Share

Kabanata 4

Author: itsmerizzz
last update Last Updated: 2025-09-24 14:12:51

Pagkatapos naming kumain ni Ven sa karenderya ay dali-dali akong umuwi. Hindi ko alam kung may nagmamatyag ba sa akin na paparazzi. Natatakot na tuloy akong lumabas. O baka OA lang ako. Halata naman sa photo na hindi kita ang mukha ko. Marami naman kaming mga nagta-trabaho sa club. For sure, malilito ang mga paparazzi sa kung sino ang babaeng kasama ni Zander.

Napahinga ako ng maluwag.

Tama. Ganoon dapat ang isipin ko.

Pero...paano kung malaman nila na ako ang babaeng nasa paparazzi photo?

"Ate, natatae ka po ba? Bakit namumutla ka at pinagpapawisan ng malalaking butil?" tanong ng inosente kong kapatid.

"A-ahh.. ano.. oo, kanina ko pa pinipigilan sa karenderya." May halong kaba ang pagtawa ko habang nagpapaliwanag kay Ven. Tumayo ako at tumakbo papunta sa banyo dala ang phone ko.

Umupo ako sa toilet bowl at nagsimulang mag-scroll sa social media. Agad kong binuksan iyong isang bagong showbiz balita.

"Usap-usapan talaga ang anak ni Mister Francisco Almeda, partner," wika ng kalbong bading sa kanyang kausap na host.

"Tama ka diyan, partner. Isipin mo, isa sa mga bilyonaryo dito sa Pinas ang mga Almeda. Ang tanong, kumusta na si Miss Valerie Del Sol?" responde naman ng babaeng maiksi ang buhok at maarte kung magsalita.

"Ang ex-fiancée ng bagong CEO ng Almeda Group? Ang hot issue ngayon na si Alexander 'Zander' Almeda III?"

"Yes, partner! Ang heiress ng isang beauty company! Actually, umalis siya papuntang Paris today kaya we weren't able to interview her. So sad talaga, partner. But!"

"But, what, partner?" tanong nung kalbong host.

"Everyone is curious who is the new girlfriend of Zander Almeda!"

"Who might that lucky girl be? Knowing that the Almedas are very private with their personal lives kaya hot issue talaga when something slips out."

"True, partner," sang-ayon ng maarteng host. "Kaya naman stay tuned sa aming programa para sa mga susunod na intriga ang— The Huzz!"

Pinatay ko kaagad ang phone ko at napasapo na lang sa aking noo.

"Paano na 'to? Masyadong mainit ang issue. Paano na ako papasok sa trabaho nito?"

Buong gabi ay hindi ako makatulog. Iniisip ko kung paano ko lulusutin ang problema na ito. Ayokong mawalan ng trabaho at higit sa lahat, ayokong maging laman ng mga balita. Isang simpleng buhay lang naman ang hangad ko para sa amin ng kapatid ko, eh. Napayakap tuloy ako ng mahigpit sa kapatid ko.

Kinabukasan, para akong ninja na patago-tago sa mga pasilyo ng club. Nakaligtas ako sa paglabas ko sa apartment at sa pag-commute ko papuntang club. Pero dito sa loob ng club ay hindi.

"Lalong sumikat ang The Hera's Club dahil sa issue ni Zander Almeda! Maraming kliyente ang papasok dito na kaedad niya panigurado!" sambit ng alipores ni Mara.

"Nakita ko sa hawak na tablet ni Miss Joyce kanina mukhang apat na bagong kliyente ang papasok ngayong gabi! Balita ko mga binata rin!" saad naman nung isang alipores ni Mara.

"Nakita niyo ba kung sino ang pinakamahal ang bayad?" tanong ni Mara.

"Hindi, eh. Pero lahat naman gwapo at tipong mayayaman!" ani alipores number one.

"Wala ka talagang silbi," bored na sambit Mara habang pinagmamasdan ang mga pulang manicure niya. Napansin niya ang pagpasok ko sa personnel room. Nagbulungan sila bago nila ako tingnan lahat.

Wala sana akong balak na pansinin sila dahil wala akong maayos na tulog. Ngunit nagsalita si Mara.

"Kilala mo ba kung sino ang kasama ni Zander Almeda kagabi?" diretsang tanong ni Mara.

"H-hindi.." tipid kong sagot. Nang tingnan ko si Mara ay naniningkit ang mga mata niya sa akin. "W-wala akong alam.."

