Share

Kabanata 2

Author: Docky
last update Huling Na-update: 2024-07-24 15:31:26

“Mommy, hindi pa po ba tayo uuwi? Mukhang malapit na pong umulan.”

"Not yet, sweetie. Kailangan pang kumayod ni mommy eh. Kapag tumuloy ang ulan, pumunta ka rin muna sa store ni Tita Avva mo para hindi ka mabasa. Okay?” Nagpatuloy sa pagpiprito ng kikiam, fishball at kwek-kwek si Maya. Nagtawag na rin siya ng mga customers para makabenta. Mula nang itinakwil siya ng kaniyang pamilya ay mas natuto siyang tumayo sa kaniyang sariling mga paa. Nagtitinda siya umaga at pagsapit naman ng gabi ay na extra siya bilang isang delivery woman.

“Honey, hindi ba si Ate Maya ‘yon? Omg! Siya nga! After five years, nagkrus din ang landas namin! Teka, sino ‘yong batang kasama niya?” Hinila ni April ang kamay ni Warren at naglakad patungo sa kinaroroonan ng kaniyang kapatid. “Miss, bilhin ko na ‘yang lahat,” aniya habang nakangiti.

“Mommy, makakauwi na po tayo! Bibilhin na raw pong lahat ni ate ang paninda natin! Yehey!” tuwang-tuwang sigaw ni Matthan.

Ngumiti si Maya at dali-daling inilagay lahat ng kaniyang paninda sa kawali para iprito. Inutusan naman niya si Matthan na balutin na sa plastik ang mga lutong paninda. Masaya siya ngayon dahil magkakaroon siya ng free time para kina Matthan.

“Nag-asawa ka ng mahirap pa sa daga?” hindi makapaniwalang sambit ni Warren.

Natigilan si Maya sa kaniyang ginagawa. Ang boses na iyon. Hinding-hindi niya makakalimutan ang boses na iyon. “Matthan, please go to your Tita Avva. Si mommy na ang bahala rito.”

“Sure ka po, mommy? You don't need my help?” tanong ng inosenteng si Matthan.

“Oo, anak. Makipaglaro ka muna kina Hivo at Bia. Dadaanan ko na lang kayo kapag uuwi na tayo, okay?” Nagpunas ng kaniyang kamay si Maya. Nang makaalis na si Matthan ay saka niya hinarap ang kaniyang mga hindi inaasahang bisita. “Anong ginagawa niyo rito?” tanong niya sa malamig na tono.

“We're here to help you, Ate Maya. Nakakaawa ka naman. Nasaan ang asawa mo? Bakit hindi siya ang nagtatrabaho? At saka…” Kumuha si April ng kikiam at inamoy iyon. Umakto siyang nasusuka. “Ano ba itong mga tinda mo? Nakakain ba ‘to?” Tumawa siya nang malakas sabay hampas sa dibdib ni Warren.

“Kung naririto kayo para insultuhin ako, makakaalis na kayo. Hindi ko kailangan ng awa niyo.” Inayos ni Maya ang kaniyang mga paninda.

Biglang nagdilim ang kalangitan.

“Saka na kami aalis kapag luto na ang order namin. Magkano ba lahat ‘yan?” Naglabas si Warren ng sampung libong piso at ipinatong sa lalagyan ng palamig. “Kulang pa ba ito?”

“Honey, bigyan mo pa nga ng sampung libo. Nakakaawa naman si ate. Baka wala na siyang maibiling gatas ng anak niya. Ang guwapo pa naman no’ng bata.” Hinaplos ni April ang pisngi ni Warren. “Ate Maya, kahit huwag mo nang lutuin ‘yong iba. Ipapakain ko lang din naman ‘yan sa mga alaga kong aso at pusa.”

Ikinuyom ni Maya ang kaniyang mga kamao. Napalunok siya. Labag man sa loob ay kinuha niya ang dalawampung libong pisong ibinabayad ng dalawa. Malaki na ang kita niya sa halagang ibinabayad nila. ‘Para sa mga anak mo, Maya. Kailangan mong lunukin ang pride mo para sa kanila,’ sigaw ng isip niya habang binabalot ang mga biniling pagkain ng dalawa.

