KINABUKASAN, sinama ko si Erin sa banko. As usual kasama rin namin si Eliza. Tahimik lang ang ignorante kong kaibigan. Ako naman ay nakikiramdam lang din. Hanggang sa inilagay ang pera sa isang bag at nakangiting ibinigay iyon sa akin ni Eliza.
"Jusko!" bulalas ni Erin. Napangisi ako. Nagkatinginan kami ni Eliza."Para sa kaibigan mo 'to. At alam mo bang may sorpresa sa'yo si Yna?" nakangiting tugon ni Eliza sa hindi pa rin makapaniwalang mukha ni Erin. Napansin ko ang biglang pagkunot ng noo nito, saka ako nito marahas na hinila palayo kay Eliza."Don't tell me pinasok mo ang strip club?!" mahinang bulong nito sa aking tenga. Lumagapak ako nang tawa."Ano ka ba naman, Erin. Hindi ko magagawa 'yon," nakangiting tugon ko rito."Sigurado ka ba?""Oo, naman.""Paano mo maipaliwanag sa akin ang mga perang 'yan? Don't tell me nanalo ka sa lotto jackpot?!""As if naman may pera akong itataya do'n? Isa pa, hindi ko gagawin ang tumaya ng lotto, no?""Ano nga kasi 'yan?""Mamaya ko na sasabihin sa'yo. Tara na, nakakahiya kay Eliza.""Nagseselos na talaga ako sa Eliza na 'yan," nakasimangot na saad ni Erin sa akin."Lukaret ka talaga, ba't ka naman magseselos?""Okay na ba kayo?" nakangiting tanong ni Eliza sa amin."Okay na kami, Eliza. Hindi ba, Erin?" ani ko sabay siko rito. Palibhasa'y, nahihiya na ako sa kaibigan kong si Eliza dahil sa kaignorantehan ng kaibigan kong si Erin.Ngumiti lang si Eliza sa amin ni Erin. "Tara," saad nito. Nakasunod lang kami rito."Ang yaman talaga ng kaibigan mo, no? Nakakainggit naman talaga si Eliza.""Tandaan mo, Erin. Maswerte pa rin tayo dahil malusog tayo. Buhay at lumalaban pa rin sa hamon ng buhay.""Sabagay, salamat sa Panginoon sa bawat araw na kanyang ibinigay at sa bagong awa niya na ipinagkaloob sa atin araw-araw."Hanggang sa sumakay kami ulit sa kotse ni Eliza. Nasa back seat lang kami ni Erin."Saan tayo pupunta?" tanong ni Erin."Sa lugar kung saan ako magsasanay bilang si Farrah Mondragon, Erin," sa wakas ay tugon ko sa aking kaibigan. Nagulat ito sa sagot ko."Ano? Hindi ko maintindihan. Ano'ng ibig mong sabihin?" kunot-noo na tanong nito."Malalaman mo rin pagdating natin sa pupuntahan natin," sagot ko rito."Kumusta na nga pala si Nanay mo?" pagdakay tanong nito sa akin."Pinabantayan ko siya sa kapitbahay nating si Ate Jelay. Dahil alam kong mas komportable si Nanay kanya.""Aaminin kong kinakabahan ako sa pinasok mong trabaho. Masyadong malaki iyang pera na dala mo, Yna. Hindi normal na sahod 'yan kung tutuusin. Kahit ignorante ako sa tingin mo, alam ko namang ano'ng rate ngayon ng regular salary," ani nito sa seryosong boses.Piningot ko ang ilong ni Erin. "Kalma lang, malapit na tayo, okay?""Huwag ang matangos kong ilong," reklamo nito. Ngumisi ako rito.Hindi naman nagtagal ay dumating na kami sa aming destinasyon. Pansin ko pa rin ang pagtataka sa anyo ni Erin. Pagdakay, sabay na umibis kami mula sa kotse ni Eliza.Kapwa kami namangha sa lugar na kinaroroonan namin. Ang laki ng mansion. Kanino kayang bahay ito? Sinalubong kami ng ilang mga kawaksi."Good morning, Ma'am." Bati sa amin ng ilang mga