Share

Chapter 14

Diana's POV

Pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Brody ay agad akong nagbihis. Hindi ko alam kung anong klaseng emergency ang tinutukoy ni Brody at kung talaga bang may maitutulong ako.

Pero nitong hapon ay tinulungan niya si Freslin na makahanap ng angkop na computer parts para sa laptop nito. Isa itong malaking pabor, at nais ko sanang suklian ito ngayon.

“Sweetie, kayo lang muna ni Tita Ninang ang sabay maghapunan. May pupuntahan akong importante. I’ll be back right away,” sabi ko sabay halik sa pisngi ng aking anak.

“Ingat ka, mommy.” Kumaway si Freslin at nagpatuloy na tumulong mag-ayos ng lamesa.

“Go, ako na ang bahala dito.” Sabi naman ni Jade.

Agad akong pumara ng taxi at ilang minuto lang ay narating ko ang matayog na gusali ng Collins Industries.

Sa hallway pa lang papuntang opisina ni Ryan ay dinig na dinig ko na ang nagsusumamong boses ni Brody.

“Boss, pumili ka na nang isa sa mga damit dito, at ma-le-late na tayo sa interview,” udyok ni Brody, sabay kuha ng mga naka-hang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status