Share

Kabanata 2

Author: itsmerizzz
last update Last Updated: 2025-09-24 14:08:37

Hindi ko mawari ang pakiramdam na ito. Kumakalabog ng mabilis ang puso ko. Hindi ko mapigilang titigan ang kanyang mga mata. Tila ba ang malungkot ang mga ito.

Wala pang nagkamaling hawakan ako ng ganito maliban na lamang doon sa huling kliyente ko na gusto akong idemanda. Pero itong isa... kakaiba. Hindi ko alam kung bakit ayaw lumayo ng katawan ko.

O sadyang ayaw ko?

Wala pa akong na-encounter na kliyente na kasing talas ng isip niya. Paano niya iyon nasabi? May telepathy ba siya?

"Sir, masyado pang maaga para malasing ka," malumanay kong saad at may bahid pa ng pang-aakit. "Alam kong nanaisin mo ring matikman ako ngayong gabi. Hindi masasayang ang bayad mo. Tiyak na makakatulog ka ng mahimbing," dagdag ko pa. Isang nagtatagong ngisi ang lumabas sa aking labi dahil hindi ako magkakamaling makakatulog siya dahil sa pampatulog kong tableta.

Binitawan ako ng kliyente ko na para bang nagising siya sa kanyang ginagawa.

"I can't do this. This is so ridiculous," umiiling niyang wika. Dinig sa kanyang boses ang pagkadismaya niya sa kanyang sarili.

Teka, anong nangyayari sa kanya? Napakunot ang noo ko sa kinikilos niya.

Humarap siyang muli sa akin. This time ay mukha siyang distressed na prinsipe.

"Was it convincing?" tanong niya sa akin.

"Ha? Anong ibig mong sabihin, Sir? Nagdedeliryo ka ba?" naguguluhan kong tanong.

"Sh*t. I really suck at this," aniya pa na tila ba kausap ang sarili.

"Sir, teka nga. Ano bang nangyayari? Para kang nababaliw diyan, eh. Pati tuloy ako naguguluhan na."

Napasapo na lang ako sa noo ko. Kakaiba siya sa lahat ng kliyente ko. Baka sa mental ang hulog ng isang ito at hindi dito sa club. Sayang. Ang gwapo pa naman.

"Never mind. Samahan mo na lang akong uminom," pag-uulit niya. Nagsalin siyang muli ng mamahaling alak sa kanyang baso. Tumayo pa siya at kinuha iyong isang baso at inalukan akong uminom.

Tahimik lamang kaming dalawa at dinig ko pa ang pag-tick ng orasan sa pader. Nasasayangan ako sa outfit ko. Hindi yata siya tinatablan ng alindog ko. Napasapo na lang ako sa noo ko.

"Don't be disappointed. I'll give you a big tip when I come out of here," wika nga kliyente ko.

"Sir, nagsasayang ka lang ng pera dito. Kung may problema ka, pwede ka naman sa psychiatrist magpunta. Doon, may mararating ang bayad mo."

Nang tingnan ko ang kliyente ko, hindi ko namalayan na nakatitig na pala siya sa akin. He looked very amused.

"You're very different, you know that?"

"Sus. Normal lang ako, Sir. Ikaw ba?" balik ko sa kanya.

Humagalpak siya ng tawa. Iyong tawa na pati ikaw matatawa. Napahawak pa siya sa tiyan niya na namimilipit na siguro sa sakit dahil sa sobrang pagtawa.

Kung hindi ko lang sana siya kliyente ay baka sumenyas na ako sa tainga ko at pinaikot ko ang daliri ko doon para malaman niyang nababaliw na siya.

"No one has ever made me laugh like that. God... I look so helpless," wika niya habang nagpupunas ng luha sa gilid ng mata niya.

"Alam mo, Sir. Hindi ko alam kung anong problema ang dinadala mo. Pero sa tingin ko talaga mali ka ng napuntahang lugar."

"How could you say that? I think I went to the right place and met somebody like you," nakangiti niyang saad sa akin.

Sa buong buhay ko, wala pang nakapagpa-blush ng pisngi ko.

"Sige, ganito ang gawin natin. Magpapakatotoo ako sayo. Pero magpakatotoo ka rin sa akin," saad ko.

Umayos ako ng upo at kinuha ang blanket para takpan ang mga hita ko. Umupo naman siya sa gilid ng kama.

"Okay, what go on," aniya.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Sir, kailangan kong ma-survive ang gabing ito kasama ka," seryoso kong wika. Napakunot naman ang kanyang noo.

"Why? May papatay ba sayo?"

"Sir, hindi. OA naman masyado. Wala tayo sa pelikula. I mean, kailangan kong ma-survive ang gabing ito kasi kapag pumalpak ako, mawawalan ako ng trabaho. Kaya, please, magtulungan tayo tutal wala ka namang balak kung 'di ang uminom buong gabi. Please, Sir..." Ipinagkiskis ko pa ang mga palad ko ng mabilis sa harapan niya.

