Share

Chapter 3

(Kirtsy POV)

PANGATLONG araw ko ngayon sa ospital kung saan naka-confine ang wala pa ring malay na si Luxe. Hindi na ako umuuwi sa aming bahay at dito na ako nagpapalipas ng buong araw ko. Sabi ni Tita ay may nabaling buto kay Luxe at kasalukuyang nasa coma siya ngayon.

"Gumising ka na, Luxe. I'm sorry" naiiyak na bulong ko sa kaniya habang mahigpit na hawak-hawak ko ang isa niyang kamay.

Araw-araw nalang na nagbabadya ang aking mga luha. Maya't- maya na lang akong humihingi ng tawad sa kaniya. Sabi sa akin ni Mama at Tita ay hindi ko naman daw kasalanan ang nangyari. But still, I feel responsible for it.

Tuwing gabi ay dumadaan ako saglit sa chapel ng hospital. Unaasa ako na didinggin ni Papa Jesus ang aking hiling na pagalingin na si Luke. Taimtim akong nagdadasal roon ng mga ilang minuto at pagkatapos ay babalik ako sa kwarto ni Luxe upang umidlip kahit papano.

Naubos na ang laman na pera ng savings account namin. Sapat lang iyon na pangbili sa ilang mga gamot niya at saka bayad para sa kaniyang private room. Ang kondisyon kasi ni Luxe ay hindi pwedeng ipagsapalaran sa kwarto na may ibang pasyente ding nakaratay. 'Yung pampa-opera niya ang hindi namin alam kung saan hahanapin ang perang gagamitin para doon.

Gustuhin ko mang magtrabaho at ipagpatuloy ang paggawa ko ng cake ay hindi ko naman magawa para sana makatulong sa gastusin. Nawawalan ako ng gana. Ang gusto ko na lang ay manatili sa tabi ni Luke. Pakiramdam ko kasi kapag iniwan ko siya kahit saglit lang ay mawawala na siya sa akin. Hindi ko mapigilan ang makapag-isip ng mga negatibong bagay.

KINAGABIHAN din ng ikatatlong araw ko sa hospital. Inutusan ako ni Tita upang bumili ng pagkain namin. Pagkalabas ko ng hospital ay sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin ng gabi. Amoy sa buong paligid ang masarap na usok na nagmumula sa mga iniihaw na barbeque. Dumiretso ako sa isang karinderya at doon ako bumili ng aming kakainin.

Mabilis lamang akong nakabalik muli sa loob ng ospital. Nang tumapat na ako sa pintuan ng kwarto ni Luke ay nagulat ako sa aking nakita. May apat na sa tingin ko ay bodyguard ang nakabantay doon. Akma sana akong papasok ngunit pinigilan ako ng isa sa kanila.

"Maam, pasensya na ho. Ipapaalam ko po muna sa kanila na nakabalik na kayo" saad niya sa akin. Sa kaniyang mga mata ay nakikita ko ang matinding pagkaawa niya sa akin na hindi ko naman alam kung ano ang pinanggagalingan niyon.

Pumasok siya sa loob at ng lumabas siyang muli ay kasama na niya si Tita habang bitbit ang mga gamit ko. Iniabot sa akin ng bodyguard ang mga gamit ko at kahit nagtataka ay inabot ko naman ang nga 'yon.

"Tita, anong meron?" Nagtatakang tanong ko sa Mama ni Luke.

"Gising na si Luke at ayaw kana niyang makita" diretsahang tugon niya sa akin. Sa malayo siya nakatingin.

Kinabahan ako. "Pwede ko po ba siyang makausap?" Nangingilid ang mga luhang pakiusap ko.

"Makakaalis ka na, Kirtsy" malamig na saad sa akin ni Tita Yolanda bago muling pumasok sa kwarto ni Luke.

Sinubukan kong sundan siya ngunit pinigilan ako ng mga bodyguard na nakabantay. Ano 'to? Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Parang ang gulo yata.

