Share

KABANATA 6

Author: Meowpyyyyy
last update Last Updated: 2022-12-03 13:35:09

Apolonia

Kaagad na dinampot ko ang telepono kong nasa mesa nang tumunog iyon at nang makita ang pangalan ng tumatawag ay pasimple akong tumingin sa pinto at bintana ng opisina ng boss ko na nakababa sa ngayon ang blinds. Dahil hindi naman ako nito nakikita at 'di ko rin ito nakikita ngayon ay mabilis na akong tumayo at lumabas upang sagutin ang tawag.

Nang makalayo na ako at masiguro na walang makakarinig sa pakikipag-usap ko sa caller ay huminga muna ako nang malalim bago nagsalita. "H-Hello po, magandang umaga po, Mrs. San Diego," mahina kong bati.

"Hello, magandang umaga, my dear. Gusto lang kitang batiin dahil naging successful ang una mong misyon," bungad na bati nito sa akin at narinig ko pa ang pagpalakpak nito sa kabilang linya.

Napangiwi ako. "Uh... thank you po?" hindi sigurado sa isasagot na sabi ko na lang.

Hindi naman dapat kasi ako nitong batiin dahil sa totoo lang ay wala pa naman akong ginagawang hakbang, at ang totoo nga ay ang anak nito at ito mismo ang gumawa ng paraan upang makapasok ako bilang sekretarya ni Druskelle.

Since malakas ang mga ito na backer ko, hindi kayang tanggihan ni Druskelle ang tiyahin at pinsan kaya wala na itong nagawa pa kundi ang tanggapin na lang ako.

"How's everything, my dear? Going smoothly ba? Nakapag-adjust ka na ba?" sunod na tanong nito sa akin, excited pa nga ang tinig.

Adjust? Agad-agad? Kakapasok ko pa nga lang kahapon!

Hindi ko pa nga makuhang pumorma at makipaglapit sa boss ko na siyang misyon ko dahil bukod sa sinabi ng pinsan nito na istrikto ito ay hindi naman sinabi sa akin ni Draken at lalo na ni Mrs. San Diego na baka magkaroon ako ng problema at mahirapan ako dahil pansin ko na mukhang may pagkasupladito, masungit, tahimik at aloof ang personality nito.

Hindi ko nga rin alam kung marunong ba itong ngumiti, kasi sa buong maghapon kahapon ay ni hindi ko ito nakita at narinig na tumawa kahit na isang beses man lang kahit pa nga apura ang bato ng joke ng pinsan nito.

Kung sumobra sa pagiging masiyahin si Draken, masasabi ko na kinapos naman sa kasiyahan sa katawan ang pinsan nito.

Susme! Napakaseryoso sa life!

"My dear? Are you still there?"

Ipinilig ko ang ulo ko nang marinig ang tinig ni Mrs. San Diego sa kabilang linya. "Opo. Sorry. Uh... nag-a-adjust pa rin po ako, new environment po kasi."

"That's good. Siya nga pala, ibinilin kita kay Draken, if you need anything just tell him, okay? Siya ang bahala sa iyo."

Sobrang late na po kayo sa pagbabalita.

Ngunit napangiti pa rin ako pagkabanggit nito sa pangalan ng lalaki. "Ah, opo. Nabanggit nga po niya, ang bait po niya," hindi ko napigilang sabihin.

At crush ko na po siya.

"Of course, he's really a nice kid. I raised him like that," may pagmamalaki sa tono na sagot nito.

Bahagya akong natawa. "Mukha nga po."

"Anyway, kahit mabait ang anak ko, huwag kang magpapadala sa kabaitang ipinapakita niya. Ipapaalala ko lang sa iyo ang tungkol sa kasunduan natin, wala kang pagsasabihan na kahit na sino tungkol sa misyon mo."

So, wala palang alam si Draken?

"Maging sa kanya ay hindi mo maaaring ibahagi ang ano mang detalye ng tungkol sa kasunduan natin, maliwanag ba, my dear?" patuloy nito.

Napalunok ako.

Napapaisip na naman sa motibo nito sa ipinapagawa sa akin.

