Yna's POV"Bakit kailangan pang dalhin mo si Ferra?" bulong ni Eliza sa akin. "Dahil iyon ang nais ko, Eliza. Hindi ko ba pwedeng dalhin ang anak ko?""Pero isang malupit na sekreto ang pupuntahan natin, Yna.""Alam na ni Ferra ang totoo na hindi ako si Farrah. Baka nakalimutan mo?" "What?!""Yes, sinabi ko sa kanya. Alam na rin niya kung saan inilibing ang kanyang ina. Hindi ko ba nasabi sa inyo iyan ni Stacey?" takang-tanong ko rito."What the heck, Yna! Hindi, ngayon ko lang 'yan alam."Napaisip ako. Hindi ko pa pala nasabi kina Stacey at Eliza ang tungkol sa pagka-alam ni Ferra sa tunay na nangyari sa ina nito? Napasulyap ako kay Ferra sa front seat na ngayo'y nakatulog na sa kasalukuyang biyahe. Habang pasulyap-sulyap naman si Stacey sa amin ni Eliza, nasa back seat kasi kami nakaupo."Kanina pa kayo nagbulung-bulungan diyan, ano bang pinag-uusapan niyo? Care to share?" tanong ni Stacey sa amin."Tulog na ba si Ferra?" tanong ni Eliza kay Stacey. "Kanina pa ito tulog.""Ito k
Yna's POVSa wakas ay narating namin ang lugar kung saan ako lumaki. Muli, hindi ko napigilan ang pagtulo nang aking mga luha ng maalala ko si inay na siyang nagpalaki sa akin. Pero, hindi ko maiwasang mamangha sa ganda at linis ng naturang lugar. Dati kasi ang dumi rito. Namangha rin ako sa tila dating mga pangit na kabahayan, ngayon ay halos magkapareho na ang hitsura. Parang naging villa ang lugar na kinalakhan ko."Pasensiya ka na kung naalala mo ang inay mo sa lugar na ito," alo sa akin ni Eliza. Inabot nito sa akin ang panyo. Tinanggap ko naman agad iyon. "Salamat. Bigla kong namiss si inay.""Si Ate Yna ba 'yon!" "Parang hindi, e. Kamukha lang yata, hindi naman iyon elegante si Ate Yna. Hindi tulad ng babaeng 'yan."Ang ilan sa mga narinig ko mula sa mga bata na dati ay binibigyan ko ng kendi. Pero ngayon, halatang mga dalaga na kung titingnan."Yna, pakiusap 'wag kang magpakilala bilang si Yna. Si Farrah ka ngayon sa kanilang paningin. Ipalabas natin sa mga ito na patay ka
"Kailangan na nating umalis, Yna."Malungkot na napalingon ako sa kaibigang si Eliza. Alam kong naramdaman din nito ang matinding kalungkutan na aking nadarama."Ate Yna, salamat at ni minsan nagawa mo kaming bisitahin dito.""Hindi ko rin inaasahan na makabalik dito, Erika."Hindi ko napigilan ang mga luha na tumulo mula sa aking mga mata. Nagpapasalamat ako sa Panginoon at inihanda na pala ng kapatid ko ang lahat. Ilang araw na lamang ay pupunta na rito sina Tatiana kasama ang mga taong inupahan nito para sa ilang imbestigasyon, at siguradong hindi titigil ang babaeng iyon hangga't hindi nito nalalaman ang katotohanan."Let's go, Yna."Napasulyap ako kay Eliza. Tumango ako rito at tuluyan na naming nilisan ang naturang lugar. "Dalian niyo na bago pa tayo maabutan nina Tatiana," ani Stacey. "Stacey naman, alam mo namang buntis itong si Yna. Kaloka ka talagang babae ka," palatak ni Eliza kay Stacey. Napangiti na lamang ako sa dalawa."Okay lang," nakangiting saad ko kay Eliza. Han
"ARE YOU SURE?!" bulalas ko rito. Hindi makapaniwala sa offer nito. That was unbelievable!"I am serious, Yna. Isa pa, isipin mo na lang ang ina mo. Makakatulong din ito para sa kanya. Para sa mga pangangailangan niya. At sa pag-aaral mo.""Wait lang, nalilito ako Eliza. P—pero bakit?""Dahil may sakit si Farrah at ayaw niyang masaktan ang kaibigan ko na asawa niya. Please, pumayag ka na lang."Gusto kong makita at makausap si Farrah," pagdakay saad ko sa kaibigan. "You mean, inilihim niya ang sakit niya sa sariling asawa para hindi ito masaktan, pero kaya niya itong lokohin?""Sometimes we need to use the thing called white lies, para lang hindi masaktan ang mga mahal natin sa buhay, and that's the reality of life, Yna."Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. Panginoon ko, tama ba itong papasukin ko?"Dalhin mo ako kay Farrah ngayon din. Mabuti na lang at maagang naubos ang paninda ko," tugon ko rito. Inayos ko ang suot kong damit na medyo nalukot."Salamat," tugon ni Eliza.
