MasukIsang buwan na ang nakalilipas mula nang gabing iyon sa Diamond Hotel, pero ang mundo ni Aria ay tila nananatiling nakahinto. Araw-araw siyang bumibisita sa St. Jude Medical Center, umaasang makakapasok sa VIP wing kung saan nakahimlay ang comatose na si Xavier Knight.
Ngunit hanggang sa glass window lang ng lobby siya nakakarating. "Miss, pang-sampung beses mo na ngayong linggo 'to. Sinabi na namin sa inyo, tanging pamilya at malalapit na kaibigan lang ang pwedeng pumasok," pagtataboy ng guard. "Kahit silip lang po... gusto ko lang malaman kung nagkamalay na siya," pagsusumamo ni Aria, ang mga mata ay namumugto. Wala siyang dalang kahit ano kundi ang pag-asang magigising ang lalaking nangako sa kanya na hindi siya makakalimutan. Pero para sa mga bantay, isa lamang siyang hamak na estranghero na gustong sumawsaw sa yaman ng mga Knight. Habang naghihintay si Xavier ay mahimbing na natutulog sa kama ng hospital, si Aria naman ay nagsisimulang makaramdam ng kakaiba sa kanyang sarili. Isang gabi, habang nag-eensayo siya sa isang maliit na music studio, bigla siyang nakaramdam ng matinding pag-ikot ng paligid. Halos tumama ang kanyang noo sa piano keys kung hindi siya nasalo ni Marco, ang matalik niyang kaibigan na isang violinist. "Aria! Ayos ka lang ba? Namumutla ka," pag-aalala ni Marco. "P-pagod lang siguro 'to, Marco. Hindi lang ako nakakakain nang maayos," palusot ni Aria. Pero hindi doon natapos. Nang yayain siya ni Marco na kumain ng paborito niyang Sizzling Sisig sa tapat ng studio, agad na nabaliktad ang kanyang sikmura. Ang dating katakam-takam na amoy ay tila naging amoy ng panis na basura para sa kanya. Tumakbo si Aria sa banyo at doon isinuka ang lahat ng laman ng kanyang tiyan. "Aria, pang-ilang beses na 'yan. At lagi kang nahihilo tuwing umaga," seryosong sabi ni Marco habang hinihimas ang likod ng kaibigan. "Hindi kaya..." hindi naituloy ni Marco ang sasabihin ayaw niyang masamain ng kaibigan ang kanyang sasabihin lalo na't wala itong nobyo. Natigilan si Aria. "Ano ka ba Marco, puyat at pagod lang ito. Huwag kang mag-alala, bukas na bukas ay magpapa-check-up ako." "Mabuti pa nga, masyado ka ng abala sa buhay kaya minsan nakakalimutan muna ang kalusugan mo. Gusto mo bang samahan kita?" Umiling si Aria, "Hindi na, kaya ko na 'to" pilit siyang ngumiti para hindi na mag-alala pa ang kaibigan. Pagkatapos ng ensayo, napagpasyahan ni Aria na dumaan muna sa isang botika malapit sa inuupahan niyang apartment. Ayaw niya mang pagduduhan ang sarili pero wala na siyang ibang ma-isip na dahilan sa mga sintomas na kanyang nararamdaman nitong mga nakaraang araw, simula noong magtalik sila ni Xavier. Kaya ang tanging naiisip niyang paraan ay ang 'Pregnancy Test', kailangan niyang pakinggan ang instinct niya upang masiguro. Pag-uwi sa kanyang maliit na kwarto, nanginginig ang kanyang mga kamay habang hinihintay ang resulta. Limang minuto ang lumipas na tila habambuhay. Dalawang pulang guhit.! Napa-upo si Aria sa gilid ng toilet bowl. Ang kanyang puso ay nagwawala sa kaba. Buntis siya. May laman ang kanyang sinapupunan—bunga ng gabing kinalimutan na ng tadhana. Sa gitna ng kanyang pagkabalisa, nabuksan niya ang telebisyon. "Breaking News: Billionaire Xavier Knight, nagising na mula sa isang buwang pagkaka-coma!" Tila nabuhayan si Aria. "Nagising na siya... kailangang malaman niya 'to. Hindi ko 'to kayang mag-isa," bulong niya sa sarili. Nakatayo siya sa