Ano ba kasi ang binabalak nito?

"Sige po..." sa halip ay sagot ko na lang din makalipas ang ilang sandali.

Magtanong man kasi ako rito ay alam ko namang hindi ako nito sasagutin ng diretso katulad noong ginawa nito sa akin noong araw na nakipagkita ako rito upang tanggapin ang tulong pinansiyal na inaalok nito na inakala ko ay libre ngunit mayroon palang kapalit.

Pero sana lang talaga ay mabuti ang hangarin nito sa pamangkin.

"Magpapadala nga pala ako ng bagong set ng make-up, sapatos at ng damit na pamasok sa opisina para hindi ka naman maging alangan sa mga tao riyan," sabi nito.

Bago kasi ako lumuwas ay ito na ang namili at nag-provide ng mga kakailanganin ko upang maging presentable naman daw ako.

Napailing-iling ako nang maisip ko na para akong si Cinderella kung tutuusin at ito ang nagsisilbing fairy godmother ko sa nangyayari.

"Sige po, salamat po," sabi ko na lang.

No choice naman kasi ako kundi ang tanggapin iyon, lalo pa at magmumukha naman akong timang at alangan talaga sa ayos at pormahan ng mga tao rito sa opisina.

"O, siya. Iyon lang naman. Asahan mo na lang na tatawag ako minsan upang kumustahin ang misyon mo. Good luck on your mission, dear," sabi nito bago nagpaalam at natapos ang pag-uusap namin.

Napahinga ako nang malalim.

Sana lang ay hindi ko talaga ikapamahak at pagsisihan ang naging desisyon ko na pumasok sa kasunduan kasama ito.

Makalipas ang ilang sandali ay nagpasya akong bumalik na sa puwesto ko, baka kasi hinahanap at may iuutos na sa akin ang boss ko.

Pagkasarado ko ng pinto ay nadatnan ko nga ito na naghihintay at nakaupo sa mismong harap ng mesa ko habang may hawak na panyo at nakatakip iyon sa bibig at ilong nito.

Agad akong inatake ng kaba na mula kahapon ko pa nararamdaman kapag nasa paligid ito, nakikita ko ito, lalo na kapag ganitong nakatingin ito mismo sa akin at kinakausap ako.

Argh! Bwisit!

Tingin ko kasi ay susungitan ako nito ano mang oras, o 'di kaya ay mabubuking nito ang tungkol sa kasunduan namin ng tiyahin nito.

Naramdaman ko ang pamamasa ng kamay ko.

Here I go again.

Mabilis man ang pintig ng puso ay pilit ko itong nginitian, hindi ko alam kung ngiti nga bang matatawag iyon dahil ramdam ko na medyo nanginginig pa ang labi ko.

"Where have you been, Ms. Marquez?" usisa kaagad nito, parang kakaiba ang tunog ng boses sa pandinig ko.

Malat ba ito? O dahil lang iyon sa panyo?

"Sa labas po, sinagot ko lang po 'yong tawag ni Mrs. San Diego, nangungumusta lang po," kunwari ay kaswal na pagbibigay alam ko rito upang pagtakpan ang kabang nadarama.

Pero totoo naman ang sinabi ko, iyon nga lang ay hindi ko na maaaring idetalye pa rito ang kabuuan nang naging pag-uusap namin. Kapag ginawa ko kasi iyon ay panigurado na mayayare ako on the spot.

Hindi ako maaaring mabuking!

"Mahina ba ang signal dito sa puwesto mo at kinailangan mo pang lumabas?"

Kaagad akong umiling. "H-Hindi naman po..."

"Hindi kita pinagbabawalan na gumamit ng phone sa oras ng trabaho, pero next time, ayokong umaalis at nawawala ka na lang bigla sa puwesto mo. Kanina pa ako tumatawag sa telepono pero walang sumasagot, iyon pala ay wala ka rito," seryosong sabi nito.

Hala, kay aga at halos kakarating lang nito, pero ang sungit na agad!

Masama ba ang naging gising nito?