“Tapang-tapangan ka pa kanina, kukunin mo rin naman pala ang pera,” may pagmamayabang na wika ni Warren.

“Inaaway niyo po ba ang mommy ko?”

Napalingon sina April at Warren sa batang nagsalita. Kamukhang-kamukha nito si Maya!

'Kambal ang anak ni Maya?' isip-isip ni April. Nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay nang makita niya ang mukha ng lalaking kasa-kasama ng batang babae. Mas guwapo, mas matipuno at mas mukhang mabango kaysa sa asawa niyang si Warren! Higit sa lahat, may resemblance ito sa batang si Matthan!

“Maya, siya ba ang asawa mo?” Bakas sa mukha ni Warren ang pagkainis. Napansin niya ang kasuotan at relo ng lalaki. Mukha namang mayaman ang nabingwit ni Maya pero bakit ito nagtitinda sa kalye?

“Mommy!” Nagtatakbo si Hope patungo kay Maya at niyakap ito.

“Hope, bakit wala ka sa tindahan ng Tita Avva mo? Tumakas ka na naman ba? Saan ka nagpunta at saka sino 'yang lalaking kasama mo?” bulong ni Maya.

“Inihanap po kita ng mapapangasawa, mommy,” natatawang bulong ni Hope.

“Sir, pinapatawag po kayo ni senior. Urgent daw po,” ulat ni Brandon.

“Tell him, we will be there within twenty minutes,” Gavin said while he's staring at Maya. ‘Bakit pamilyar ang mukha niya?’

"May dumi ba ako sa mukha? Bakit titig na titig siya sa akin?" bulong ni Maya sabay hawak sa kaniyang pisngi.

“Miss, bantayan mo nang mabuti ang anak mo. Muntik na siyang masagasaan ng sasakyan ko kanina.” Kinuha ni Gavin ang kaniyang wallet. “Use this card to buy something for that adorable kid. This is a valid form of payment to any Supermalls stores nationwide.” He smiled at Hope.

“Daddy, don't leave us,” Hope pleaded.

Pinandilatan ni Maya si Hope. “Ano bang sinasabi mo, anak? Nakakahiya kay sir.” Yumuko siya. “Pasensya na po kayo sa anak ko. Ganito lang po talaga siya kung minsan. Kunin niyo na po pala itong card niyo. Hindi po ako tumatanggap ng kahit ano sa hindi ko kilala,” aniya.

“I’m not giving it to you. I'm giving it to your daughter.” Gavin winked at Hope. “Anyway, if you need a job you can contact me here.” He gave his calling card to Maya.

“Sir, kailangan na po talaga nating umalis. Galit na po si senior. Sunod-sunod na po ang text messages niya sa akin,” pinagpapawisang wika ni Brandon.

Nagpaalam si Gavin kay Hope bago tuluyang umalis.

“Mommy, I want him to be our daddy. He's so handsome, rich and kind! Please, mommy!” Hope stomped her feet on the ground.

Inilagay muna ni Maya sa bulsa ng kaniyang apron ang calling card na binigay ni Gavin at pagkatapos ay saka niya binuhat si Hope. “Anak, mamaya na tayo mag-usap. Pumunta ka muna kina Tita Avva mo. Naroon na si Matthan and please, huwag ka nang aalis doon. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Tumango si Hope. "Sorry po kung umalis ako kanina, mommy. Hindi ko na po uulitin." Hinalikàn niya si Maya sa pisngi at saka nagtatakbo patungo sa direksyon ng tindahan ng kaniyang Tita Avva.

Napailing na lang si Maya sa ikinilos ni Hope kanina.

“Sinasabi ko na nga ba! Napakalabong magkagusto sa'yo ng lalaking ‘yon." Inayos ni Warren ang kaniyang buhok. "Ano na, Maya? Matagal pa ba ang order namin?” Nagtakip siya ng ilong nang makaamoy siya nang hindi kaaya-aya.

