Nagising na lang ako na sobrang lapit ng mukha niya Zander sa mukha ko. Nanlalaki ang mga ko habang nakatitig sa kanyang peaceful na mukha.
Napaisip tuloy ako. May girlfriend kaya siya? O asawa? Sa tingin ko nasa tamang gulang na siya para magkaroon ng asawa. At bakit pinoproblema ko pa pati yon? Masyado naman din akong ilusyonada kung iisipin ko pang magkaroon ng boyfriend na katulad ni Zander. Wala na rin magkakainteres sa akin dahil sa trabaho ko. Baka isang gurang at divorced na lalaki na lang ang papatol sa akin kahit gaano pa ako kaganda. Napabuntong-hininga tuloy ako. Hopeless na talaga ako sa pag-ibig kaya dapat ko na lang atupagin ang trabaho ko at ang kapatid ko. "Uh... yung hininga... medyo mabaho," wika ni Zander. "Ay!" Napaupo ako ng mabilis at napatakip ng bibig. "Shorry!" Lupa, kainin mo na ako! Nagmadali akong tumayo at pumasok sa banyo. Mabuti na lang may libreng toothbrush at toothpaste. Nagmadali akong mag-toothbrush at naghilamos. Sa kalagitnaan ng paghihilamos ko ay siya namang pagpasok ni Zander sa banyo. "It's okay. Morning breath really stinks," aniya. Nakasandal siya sa pintuan habang pinapanood ako sa paghihilamos ko ng mukha. "Is there a free breakfast here? I'm starving." "Wala, Sir. Kailangang tumawag sa telephone sa tabi ng kama para magpahanda ng makakain," sagot ko habang nagpupunas ng mukha sa towel. "Is that so? Mukhang sa labas na lang ako kakain. Wanna join me?" tanong niya. "It's an appreciation gift for making me laugh so hard last night." "Nako, Sir. May trabaho pa ako, eh. Mahirap na. Baka sibakin ako. Salamat sa invitation," wika ko. "Alright. Tapos ka na ba diyan?" "Yes, Sir," sagot ko naman. "I'll give you the tip you deserve before I go." "Samahan na kita sa labas, Sir. Maihatid ko man lang kayo sa parking," ngiti ko sa kanya. Inabot ni Zander sa akin ang sampung libong tip bago kami lumabas ng room. Malaking bagay na sa akin iyon. Siya pa lang ang nagbigay ng ganoong kalaking tip sa akin. Karamihan kasi mga indecent proposal ang inaalok sa akin at mas higit pa sa sampung libo ang ibibigay nila sa akin kapalit ng katawan ko. At hindi ko iyon kayang ibigay. Nang makarating sa parking lot ng club ay inawat ako ni Zander sa paglabas. Ipinatong niya sa akin ang kanyang coat bago kami tuluyang lumabas. Sakto namang naghihintay ang isang mamahaling itim na sasakyan sa aming tapat. "Thank you for your time, Callie." "Maraming salamat din, Sir Zander. Salamat sa malaking tip. At salamat sa maayos na gabi," ngiti ko sa kanya. Lumapit si Zander sa akin at niyakap niya ako na ikinagulat ko. Kumalabog na naman ang puso ko sa dibdib ko. Tama pa ba itong ganito? Bakit naman ako yayakapin ng kliyente ko? Pero ayokong magsinungaling sa sarili ko na hindi ko ito nagustuhan. It's so comforting sa pakiramdam. Ngunit bago pa niya ako bitawan ay sakto namang kumulog at tila flash ng kamera ang kidlat. "Mag-iingat ka palagi, Sir Zander. Nawa'y pagpalain ka pa." "I will do my best. Thank you." "Goodbye, Sir." "Bye, Callie." Pagkapasok ni Zander sa sasakyan ay pumasok na ako kaagad sa loob ng club. Sa paglalakad ko papunta sa elevator ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na malungkot. Sana ay katulad na lang ni Zander ang lahat ng mga magiging kliyente ko after niya. Pero hindi naman lahat tao ay katulad niya. Napabuntong-hininga na lang ulit ako. Sa pagpasok ko sa personnel room ay nakita ko si Mara na umismid nang makita niya ako. Mukhang mayroon siyang special client na nagnanais ng presensya niya ngayong umaga. Hindi na ako magtataka. Daig