"Copy po, hindi na po mauulit," sagot ko, kaysa patulan pa ang pagsusungit nito.

Bukod sa ayokong masira ang araw ko, siyempre ay hindi naman puwedeng makipagbardagulan ako rito, kailangan kong isaalang-alang ang misyon ko.

Huminga ito nang malalim at iniabot sa akin ang isang folder na hindi ko napansin na nakapatong pala sa ibabaw ng table ko dahil sa mga papel na nagkalat roon. "Pakitawagan 'yong nagbigay sa iyo niyan na taga-accounting department kanina, i-inform mo na napirmahan ko na ang tseke. Okay na iyan."

"Okay po."

Akala ko ay aalis na ito, ngunit sa halip na umalis ay nanatili itong prenteng nakaupo sa upuan sa harap ng mesa ko habang hindi pa rin inaalis ang panyo sa mukha.

Na-conscious tuloy ako, gusto kong amuyin bigla ang sarili ko.

Mabaho ba ako?

Naghilod at nagsabon naman ako ng buhok at katawan nang maligo ako kanina, ah. Nagsepilyo at gargle rin ako ng bibig. Saka nag-deodorant at nag-perfume pa nga ako bago umalis at pagdating ko rin dito.

Kulang pa ba ang mga iyon?

"What?" masungit na tanong nito, marahil ay napansin ang pagtitig ko rito.

"May kailangan pa po ba kayo?" sa halip na pangibabawin ang takot, kaba at sindak ay lakas-loob na tanong ko, pilit na pina-friendly ang tono.

Kailangan ko na kasing umpisahan ang unang hakbang upang mapalapit dito.

Naisip ko kasi na kung paiiralin ko ang kaba ko sa tuwing makikita, makakausap at titingnan ako nito, paano ako mapapalapit rito at makukuha ang loob nito?

Isang taon lang ang mayroon ako, kaya kailangan kong lakasan ang loob ko, kapalan ang mukha ko at gawin ang lahat ng makakaya ko upang magtagumpay sa misyon, kung hindi...

Ikinumpas nito ang kamay. "Go on. Don't mind my presence here. I'll discuss something with you once you're done talking on the phone. I'll wait here."

Nagtataka man sa maaaring sabihin nito ay sinunod ko na lamang, katulad nga nang sinabi nito hanggang sa matapos akong makipag-usap kay Ms. Manuel ng accounting ay nanatili ito sa harap ng mesa ko.

Agad na inihanda ko ang sarili ko.

Kaya mo iyan, self!

"Done?" untag nito sa akin nang maibaba ko na ang telepono.

Tumango ako.

"Okay. Can you please go to my office?" utos nito.

Kahit na nagtataka pa rin ay tumalima naman ako, ngunit nang nakapasok na ako sa loob ay sinilip ko ito. "Tapos, ano po ang gagawin ko rito?" usisa ko.

Tumayo na ito habang nakatakip pa rin ang panyo sa ilong at lumapit sa pinto ng sariling opisina ngunit hindi ito tuluyang pumasok. "Go to my table."

Sinunod ko naman ang sinabi nito.

"Tapos po?" tanong ko nang nasa tabi na ako ng table nito.

"Paki-check."

Pinigilan ko ang mapasimangot.

Kainis na, ah. Bakit paisa-isa pa ang utos?

Ngunit sa halip na ipakita ang asar ko ay nginitian ko ito.

Itatago ko na muna ang sungay at buntot ko. Kailangan kong magpakabait at mag-behave muna.

"Sige po."

Hinawakan ko na ang handle ng drawer ng table nito upang umpisahan na sana ang pagche-check, ngunit natigilan din kaagad ako nang biglang may pumasok sa isip ko.

Teka nga, nakakahalata na ako, ah.

May something ba sa table mismo nito kaya ako pa ang inuutusan nito?

Kaya rin ba ayaw nitong pumasok sa sariling opisina at nagtiis ito roon sa harap ng mesa ko kanina?

Ibinalik ko ang tingin dito.

Tapos heto ito ngayon at nando'n lang sa pinto, ang layo ng kinapupuwestuhan nito sa mesa kung nasaan ako.