Padabog na ipinagbabalot ni Maya ang kaniyang mga paninda. Nang matapos niyang ipake ang lahat ay ibinigay niya iyon kina April at Warren. “Maraming salamat. Nawa ay hindi na muling magkrus ang ating mga landas!” Nagsimula na siyang magligpit ng mga gamit. Ayaw niyang abutan nang malakas na ulan sa daan.

Kinuha nina Warren at April ang lahat ng kanilang pinamili at nagtungo na sa kanilang sasakyan.

“Kailangang malaman ni mommy na naging disgrasyada si Maya. Sigurado akong babawiin nila ang apelyidong ipinahiram nila kay Maya kapag nalaman nilang nabuntis ng kung sinong poncio pilato ang ampon nila. Worst, she's not even married.” Nandidiring ibinaba ni April ang mga supot na naglalaman ng kikiam, fishball at kwek-kwek sa may compartment ng sasakyan.

“Paano mo nalamang hindi pa kasal si Ate Maya mo?” kunot-noong tanong ni Warren.

“Simple lang. She's not wearing a wedding ring. Tara na nga, honey. Nagsayang lang tayo ng oras kay Maya. Kailangan pa nating maghanda para sa business presentation natin for Senior Thompson. Malapit na nga rin pala niyang ipakilala sa publiko ang kaisa-isa niyang apo na si Gavin. Kailangan nating magpa-impress sa kanila. We can't afford to lose their support for our business ventures," April replied before she went inside the car.

Tiningnan ni Warren si Maya bago siya pumasok sa loob ng sasakyan. ‘I can't believe that someone owned her that easily. Mas lalo siyang gumanda at kuminis ngayon. Matitikman din kita, Maya. Matitikman din kita,’ piping turan niya.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Hala Ang bad mo Warren
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 331

    Pinaharurot ni Garret ang kaniyang sasakyan. Tiningnan niya mula sa salamin si Maya. Mas lalo pa niyang binilisan ang pagmamaneho. ‘I’m sorry, Avva. Hindi ko alam na allergy ka sa tulips. Hang on please. Huwag mo kaming iwan ng anak mo. Babawi pa ako sa'yo dahil sa mga nagawa kong kasalanan. Masya

  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 330

    “Oh, Gavin!” umiiyak na wika ni Maya at saka siniil ng halik ang kaniyang asawa. “Yes, I will marry you over and over and over again." **** "Mommy Maya!” sigaw ni Nijiro habang tumatakbo siya palapit sa bago niyang ina. May dala-dala siyang isang bouquet ng bulaklak na nakatago sa kaniyang liku

  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 329

    ‘Wala na akong mahihiling pa sa Diyos, kung hindi mapangalagaan ang kapayapaan at manatili ang kasiyahan ng pamilya ko,’ taimtim na dasal ni Maya sa kaniyang isipan. Kinagabihan ay umalis din ang lahat. Sina Maya, Gavin, at mga bata na lang ang natira. Ang mga bata ay himbing na himbing na ang

  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 328

    “Sa wakas, nakumpleto rin ang pamilya natin! Magiging masaya na ulit ang malaking bahay na ito. It only proves that home is not just a place where we can rest and stay comfortably, home is where your people are,” masayang sambit ni Donya Conciana. “I agree with you, lola,” nakangiting wika ni Maya

  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 327

    “Well, iyan ang aalamin natin at hindi tayo titigil hangga't hindi nabibigyang linaw ang lahat," wika naman ng isa pang reporter habang pinapanood niya ang pag-alis ni Gavin. Sa tahanan ng mga Lawson…. Hindi na pinatapos ni Betina ang sinabi ni Gavin sa telebisyon. Sa inis niya ay binato niya a

  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 326

    Kakalapag lang ng pribadong eroplano. Hindi na mapakali si Maya at ang mga bata. Matagal-tagal din ang lumipas nang nagtungo sila sa America. At ngayon ay nasa Pilipinas na sila. Kahit ang mga bata ay malapad ang ngisi sa labi. Nais nang bumaba ng mga ito sa eroplano at umuwi na agad sa mansyon nila

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status