Nakatitig lamang siya sa akin. "Let me think about it."

"Sir, maawa ka. Mayaman ka na. Ako kailangan ko pang kumayod at pumasok sa ganitong trabaho para may pangtustos ako sa araw-araw. Hindi ko kakayanin kapag hindi ko nabigay ang mga pangangailangan ng nakababata kong kapatid. Saan na lang kami pupulutin? Ito lang ang trabaho na malakas akong kumita. Titigil din naman ako kapag naka-graduate na ng college ang kapatid ko pero malayo pa iyon. Kaya please lang, Sir..."

Nagbabadya ang mga luha ko dahil kailangan ko pang ikwento ang buhay ko para lang hindi ako mawalan ng trabaho bilang stripper. Masahol pa iyon sa paghuhubad at pakikipagtalik para sa akin. Nagmamakaawa ako sa kliyente ko na maging mabuti siya sa akin bilang stripper.

Biglang tumayo ang kliyente ko at hinubad ang kanyang itim na coat. Nanlaki ang mga mata ko. Naghuhuramentado and puso ko na halos lumabas na ito sa aking dibdib.

Napasandal ako ng madiin sa headboard ng kama at nakaramdam ng takot. "S-sir... hindi ganito ang ibig kong sabihin. Please, huwag mo akong halayin... nagmamakaawa ako..."

Tuluyan ng nagsipatakan ang mga luha ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot na halayin ako. O sa takot na saktan niya ako ng pisikal.

Ngunit napatigil ang mundo ko sa sumunod na ginawa ng kliyente ko. Itinapal niya sa aking katawan ang kanyang coat.

"I know from the very beginning that you are not meant to be in this place. You're too innocent to be here. I have no urge to do anything bad to you. And as unbelievable as it sounds, pumunta lang ako rito para uminom— not to f*ck around with you." Lumipat siya sa kabilang parte ng kama at humiga doon. "Kakalimutan ko ang mga sinabi mo. You don't have to feel bad about your life. Ginagawa mo lang ang nararapat para sa sarili mo at sa kapatid mo. Who am I to judge you? You're doing greater than I am. And I respect you for that."

Natulala ako sa mga salitang lumabas mula sa bibig ng kliyente ko. Totoo ba ito? Naawa na ba si Lord sa akin kaya binigyan niya ako ng mabait at gwapong kliyente?

"But, I worry that after tonight, you'll have to deal with a new client. Tama ba?"

Tumango lamang ako bilang sagot. Hindi naman ganoon kahirap maintindihan iyon lalo na isang gabi lang siya rito.

"Hmm..."

"Kaya malaki ang pasasalamat ko sayo, Sir. Parang nakapagpahinga na rin ako ngayong gabi. Hindi ko kailangang magkunwari sa kliyente ko. Teka, pwede ko bang malaman ang pangalan mo, Sir? Nang makapagpasalamat man lang ako ng maayos."

"I'm Zander," saad niya.

"Ako naman si Callie."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper   Kabanata 7

    Ako ang first kiss ng isang Zander Almeda? Nananaginip ba ako? Siya kasi iyong tipo ng lalaki na kung huhusgahan siya ay tila ba marami ng dumaan na babae sa kanya. Mayaman, napakagwapo, matikas, matangkad, ma-appeal, halos lahat ng magagandang katangian sa isang lalaki ay nasa sa kanya na. Habang ako? Isang hamak na tagabigay ligaya sa mga kliyente sa club. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral at tanging katawan at hitsura lamang ang kaya kong ipagmalaki na namana ko pa sa mama ko.“Hindi mo dapat binigay sa akin ang first kiss mo, Zander,” may lungkot sa tinig ng boses ko. Nakapatong pa rin si Zander sa akin habang nakatitig siya sa mukha ko. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa paraan ng pagtitig niya. Para bang tinititigan niya ang kaluluwa ko.“It’s up to me who I’ll give my first kiss to, Callie. I’m lucky enough to have yours,” ani Zander.“Zander, isa kang CEO. Isa lamang akong ordinaryong babae. Ano ka ba naman,” sambit ko. Tinampal ko ng marahan ang kanyang dibdib. Natawa nam

