Share

Kabanata 21

Kabanata 21

"I'm leaving, Edraly. See you tonight," mahinahon niyang pagpapaalam sa akin.

Ibinigay ko sa kaniya ang suit case na naglalaman ng mga documents at gamit niya sa opisina. Hindi naman ito mabigat kaya hindi ako nahirapan sa pagbubuhat nito. Tinanggap niya ito gamit ang kaliwang kamay.

"Keep safe," may maliit na ngiti sa mukha na sabi ko.

Inayos niya ang kaniyang kwelyo gamit ang kanang kamay. Kita ko na nahihirapan siya. Aabutin ko sana ito at ako na ang gagawa ngunit natigilan ako sa paglapit sa kaniya. Bakit ko nga ba aayusin iyon? Medyo galit nga pala ako sa kaniya.

Medyo lang? Marupok ka, Girl?

Hindi ba't sinabi kong hindi?

"Iyon lang?" tanong niya sa akin. Pansin ko sa kaniyang mukha ang pagkawili.

"What? Are you expecting for more?" nakakunot ang noo na tanong ko sa kaniya.

Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at pagkatapos ay nagkamot siya ng ulo niya.

"Yes. Your husband is leaving." Halata sa boses niya ang matinding pagkadismaya.

"So?" nakahalukipkip na tugon ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status