pa niya ang mga p*rnstars ayon sa mga ibang strippers kaya pinipilahan ng mga kliyente mapa-umaga man o gabi. "Callie," tawag ni Miss Joyce mula sa likuran ko. "Binigyan ka ng magandang feedback ng kliyente mo kagabi. Good job. Keep it up." Napansin kong nagbabasa ng email si Miss Joyce habang sinasabi niya iyon sa akin. Mukhang si Zander iyon. Napangiti ako sa hindi ko malamang dahilan. Nakakagaan ng loob dahil ngayon lang ito nangyari sa akin. "Thank you, Miss Joyce," saad ko naman. Pagkatapos ng shift ko ay nag-grocery ako kaagad. Maligaya akong umuwi sa apartment kung saan kami nakatira ng kapatid ko. "Ang dami mong groceries, Ate!" Nagniningning ang mga mata ng kapatid ko habang nakatingin sa mga dala kong eco bags. Sobrang tuwa niya sa mga pagkain dahil halos paborito niya lahat ang pinamili ko. "Dapat good boy ka palagi, ha? Para madami pang bilhin si ate para sayo." Lumapit ako sa kapatid ko at niyakap siya ng mahigpit. "Good boy po ako, Ate. Para gumaling na din ako sa sakit ko at matulungan kita paglaki ko!" masayang sambit ng kapatid ko. Makita ko lang na masaya ang kapatid ko ay para bang naiibsan na yung pagod at mga sakripisyo ko. Siya ang dahilan kung bakit nagpapatuloy akong mabuhay. Paano na lang ako kung mawala siya? Hindi ko kakayanin. Siya ang lakas ko. Ang kapatid ko na lang ang mayroon ako. Siya ang kayamanan ko. "At dahil happy si ate, kakain tayo sa labas!" pag-aanunsyo ko. "Yehey!" Nagpunta kami sa karinderya. "Ang ganda naman ng TV nila, ate! Flat screen!" namamanghang sambit ng kapatid ko habang hinihintay namin ang inorder naming pork chop, libreng sabaw ng sinigang, pork barbeque, chopsuey, at apat na cup ng kanin. May TV kasi sa karinderya na smart TV. Balita nga lang ang pinapanood. "Makakabili din tayo ng ganyan. Ang importante muna kay ate ay mabili ang mga gamot na kailangan mo." Sampung taon pa lang kasi ang kapatid kong si Ven at kailangan na kailangan pa niya ako. "...hindi ko alam kung bakit siya ang bagong CEO ng kumpanya. Ngayon ko nga lang din siya nakita." Dinig ko ang usapan ng dalawang lalaking empleyado ng isang di ko kilalang kumpanya. "Speaking of the devil, hot issue siya sa social media pati sa balita." Nang tingnan ko ang dalawang lalaki ay napansin kong nakatingin sila sa TV kaya bumaling din ang tingin ko sa TV. Ngunit nanlaki ang mga ko sa nakita ko sa balita. "A-anong... paano... nangyari..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. "Usap-usapan ngayon sa social media ang bagong CEO ng Almeda Group na si Alexander Almeda III. Nakita siya sa ng isang paparazzi na lumabas galing sa isang high-end na club kasama ang kanyang rumored new girlfriend," ulat ng babaeng showbiz reporter. Bumagsak ang panga ko sa mesa nang makita ang larawan namin ni Zander. Nakapatong sa akin ang kanyang coat habang nakaharang si Zander sa akin kaya buhok ko lang at ang kanyang coat ang nakita. Pero si Zander... Teka. Isa siyang CEO?! Bakit ngayon ko lang nalaman?! At bakit kasi hindi ko siya tinanong?! Boblaks ko talaga! "Sino kaya ang rumored girlfriend ng bilyonaryo na ito?" Dagdag pa ng showbiz reporter.Pagkatapos naming kumain ni Ven sa karenderya ay dali-dali akong umuwi. Hindi ko alam kung may nagmamatyag ba sa akin na paparazzi. Natatakot na tuloy akong lumabas. O baka OA lang ako. Halata naman sa photo na hindi kita ang mukha ko. Marami naman kaming mga nagta-trabaho sa club. For sure, malilito ang mga paparazzi sa kung sino ang babaeng kasama ni Zander. Napahinga ako ng maluwag. Tama. Ganoon dapat ang isipin ko. Pero...paano kung