Share

KABANATA 5

Apolonia

Upang palubagin kahit papaano ang loob ko at upang makapag-concentrate ay isiniksik ko na lang sa isip ko na may pagkakataon pa naman ako mamaya, bukas o kaya ay sa mga susunod pang araw upang daldalin ito at tanungin, tutal naman ay nasa iisang kompanya kami at paniguradong magkikita at magkikita kami rito sa opisina since pinsan naman nito ang boss ko, saka mukha rin naman itong friendly, hindi supladito at mukhang madaling lapitan.

Ganadong nakinig na lang ako at isinulat sa maliit na notebook na dala ko ang bawat sabihin nito sa mga sumunod na sandali.

"I think that would be all. Naisulat at nakuha mo ba lahat noong sinabi ko?" nakangiting sabi nito sa akin nang matapos na ito.

Tumango ako. "Yes, Sir."

Lumawak ang ngiti nito na nagpatingkad lalo sa pisikal na hitsura nito.

"Good. Anyway, I hope na mag-enjoy, mag-grow at magtagal ka sa pananatili mo rito sa kompanya, Ms. Marquez. Always give and do your best in everything that you do, okay?" bilin pa nito.

"Sige po, Sir..." sagot ko bago ito tinapunan ng tingin na nananantiya.

Nagdadalawang-isip kasi ako kung puwede ko na kaya ngayon mismo na itanong ang pangalan nito.

Natapos na kasi at lahat ang pagdi-discuss nito pero hindi talaga ako mapakali dahil hindi ko pa rin alam ang pangalan nito.

Mataman naman ako nitong pinagmasdan. "Mayroon ka pa bang ibang katanungan at gustong malaman?"

Actually, mayroon po, ang pangalan mo, Sir.

"Uh..." tanging nasabi ko, atubili at hindi maituloy na sabihin ang nasa isip ko mismo.

"Kung wala na, iiwanan na muna kita rito, hintayin mo rito si Druskelle at tawagan mo ako kaagad sa local number na sinabi ko sa iyo kapag nandito na siya, okay? Paparating na rin siguro iyon, medyo na-late lang at tinanghali dahil may in-attend-an na conference kagabi," paalam nito at akmang aalis na nga.

Nakagat ko ang labi ko bago lakas loob na kumilos at mabilis na pinigilan ito sa braso. "S-Sir..." mahinang tawag ko rito.

Gulat naman na huminto ito at tiningnan ako, pati na ang kamay kong nakakapit mismo rito.

Dahil doon ay parang napapaso na agad kong inalis ang pagkakahawak dito. "S-Sorry, Sir," hinging paumanhin ko.

Napalitan naman din kaagad ng ngiti ang gulat na ekspresyon nito.

Fck. Gusto ko na naman tuloy mag-daydream, titigan na lang ito at huwag munang pagtuunan ng pansin ang misyon ko.

Nyetang ngiti iyan! Ang lakas talaga ng hatak sa akin!

"It's okay. What is it?"

"Uh, ano po k-kasi..." hindi ko naman maituloy na sabihin dahil sa nadaramang hiya ako.

"Ano iyon? You look tense again. Kung kinakabahan ka dahil sa magiging boss mo, ako na mismo ang mag-a-assure sa iyo na mabait iyon, sadyang may pagkaistrikto lang talaga. Saka, huwag kang masyadong mag-alala, if may hindi ka alam, I'm just here to help. Hindi kita pababayaan, ibinilin ka sa akin ni mommy. So, stop stressing yourself, okay?"

Ang gara pala ni madam, ibinilin ako sa anak nitong guwapo, charming at mabait nang wala akong kaalam-alam.

Napanguso ako. "H-Hindi naman po iyon..."

"Huh?"

Fck. Sasabihin ko ba?

Binasa ko ang labi ko at humugot muna ng hangin bago napakamot sa pisngi ko. "A-Ano... hindi ko pa po kasi alam ang pangalan mo hanggang ngayon, Sir," mahina kong sabi.

Mukhang nagulat naman ito sa sentimyento ko.

Gusto ko namang i-congrats ang sarili ko dahil sa wakas ay nasabi ko na rin ang gusto kong sabihin kanina pa.

Ngunit makalipas ako nitong batuhin nang namamanghang tingin ay bigla na lamang itong tumawa nang malakas.

Ako naman tuloy ang napatitig dito at namamangha itong pinagmamasdan habang tila ba sarap na sarap ito sa pagtawa.

Hala, ang charming talaga...

Tumigil din naman ito kapagkwan, ngunit kita ko pa rin ang katuwaan na nagsasayaw sa mata nito kahit na pilit na itinatago pa nito iyon. "Sorry. Masyado yata akong nadala," hinging paumanhin nito.

Nanatili naman akong tahimik habang nakatingin dito, naghihintay na sabihin na nito ang gusto kong marinig.

"Pambihira, hindi yata ako makaka-get over na hindi mo pa pala ako kilala at ni hindi mo pa alam kahit na ang pangalan ko lang. Hindi man lang ba ako nabanggit ni mommy sa iyo?" natatawa pa ring tanong nito habang naiiling pa.

Hindi. Puro ang tungkol lang sa pinsan mo at sa misyon ko ang pinag-uusapan namin.

Ngumiti ako rito nang pilit. "Ah, baka po nabanggit niya, nalimutan ko lang po siguro sa sobrang dami ng iniisip at sa excitement, Sir," sa halip ay palusot ko.

Umakto itong tila nasaktan. "Ouch. Kalimot-limot ba ang pangalan ko? Bakit iyong sa pinsan ko naman ay natandaan mo? Ang unfair naman no'n."

"N-Naku, hindi po sa gano'n. Pasensiya na po, Sir... pero ano na nga po ang pangalan ninyo? Promise, hinding-hindi ko na po kakalimutan," pangako ko.

