Diana's POVI have never felt this uneasy in my entire life. Brody must have seen something in Freslin for him to act this way.Mabuti na lang at mukhang nagsisimula pa lang itong maghinala. Kung hindi ay baka talagang diretsong tinanong ako nito kung si Ryan ba ang ama ng anak ko.Hindi ko alam kong ano ang isasagot ko kung sakali mang dumating na ang araw na iyon.I tried my best to hold my composure in, acting as natural as I could since Freslin was looking my way.“Mommy, what do you think?” He gave me a sweet smile, his cute dimples on full display for everyone to see.For a moment, I forgot my predicament. My heart melted seeing how adorable my little angel was.“Ang gwapo talaga ng baby ko!” gigil kong sabi sabay yakap sa kanya.Then I heard footsteps approaching us, and as I looked around, I saw that the rest of the staff were now at the lounge area.“Wow, what a cute child.”“Ang gwapong bata. Daig pa nito ang mga child stars sa telebisyon.”“Ma’am,” diretsong tanong noong is
Diana's POVMatagal bago nag-rehistro sa utak ko ang nangyayari. Nang mapagtanto ko na si Troy ang yumayakap sa akin, lubos na tuwa ang aking nadama.“Troy…?” ang mahina kong tanong. Ang mga mata ko ay unti-unti nang namumula dahil sa namumuong mga luha.Kung hindi kasi sa tulong ni Jade at ng pinsan nitong si Troy noon, siguradong natuloy ang balak ng mga magulang ko na ipalaglag ang aking anak.I would have lost my son, Freslin. Ang laki ng utang na loob ko sa kanya at kay Jade.Wala akong ideya kong ano pa ang mga nangyari pagkatapos naming tumakas ni Jade. Sana naman ay hindi nasangkot si Troy sa sigalot dahil nga malapit sya sa amin at madali syang paghinalaan nina papa at mama.Not to mention the cruel Brandon Colton. If he knew what Troy did, he would have made Troy’s life difficult. I’m sure of that.“Why… How come you’re here?” I asked after letting go of his hug.Troy smiled and answered, “Jade told me you’re back. So I’m here.”He then glanced at Ryan and Brody na nakatayo
Ryan / Matthew's POV“Bro, okay ka lang?“ Narinig kong sabi ni Brody habang pinaparada nya ang kotse sa harap ng villa.Malalim kasi ang iniisip ko simula nang umalis kami sa condo ni Diana. Nakakainis isipin na mas pinanigan ni Diana ang Troy na iyon kaysa sa akin.Seven years ago, sumama siya sa lalaking iyon at hiniwalayan ako. Ngayon naman, pinaalis nya ako sa bahay nya nang hindi pa malinaw sa akin ang lahat.“I’m fine.” Sagot ko sabay labas ng kotse.Pagpasok ko ng bahay, nakaabang na si Manang Flor sa may baba. Siya yung dating kumupkop sa akin at nagbigay ng trabaho when I first came to Dumaran seven years ago, noong walang-wala ako.Her restaurant business is flourishing. Bilang pagtanaw ng utang na loob, I helped her business become a popular dining destination in the city.Even when I didn’t ask her to, ngayong bumalik ako sa Dumaran, Manang Flor volunteered na maging taga-luto sa bahay.“Ryan,” ang nakangiting bati nito. Manang Flor was one of the few people who still call
Ryan / Matthew’s POVNang mabuo ang ideya sa utak ko na ako ang ama ni Freslin, nagsanga-sanga na ito ng iba’t-ibang spekulasyon.Ano ang nangyari sa aking mag-iina? Ayon sa imbestigasyon ni Brody, hindi natuloy ang pag-iisang dibdib ni Diana duon sa mayamang binata sa lugar nila.Dahil ba lumabas na nagdadalang-tao na ito?Marami akong tanong sa aking isipan, pero ang mas prayoridad ay ang makumpirma ko ang aking hinala.Agad kong tinawagan si Mr. Carlson, ang personal butler ng aking ama. Kasalukuyang nasa Italya ito kung saan naroon ang Collins manor.“Hello, Young Master Collins.” Ang magalang na pagbati nito sa akin.“Mr. Carlson,” walang patumpik-tumpik na sabi ko, “may ipapagawa ako sa iyo.”“Please do tell, Young Master. I’m here at your disposal.”“Pakihanap ng iilang litrato ko noong bata pa ako. Alam ko tinapon na yung marami, pero sigurado ako na may itinabi pa si mama, somewhere.”“Iyan lang po ba ang ipag-uutos nyo, Young Master?”“Yes. And don’t tell my father about wha
Diana's POVKagabi, nakatulugan ko ang pag-iyak habang nasa kama. Sobrang napagod ang puso at isip ko.Kahit nag-usap kami ni Jade, ang nagawa lamang ng kanyang mga salita ay ang pagaanin ang loob ko. At nang ako na lang mag-isa ay hindi ko maiwasang maluha na naman.Kaya naman nagising ako na parang binibiyak ang aking ulo. May konting sipon din ako at namumugto ang aking mga mata.“Are you okay, mommy?” Nag-aalalang tanong ni Freslin sa akin, pagpasok nito sa kwarto. Nakasanayan na kasi nito na nauuna akong magising para maghanda ng kanyang agahan at isusuot.Supposedly, ngayong umaga ay ihahatid ko si Freslin sa school dahil may mangyayaring pictorial para sa Genius class.“Hindi lang maganda ang gising ni Mommy, sweetie.” Pinilit kong ngumiti upang mabawasan ang pag-aalala nito. Magpagayunpaman ay nahihirapan pa rin akong bumangon.“Sis, ako na ang maghahatid kay Freslin sa school. Magpahinga ka muna. It’s best if you called in sick sa work today.” Ang sabi ni Jade.“Don’t worry.
