Share

Chapter 5

(Kirtsy POV)

GAYA nga ng inaasahan ko ay naging positive ang aking ginawang pregnancy test. Excited at tuwang-tuwa na ibinalita ko ito sa aking mga magulang at mga kapatid.

"Finally! Magiging Tito na din ako!" Pumapalakpak na saad ni Jerry.

"Congrats bunso!" Nakangiting bati naman sa akin ni Ate Sanza mula sa monitor ng aking computer. Kasalukuyang ka-video call namin siya. Nasa Manila kasi siya at nagtratrabaho bilang isang opthalmologist sa pinakamalaking hospital dito sa Pilipinas— ang Health Haven.

Doon na siya halos namamalagi kasama ang kaniyang asawa at dalawang mga anak. Umuuwi lamang sila dito sa amin kapag magba-bakasyon.

Maya-maya ay dumungaw sa screen si Kuya Christian, ang asawa ni Ate Sanza. "Sure ka na ba sa balak mo na hindi sabihin 'yang balita na 'yan kay Luxe?" Pag-uusisa niya.

"Malay mo 'yang dinadala mo ang maging tulay para maayos niyo ulit ni Luxe ang inyong pagsasama" dagdag niya pa.

Tumatango-tangong napatingin na din sa akin si Ate Sanza. "Tama ang Kuya mo, bunso! What if, diba?" Pagsang-ayon niya sa ideya ng kaniyang asawa.

Nakilala na din kasi nila sa Luxe. Maganda ang naging samahan ni Luxe sa aking pamilya kaya hindi ko sila masisisi kung magkaroon din sila ng simpatya para sa kaniya sa gagawin kong pagtatago ng aming anak mula sa kaniya.

Buo na ang desisyon ko. "Wala na po akong balak sabihin pa talaga kay Luxe ang tungkol sa pagbubuntis ko. Hindi ko gagamitin ang anak ko para lamang magkabalikan kami. At saka, hindi lang naman ako ang may kasalanan sa lahat ng nangyari" saad ko.

Gising na gising na talaga ako sa katotohanan. Parehas kaming may mali. Ngunit siya, mas pinili niyang tapusin ang lahat sa amin. Ipinagtabuyan niya ako ng ganoon lang kadali. Napakasakit niyon para sa akin. Sa bawat araw na lumilipas lalong bumibigat ang nararamdaman ko sa aking dibdib. Kahit saan ako tumingin, umaasa ako na makikita at mararamdaman ko ulit ang presensya ni Luxe. Araw-araw ko siyang hinahanap. Lagi kong inaalala ang magagandang pinagsamahan namin habang tahimik na lumuluha at nakakulong sa aking kwarto.

Hanggang dumating ang araw na parang namanhid na ako sa sakit. Parang nasanay na ako na wala siya. Unti-unti ng nagiging bato ang aking puso para sa kaniya. Siguro tapos na akong sisihin ang aking sarili sa lahat ng mga nangyari. Magkakaanak na ako. Panahon na siguro na magpatuloy na ako at isipin ko ang hinaharap naming mag-ina. Kailangan ko ng kumawala sa pagkakatali ko sa nakaraan. I should move on from him kahit hindi ko alam kung paano ko makakayang gawin ang bagay na iyon.

"Basta, bunso. Andito lang kami ng Ate mo kapag kailangan mo ng makakausap" paalala sa akin ni Kuya Christian. Pagkatapos ay nagpaalam na din silang mag-asawa sa amin ni Jerry dahil kailangan na nilang pumasok sa kani-kanilang trabaho.

Isa namang dermatologist si Kuya Christian. Parehas sila ni Ate ng pinapasukang ospital. Doon nga sila nagkakilalang dalawa. Ang dalawa ko namang pamangkin na parehas lalaki ay nasa school daw sabi ni Ate Sanza kaya naman hindi sila nakasama sa video call namin kanina. Maaga kasi ang pasok nila.

"AYAW ko niyan!" Iritado kong saad at inilayo ko sa aking harapan ang beef steak na kahahain lamang ng waitress. Baka kapag nagtagal pa sa paningin ko ito ay sumuka ako rito ng wala sa oras. Nakakahiya!

"Ang sarap kaya nito!" Nakakunot ang noong saad ni Haze. Kinuha niya sa akin ang beef steak at inilagay niya na lahat sa kaniyang pinggan.

Pinagkrus ko ang aking mga braso. Iniiwas ko ang tingin ko sa beef steak. Katatapos lang ng aking ultrasound at inaya ako ni Haze dito sa restaurant na nasa tapat lamang ng hospital. I've been almost 5 months and a half pregnant. At sa loob ng mga buwang iyon ay nasa tabi ko si Haze at nakaalalay sa akin. Hindi ko alam kung paano nagsimula na maging mag-kaibigan kami. Basta ang alam ko lang nagugustuhan namin ang accompany ng isa't-isa.

"Ano na palang kakainin mo? Lahat nalang ayaw mo" Parang tatay na ginagalitan ako ni Haze.

Ngumuso ako sa kaniya. "Parang gusto ko ay manggang hilaw" pakiusap ko sa kaniya.

Napasimangot siya. Tumingin siya sa labas ng restaurant. "Tirik na tirik ang araw. Pabibilhin mo ako sa lagay na 'yan?" Nagrereklamo niyang saad.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ayaw mo ba?"

Umiling-iling siya na parang bata.

"Last na tanong. Ayaw mo?" Pag-uulit ko pa.

Narinig ko ang pagpadyak ng kaniyang paa sa ilalim ng lamesa. Tamad na tamad siyang tumayo. "Oo na nga! Pasalamat ka g***o k**a."