labas ng VIP Wing ng St. Jude Medical Center, hawak ang isang maliit na bouquet ng puting tulips at ang pag-asang baka sa pagkakita sa kanya, ay bumalik ang kislap sa mga mata ni Xavier. "Miss, bawal po ang tambay dito. Para lang ito sa pamilya ng pasyente," sita sa kanya ng isang naka-unipormeng guard na tila pader na humaharang sa kanyang landas. "Ahm... Sir, pwede ko po bang makausap saglit si Mr. Xavier Knight? May sasabihin lang po akong importante" ngumiti si Aria na puno ng pag-asa. "Wala sa listahan ang pangalan mo," mariing sagot ng guard. "Pero Sir saglit lang po talaga, ibibigay ko lang po ito at May sasabihing mahalaga" pagmamakaawa niya, naluluha ang mga mata. "Hindi nga pwede Miss ang kulit mo, alam mo bang mga prestihiyosong tao ang naririto, isapa hindi ka kamag-anak o kung anomang may kaugnayan kay Mr. Knight" naiirita ng pagtataboy sa kanya ng guard. "Sir, pakisabi na lang po ang pangalan ko. Si Aria Santos gusto siyang makausap." " Hindi nga pwede Miss. Sige na, umalis ka na rito." " Sige na Si-----" Eksaktong bumukas ang pinto ng suite at lumabas ang isang matandang babae na may awtoridad sa bawat galaw—si Madam Elizabeth Knight, ang lola ni Xavier. Kasunod nito ang isang magandang babae na nakasuot ng designer dress, si Elena, ang babaeng laging nali-link sa bilyonaryo. "Sino siya?" tanong ni Madam Elizabeth, ang boses ay puno ng pangingilatis. "Wala po, Madam. Isang fan lang daw po ni Sir Xavier," sagot ng guard. Bago pa man makapagsalita si Aria, narinig niya ang isang boses mula sa loob ng silid. Ang boses na bumulong sa kanya sa dilim noong gabing iyon. "Sino ang maingay sa labas? Papasukin niyo." Sa panginginig ng tuhod, pumasok si Aria. Nakita niya si Xavier na nakasandal sa headboard, may benda sa ulo pero ang aura ng kapangyarihan ay naroon pa rin. Ngunit nang magtama ang kanilang mga paningin, walang kuryente. Walang pagkilala. Ang mga mata nito ay kasing lamig ng yelo. "Sino ka?" tanong ni Xavier. "Xavier... it's me. Aria," halos pabulong niyang sabi, sinusubukang ngumiti kahit nanunuyo ang kanyang lalamunan. "Yung pianist sa Diamond Hotel... yung babaeng-" Isang mapait na ngisi ang gumuhit sa labi ni Xavier. "Pianist? Maraming tumugtog sa hotel na 'yon. At hindi kita kilala" na pantig ang tenga ni Aria sa narinig, bumagsak ang kanyang mga balikat at nanlumo sa mga sinasabi ni Xavier at ang naging trato nito sa kanya. "Xavier, hindi mo na ba talaga ako naalala?" ang boses ay nagsisimula nang mabasag. Tumingin si Xavier sa kanyang lola at kay Elena bago muling ibinalik ang tingin kay Aria, pero ngayon ay puno na ito ng pandidiri. "I don't know who you are or what kind of games you're playing. My head hurts from people trying to cling to my name for money. Guard, get her out of here." Para siyang sinampal nang paulit-ulit. Ang papel na iniwan niya sa bedside table ay tila naging isang malaking biro. Habang kinaladkad siya ng guard palabas, narinig pa niya ang huling sinabi ni Xavier kay Elena: "Make sure she never gets near me again. I hate gold diggers." Nang makalabas ng ospital, tumakbo si Aria hanggang sa hindi na niya maramdaman ang kanyang mga binti. Huminto siya sa isang pampublikong banyo sa mall at doon inilabas ang lahat ng sakit. Pero hindi lang iyak ang lumabas sa kanya. Naramdaman niya ang matinding pagkahilo at ang pamilyar na pagbaliktad ng kanyang sikmura. Nanginginig ang kanyang kamay habang binubuksan