LOGIN"Oo nga pala, ignorante ka nga pala regarding sa papel na 'to. Hindi ito basta papel lang," saad ko rito. Kunot-noo lang itong nakatitig sa papel na hawak ko.
"Ewan ko sa'yo! Basta nagtatampo ako sa'yo!"
Natawa ako rito. "Bakit ka naman nagtatampo?"
"Mas close kasi kayo no'ng si Sandra. Kaya ako na tunay mong kaibigan ay nakalimutan mo na!"
Natawa akong muli sa narinig mula rito. "Bukas na bukas samahan mo ako sa bangko at gawin natin itong pera," nakangiting tugon ko rito.
"Ewan ko sa'yo! Ako'y 'wag mong pinagloloko, Yna!" inis nitong tugon sabay nguso. Nailing na lamang ako rito.
Pumasok na ako sa loob ng munti naming tahanan ni inay, nakasunod lang sa akin si Erin. "Ang mabuti pa hilamusan mo iyang mukha mo," saad ko rito.
"Oo na, pero kahit ganito ang mukha ko panigurado naman akong kahit hindi ako maganda may itsura pa rin," pagmamayabang pa nito.
"Ay sus, sino ba ang may sabing pangit ka?" nakangiting tugon ko rito.
"Trip ko lang," nakanguso pa rin nitong saad.
"Loka ka talaga," nakangising turan ko rito. Binuksan ko ang TV. "Maligo muna ako manood ka muna riyan ng paborito mong drama," saad ko rito.
"Ligo well," tugon nito.
Nakangiting tinungo ko ang banyo at naligo. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ako ng banyo at pumanhik sa taas para tunguhin ang aking sariling silid.
"Ikaw naman, maligo ka na lang muna rito," saad ko sa aking kaibigan.
"Sige, kuha muna ako damit."
"Isara mo ang pinto," bilin ko rito.
"Opo," birong sagot nito sa akin. Nailing na lamang ako.
Pumasok na ako sa sariling kwarto at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay sinuklay ko ang sariling buhok habang nakatitig sa sariling repleksyon sa salamin. Muli, binalot ng kalungkutan ang aking puso.
"Farrah," bulong kong tugon. Saka tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Kinapa ko ang suot kong kwintas. Pagdakay, marahas kong pinunasan ang aking mga luha nang marinig ang sigaw ni Erin mula sa baba.
Bumaba na ako para magluto ng kanin at ulam. Tinungo ko ang kusina at inayos ang ilang kahoy para gumawa nang apoy. Magluluto ako ng kanin at ulam. Hindi ko na naabutan si Erin, tingin ko'y nasa loob na ito ng banyo. At hindi nga ako nagkamali dahil mula roon narinig ko ang boses nito na pakanta-kanta pa ang bruha.
Nang umapoy na ang kahoy napangiti ako. Hinugasan ko ang kaldero at nilagyan ng bigas, at isinalang. Hinanda ko na ang ulam kong tuyong isda. Heto ang buhay ko, at hindi ko mapigilan na ihalintulad ang aking sarili sa mala-Cinderella na buhay. Akala ko sa mga story book lang iyon nangyayari, pwede rin pala itong mangyari sa totoong buhay.
"Hoy!" Gulat na napalingon ako sa kinaroroonan ni Erin.
"Ano ba! Ikaw talaga," nakanguso kong turan dito.
"Ba't ba napaka-magulatin mo?"
"In born na talaga 'to," sagot ko rito at muling hinarap ang ginagawa.
"Yna, penge ako ulam. Ang ulam namin sa bahay bagoong na naman," reklamo nito.
"At least may kinakain kayo. Huwag kang magreklamo. Magpasalamat ka sa Panginoon at least hindi kayo nagutom. Bawat nangyayari sa ating buhay, masama man 'yan o mabuti ay nararapat lang na ipagpasalamat natin sa taas."
"Hayan na naman po siya sa pagiging isang makata." Nailing na lamang ako sa inasal ng kaibigan kong si Erin.
"Nagpapaalala lang, dapat mapagpasalamat tayo sa lahat ng bagay. Dahil ang Panginoon ang siyang nagbigay," saad ko rito.
"Oo na, salamat po," tugon nito.
Niluto ko ang tuyong isda ng sa wakas ay naluto na rin ang kanin naming mais. Yes, mais ang kinakain namin ni nanay para mas makatipid kami sa pera, palibhasay marami akong binibili na mga gamot para rito. Pero ngayon na alam ko na ang tunay kong pagkatao. Makakatikim na rin ako ng masagana. At siyempre, ibabahagi ko rin iyon sa kaibigan kong si Erin at sa mga taong katulad ko rin ay plano kong bigyan nang puhunan kahit sa maliit na paraan ay makatulong ako sa mga ito at para na rin makapagpatayo ng maliit na negosyo, pero kakausapin ko pa roon si Tita Mildred.
Pagkatapos kong maluto ang ulam ay isinalang ko ang sinabawang gulay. Yeah, ang pinaka-paborito ko sa lahat. Pagkatapos maluto ay inihain ko ito sa maliit naming mesa. Eksaktong inihanda ni Erin ang mesa.