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naintindihan yung isang word na sinabi niya. Bigla ba naman kasing hininaan ang boses. Hindi ko na siya nahabol ng tanong dahil nagmamadali na siyang lumabas ng restaurant.

Napahawak ako sa aking dibdib. Why I am feeling like this? Akala ko okay na ako. Bakit ang sakit? Bakit ginagawa ito sa akin ni Luxe? He made me feel like I was cheating on him when in fact— wala ng kami.

Masyadong masakit ang dinulot niya sa'kin. Kung kailan mas kailangan ko siya at ng magiging anak namin ay saka naman siya nawala. Masisisi ba ako kung gusto ko ng maka-move on ng tuluyan sa kaniya? Masisisi ba ako kung sa napakaaga ay sinusubukan ko ng buksan ang puso ko para sa iba? Para kay Haze.

Hindi naman ako manhid upang hindi maramdaman na habang tumatagal ay nagkakagusto na sa akin si Haze. Idagdag pa na inamin na niya sa akin noong nakaraan lamang na semana ang kaniyang pagkagusto sa akin. But he never ask me if he could court me.

"Hihintayin ko yung panahon na handa ka ng magbukas ng iyong puso para sa akin. Ilulugar ko ang sarili ko ng naaayon sa kagustuhan mo. At kung hindi man darating ang araw na iyon, mananatili akong isang matalik na kaibigan sa'yo. That's how I badly respect your every decision, Kirts" ang naging sabi sa akin ni Haze.

Somehow after hearing what he said and seeing the sincerity in his eyes, my mind was telling me to not be so hard on him. Gusto ko ng buksan ang puso ko sa kaniya. Kaso mayroong laging pumipigil. It's the image of Luxe in my head that is stoping me from loving Haze.

(3rd Person POV) ~Months Ago

"Kailangan ko na 'ho ang magiging desisyon niyo ngayong araw, Miss Yolanda" may halong lungkot ngunit desididong saad sa akin ng doctor ni Luxe.

Naptingin ako sa nanginginig kong mga kamay. Maluha-luha akong tumingin sa walang malay na si Luxe. Ano ng gagawin ko?

"Kung may kamag-anak 'ho kayo na makakatulong sa inyo ay huwag na po kayong mag-atubiling humingi ng tulong. Kapalan niyo na po ang inyong mukha. Buhay po ng inyong anak ang nakasalalay dito" dagdag pa ni Dr. Enriquez.

Mas lalo akong napahagulhol ng iyak. Solong anak lang ako ng mga yumao kong magulang kaya naman wala akong mahihingan ng tulong na kapatid.

Maya-maya ay narinig ko ang mga yapak ni Dr. Enriquez papalabas ng kwarto ni Luxe. Nabingi ako sa katahimikan na namayani sa loob ng kwarto.

Tumingin akong muli kay Luxe. "Hindi ka pa pwedeng mawala sa akin, anak ko" mahinang saad ko at saka marahan kong hinaplos ang kaniyang buhok.

Hindi ko na napigilan. Tumakbo ako palabas ng kwarto ni Luxe. Ayaw kong marinig niya ang aking malakas na pag-iyak. Ayokong pati siya ay madamay sa kalungkutan na nararamdaman ko ngayon. Bakit kailangan mangyari ito sa amin? Bakit si Luxe pa?

Mabuti na lamang at wala ngayong tao sa pasilyo ng ospital. Malaya kong mailalabas ang lahat ng sakit at sama ng loob na nararamdaman ko.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Sa tv sa harapan ko ay ipinatalastas ang naturang kumpanya ni Kenji. Ibinabahagi sa tv ang video niya na nililibot ang kaniyang sariling kumpanya habang nakasuot ng eleganteng office attire. Habang pinagmamasdan ko siya ay parang bumubulong siya sa akin. Mahirap isipin ngunit sa ganitong sitwasyon ay siya na lamang ang tanging tao na maaari kong makapitan.

Ito na yata ang panahon upang ipakilala ko na sa kaniya si Luxe. Gagawin ko ito upang mabuhay si Luxe. May halong takot akong nararamdaman sa magiging desisyon ko. Ngunit isusugal ko ang buhay namin ni Luxe para sa kaniyang mas ikakabuti na kalagayan. Gagawin ko naman ang lahat upang protektahan si Luxe mula sa aking biyenan kung darating ang pagkakataon na gagamitan niya din ng dahas ang aking anak.

Nanginginig ang mga kamay na dinukot ko ang aking cellphone mula sa aking bulsa. Idinial ko ang numero ng kanilang kumpanya na naka display sa tv screen. Parang tinatambol sa sobrang kaba ang aking dibdib ng marinig ko na ang pagtunog ng linya sa kabila.

"Good evening, Ma'am/Sir, Hiraya's Company speaking. How may I help you?" Natigilan ako saglit. Pinoproseso pa ng utak ko ang nangyayari. Boses iyon ng babae.

"May I talk to Mr. Kenji Hiraya?" Pinilit kong huwag gumaralgal ang aking boses habang binabanggit ko ang kaniyang pangalan.

Saglit na natahimik ang kabilang linya. "Who I am talking to?" Maya-maya ay tanong muli ng babae.

"His wife, Mrs. Yolanda Hiraya"

Sa napakabigat na sitwasyon na kinasasakdalan ko ngayon, nagawa ko pa ding ngumiti nang sa wakas ay nabanggit ko na din ang mga katagang huli kong sinabi. I'm proud somehow, being his lawfully and beloved wife.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status