Dahan-dahan akong nilalapitan ni Mara kasama ng mga alipores niya na nasa kanyang likod. Bigla akong napapaatras sa hindi ko malamang dahilan.

"T-teka.. anong ginagawa niyo—" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko.

"Calista!" sigaw ni Miss Joyce sa pangalan ko. Napatigil kaming lahat at bumaling sa kanya. "In my office! Now!"

"Yes, Ma'am! I mean, Miss Joyce!" Humarurot ako ng takbo palabas ng personnel room.

Nakatakas nga ako kay Mara. Kay Miss Joyce hindi. Kailan ba matatapos ang bangungot ko na ito? Napabuntong-hininga na lang ako habang sinusundan ko si Miss Joyce papuntang office niya.

"Callie," sambit niya sa pangalan ko nang makapasok kami ng opisina. "Anong nangyari? Bakit sinamahan mo sa parking area ang kliyente mo? Alam mong prohibited iyon!"

Hindi ko masisisi si Miss Joyce kung galit siya. Sa sobrang tuwa ko kahapon kay Zander kaya hinatid ko siya. Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Miss Joyce na binigyan ako ng sampung libong tip ni Zander at walang trabaho ang nangyari kahapon.

"Hindi ko na alam kung paano ko pa ito pagtatakpan sa management, Callie. Pinag-uusapan na sa meeting kanina kung sino ang babaeng kasama ni Zander kagabi. Hindi ko masabing ikaw dahil iniisip ko ang kalagayan mo kapag nawalan ka ng trabaho rito, Callie."

Nagsipagtuluan ang mga luha ko. "Alam kong panahon na para tanggalin ako sa trabaho, Miss Joyce. Puro kapalpakan ang nagagawa nitong nakaraan. At pangatlong strike ko na ito. Maiintindihan ko kung aalisin ninyo ako... pero pakiusap ko lang po kahit tapusin ko na lang ang buwan na ito, Miss Joyce. May maipambayad lang ako sa apartment at bills. At mabayaran ko ang tuition ng kapatid ko. Pakiusap po, Miss Joyce." Luluhod sana ako pero hinila ni Miss Joyce ang braso ko. Naiyak rin tuloy siya at niyakap ako. Napahagulgol ako sa kanyang ginawa.

"Alam kong may ginagamit kang pampatulog sa mga kliyente mo, Callie. Alam kong virgin ka pa at wala ni isa sa mga kliyente mo ang nakahawak sayo sa loob ng tatlong taon mo rito. Kaya ganito ako kalapit sayo dahil ginagamit mo ang diskarte mo habang pine-preserve mo ang pagkababae mo. Proud ako sayo, Callie."

"Miss Joyce..."

Para akong bata na ngawa ng ngawa kay Miss Joyce. Sa unang pagkakataon simula noong mawala ang mga magulang namin ni Ven, ngayon ko lamang ulit naramdaman na may ina ako na nag-aalala at proud sa akin.

Pero ito na nga siguro ang oras para lisanin ko ang ganitong klase ng trabaho. Pare-parehas lang naman kaming naghahanap-buhay ng mga kapwa ko strippers dito at ayokong may madamay sa kanila dahil sa akin. Kayang-kaya ni Miss Joyce na mag-alis ng mga strippers pero hindi iyon pupwede. Katulad ko, may mga pamilya silang binubuhay.

"Maraming salamat po sa lahat, Miss Joyce."

"Pagkatapos mo rito sa club, maghanap ka ng maayos na trabaho. Kahit maliit ang kita. Basta marangal."

Biglang nag-notify ang tablet ni Miss Joyce sa mesa. Nang kunin niya ito ay nanlaki ang mga mata niya at tumingin sa gawi ko na para bang inaasahan niya na ito.

"Bakit po, Miss Joyce?" kunot-noo kong tanong.

"Si Mister Alexander Almeda. He booked another night and he is requesting you. Specifically."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper   Kabanata 4

