Makalipas ang limang taon…
“Axel, magpalit ka na at malapit nang magsimula ang party,” ani Yaya Nancy sa limang taong batang lalaki na si Axel. Ngunit nanatiling nakatalikod ang munting binata sa kaniya.
Abala ito sa pagpipinta. Malapit niya na itong matapos. At ayaw niyang paistorbo sa kahit ninoman. Para sa kaniya ay mas mahalaga ang kaniyang ipinipinta kaysa sa birthday party niya sa labas.
Sa loob kasi ng limang taon ay palaging magarbo ang handaan para sa kaniyang kaarawan. Iyon kasi ang nais ng kaniyang mommy at daddy. At dahil doon ay unti-unti na rin siyang nanawa. Hindi niya rin kasi maramdaman ang kaniyang kaarawan dahil puro matatanda ang dumadalo rito. Ni wala nga siyang kakilala sa mga ito maliban lamang sa kapamilya niya.
“Axel, hijo, halika na at magbihis ka na. Hinihintay ka na nila mommy mo sa baba,” muling kumbinsi ni Yaya Nancy rito. Ngunit umiling lamang si Axel.
“Pwede po bang ‘wag ma lang akong lumabas, yaya? Mas gusto ko na lang pong magkulong sa kwarto at tapusin itong painting ko,” pakiusap niya.
Lumamlam ang tingin ni Yaya Nancy rito. Alam niya ang nararamdaman ng bata. At nais niya man itong pagbigyan sa hinihiling ay wala naman siya sa lugar para gawin ‘yon. “Pasensya ka na, hijo. Alam mo naman na wala akong magagawa pagdating d’yan.”
Naglakad si Yaya Nancy palapit kay Axel. Pinagmasdan niya nang mabuti ang ipinipinta ng bata. Isa iyong larawan ng isang masayang pamilya sa tabing-dagat. Muli ay nakaramdam siya ng habag. Alam niyang nangungulila ang bata sa kalinga ng magulang dahil parehas na may pinagkakaabalahan si Diether at Jane na halos hindi na nila mabigyan ng atensyon si Axel.
“Kay ganda namang pinta niyan, Axel,” puri niya.
“Salamat po, Yaya Nancy. Konti na lang po. Matatapos ko na rin ito. Ipapakita ko po agad kina mommy at daddy para maging proud sila sa ‘kin,” puno ng pag-asang sambit niya.
Ginulo ni Yaya Nancy ang buhok niya. “Pwede mo naman ituloy bukas, Axel. Sa ngayon ay kailangan mo munang magpakita sa labas. Sige ka. Gusto mo bang magtampo ang mommy at daddy mo kasi hindi ka nagpakita sa birthday party mo?”
Napayuko si Axel. “Pero ayoko po talaga. Wala naman po kasi akong kakilala sa mga–”
Hindi pa natatapos sa pagsasalita si Axel nang pabalang na nabuksan ang pinto. Mula roon ay pumasok si Mildred na kanina pang nakikinig sa usapan ng dalawa. Nainip at nainis na ito sa sobrang tagal ni Axel.
“Ano na naman bang drama mong bata ka?” irita nitong bungad. “At bakit hindi ka pa nakakapagpalit? Limang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang party. Ano ba?!”
Ayaw na ayaw niya talaga kapag nagpapabebe ang batang ito. Kung hindi niya lang talaga ito napapakinabangan ay hindi niya ito pagtitiisan. Ito lang kasi ang susi para mapanatili niya ang kapit ng kanilang pamilya sa mga Ford, ang pamilyang nangunguna sa larangan ng negosyo sa bansa.
Ang maging partner pa lang ng mga Ford ay malaking tulong na para mas makilala ang isang kompanya. Paano pa kaya kung kasal ka sa isa sa mga ito?
“Huwag niyo naman pong bulyawan ang bata,” maingat na saway ni Yaya Nancy sa kaniya.
Inirapan niya ito. “Makakaalis ka na. Ako na ang bahalang kumausap kay Axel. Tumulong ka na lang d’on sa baba.”
“P-Pero–”
“Hindi mo ba ako narinig?”
“O-Opo,” nakayukong tugon ni Yaya Nancy.
Nang makaalis ang yaya ay saka muling hinarap ni Mildred ang bata. “Magpapalit ka ba o hindi?” taas-kilay niyang tanong.
“T-Tita… ayoko pong bumaba.”
“Ayaw mo talaga?”
“O-Opo,” takot ngunit lakas-loob na sagot ni Axel sa nakakatakot niyang tiyahin.
“Okay,” walang-emosyong sambit ni Mildred saka dinampot ang painting na tinatapos ni Axel.
“Tita, saan niyo po dadalhin ‘yan?” tarantang tanong ni Axel.
“Ito ang dahilan kung bakit ayaw mong bumaba ‘di ba? Pwes akin na ‘to. Kung ayaw mong bumaba, ‘di wag. Dito ka sa kwarto mo buong magdamag!” aniya saka dali-daling sinara ang pinto.