Kaagad na kumalat ang kilabot sa buong katawan ko nang maisip ang laman ng drawer nito.

Hindi kaya may daga... or worse ay may ahas pala roon?!

Shocks! Mukhang ako pa yata ang ipinapain nito upang hindi ito makagat o 'di kaya ay matuklaw, ah!

Ang sama nito!

Nang mapagtagni-tagni ko ang mga bagay ay nanlaki ang mata ko at agad na bumitaw sa handle ng drawer, napasigaw ako sabay takbo nang mabilis papunta sa puwesto nito, nang makalapit na ako rito ay maliksi akong tumalon upang makasampa sa katawan nito, hindi pa ako nakuntento dahil ikinawit ko ang braso ko sa leeg nito at ini-lock ko ang mga binti ko sa beywang nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 44

    ApoloniaNag-inat muna ako bago tuluyang bumangon at sinimulang lagpitin ang kumot at mga unan na ginamit ko.Nang matapos na ako ay binuksan ko naman ang bintana ng aking kuwarto, kaagad na gumuhit ang ngiti sa labi ko nang malanghap ang sariwang simoy ng hangin, huni ng mga ibon at ang ingay ng mga alagang manok ng kapitbahay na nagsisitilaukan.Nasa probinsiya na nga talaga ako at nakauwi na.Muli kong pinuno ng hangin ang dibdib ko."It feels good to be back home," pabulong na sabi ko habang nagmamasid sa bakuran namin. Ngunit nang maalala na kailangan ko nga palang maghanda ng umagahan para sa amin ni Popsy ay mabilis ang kilos na hinablot ko ang aking tuwalya at isinabit iyon sa balikat ko upang lumabas na ng kuwarto at makapaghilamos na muna.Pakanta-kanta pa ako habang naglalakad at nagpupusod ng buhok papunta sa aming kusina.Medyo nagtaka man dahil hindi ko naabutan doon ang aking ama ay hindi ko na iyon masyadong pinansin pa, maaari kasing lumipat muna ito sa kabilang baha

  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 43

    ApoloniaMarahan na gumalaw ako bago hinatak ang mainit na bagay na hawak ko habang nakapikit at ipinatong doon ang kanan na pisngi ko, dahil sa init na nanggagaling doon at sa masarap na pakiramdam na ibinibigay niyon sa akin ay tila parang ihinehele at hinihila pa ako ng antok upang ipagpatuloy ang pagtulog.Ngunit kung kailan papaidlip na ako ay saka naman ako may narinig na mahinang ungol, kaagad naman na nangunot ang noo ko.Sino ba 'yon? May ibang tao ba sa kuwarto ko?Pero dahil inaantok pa talaga ako, sa halip na pansinin iyon at magdilat ng mga mata ay isiniksik ko ang pisngi ko sa mainit na bagay na hawak ko.Makalipas ang maikling sandali ay nagsimula ko na namang naramdaman ang init na ibinibigay niyon, unti-unti ay nagpalamon akong muli sa antok.Ngunit bago pa man ako tuluyang makatulog ay bigla namang gumalaw ang mainit na bagay na siyang kinapapatungan ng kanan na pisngi ko.Hindi ko na sana iyon papansinin pa at ipagpapatuloy na ulit ang naudlot na pagtulog ngunit hin

  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 42

    Druskelle Nameywang ako habang nag-iisip kung ano ba ang gagawin upang matakpan kahit papaano ang parte ng dibdib nito at ang undergarment na suot ng dalaga, hindi kasi ako mapakali na nakahantád lang iyon kahit pa nga sabihin na hindi naman totally na visible sa paningin ko ang buong dibdib nito. Lalaki pa rin naman ako, ang hirap lang sa part ko na tuwing titingnan ko ito ay hindi ko talaga maiwasan na bumaba roon ang mata ko at hindi makaramdam ng kakaiba, ang malala pa ay ang makapag-isip ng mga bagay na... Pambihirang buhay ito, bakit para kasing may magnet at kusang doon tumutuon ang mga mata ko?! Napasabunot ako sa buhok ko. Pilit kong pinipiga ang utak ko upang ilihis ang atensyon ko, pero napalunok ako nang sunod-sunod nang ang maisip lang na paraan ay ang isarado mismo nang maingat ang mga butones ng suot nitong damit, panigurado kasi na hindi rin uubra kung kumot ang itataklob ko rito o kung itatali ko ang mga kamay nito. Pero kaya ko nga bang isara ang mga butones?