Diana's POV Matagal akong nakahilata sa bisig ni Ryan, ninanamnam ang ligaya ng nangyari kani-kanina lang. Nakaramdam ako ng biglaang pagkailang dahil sa magkayapos naming hubad na katawan. Tinangka kong bumangon, pero pinigilan ako ni Ryan. “Let me hug you longer, please. I just can’t believe I am here with you.” Sabi nya, sabay hawak sa aking kamay nang marahan. Hindi na ako tumanggi. Sa gitna ng mabilis na pintig ng aking puso ay pinili ko na lang na ikubli ang namumula kong pisngi sa matipunong bisig ni Ryan. For once in my life, nakaramdam ako ng lubos na kapayapaan. Panatag ang loob ko. Naisip ko na sana’y hindi na matapos ang ganitong tagpo sa buhay namin. Pero nagulantang kaming pareho ni Ryan nang may narinig kaming ingay sa may pintuan. Senyales na may taong papasok na sa loob ng bahay. Dali-dali kaming napabalikwas, sabay hablot ng mga damit namin sa sahig. Tapos ay nagkukumahog kaming pumasok ng kwarto ko. Habol ang hininga ay agad kaming nagsuot ng damit. Ang siste
Ryan / Matthew's POVI was humming a tune when I arrived at the office. Feeling ko, ang gaan ng bawat pag-apak ko sa lupa.No. Parang lumilipad ang katawan ko.Just yesterday, I was miserable dahil akala ko hinding-hindi na kami magkakabati ni Diana. But happiness came much sooner than I expected.Ang dami kong pagkukulang sa mag-ina ko, and I’m determined to make them happy now that Diana has agreed to build our family together.Pagpasok, napansin ko agad ang nakatambak na mga dokumento sa ibabaw ng lamesa ko na naghihintay ng aking approval. Dahil papalapit na ang unveiling ng kumpanya, ang dami rin naming dapat plantsahin para masigurong maayos ang kalalabasan ng event.Dati, nakasimangot ako kapag ang daming tatrabahuhin. Pero ngayon, nakangiti ako habang pinag-aaralang mabuti ang mga business proposals bago pirmahan.Isa lang ang nasa isip ko, matapos nang maaga upang makabalik na ako sa piling ng mag-ina ko.“So bro, kumusta na kayo ni Ms. Harris? Sa tingin ko may magandang bali
Diana's POVIlang araw na lang bago ang grand opening ng Collins business empire sa Dumaran kaya nagsisimula na akong kabahan. Hindi lang basta kaba kundi may kahalong excitement at anticipation din.Nabanggit kasi sa akin ni Ryan na pumayag na ang kanyang ama na magpakasal kami. Pupunta ito ng Dumaran para makipagkita sa akin at sa apo nito.Pero kahit masaya ako ay hindi ko pa rin maiwasang mag-alala.“Will your father like me and Freslin?” Ang tanong ko kay Ryan, may agam-agam sa boses ko.“Oo naman,” ang nakatawang sagot ni Ryan habang nanonood kami ng palabas sa TV. “Hindi nga ito mapakali at gusto nang makita si Freslin. He keeps bugging me to send some videos of his grandchild.”Kahit may kaba ay tumataas ang kumpyansa ko lalo na’t ginagawa naman lahat ni Ryan para i-assure ako sa relasyon namin.Kada gabi kasi ay bumibisita si Ryan sa bahay pagkatapos ng work nya. Dito sya naghahapunan. Ginagawa namin ito para mas maging pamilyar si Freslin sa kanya and eventually, hindi na ka