Sinubukan ni Axel na pigilan ito ngunit mas malakas si Mildred sa kaniya. Ini-lock siya ni Mildred mula sa labas.
“Tita! Buksan niyo po ang pinto!” sigaw ni Axel habang sunod-sunod na kinalampag ang pinto.
“Manigas ka r’yan! ‘Yan ang gusto mo ‘di ba?”
Maya-maya pa ay biglang namatay ang ilaw sa kwarto ni Axel. Kaagad na nilukob ng takot ang bata. Bumilis din ang paghinga niya.
Ayaw ni Axel sa madilim. Takot rin siyang makulong sa isang silid nang walang kasama.
Unti-unti siyang nanghina. Nangangatal na rin siya sa sobrang takot. “T-Tita… Pagbuksan niyo po si A-Axel… Magbabait na po ako…” hikbi niya.
Samantala sa hardin ng Ford Mansion kung saan gaganapin ang kaarawan ni Axel…
“Ano na, Mildred? Nakapagbihis na ba si Axel?” tanong ni Fiona Andres, ang kanilang ina ni Sophia.
Napaismid siya bago uminom ng wine. “As usual, ang tigas na naman ng ulo. Naiinis na ako sa batang ‘yon. Manang-mana siya sa walang kwenta niyang nanay. Buti na lang talaga at namatay na ‘yon. Bawas sa sakit sa ulo.”
Pasimpling siniko ni Fiona ang anak. “‘Wag ka ngang masyadong maingay. Baka may makarinig pa sa ‘yo d’yan.”
“Totoo naman kasi.”
“Paano na ‘yan? Kailangan natin siyang mapababa rito bago pa dumating si Diether. Asan na ba kasi si Jane. Dapat siya ang narito para kumbinsihin ang anak niya.”
“Magkasama sila ni Diether ngayon. Alam mo naman ‘yon. Laging nakabuntot sa asawa.”
“Hayaan mo na. Mas okay na ring nababantayan niya ‘yon at baka kumaliwa pa. Mahirap na. Ako na lang muna ang aalo kay Axel–”
BLAG!
“Mr. Axel!”
Nagulat ang mag-ina sa sigaw ng bodyguard ni Axel.
“Anong nangyari?” kaagad na tanong ni Mildred.
“Si Mr. Axel po! Nahulog mula sa kwarto niya!” sagot ng bodyguard.
“A-Ano?!” sabay at gulat na sambit ng mag-ina.
Chapter 12.1Sa kasalukuyan…“Sabi ng doctor, stable na siya. Pero it’s been three days at hindi pa rin siya nagigising. Ang sabi ay nagre-regain pa ang katawan niya ng lakas kaya ganoon,” paliwanag ni Diether kay Calix. “That’s good to hear. Nag-alala talaga ako nang marinig ko ang nangyari. Excited pa naman akong umuwi dahil madami akong biniling pasalubong para sa kaniya.”Talagang sobrang malapit ang loob ni Calix sa inaanak. Napakabait at masunurin kasi nitong bata. Kaya naman hindi nito nakakalimutang bumili ng pasalubong para dito kada uuwi siya galing sa ibang bansa. “Bawas-bawasan mo naman ang pag-spoil sa anak ko. Nagseselos na ako sa ‘yo ah. Baka sa susunod mas gusto ka na no’ng makasama kaysa sa ‘kin,” biro ni Diether. Hindi naiwasang mapahalakhak ni Calix. Alam niya kasing may halong katotohanan ang biro ng kaharap. Maya-maya pa ay mayabang siyang nagkibit-balikat. “Hindi ko na kasalanan kapag nangyari ‘yon. Bawasan mo rin kasi ang kakasubsob sa trabaho. Kung wala ka l
“Angas ah. Hindi lang siya pumayag na bumuntis ka ng iba. Talagang nag-suggest pa siya ng candidate,” natatawang komento ni Calix. Hindi rin maiwasang mapatawa ni Diether. “Maybe she’s just helping me. After all, siya rin naman ang kikilalaning ina ng magiging anak ko sa babae.”Napakibit-balikat si Calix. “Siguro nga. Pero bakit daw? Why that specific Anastacia girl?”Hindi agad nakasagot. Tumayo siya mula sa kaniyang swivel chair at saka naglakad patungo sa glass wall ng kaniyang opisina. Napako ang kaniyang tingin sa ganda ng city lights sa ibaba. Para itong mga alitaptap na pakinang-kinang sa gabi. Muli ay sumimsim siya sa kaniyang baso bago hinarap si Calix. “She told me she hated that girl. Malaki raw ang kasalanan nito sa kaniya which caused her to transfer school in the past.”Napangiwi si Calix. “Oh ano namang kinalaman no’n sa pagha-hunting mo ng mapapangasawa? ‘Wag mong sabihing gagamitin ka niya para maghiganti ro’n sa babae?”“Exactly.”“At pumayag ka naman?!” gulantan
