로그인Ako ang first kiss ng isang Zander Almeda? Nananaginip ba ako? Siya kasi iyong tipo ng lalaki na kung huhusgahan siya ay tila ba marami ng dumaan na babae sa kanya. Mayaman, napakagwapo, matikas, matangkad, ma-appeal, halos lahat ng magagandang katangian sa isang lalaki ay nasa sa kanya na. Habang ako? Isang hamak na tagabigay ligaya sa mga kliyente sa club. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral at tanging katawan at hitsura lamang ang kaya kong ipagmalaki na namana ko pa sa mama ko.“Hindi mo dapat binigay sa akin ang first kiss mo, Zander,” may lungkot sa tinig ng boses ko. Nakapatong pa rin si Zander sa akin habang nakatitig siya sa mukha ko. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa paraan ng pagtitig niya. Para bang tinititigan niya ang kaluluwa ko.“It’s up to me who I’ll give my first kiss to, Callie. I’m lucky enough to have yours,” ani Zander.“Zander, isa kang CEO. Isa lamang akong ordinaryong babae. Ano ka ba naman,” sambit ko. Tinampal ko ng marahan ang kanyang dibdib. Natawa nam
Hindi ko alam kung bakit ko nilagok ang kalahati ng alak na iniinom namin ni Zander matapos niyang sabihin na halikan ko siya."S-sigurado ka?" nauutal ako sa sobrang kaba. Maya't maya pa ay naramdaman ko na uminit ang aking buong katawan dala ng alak.Lumapit pang muli si Zander sa akin. Halos magdikit na ang mga ilong namin at maduling ako sa kanyang mga matang nakatitig sa akin.Hindi ako makaatras dahil nakasandal ako sa headboard. Kung pwede lang akong tumagos dito sa pader ay ginawa ko na. Pader, lamunin mo na ako!Hinawakan ni Zander ang aking baba at inangat iyon. Amoy ko ang alak sa kanyang tila marshmallow na labi.Nakakahumaling tumitig ni Zander na para ba akong hinihigop at hinihila papunta sa labi niya. Wala pa akong nahahalikan na lalaki sa buong buhay ko. Ni wala akong naging boyfriend dahil mas pinili kong maging ulirang kapatid kay Ven.Hindi ko alam kung bakit napapikit ako. Hinihintay ko ba siyang halikan ako? O dala ng alak at ng sitwasyon? Ilang segundo na ang l
"Ha?!"Halos hablutin ko na iyong tablet ni Miss Joyce. Gusto ko talagang makumpirma kung si Zander nga ang tinutukoy niya. Nanlalaki pa ang mga mata ko habang binabasa ang request under his name.Napaupo ako sa pulang sofa ni Miss Joyce. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Paano kung maraming paparazzi ang sumunod sa kanya? Paano kung dumugin ako kapag nag-out na ako mamaya? Ayokong maging front page ng mga balita!Natataranta kong hinawakan ang magkabilang balikat ni Miss Joyce."Miss Joyce, ano nang gagawin ko? Wala ba akong body guard? Kailangan ko ng proteksyon mamaya kapag lumabas ako dito sa club. Baka ma-front page ako sa balita. Baka makilala ako ng mga tao. Baka i-bash ako sa social media! Baka—"Binitawan ni Miss Joyce ang tablet niya sa table at pinaupo ako sa sofa habang hawak-hawak ako sa magkabilang braso."Callie, kumalma ka nga muna," aniya. "Yung kapatid ko, Miss Joyce... hindi niya alam na sa club ako nagta-trabaho..." "Callie, walang nakakaalam sa club a
Pagkatapos naming kumain ni Ven sa karenderya ay dali-dali akong umuwi. Hindi ko alam kung may nagmamatyag ba sa akin na paparazzi. Natatakot na tuloy akong lumabas. O baka OA lang ako. Halata naman sa photo na hindi kita ang mukha ko. Marami naman kaming mga nagta-trabaho sa club. For sure, malilito ang mga paparazzi sa kung sino ang babaeng kasama ni Zander. Napahinga ako ng maluwag. Tama. Ganoon dapat ang isipin ko. Pero...paano kung malaman nila na ako ang babaeng nasa paparazzi photo? "Ate, natatae ka po ba? Bakit namumutla ka at pinagpapawisan ng malalaking butil?" tanong ng inosente kong kapatid. "A-ahh.. ano.. oo, kanina ko pa pinipigilan sa karenderya." May halong kaba ang pagtawa ko habang nagpapaliwanag kay Ven. Tumayo ako at tumakbo papunta sa banyo dala ang phone ko. Umupo ako sa toilet bowl at nagsimulang mag-scroll sa social media. Agad kong binuksan iyong isang bagong showbiz balita. "Usap-usapan talaga ang anak ni Mister Francisco Almeda, partner," wika ng ka
Nagising na lang ako na sobrang lapit ng mukha niya Zander sa mukha ko. Nanlalaki ang mga ko habang nakatitig sa kanyang peaceful na mukha. Napaisip tuloy ako. May girlfriend kaya siya? O asawa? Sa tingin ko nasa tamang gulang na siya para magkaroon ng asawa. At bakit pinoproblema ko pa pati yon? Masyado naman din akong ilusyonada kung iisipin ko pang magkaroon ng boyfriend na katulad ni Zander. Wala na rin magkakainteres sa akin dahil sa trabaho ko. Baka isang gurang at divorced na lalaki na lang ang papatol sa akin kahit gaano pa ako kaganda.Napabuntong-hininga tuloy ako. Hopeless na talaga ako sa pag-ibig kaya dapat ko na lang atupagin ang trabaho ko at ang kapatid ko."Uh... yung hininga... medyo mabaho," wika ni Zander."Ay!" Napaupo ako ng mabilis at napatakip ng bibig. "Shorry!" Lupa, kainin mo na ako!Nagmadali akong tumayo at pumasok sa banyo. Mabuti na lang may libreng toothbrush at toothpaste. Nagmadali akong mag-toothbrush at naghilamos. Sa kalagitnaan ng paghihilamos
Hindi ko mawari ang pakiramdam na ito. Kumakalabog ng mabilis ang puso ko. Hindi ko mapigilang titigan ang kanyang mga mata. Tila ba ang malungkot ang mga ito. Wala pang nagkamaling hawakan ako ng ganito maliban na lamang doon sa huling kliyente ko na gusto akong idemanda. Pero itong isa... kakaiba. Hindi ko alam kung bakit ayaw lumayo ng katawan ko.O sadyang ayaw ko?Wala pa akong na-encounter na kliyente na kasing talas ng isip niya. Paano niya iyon nasabi? May telepathy ba siya?"Sir, masyado pang maaga para malasing ka," malumanay kong saad at may bahid pa ng pang-aakit. "Alam kong nanaisin mo ring matikman ako ngayong gabi. Hindi masasayang ang bayad mo. Tiyak na makakatulog ka ng mahimbing," dagdag ko pa. Isang nagtatagong ngisi ang lumabas sa aking labi dahil hindi ako magkakamaling makakatulog siya dahil sa pampatulog kong tableta.Binitawan ako ng kliyente ko na para bang nagising siya sa kanyang ginagawa."I can't do this. This is so ridiculous," umiiling niyang wika. Dini