ang maliit na plastic mula sa botika. Dalawang pulang guhit. Sa gitna ng mataong siyudad, nalaman ni Aria ang totoo. Ang huling melodiya ni Xavier ay nag-iwan ng isang buhay sa loob niya. Isang buhay na hinding-hindi makikilala ng ama nito dahil sa isip ni Xavier, siya ay isa lamang hamak na babaeng "manghihingi ng pera." Hinawakan ni Aria ang kanyang tiyan, ang kanyang mga mata ay unti-unting natutuyo mula sa luha. Ang sakit ay napalitan ng isang matinding determinasyon. "Hindi kita kailangan, Xavier Knight," bulong niya sa sarili habang nakatingin sa salamin. "Kung nakalimutan mo ako... mas kakalimutan kita. Magmula ngayon, wala nang Aria na nagmamakaawa. Mamatay ang alaala mo sa akin, gaya ng pagpatay mo sa alaala ko sa isip mo." Pero sadya ba talagang kinalimutan ni Xavier si Aria? o bunga ng aksidente ang pagkalimot niya sa babaeng minsang nagpatibok sa kanyang puso?Aria’s POV Ang papel na hawak ko ay tila naging isang hatol ng kamatayan. Sa bawat salitang medikal na nababasa ko, degenerative, atrophy, memory loss, ay tila may bahagi ng puso ko na unti-unting namamatay. Tiningnan ko si Xavier. Ang lalaking dati ay tila isang diyos sa kapangyarihan, ngayon ay mukhang marupok sa ilalim ng malamig na ilaw ng Geneva. "Kailan pa?" tanong ko, ang boses ko ay halos pabulong na lang. "Nagsimula ang mga sintomas dalawang taon na ang nakalilipas," sagot niya habang nakatingin sa malayo. "Sakit ng ulo, pagkalimot sa maliliit na bagay... akala ko pagod lang. Pero ito pala ang kapalit ng paggising ko mula sa coma noon. A ticking time bomb." "At binalak mong mamatay nang mag-isa sa dilim habang pinapanood kami mula sa malayo?" Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya, pero agad ko rin siyang niyakap nang mahigpit. "Napaka-selfish mo, Xavier Knight! Napaka-selfish mo!" Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik. Mahigpit, tila ba ito na ang hu
Aria’s POV Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ang boses na iyon... ang boses na pilit kong ibinaon sa limot, ay heto at muling humahaplos sa pandinig ko. Ang cellphone sa kamay ko ay tila naging kasing-init ng baga. "Nasaan ka?" garalgal kong tanong. "Xavier, magpakita ka sa akin!" "Lumingon ka, Aria." Dahan-dahan akong pumihit. Sa dulo ng madilim na pasilyo ng opera house, malapit sa anino ng mga malalaking column, nakatayo ang isang lalaki. Hindi na siya ang bilyonaryong laging naka-slick back ang buhok at perpekto ang suit. Ngayon, ang kanyang buhok ay medyo mahaba na, may manipis na balbas, at suot ang isang simpleng trench coat. Pero ang tindig niya—ang awtoridad na tila pag-aari niya ang mundo—ay hindi nagbago. "Limang taon, Xavier," sabi ko, ang boses ko ay puno ng pait habang lumalapit ako sa kanya. "Limang taon mo kaming pinanood na parang mga hayop sa zoo? Bakit?" "Hindi ko kayo pinapanood na parang mga hayop, Aria," mahina niyang sagot. Ang kanyang mga mata ay pago
Third Person POV Limang taon ang lumipas. Switzerland. Ang payapang tanawin ng Lake Geneva ang nagsilbing kanlungan ni Aria Santos sa nakalipas na kalahating dekada. Sa loob ng limang taon, hindi na siya ang "biktima" sa mga headline ng tabloid sa Pilipinas. Ngayon, kilala siya bilang si Maestra Aria, isa sa mga pinaka-prestihiyosong composer at pianist sa buong Europa. Ang kanyang musika ay puno ng lungkot, pait, at pag-asa, mga damdaming tila naging katuwang na niya simula nang lisanin niya ang bansa. "Mom, are you ready? The gala starts in thirty minutes," tawag ng isang boses na nagpatigil sa kanyang pag-iisip. Pumasok sa silid ang isang sampung taong gulang na batang lalaki. Si Axel. Hindi na ito ang batang paslit na mahilig maglayas. Siya na ngayon ay isang matangkad at matalinong bata. Ngunit sa bawat pagdaan ng taon, mas lalong nagiging masakit para kay Aria ang tumingin sa anak. Ang mga mata, ang panga, at ang aura ni Axel ay isang carbon copy ni Xavier Knight. "Ready n