    Pagkatapos naming kumain ni Ven sa karenderya ay dali-dali akong umuwi. Hindi ko alam kung may nagmamatyag ba sa akin na paparazzi. Natatakot na tuloy akong lumabas. O baka OA lang ako. Halata naman sa photo na hindi kita ang mukha ko. Marami naman kaming mga nagta-trabaho sa club. For sure, malilito ang mga paparazzi sa kung sino ang babaeng kasama ni Zander. Napahinga ako ng maluwag. Tama. Ganoon dapat ang isipin ko. Pero...paano kung malaman nila na ako ang babaeng nasa paparazzi photo? "Ate, natatae ka po ba? Bakit namumutla ka at pinagpapawisan ng malalaking butil?" tanong ng inosente kong kapatid. "A-ahh.. ano.. oo, kanina ko pa pinipigilan sa karenderya." May halong kaba ang pagtawa ko habang nagpapaliwanag kay Ven. Tumayo ako at tumakbo papunta sa banyo dala ang phone ko. Umupo ako sa toilet bowl at nagsimulang mag-scroll sa social media. Agad kong binuksan iyong isang bagong showbiz balita. "Usap-usapan talaga ang anak ni Mister Francisco Almeda, partner," wika ng ka

  • The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper   Kabanata 3

    Nagising na lang ako na sobrang lapit ng mukha niya Zander sa mukha ko. Nanlalaki ang mga ko habang nakatitig sa kanyang peaceful na mukha. Napaisip tuloy ako. May girlfriend kaya siya? O asawa? Sa tingin ko nasa tamang gulang na siya para magkaroon ng asawa. At bakit pinoproblema ko pa pati yon? Masyado naman din akong ilusyonada kung iisipin ko pang magkaroon ng boyfriend na katulad ni Zander. Wala na rin magkakainteres sa akin dahil sa trabaho ko. Baka isang gurang at divorced na lalaki na lang ang papatol sa akin kahit gaano pa ako kaganda.Napabuntong-hininga tuloy ako. Hopeless na talaga ako sa pag-ibig kaya dapat ko na lang atupagin ang trabaho ko at ang kapatid ko."Uh... yung hininga... medyo mabaho," wika ni Zander."Ay!" Napaupo ako ng mabilis at napatakip ng bibig. "Shorry!" Lupa, kainin mo na ako!Nagmadali akong tumayo at pumasok sa banyo. Mabuti na lang may libreng toothbrush at toothpaste. Nagmadali akong mag-toothbrush at naghilamos. Sa kalagitnaan ng paghihilamos

  • The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper   Kabanata 2

    Hindi ko mawari ang pakiramdam na ito. Kumakalabog ng mabilis ang puso ko. Hindi ko mapigilang titigan ang kanyang mga mata. Tila ba ang malungkot ang mga ito. Wala pang nagkamaling hawakan ako ng ganito maliban na lamang doon sa huling kliyente ko na gusto akong idemanda. Pero itong isa... kakaiba. Hindi ko alam kung bakit ayaw lumayo ng katawan ko.O sadyang ayaw ko?Wala pa akong na-encounter na kliyente na kasing talas ng isip niya. Paano niya iyon nasabi? May telepathy ba siya?"Sir, masyado pang maaga para malasing ka," malumanay kong saad at may bahid pa ng pang-aakit. "Alam kong nanaisin mo ring matikman ako ngayong gabi. Hindi masasayang ang bayad mo. Tiyak na makakatulog ka ng mahimbing," dagdag ko pa. Isang nagtatagong ngisi ang lumabas sa aking labi dahil hindi ako magkakamaling makakatulog siya dahil sa pampatulog kong tableta.Binitawan ako ng kliyente ko na para bang nagising siya sa kanyang ginagawa."I can't do this. This is so ridiculous," umiiling niyang wika. Dini

  • The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper   Kabanata 1

    Nagngingitngit ako sa galit at pagkadismaya. Bakit sa akin napunta ang ubod ng yabang na customer na iyon? Dinig ko pa ang mga kapwa ko stripper na pinag-uusapan ang kapalpakan ko habang nandito ako sa loob ng cubicle. Nagkulong kasi ako rito dahil ayaw ko na makita akong umiiyak ni Mara na kapwa ko stripper. Baka lalong tumaas ang kanyang tingin sa sarili. Kasalanan ko ba kung masyadong demanding ang bwiset na customer na iyon? Naudlot ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto ng cubicle. Binuksan ko ang pinto kahit nakaupo ako sa toilet bowl habang nakababa pa rin ang suot kong mini skirt at panty. Ano pang ikakahiya ko? Halos kami naman lahat rito na strippers ay nakita na ang lahat ng kabuuan namin. Mahihiya pa ba ako?"Matagal ka pa ba diyan? I need you in the office now." Walang halong emosyon ang manager ko na si Miss Joyce. Ganyan lamang iyan pero hindi siya malupit. Parang tita ko na siya rito sa club. Tatlong taon na rin kasi akong nagtatrabaho rito sa The Hera's Club, is

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status