katulong. Halos sabay na napayuko kami ni Erin, tango lang ang naging tugon ni Eliza sa mga ito."Pasok tayo sa loob, hinihintay na tayo nina Tita Mildred at Stacey," ani Eliza.Sumunod kami rito. Aaminin kong napakaganda ng naturang bahay. Nanliit tuloy ako sa aking sarili."Yna, welcome back!" Nakangiting tugon ni Tita Mildred sa akin, lumipat ang tingin nito kay Erin."Sino siya, kaibigan mo ba?" Nakangiting tanong nito sa akin."Yes po Tita. Matalik kong kaibigan," sagot ko rito. Siniko ako ni Erin."Tita?" mahinang tanong nito sa akin."Yeah, siya ang Tita ko.""Ang bahay na ito ba ay siya ang nagmamay-ari?""Sa tingin ko, parang oo.""Bakit parang hindi ka sigurado? May Tita ka? So, meaning ba nito mayaman pala si Nanay mo?!""Yna, come here!" Narinig ko ang masiglang pagtawag ni Stacey sa akin. Agad na napalingon ako rito at ngumiti."Mag-eensayo na ako, Erin. Maupo ka na lang riyan at pagmasdan mo ako.""Ensayo, para saan?""Malalaman mo rin," sagot ko rito. Naiwan ko itong tila may malalim na iniisip.Hanggang sa nagsimula kami sa ilang mga dapat gawin ni Stacey. Aaminin kong mahirap na maging isang Farrah lalo na at hindi kami tulad nito na may pagka-mataray ang aura. But I need to act like her. I am pretending to be her.Buong araw na ensayo at puspusang training na hindi ko kailanman naisip at inaasahan na makuha agad iyon. Panaka-nakang napapasulyap sa kaibigang si Erin. Seryoso ang mukha nito. Alam kong nag-iipon ito ng ilang katanungan.Makalipas ang ilang oras ay natapos kami. Lumapit agad ako kay Erin. Seryoso pa rin ang mukha."Kamukha mo ang babaeng nasa video. Ang pinagkaiba nga lamang ay sopistikada iyong nasa video. Ikaw naman ang version ng isang simpleng babae. Sabihin mo sa'kin, sino ang nasa video?"Ngumiti ako kay Erin. "Ang kapatid kong namayapa na kamakailan lang, Erin," sagot ko rito. Napasinghap ito sa narinig."H—hindi ko alam. Patawad. So, ibig sabihin ba nito magpapanggap ka bilang siya?""Hindi ka nga nagkakamali, Erin."Nanlaki ang mga mata nito nang sabihin ko iyon bilang kompirmasyon."Omg! Hindi ko alam ang sasabihin, at sigurado ka na ba sa desisyon mong 'yan?""Yes, dahil ipinangako ko iyon sa kapatid ko bago siya bawian ng buhay." Napansin ko ang kakaibang lungkot sa mga mata nito. Pagdakay, niyakap ako nito."Isa lang ang alam ko, Yna. Nanliit ako sa aking sarili. Hindi ko akalaing anak mayaman ka pala," saad nito."Sila lang ang mayaman, Erin. Hindi ko kailanman kakamkamin ang perang hindi akin," sagot ko rito."Pero, hija. Lahat ng meron si Farrah ay legal na inilipat niya sa tunay mong pangalan bago pa man siya mamatay," singit ni Tita Mildred. "Ang hiling ko sanay narito kayo ng kinikilala mong ina tumuloy. Huwag kang mag-alala sa Nanay mo. Sagot ko na ang lahat ng mga bills niya. At regarding sa kaibigan mong si Erin. Narito ang susi ng bahay kung saan binigyan siya mismo ng kapatid mo ng sariling bahay, lupa at pagkakitaan.""Salamat po, salamat sa Panginoon!" bulalas ni Erin na hindi makapaniwala habang ibinigay sa kanya ang dalawang susi, walang-gatol na tinanggap nito iyon."Daig ko pa pong nanalo ng lotto