Aria’s POV Isang linggo matapos ang aksidente, ang mga sugat sa aking katawan ay unti-unti nang naghihilom, ngunit ang sugat sa aking puso ay tila lalong lumalalim. Nakatayo ako sa harap ng bintana ng aking private room sa ospital, pinagmamasdan ang mga sasakyang nagdaraan sa ibaba. Sa bawat sasakyang itim na nakikita ko, naaalala ko ang takot. Ang takot na mawala sa akin ang lahat dahil sa mundong kinabibilangan ni Xavier. "Mommy, are we going to see Daddy today?" tanong ni Axel habang naglalaro sa kama. May benda pa rin siya sa ulo, isang permanenteng paalala ng kapabayaan ni Xavier. "No, baby. We're going on a trip. Just the two of us," mahina kong sagot. Bumukas ang pinto at pumasok si Marco. Mukha siyang pagod, pero ligtas. "Handa na ang lahat, Aria. Ang private flight ay maghihintay sa atin sa isang hangar sa Clark para maiwasan ang mga tauhan ni Xavier. Ang mga papeles mo para sa paninirahan sa Switzerland ay ayos na rin." "Salamat, Marco. Salamat sa hindi pag-iwan sa
Xavier’s POV Ang puting ilaw ng ospital ay tila sumasariwa sa bawat sugat ng nakaraan ko. Nakaupo ako sa tapat ng Intensive Care Unit (ICU), ang aking mga kamay ay puno pa rin ng tuyong dugo—dugo ni Aria. Ang bawat patak ng dextrose at tunog ng heart monitor ay parang isang mabagal na torture. "Sir, si Axel po ay ligtas na. He has a minor concussion, pero nagising na siya at hinahanap ang kanyang Mommy," ulat ni Marcus, ang boses ay puno ng pait. Hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa salamin ng ICU kung nasaan si Aria, nakakabit sa napakaraming tubo. "Sino, Marcus?" tanong ko, ang boses ko ay kasing lamig ng kamatayan. "Sino ang may gawa nito?" "Ang van ay rehistrado sa isang dummy corporation na konektado sa pamilya ni Lady Cassandra, Sir. Pero ang driver... ayon sa nakuha naming ebidensya, ay direktang tumanggap ng tawag mula sa mansyon bago ang aksidente. Mula sa linya ng iyong Lola." Tumayo ako, ang panga ko
Xavier’s POV Ang alak na iniinom ko ay kasing pait ng sitwasyon ko ngayon. Mag-iika-dose na ng gabi at nasa mini-bar ako ng mansyon. Gusto kong puntahan si Aria, gusto ko siyang yakapin at sabihing naniniwala ako sa kanya, pero ang bawat hakbang ko ay tila pinipigilan ng banta ni Lola Aurora. Isang maling galaw ko lang, mawawala ang lahat ng pinaghirapan ko para sa kinabukasan ni Axel. "You look troubled, Xavier," isang malambing na boses ang narinig ko sa likuran. Si Lady Cassandra. Nakasuot siya ng isang manipis na silk robe na halos walang itinatago. Lumapit siya sa akin at kinuha ang baso ko. "Huwag mo nang isipin ang babaeng 'yon. She’s just a distraction. You deserve someone who understands the weight of your crown," bulong niya habang dahan-dahang hinahaplos ang aking balikat. "Leave, Cassandra. Lasing ako, pero hindi ako tanga," tabig ko sa kamay niya. Pero biglang umikot ang paningin ko. Ang huling baso na ininom ko... may kakaiba sa lasa niyon. "You're not just drunk,