"Iyan, ako na naghanda. Para naman hindi mo masabing wala akong silbing kaibigan," palatak nito.
"Loka ka talaga," nakangiting tugon ko rito.
"Ako na naman ang loka, ikaw talaga kahit thank you man lang sana marinig ko mula sa'yo," palatak nito na nakanguso. Sarap lang pitikin. Napangisi lang ako sa sinabi nito.
"Hindi ka naman mabiro, sige na kumain na tayo," saad ko rito at dumulog na ako sa mesa. Saka kami nag-umpisang kumain.
"Alam mo bang hindi pa rin nawawala sa isipan ko iyong sinabi mo?"
"Alin do'n?" nakangiting nag-angat ako ng tingin dito.
"Makakalimutin ka talaga, jusko Yna daig mo pa si Lola Fatima," naiiling na sagot nito sa akin.
"Sa dinami-dami kong iniisip tiyak na hindi ko maiwasang maging makakalimutin, Erin. Pero bukas sasama ka sa'kin para gawing pera ang papel na ito," nakangiting tugon ko rito at ipinakitang muli ang papel na hawak ko.
"Ano ba ang nasa papel na 'yan? Ewan ko ba kung trip mo lang akong asarin, ha? Pero kung totoo man iyang sinasabi mo, Yna, aba'y salamat."
"Totoo nga, ano ka ba! Makakabili na tayo ng sarili ninyong lupa at bahay at bibigyan kita ng negosyo," nakangiting saad ko rito.
Lumapit ito sa akin at dinama ang aking noo at leeg. Natawa ako sa ginawa nito. "Loka!"
"Wala ka namang lagnat. Okay ka lang ba talaga, Yna. Hindi ka ba nag-drugs?"
"Grabe ka naman. Hindi, a! Totoo nga ang sinasabi ko. Ba't ba ayaw mong maniwala?"
"Dahil napaka-imposible ng mga sinasabi mo. Don't tell me pumasok ka sa strip club?!" bulalas nito. Muli na naman akong nagpakawala ng isang malutong na halakhak.
"Trust me, totoo nga ang mga sinasabi ko. Ba't ba ayaw mong maniwala sa'kin. Kailan ba ako nagsinungaling sa'yo?"
Nagulat ako ng tumulo ang mga luha mula mga mata ng aking kaibigan. Kunot-noo na napatitig ako rito.
"Yna naman, e. Alam mo bang umaasa ako? Huwag mo naman akong pag-tripan ng ganito, o."
Ngumiti ako rito at nilapitan ito sabay yakap. "Totoo ang mga sinasabi ko, mahabang kwento, Erin. Malalaman mo rin ang lahat," ani ko rito.
"Ano'ng ginagawa mo rito, Tatiana?" Kunot-noong tanong ko. "I'm with Zeus kaya 'wag mo akong tarayan impostor!" Asik ni Tatiana sa akin. Hawak ang isang envelope ay walang-sabing inihagis ito ni Tatiana sa aking harapan. "Huwag kang magmaang-maangan pa dahil bistado na kita kasama ang dalawa mong alipores, Yna na nagpanggap bilang si Farrah Mondragon!" Gigil ang nakikita ko sa anyo ni Tatiana. "Tang-ina niyong lokohin ang kaibigan ko! Akala niyo hindi ko alam?"Narinig ko ang ilang yabag saka ko sinalubong ang pamilyar na mga mata ng aking asawa. Dàmn, asawang inangkin ko nga pala. Dinampot ko ang envelope saka binuksan at tumambad sa akin ang lahat ng legal na katibayan na ako nga si Yna Javier at hindi si Farrah Mondragon. "Hindi ka na naawa sa asawa ko at talagang sa ganitong sitwasyon pa na wala siyang maalala, Tatiana?""Enough with your lies, Ms. Javier!" Sigaw ni Zeus dahilan para mapapitlag ako sa gulat. Tumahimik ako at muling sinalubong ang mga titig ni Zeus. "Bakit hind
"Kung gano'n, kailangan mong manatili sa tabi ni Zeus. Huwag mong hahayaan na makapasok ang bàliw na si Tatiana. Ikaw ang asawa kaya mas may karapatan ka. Ipaglaban mo ang karapatan bilang asawa sa katauhan ni Farrah," seryosong sabi ni Eliza sa akin. "Sa ngayon kailangan ikaw ang masunod at hindi si Zeus," sabi pa ni Stacey. Binuksan ko ang gamot ni Zach para makainom na ang munti kong bubwit. Mabuti na lamang talaga at konting sinat lang meron ang aking munting anghel. "Ano na ba ang naging kalagayan ni Zeus? Nakalakad na ba siya?" "Fully recover na talaga ang kalagayan niya. Iyon nga ang nangyari. Biglang hindi niya ako maalala," malungkot kong sabi. Pagkatapos kong mapainom si Zach ng gamot ay dahan-dahang tinapik ko lang siya para makatulog. Mabuti na lang at hindi matamlay si Zach. Medyo gumaan ang aking pakiramdam. "Kung gano'n, pwede na siyang bumalik sa kompanya?" "Yes, pwedeng-pwede na," sagot ko. Kaya lang ang masakit ay hindi ako maalala ng lalaking mahal ko. H