malaman nila na ako ang babaeng nasa paparazzi photo? "Ate, natatae ka po ba? Bakit namumutla ka at pinagpapawisan ng malalaking butil?" tanong ng inosente kong kapatid. "A-ahh.. ano.. oo, kanina ko pa pinipigilan sa karenderya." May halong kaba ang pagtawa ko habang nagpapaliwanag kay Ven. Tumayo ako at tumakbo papunta sa banyo dala ang phone ko. Umupo ako sa toilet bowl at nagsimulang mag-scroll sa social media. Agad kong binuksan iyong isang bagong showbiz balita. "Usap-usapan talaga ang anak ni Mister Francisco Almeda, partner," wika ng ka
Nagising na lang ako na sobrang lapit ng mukha niya Zander sa mukha ko. Nanlalaki ang mga ko habang nakatitig sa kanyang peaceful na mukha. Napaisip tuloy ako. May girlfriend kaya siya? O asawa? Sa tingin ko nasa tamang gulang na siya para magkaroon ng asawa. At bakit pinoproblema ko pa pati yon? Masyado naman din akong ilusyonada kung iisipin ko pang magkaroon ng boyfriend na katulad ni Zander. Wala na rin magkakainteres sa akin dahil sa trabaho ko. Baka isang gurang at divorced na lalaki na lang ang papatol sa akin kahit gaano pa ako kaganda.Napabuntong-hininga tuloy ako. Hopeless na talaga ako sa pag-ibig kaya dapat ko na lang atupagin ang trabaho ko at ang kapatid ko."Uh... yung hininga... medyo mabaho," wika ni Zander."Ay!" Napaupo ako ng mabilis at napatakip ng bibig. "Shorry!" Lupa, kainin mo na ako!Nagmadali akong tumayo at pumasok sa banyo. Mabuti na lang may libreng toothbrush at toothpaste. Nagmadali akong mag-toothbrush at naghilamos. Sa kalagitnaan ng paghihilamos
Hindi ko mawari ang pakiramdam na ito. Kumakalabog ng mabilis ang puso ko. Hindi ko mapigilang titigan ang kanyang mga mata. Tila ba ang malungkot ang mga ito. Wala pang nagkamaling hawakan ako ng ganito maliban na lamang doon sa huling kliyente ko na gusto akong idemanda. Pero itong isa... kakaiba. Hindi ko alam kung bakit ayaw lumayo ng katawan ko.O sadyang ayaw ko?Wala pa akong na-encounter na kliyente na kasing talas ng isip niya. Paano niya iyon nasabi? May telepathy ba siya?"Sir, masyado pang maaga para malasing ka," malumanay kong saad at may bahid pa ng pang-aakit. "Alam kong nanaisin mo ring matikman ako ngayong gabi. Hindi masasayang ang bayad mo. Tiyak na makakatulog ka ng mahimbing," dagdag ko pa. Isang nagtatagong ngisi ang lumabas sa aking labi dahil hindi ako magkakamaling makakatulog siya dahil sa pampatulog kong tableta.Binitawan ako ng kliyente ko na para bang nagising siya sa kanyang ginagawa."I can't do this. This is so ridiculous," umiiling niyang wika. Dini
Nagngingitngit ako sa galit at pagkadismaya. Bakit sa akin napunta ang ubod ng yabang na customer na iyon? Dinig ko pa ang mga kapwa ko stripper na pinag-uusapan ang kapalpakan ko habang nandito ako sa loob ng cubicle. Nagkulong kasi ako rito dahil ayaw ko na makita akong umiiyak ni Mara na kapwa ko stripper. Baka lalong tumaas ang kanyang tingin sa sarili. Kasalanan ko ba kung masyadong demanding ang bwiset na customer na iyon? Naudlot ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto ng cubicle. Binuksan ko ang pinto kahit nakaupo ako sa toilet bowl habang nakababa pa rin ang suot kong mini skirt at panty. Ano pang ikakahiya ko? Halos kami naman lahat rito na strippers ay nakita na ang lahat ng kabuuan namin. Mahihiya pa ba ako?"Matagal ka pa ba diyan? I need you in the office now." Walang halong emosyon ang manager ko na si Miss Joyce. Ganyan lamang iyan pero hindi siya malupit. Parang tita ko na siya rito sa club. Tatlong taon na rin kasi akong nagtatrabaho rito sa The Hera's Club, is