"Bakit niyo binabantayan sila Luke?" Baling ko sa apat na bodyguard. Nagtatakang tiningnan ko sila isa-isa.

Sumagot sa akin yung bodyguard na humarang sa akin kanina. "Pasensya na 'ho, Ma'am. Hindi po kami maaaring magbitaw ng detalye sa inyo" tugon nito na mas lalong nakadagdag sa curiosity ko.

"Please, Kuya! Papasukin niyo po ako. Gusto ko lamg makausap ang boyfriend ko kahit saglit lang—

"Hindi po talaga pwede, Ma'am"

"Okay! Kung hindi talaga pwede kahit pakiusapan mo nalang si Tita Yolanda. Parang awa mo na, Kuya!" Humihikbing pakiusap ko. Awang-awa man sa akin si Kuya ngunit hindi siya kumibo sa kinatatayuan niya.

Nanghihina ang mga tuhod na napasalampak ako sa sahig. Maingat akong inalalayan ni Kuya na makatayong muli at maingat niya akong pinaupo sa upuan sa waiting area ng hospital.

"Pasensya na, Ma'am. Ginagawa lang po namin ang aming trabaho. Huwag po kayong mag-alala at magiging maayos din ang kalagayan ni Sir. Luxe" saad niya sa akin bago niya ako tuluyang iwan upang bumalik sa kaniyang pwesto.

Pagkatapos ng nangyari ay hindi ako umuwi. Nanatili lamang akong nakaupo sa waiting area ng hospital. Umaasa ako na lalambot din sa akin ang puso ni Tita Yolanda. Umaasa din ako na kapag nalaman ni Luxe na andito pa din ako sa ospital ay gugustuhin na niya akong kausapin.

Kinabukasan ay pinuntahan ako ni Mama dito sa ospital. Sinabihan siya ni Tita Yolanda na mas mabuting sunduin na niya ako rito. Ngunit mariing tumanggi ako. Hindi ako aalis dito hanggat hindi ako kinakausap ni Luxe. Hindi din nagtagal at walang nagawa si mama kundi ang iwan ako. Paminsan-minsan ay bumabalik siya upang dalhan ako ng pagkain.

IKALAWANG araw ko rito sa hospital simula nang gabing hindi na ako muling nakapasok sa kwarto ni Luxe. Wala akong ligo, kahit simpleng hilamos ay hindi ko na magawa. Nakakakain naman ako ng tama sa oras dahil dinadalhan ako ni mama. Ngunit bilang lang sa daliri ang kabuuan ng oras na naitulog ko sa loob ng dalawang araw na nakalipas. Pakiramdam ko nga ay nahihilo ako paminsan-minsan. Siguro ay dahil na ito sa matinding puyat at pagod.

Bihirang lumabas ng kwarto ni Luxe si Tita Yolanda. Kung may pagkakataon man na lalabas siya ay hindi niya pa din ako pinapansin kahit anong paglapit at pakiusap ko sa kaniya. Nasasaktan ako ng sobra sa mga nangyayari na minsan ay naiisip ko na ngang sumuko. Ngunit mahal ko si Luxe at hindi ko sila susukuan ni Tita Yolanda.

"Tita" tawag ko sa mama ni Luxe ng muli siyang lumabas ng kwarto. Napatingin siya sa akin.

"Tita, please! Kausapin niyo naman po ako" pakiusap kong muli sa hindi ko na mabilang na kung ilang beses.

"Kirtsy—

"Ikaw pala si Kirtsy?" Pagsingit ng isang baritonong boses. Parehas kaming napatingin sa lalaking pinanggagalingan ng boses na iyon.

"Kenji" sambit ni Tita Yolanda sa pangalan ng lalaki.

"Bakit andito ka pa din? Umalis ka na!" Madidiin ang mga salitang binitiwan sa akin ng lalaki. Oo, matanda siya sa akin. Ngunit sino ba siya para pagsalitaan ako ng ganyan?