“Nabalitaan ko ang nangyari. Kumusta na ang pamangkin ko?” untag ni Calix sa tulalang kaibigan. Kakabalik niya lang galing sa ibang bansa para sa isang business venture nang mabalitaan niya ang nangyari sa kaniyang inaanak. Si Calix Olivarez ang pinakamatalik na kaibigan ni Diether. Mula pa high school ay magkasanggang-dikit na ang dalawang ito. Mapatrobol man o kasiyahan palagi silang magkasama. Kaya alam nito lahat tungkol kay Diether. Alam din nito ang ginawa niyang kagaguhan sa nakaraan. Naroon siya noong panahong pinakasalan ni Diether si Anastacia. Isa pa nga siya sa mga naging witness noon. Nang ibalita sa kaniya ni Diether ang pagpapakasal nito ay nagulat pa siya. Ang alam kasi nito ay mahal pa rin nito ang kaniyang ex na si Jane, na hiniwalayan siya para sa kaniyang career noon. Sa kabila ng hiwalayan nila, sina Diether at Jane pa rin ang nakatakdang magpakasal sa hinaharap dahil pinagkasundo na sila ng kanilang mga magulang noon pa man. At ang hiwalayan ng dalawa ay pans
"Anastacia?”Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ni Jane sa mga sandaling iyon. Pati ang mga balahibo niya ay mabilis na nanindig. Para siyang hahapuin dahil sa bilis ng paghinga. Dahil sa panghihina ay nahulog ang sling bag niya sa sahig mula sa pagkakadulas sa kamay niya. Agad siyang natauhan nang marinig niya ang bulungan ng mga tao sa paligid niya. “Hoy, ‘di ba si Jane Andres ‘yon? ‘Yong sikat na artista?”“Grabe! Mas maganda pala talaga siya sa personal ‘no?”“Oo nga. Tapos parang wala siyang ka-pores-pores!”Kung sa normal na pagkakataon, pumapalakpak na ang tainga ni Jane sa mga komento ng mga tao. Mahal na mahal nito ang kasikatan niya. At gustong-gusto niya kapag binabato siya ng mga puri ng mga tao. Subalit ang galak na nararamdaman niya kapag gano’n ay hindi lumitaw. Hindi ngayong nakakita siya ng multo mula sa kaniyang nakaraan. Nang mapansin niyang dumadami na ang taong nakakapansin sa kaniya ay agad siyang kumilos at pinulot ang laman ng bag niyang natapon. At nang muli
Pupungas-pungas na kinusot ni Stacy ang kaniyang mga mata. Kakagising niya lang mula sa mahabang oras na pagkakahimbing. Kaagad niyang inapuhap ang bedside clock niya para tingnan ang oras. “Oh, shit!” napapamura siyang bumangon, muntik pang mahulog sa kaniyang higaan. Paano ba namang hindi siya mapapamura?Alas onse na ng umaga. Sigurado siyang napasarap ang tulog niya dahil sa halos bente kwatro oras niyang duty kahapon. Kung hindi pa nga siya sinita ni Dr. Medina at pinauwi ay talagang mananatili pa siya sa ospital hanggang alas kwatro ng madaling araw. Ngunit dahil sa pamimilit ni Dr. Medina sa kaniya, wala na siyang nagawa kundi ang umuwi bandang alas dose y media ng madaling araw. Panatag na rin naman siya dahil alam niya nang binabantayan ni Diether ang anak niya sa mga oras na ‘yon. Nagmamadali niyang hinablot ang kaniyang twalya sa sabitan at akmang papasok na sa banyo nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. “Good morning, mama!” masiglang bati nina Athena at Co
“D-Diether…” Halos hindi na umabot sa pandinig ni Diether ang boses ng doktorang nasa harapan. Saglit lamang siyang umalis mula sa pagbabantay kay Axel dahil nakaramdam siya ng gutom. At hindi niya inaasahang madadatnan niya ang doktora mula sa silid ng anak. Nanatiling nakaawang ang kaniyang mga labi dahil sa nasilayan. “Mr. Ford, ayos lang ba kayo? Para kayong nakakita ng multo,” komento ni Stacy nang mapansin ang pagkatulala ng lalaki. Hindi iyon sapat para bumalik ang katawang lupa ni Diether. Tunay na para siyang nakakita ng multo sa katauhan ng doktora. Hindi niya nasilayan ang mukha nito kanina dahil lagi itong may suot na face mask. Pero ngayon ay malaya niyang natitigan ang mukha ng babae. At kamukhang-kamukha nito ang yumao niyang asawa, si Anastacia. Ilang beses na kumurap si Diether upang masiguradong hindi siya niloloko ng kaniyang paningin. Akala niya ay binabangungot siya nang mga oras na ‘yon. Ngunit hindi naglaho ang babae sa kabila nang mariin niyang pagpikit.