nito.""Masaya ako para sa'yo, Erin," lumuluha kong tugon sa kaibigan."Hindi pa rin ako makapaniwala, Yna."Niyakap ko ang kaibigan sa harapan ng aking Tita Mildred. "Thank you, Tita," saad ko rito. Tango lang ang naging tugon nito sa akin.NADATNAN namin si Ferra kasama ang Yaya nito sa dinning area. "Mommy, let's eat! Who is she, mom?" Nakangiting ipinakilala ko si Erin kay Ferra. "Nice meeting you, Tita Erin.""Ang ganda mong bata, mana ka sa mommy mo.""Salamat po, Tita Erin." Ang totoo, sobrang nalula ako sa ilang pagkain na nasa aming harapan. Mukhang masarap. Siyempre, hindi nawawala ang kakaibang kilig na aking nadarama nang lagyan ng kanin at ulam ni Zeus ang aking plato. Nagulat ako nang maramdaman ang mahinang pagsipa ni Erin sa aking paa na kasalukuyang nasa ilalim ng mesa. Alam kong tinutudyo ako nito base na rin sa kakaibang ngiti sa mga labi nito. Pinandilatan ko ito ng mga mata. "Sandali, ngayon ko lang natikman ang mga putaheng ito. Sino ba ang gumawa nito?" "Daddy!" Bulalas ni Ferra. Awtomatikong napalingon ako sa nakangiting si Zeus. "Ikaw?" Nakangiting ani ko."Yes, so how does it taste, sweetie?" "Masarap," sagot ko na hindi parin makapaniwala sa nalaman. Imagine nag-effort ang asawa ko na ipa
Yna POV "So, this is your beautiful wife, the popular designer in Paris, huh? Nice meeting you, Mrs. Mondragon." Inilahad ni Mr. Del Fierro ang isang palad nito sa aking harapan na siyang pasimpleng tinanggap ko naman."Same here, Mr. Del Fierro."Pansin ko ang kakaibang ningning sa mga mata ni Mr. Del Fierro. Nagtagal ang mga mata nito sa aking mukha na tila ba may inaalisa. Habang walang habas naman ang matinding kaba na nadarama ng aking puso. Umaasa akong hindi na ako nito naaalala sa Cebu kung saan una kaming nagkita. "She looks so familiar, well, kaya pala dahil siya ang sikat na designer na kilala sa Paris.""Yes, my one and only wife. Sino nga pala itong kasama mo, sweetie?" Saka ko binalingan ang nahihiyang si Erin. "She's a friend of mine, si Erin. Erin, siguro naman kilala mo na si Zeus and Zeus, si Erin.""Glad to meet you, Ms. Erin." Hindi na nakipagkamay pa si Zeus kay Erin pero mas aggressive itong si Mr. Del Fierro. "Nice meeting you beautiful lady," ani Mr. Del Fi
"Thanks God," ani ko na may matingkad na ngiti sa mga labi. Karga ko ang cute na si Zachary. Habang kasalukuyang nasa kotse pa si Zeus, nauna na akong pumasok sa loob ng bahay at sinalubong ni Ferra."Mommy!" "Yes, sweetie. We're home with your little brother.""Can I touch him, Mom?""Of course, sweetie. C'mon, sa couch tayo."Nakangiting nakasunod lang sa'kin si Ferra, hindi maikakaila ang saya sa mga mata nito ang excitement nang sa wakas ay nakauwi na rin kami ni Baby Zach dito sa bahay.Naupo na kami sa couch at panay ang halik ni Ferra kay Baby Zach. "Mom, napaka-gwapo ni Zach, he looks like dad.""Yeah, saan pa nga ba mag-mana si Zach, siyempre sa daddy mo, hindi ba?""Pwede rin naman po sigurong sa iyo, Mommy, hindi po ba?""Oo naman, kaya lang nagkataon na sa daddy mo siya nag-mana."Inilapag ko si Baby Zach sa couch habang nilaru-laro ito ng kanyang Ate Ferra. "Mommy, looks like he likes to hold my fingers, it's so cute and adorable!" Bulalas ni Ferra. Naaliw ako rito.Igin