Aktong sasagot na sana ito nang bigla namang bumukas ang pinto.

Pareho kaming napatingin sa bagong dating na lalaki na natigilan naman sa akmang pagpasok habang nakahawak pa ang kamay sa seradura ng pinto at nagpapalipat-lipat ang tingin sa amin. 

Kapansin-pansin ang aura at kakisigan din nitong taglay.

Matangkad ito, maputi, medyo singkit ang mata, matangos ang ilong, mapula ang labi at may kakapalan ang kilay, in short ay guwapo rin!

Sht. Lahat na lang ba ng makikita kong tao rito sa kompanyang ito ay good-looking?

Pero sino naman kaya ito?

Bigla akong binundol ng kakaiba at hindi maipaliwanag na kaba nang magtama ang mata namin.

Pinigilan ko ang mapasinghap dahil sa intensidad kung paano ito tumitig.

Saglit lamang iyon, pagkatapos ay ibinaling na nito kaagad ang tingin sa kasama ko at kunot ang noong tuluyan nang pumasok sa silid.

"Let's go to my office, Draken, may pag-uusapan tayo," maikling sabi nito at nagtuloy nang pumasok sa isa pang opisina na tanaw na tanaw mula rito sa puwesto ko.

Napangiti ako.

Ah, so Draken pala ang pangalan ng poging mabait na sir...

Ngunit unti-unti ring napalis ang ngiti ko nang may mapagtanto.

Sht. Don't tell me, 'yong poging snob na bagong dating ang magiging boss ko mismo?!

Napalunok ako.

"Let's go," narinig ko namang yaya ni Draken.

Napakurap-kurap ako at nabaling ang tingin dito. "P-Po?" disoriented kong tanong.

"Let's go inside. I-introduce na rin tuloy kita kay Druskelle," ulit na pagyaya nito at iminuwestra ang ulo papunta sa pinto na pinasukan noong lalaking bagong dating.

Napalunok akong muli nang makumpirma ang naiisip ko.

"Come on, medyo mainipin pa naman ang isang iyon," anito at nauna nang naglakad.

Dahil mukhang wala itong balak na hintayin ako ay may pagmamadali na tumayo na ako at sumunod dito.

Nang makapasok ay nabungaran ko agad ang magiging boss ko na nakayuko habang may binabasang papeles.

Nagtaas naman ito ng tingin nang marinig marahil ang pagsasarado ko ng pinto.

Ngunit katulad kanina ay nakaramdam ako ng kakaibang kaba at pagkailang nang sa akin ito diretsong napatingin, walang bakas ni kaunting ngiti man lang ang guwapong mukha nito at ibang-iba ang dating ng aura nito kay Draken.

Nagsalubong ang maganda nitong kilay at ibinaling din kaagad ang tingin kay Draken na nasa aking tabi lamang. "May importante at pribado akong kailangan na i-discuss sa iyo, Draken. Why did you bring your girlfriend? You can tell her to wait for you outside, but not here."

Girlfriend?

Gusto kong sumingit sa usapan at ituro ang sarili ko.

Naks. Kahit supladito, like ko 'yong idea nito na girlfriend ako ng pinsan nito.

Ngunit nalipat ang tingin ko mula rito papunta sa katabi ko nang marinig ko na naman ang aliw na aliw na pagtawa ni Draken.

Teka nga, pansin ko na ang dami na nitong tawa kanina pa, ah. 'Di ko na mabilang. Parang sumobra naman yata ang pagiging masiyahin nito.

At hindi na ako magtataka pa kung magkaroon man ito ng kabag maya-maya at mautot na lang itong bigla.

"Unfortunately, she's not my girl," sagot ni Draken.

Unfortunately raw...

Iba ang naging dating niyon sa akin.

Pigil ko tuloy ang mapangiti at kiligin.

Lalong nangunot naman ang noo ni Druskelle dahil sa naging sagot ng pinsan. "Then what? One of your flings?"

Fling talaga? Pektusan ko kaya 'to. Girlfriend na kanina tapos, na-demote at naging fling na lang ngayon?

"Not either."

"Then send her out. I have so many important things to discuss with you," malupit na sabi nito.

Ay, ang brutal naman pala. Parang wala ako rito, ah!

"I can't do that."

Druskelle's brows arched. "And why is that?"

"Because I want you to meet and get to know her. Anyway, she's Apolonia Marquez," pagpapakilala ni Draken sa akin.

"A-Apol na lang po for short, mga Sir," singit ko sa maliit na tinig.

Nilingon naman ako ni Draken at nginitian.

"So? I don't care what her name is, and I don't know who she is," sagot ni Druskelle at hindi man lang pinansin ang sinabi ko.

Bahagyang natawa ang pinsan nito.

Hays. Siyang-siya talaga ito sa buhay.

"Of course, you don't know her because she is new to our company. By the way, she's your new secretary," anunsiyo ni Draken na nakapagpagulantang sa pinsan nitong kanina pa hindi mangiti kahit kaunti.

"What?!"

Gusto kong matawa.

Gulat yarn?

"You heard me," Draken said casually.

"Paano ko siyang magiging sekretarya gayong hindi pa siya dumadaan sa akin? Wala akong natatandaan na na-interview ko na siya. Ni hindi ko pa nga siya nakakausap o nakakaharap, ngayon pa lang," Druskelle said before turning his gaze at me.

Dahil sa ginawa nito ay muntik na akong napaatras dahil sa sama ng tingin nito sa akin.

O, ba't ang sama ng tingin at bakit sa akin nagagalit?

"Who hired her without my knowledge and permission?" usisa ni Druskelle.

Draken cocked his head and grinned. "I and my mother did."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status