"Kirtsy, please. 'Wag mo ng pahirapan ang sarili mo. Hindi lang ikaw ang nahihirapan dahil diyan sa ginagawa mo. Pati si Luxe! Ako! Gusto na naming makalimutan ang sakit dahil sa nangyari kay Luxe. Ngunit hanggat andiyan ka, ipinapaalala mo lang sa amin ang aksidenteng iyon!"

Dahil sa sinabi ni Tita Yolanda ay nag-unahan na naman sa pagpatak ang aking mga luha. Bakit ba hindi napapagod ang mga mata ko sa pagluha? I'm tired of this!

Sa huling pagkakataon ay tumingin ako sa mga mata ni Tita Yolanda. Hindi na siya ang Tita Yolanda na nakilala ko noon. Siguro nga ang sakit ay talagang nakakapagpabago ng tao. Alam kong kasalanan ko ang lahat ng nangyaring ito. Inaasahan ko na din na magagalit siya sa akin ngunit ang isipin na kaya niya akong ipagtabuyan ay hindi sumagi sa isip ko ni minsan.

Hindi na din ako nagtagal at tumalikod na ako sa kanila at tuloy-tuloy na tinungo ang exit ng hospital. Sa tingin ko ay sapat naman na yung mga ginawa ko. Ngayon ay kailangan ko naman na unahin ang sarili ko. Hindi ko dapat itigil dito ang mundo ko.

I CHOOSE to move on. Ipinagpatuloy ko ang buhay ko at sinunod ko na lamang ang kagustuhan ni Luxe at Tita Yolanda. Alam kong balang araw ay mapapatawad din nila ako ngunit sana hindi pa huli ang lahat. Sana kapag dumating ang araw na iyon ay gugustuhin ko pang makibahahagi sa kanilang buhay.

Sinubukan kong buksan muli ang page ko sa F******k kung saan ako nagpapa-order ng mga cake at iba't ibang klase ng pastries ngunit laking gulat ko ng hindi ko na makita ang page ko na pinaghirapan ko din ng ilang taon upang makahakot ng madaming followers at likes. Para na yata akong mababaliw sa frustrations at hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Why does everything fucks up?

Dumagdag pa sa problema ko ang morning sickness ko na nararamdaman. Really? In this kind of situation, lumalabas ang mga symptoms na buntis ako. Sana ay nagkakamali lang ako. Ayokong magbunga ang aming pagmamahalan ni Luxe. Ayokong magkaroon ng anak sa lalaking ngayon ay kinamumuhian ako at ayaw na daw akong makita. Ayokong lumaki siya na sira ang kaniyang pamilyang kakagisnan.

"NAK, tumataba ka yata?" Puna sa akin ni mama.

Simula ng umuwi akong luhaan mula sa ospital ay dito na ulit ako tumira kina mama at papa. Gusto ko lang ng may kasama.

"Maganda nga yun, eh! Sign na malusog ako" pilit kong pinasigla ang boses ko kahit kinakabahan ako dahil baka nga buntis ako.

Hindi ako makatingin kay Mama. Itinuon ko na lamang ang aking buong atensyon sa pagkain. Maya-maya ay napahawak ako sa aking tiyan ng makaamoy ako ng hindi maganda. Bumaligtad ang sikmura ko at hindi ko na napigilan ang aking pagsuka. Mabuti na lamang at narating ko kaagad ang aming lababo.

"Ate, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Jerry, ang bunsong kapatid ko na nasa kolehiyo pa lamang. Akmang lalapit siya sa akin ngunit pinigilan ko siya.

"Lumayo ka muna! Nasusuka ako sa pabango mo" maluha-luha kong saad.

"Eh! Ate, ang bango-bango ko nga" depensa niya.

"Baka buntis ka, Ate. Pati pabango ko nakakasuka na para sayo" dagdag pa niya na nakapagpatigil ng tibok ng puso ko.

Buntis nga kaya ako?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status