Pumasok kami sa isang kwarto. At gano'n na lamang ang gulat ko nang makita si Farrah. Napaawang ang aking mga labi. How could it be? Napalingon ako kay Eliza."Eliza?!" bulalas ko."Yes, hija. K—kapatid mo si Farrah. Ikaw ang nawawalang anak ng mga Ferrer. Ikaw si Faith Ferrer. Ang kakambal ni Farrah na ninakaw nang isang katulong na siya ngayong tinuturing mong ina," diretsang tugon ni Tita Mildred sa akin.Wala akong maapuhap na sasabihin. Nakatitig lang ako sa tahimik na kaibigan kong si Eliza. Lumuluha na ito ngayon. Saka ko lang din naramdaman ang mga luhang kusang tumulo mula sa aking mga mata. Kaya pala ibang-iba ang itsura ko. At madalas akong binubully noon ng mga kaklase, adapted lang daw ako ni inay dahil hindi kami nito magkamukha. Mas madalas napagkamalan pa nga itong Yaya ko."Faith, nagkita rin tayo," lumuluhang tugon ni Farrah sa akin. Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan ng aking kapatid. Hilam sa luha ang mga mata nito."F—Farrah," sa wakas ay sambit ko."Yeah,
Sa araw ding iyon minadali nina Tita Mildred at Eliza ang pagpapalibing sa katawan ng aking kapatid. Labis akong nagluksa sa pagkawala nito. Kinapa ko ang kwintas na nasa aking leeg."Wala ka bang balak na puntahan saglit ang inay mo?" tanong ni Eliza.Nag-angat ako nang tingin rito."Wala namang problema kay inay, may binayaran akong kasalukuyang mag-aalaga sa kanya sa hospital," sagot ko."Bukas na bukas ay kailangan na nating isagawa ang lahat. Tita Mildred, tinawagan mo na po ba si Stacey?""Yes, hija. Pupunta siya rito bukas. Umiyak nga nang malaman niyang pumanaw na si Farrah."Napayuko ako sa narinig mula kay Tita Mildred. Nakatitig lang ako sa labasan ng bintana kung saan makikita ang isang swing na nasa may hardin."Ma'am, narito na po ang lunch ninyo," narinig kong tugon ng isang katulong, inilapag nito sa aking harapan ang isang tray na may lamang pagkain."Sige na hija. Kahit konti lang kumain ka para magkaro'n ka ng lakas. Alalahanin mong may gagawin pa tayo," malumanay n
"Akala ko talaga bukas pa ang pagsasanay. Hindi ko akalaing mapaaga ang dating ni Stacey," naiiling na tugon sa akin ni Tita Mildred."Okay lang po 'yon. Mas maigi na mas maaga," sagot ko rito."Mabuti na lang at ang bilis mong matuto," nakangiting tugon ni Eliza sa akin."Madali lang naman. Eliza, kinakabahan ako sa pagkikita namin nang asawa ng kapatid ko. P—paano kung humingi siya ng bagay na para sa mag-asawa?""Hindi ba't tinanggap mo ito ng buong-puso mula sa kapatid mo, nararapat lang na ibigay mo sa asawa niya na asawa mo na rin ang bagay na iyon," seryosong tugon ni Eliza sa akin. Napalunok ako. Narinig ko ang malalim na buntong-hininga na pinakawalan nito. Hinawakan nito ang dalawa kong mga kamay. Alanganing napatango ako rito."Alam kong kinakabahan ka, pero narito na tayo. Tinanggap mo, so be it — okay?""Yeah," alanganin kong sagot."Ihahatid na kita sa bahay niyo, tiyak kong naghihintay na sa iyo si Erin."Napangiti ako ng maalala ang best friend kong si Erin. Tiyak kong
"Oo nga pala, ignorante ka nga pala regarding sa papel na 'to. Hindi ito basta papel lang," saad ko rito. Kunot-noo lang itong nakatitig sa papel na hawak ko."Ewan ko sa'yo! Basta nagtatampo ako sa'yo!"Natawa ako rito. "Bakit ka naman nagtatampo?""Mas close kasi kayo no'ng si Sandra. Kaya ako na tunay mong kaibigan ay nakalimutan mo na!"Natawa akong muli sa narinig mula rito. "Bukas na bukas samahan mo ako sa bangko at gawin natin itong pera," nakangiting tugon ko rito."Ewan ko sa'yo! Ako'y 'wag mong pinagloloko, Yna!" inis nitong tugon sabay nguso. Nailing na lamang ako rito.Pumasok na ako sa loob ng munti naming tahanan ni inay, nakasunod lang sa akin si Erin. "Ang mabuti pa hilamusan mo iyang mukha mo," saad ko rito."Oo na, pero kahit ganito ang mukha ko panigurado naman akong kahit hindi ako maganda may itsura pa rin," pagmamayabang pa nito."Ay sus, sino ba ang may sabing pangit ka?" nakangiting tugon ko rito."Trip ko lang," nakanguso pa rin nitong saad."Loka ka talaga,"