyan sa aming unahan ng bahay ay may kabilisan akong bumaba. Ang aking mukha ay nakasimangot habang sinasaraduhan ang pinto. Gumawa ng malakas na ingay ang pinto ng kotse dahil sa pagsara ko nito.

Wala akong maramdaman na miski kaunting saya habang naglalakad ako papunta sa gate ng apartment namin. Napasulyap ako ng saglit sa kaniya. Naging mabilis ang pagkilos ni Ròisìn kaya naabutan niya akong nagbubukas ng gate.

Ang kaniyang buong atensyon ay nasa akin at pansin ko ang malambot na ekspresyon ng kaniyang mukhang masarap paltukin.

Binigyan ko siya ng isang nakakamatay na irap.

Bakit ganito ang lalaking ito? Parang asong naging maamo.

Nang tuluyan kong lakihan ang pagkakabukas ng gate ay pumasok agad ako. Alam ko na sumunod siya sa akin. Hindi ko na siya pinansin at tumuloy lang ako sa paglalakad papunta sa pinto ng bahay namin. Rinig ko ang pagsara ng gate.

Kinuha ko ang susi sa aking bag at pagkatapos ay ipinasok ko agad ito sa butas na nasa door knob.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status