Yna POV Walang-tigil sa pag-agos ang mga luha mula sa aking mga mata. Kinonekta ko ang cellphone sa aking kotse gamit ang hands-free calling system para tawagan sina Eliza at Stacey. Nauna kong tinawagan ay si Eliza. Mabuti na lamang at sinagot kaagad ang aking tawag. "Napatawag ka, may problema ba? Umiiyak ka?" "Eliza, pakiusap punta ka ngayon sa bahay. Papunta na rin ako ro'n. I need you right now, please?" "Of course, sige magkita na lamang tayo," ani Eliza sa akin at mabilis na pinàtày ang tawag. Dàmn, I need to focus. Mahirap na kapag nadisgrasya ako sa pagma-maneho. Napuno ng matinding pangamba ang aking puso. "Panginoon ko ikaw na po sana ang bahala sa anak ko..." Muli, tumulo ang masaganang luha mula sa aking mga mata. Halos paliparin ko ang sariling kotse patungo sa bahay kung nasaan ang aking mga anak. Damang-dama ko ang bigat sa aking puso. Hindi ko akalaing gano'n lang kadali kong kalimutan ako ni Zeus. Ang masaklap pa sa lahat ay mas pinagkatiwalaan ng asawa ko
Makalipas ang ilang minutong biyahe ay narating niya ang naturang hospital. Excited na makita ang lalaking minamahal. Hindi mapakali at tila nais ng makarating sa kinaroroonan ng asawa. Halos liparin ng kanyang mga paa ang kwarto kung nasaan si Zeus. Nag-sorry siya sa ilang mga taong kanyang nabangga dahil sa pagmamadaling makarating sa kwarto ng asawa. Hanggang sa wakas ay marating nga niya at naabutan ang nakangiting doktora. "Doc, k—kumusta ang asawa ko?" tanong niya na nauutal pa, pinagmamasdan ang gising na asawa. Kumunot ang noo nito nang makita siya. "Sino ka?" tanong ni Zeus sa kanya dahilan upang mawalan ng kulay ang kanyang mukha na kanina lang ay sobrang saya. "It's me, your wife, sweetie. Hindi mo ba ako naalala?" tanong niya kasabay ng pagtulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata. "My wife?" "Yes, I'm Lyn Palermo Mondragon. Ang asawa mo," sagot niya dahilan para magulat ang doktora sa kanyang naging sagot. Wala na siyang pakialam sa sasabihin pa ng doktora basta sa
"I miss you, please wake up, sweetheart." Hayan na naman ang bigat na kanyang nadarama habang hawak ang isang kamay ng asawa. "We miss you, daddy..." Napapikit siya ng marinig ang boses ni Ferra na tulad niya ay may halong labis na pangungulila at pag-aalala. Niyakap niya ang anak at hinagkan ang buhok. "Alam kong hindi pababayaan ng Panginoon ang daddy mo, princess. Magtiwala na lamang tayo sa magagawa ng Panginoon," aniya. "Mommy..." Munting hikbi ni Ferra. "You have to go, baka ma-late ka pa sa school. Pasensiya ka na kung hindi ka na maihatid ni Mommy. Alam mo namang kailangan ko pang asikasuhin ang kompanyang naiwan ng daddy mo.""I understand, Mommy. Pakiusap, huwag kang masyadong magpapagod at baka ikaw naman po ang magkakasakit," ani Ferra sa kanya. "Thank you, princess," nakangiting turan niya. Humalik muna sa kanyang pisngi si Ferra bago ito tuluyang umalis kasama ang driver nito na si Manong Ben."Ikaw na po ang bahala kay Ferra, Manong Ben," aniya sa driver. "Yes, m
"I'm so sorry for not telling the truth, princess..." "It's okay, Mommy. I know you have reasons and I'll understand." Lumapit sa kanila sina Stacey at Eliza at niyakap silang mag-ina. "We always love you, Ferra. We were sorry for not telling you the truth," ani Eliza. "It's okay, Tita Eli. Mahal na mahal ko rin po kayong tatlo." Pagkatapos ng konting drama ay nagpasya na silang lumabas sa kwarto ni Ferra since marami pa raw na dapat matapos na assignment ang kanyang prinsesa. "Nang gano'n lang kabilis," ani Stacey. "Sabi ko na, e. Malakas talaga ang kutob kong alam niya." "Smart kid talaga itong si Ferra, mukhang nag-mana sa ina," ani Eliza. "Let's go, sa site na tayo?" aniya sa dalawang kaibigan. "Mabuti na lang kahit paano ay parang hindi ka na tulad ng dati na parang namatayan no'ng naaksidente si Zeus." "Kailangan kong sanayin ang sarili, Stacey. Mahirap pero kakayanin, panalangin ko sana kung sakali mang magising na siya ay kilala pa niya kami nina Ferra, at Zach,"