  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 41

    DruskelleNapabuga ako ng hangin pagkatapos kong maibaba sa kama ko si Apolonia na hanggang ngayon ay tulog pa rin kahit nakarating na kami rito sa bahay ko.Ngunit nang mapatingin ako sa gawing paa nito ay nailing-iling muna ako bago pumunta roon upang tanggalin ang suot nitong sapatos, pagkatapos ay bumalik din ako sa gilid ng kama nang mapansin naman ang buhok nito na nakatabon sa halos kalahati na yata ng mukha nito. Ang lakas din ng loob maglasing ng isang 'to.Napapalatak ako bago hinawi ang buhok nito, pero nang tumambad na sa akin ang maamo nitong mukha ay parang nahihipnotismo na napatitig ako rito, hinayon ng mata ko ang parte ng mukha nito mula sa kilay nito na mukhang natural pa naman ang kapal, sa ilong nito na may kaliitan tingnan ngunit matangos, hanggang sa bumaba ang mata ko sa labi nito na bahagyang nakaawang at mamula-mula.Kalaunan ay kusang kumilos ang isang kamay ko at maingat na hinaplos ang makinis nitong pisngi.She looks so vulnerable and innocent, very far

  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 40

    Druskelle Natigil ako sa balak na pag-inom sana ng tubig nang mag-vibrate ang telepono ko, kaagad na bumaba ang tingin ko roon na nakataob habang nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Sa halip na pansinin iyon ay itinuloy ko ang naantalang pag-inom ng tubig, ngunit patuloy pa rin iyon sa pag-vibrate kahit nakatapos na ako sa pag-inom. Nangunot ang noo ko. Makalipas ang ilang sandali ay nagpasya akong ibaba na ang basong hawak. Since, mukhang persistent talaga ang caller ay dinampot ko na ang teleponong hindi pa rin tumitigil sa pag-vibrate. Lalong nangunot ang noo ko nang tuluyang mabistahan ko na ang pangalan ng taong tumatawag. It was Draken. It's past midnight already. What does this jerk want? Sa halip na i-accept ang tawag ay tinitigan ko lang ang telepono hanggang sa tumigil iyon sa pag-vibrate. Wala na naman siguro itong magawa sa buhay kaya pati ako ay idadamay at pepestehin. Napailing-iling ako. Wala akong panahon sa mga kalokohan nito, gusto kong mamahinga, nagising at

  • The Billionaire's False Secretary   KABANATA 39

    Apolonia "Good morning po, Boss!" nakangiting bati at bungad ko kay Druskelle pagpasok nito ng opisina. Nagbabaka-sakali na baka lumipas na ang pagiging bad mood nito kahapon sa nagdaang magdamag. Ngunit mukhang mali ako sa naisip ko dahil hindi katulad ng mga nagdaang araw, tila bumabalik na naman ito sa dati, hindi man lang kasi ako nito ginawaran ng ngiti kahit tipid lang, tango lang ang naging tugon nito sa pagbati ko ngayon, tapos sulyap lang ang ginawa nito at tuloy-tuloy nang pumasok sa sarili nitong opisina na para bang napapaso ito na makita lang ako. Katulad kahapon ay nawe-weird-an na nasundan ko na lamang ito ng tingin lalo na noong isinarado nito ang pinto, maging ang blinds sa glass window ay hindi nito binuksan. Dahil hindi ko maintindihan ang inaasta nito ay napatitig na lang tuloy ako sa opisina nito. Ano ba ang nangyayari rito? Ako nga kaya ang salarin kaya ito nagkakaganito? It seems na may nagawa ako na hindi nito nagustuhan, pero kahit anong isip talaga ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status