NAKAMASID lang ako kay Zeus na ngayo'y nakatulog sa couch. Hinihintay ko ang pagbabalik nina Stacey at Eliza. Dahil kailangan kong alamin ang katotohanan kung, malakas ang kutob kong si Zeus ang ama ni Zach, ang lalaking nakaniig ko at ang unang pinag-alayan ko ng aking pinaka-iniingatang dangal.Ngayon ay kasalukuyang nasa nursery si Baby Zach. Bukas na bukas ay pwede na raw kaming umuwi at excited na akong umuwi. Hindi pa naman ako sanay na maglagi dito sa hospital. Narinig ko ang mahinang katok sa pinto. "Come in," sagot ko. Bumukas ito at iniluwa roon sina Stacey at Eliza na may dala na namang pagkain at ilang pasalubong para sa amin ni Zach. "Tulog ang darling mo?" Nakangiting tanong ni Eliza sa akin. "Yeah, si Ferra ba kasama ang yaya niya?""Oo, pinasyal muna sa children's park para makatulog kayo ni Zeus ng maayos dito. Si Baby Zach ba ay nasa nursery?" "Yeah," sagot ko."Hija." Nag-angat ako ng tingin nang masilayan ang nakangiting mukha ni Tita Mildred, ang taong nakalim
"Akala ko mamaya ka pa uuwi?" Masiglang ani ko kay Zeus. "I'm excited to see you and Zach," nakangiting sagot sa akin ni Zeus. "May pasalubong ako para sa inyo." Ipinakita pa nito ang ilang paper bags na dala. "And I brought some fruits at ilang pagkain, baka kasi hindi mo magustuhan ang pagkain nila rito." "Kahit ano pa 'yan, kakainin ko, no." Nakangiting sagot ko. Napansin kong bigla na namang natigilan si Zeus sa narinig mula sa akin. Lihim ko namang nakagat ang sariling dila dahil batid kong sablay na naman ako sa pagpapanggap bilang si Farrah. "When it comes to food maarte ka kaya dinalhan kita nitong paborito mong Shrimp Scampi." "Shrimp?" Paniniguro kong tanong kay Zeus. "Yeah, hindi ba't paborito mo ang Shrimp Scampi?" Kinakabahan ako dahil allergy ako sa shrimp, paano na ngayon ito? Napasulyap ako kina Stacey at Eliza humihingi ng saklolo. Mabuti na lamang at mabilis na na-gets ng dalawa ang ibig kong iparating. "Penge kami, ha?" Nakangiting singit ni Eliza.
Lumipas nga ang ilang buwan hanggang sa dumating ang aking kabuwanan. Kasalukuyang nasa hospital ako ngayon habang nasa tabi ko zi Zeus. "Alam kong kaya mo ito," nakangiting tugon ni Zeus sa akin kahit pa nga sabihing first time kong manganak, expected kasi nito ay second time ko ngayon dahil nga sa pag-aakalang ako si Farrah. Nasa may ulunan ko lang si Zeus habang hawak ang magkabila kong mga kamay. "Like what I've told you before, Mrs. Mondragon gano'n pa rin ang ating gagawin." Narinig kong ani ng doktora. Ibinuka na nga nito ang aking hita kaya lang nahihiya ako at mabilis na isinara ito dahil sa matinding kahihiyan. "Oh, c'mon. At ngayon ka pa ba mahihiya gayong pangalawang beses mo na ito?" Nakangiting turan ni doktora sa akin. "Naninibago pa rin po kasi ako doktora," sagot ko rito. Abut-abot ang kaba ko, paano kung may mapansin ito sa akin? Sigurado akong lagot na talaga ako at siguradong mabubuking ako ni Zeus. "You must be kidding, Mrs. Mondragon." Napangiwi a