  • The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper   Kabanata 6

    Hindi ko alam kung bakit ko nilagok ang kalahati ng alak na iniinom namin ni Zander matapos niyang sabihin na halikan ko siya."S-sigurado ka?" nauutal ako sa sobrang kaba. Maya't maya pa ay naramdaman ko na uminit ang aking buong katawan dala ng alak.Lumapit pang muli si Zander sa akin. Halos magdikit na ang mga ilong namin at maduling ako sa kanyang mga matang nakatitig sa akin.Hindi ako makaatras dahil nakasandal ako sa headboard. Kung pwede lang akong tumagos dito sa pader ay ginawa ko na. Pader, lamunin mo na ako!Hinawakan ni Zander ang aking baba at inangat iyon. Amoy ko ang alak sa kanyang tila marshmallow na labi.Nakakahumaling tumitig ni Zander na para ba akong hinihigop at hinihila papunta sa labi niya. Wala pa akong nahahalikan na lalaki sa buong buhay ko. Ni wala akong naging boyfriend dahil mas pinili kong maging ulirang kapatid kay Ven.Hindi ko alam kung bakit napapikit ako. Hinihintay ko ba siyang halikan ako? O dala ng alak at ng sitwasyon? Ilang segundo na ang l

  • The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper   Kabanata 5

    "Ha?!"Halos hablutin ko na iyong tablet ni Miss Joyce. Gusto ko talagang makumpirma kung si Zander nga ang tinutukoy niya. Nanlalaki pa ang mga mata ko habang binabasa ang request under his name.Napaupo ako sa pulang sofa ni Miss Joyce. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Paano kung maraming paparazzi ang sumunod sa kanya? Paano kung dumugin ako kapag nag-out na ako mamaya? Ayokong maging front page ng mga balita!Natataranta kong hinawakan ang magkabilang balikat ni Miss Joyce."Miss Joyce, ano nang gagawin ko? Wala ba akong body guard? Kailangan ko ng proteksyon mamaya kapag lumabas ako dito sa club. Baka ma-front page ako sa balita. Baka makilala ako ng mga tao. Baka i-bash ako sa social media! Baka—"Binitawan ni Miss Joyce ang tablet niya sa table at pinaupo ako sa sofa habang hawak-hawak ako sa magkabilang braso."Callie, kumalma ka nga muna," aniya. "Yung kapatid ko, Miss Joyce... hindi niya alam na sa club ako nagta-trabaho..." "Callie, walang nakakaalam sa club a

  • The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper   Kabanata 4

    Pagkatapos naming kumain ni Ven sa karenderya ay dali-dali akong umuwi. Hindi ko alam kung may nagmamatyag ba sa akin na paparazzi. Natatakot na tuloy akong lumabas. O baka OA lang ako. Halata naman sa photo na hindi kita ang mukha ko. Marami naman kaming mga nagta-trabaho sa club. For sure, malilito ang mga paparazzi sa kung sino ang babaeng kasama ni Zander. Napahinga ako ng maluwag. Tama. Ganoon dapat ang isipin ko. Pero...paano kung malaman nila na ako ang babaeng nasa paparazzi photo? "Ate, natatae ka po ba? Bakit namumutla ka at pinagpapawisan ng malalaking butil?" tanong ng inosente kong kapatid. "A-ahh.. ano.. oo, kanina ko pa pinipigilan sa karenderya." May halong kaba ang pagtawa ko habang nagpapaliwanag kay Ven. Tumayo ako at tumakbo papunta sa banyo dala ang phone ko. Umupo ako sa toilet bowl at nagsimulang mag-scroll sa social media. Agad kong binuksan iyong isang bagong showbiz balita. "Usap-usapan talaga ang anak ni Mister Francisco Almeda, partner," wika ng ka

  • The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper   Kabanata 3

    Nagising na lang ako na sobrang lapit ng mukha niya Zander sa mukha ko. Nanlalaki ang mga ko habang nakatitig sa kanyang peaceful na mukha. Napaisip tuloy ako. May girlfriend kaya siya? O asawa? Sa tingin ko nasa tamang gulang na siya para magkaroon ng asawa. At bakit pinoproblema ko pa pati yon? Masyado naman din akong ilusyonada kung iisipin ko pang magkaroon ng boyfriend na katulad ni Zander. Wala na rin magkakainteres sa akin dahil sa trabaho ko. Baka isang gurang at divorced na lalaki na lang ang papatol sa akin kahit gaano pa ako kaganda.Napabuntong-hininga tuloy ako. Hopeless na talaga ako sa pag-ibig kaya dapat ko na lang atupagin ang trabaho ko at ang kapatid ko."Uh... yung hininga... medyo mabaho," wika ni Zander."Ay!" Napaupo ako ng mabilis at napatakip ng bibig. "Shorry!" Lupa, kainin mo na ako!Nagmadali akong tumayo at pumasok sa banyo. Mabuti na lang may libreng toothbrush at toothpaste. Nagmadali akong mag-toothbrush at naghilamos. Sa kalagitnaan ng paghihilamos

  • The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper   Kabanata 2

    Hindi ko mawari ang pakiramdam na ito. Kumakalabog ng mabilis ang puso ko. Hindi ko mapigilang titigan ang kanyang mga mata. Tila ba ang malungkot ang mga ito. Wala pang nagkamaling hawakan ako ng ganito maliban na lamang doon sa huling kliyente ko na gusto akong idemanda. Pero itong isa... kakaiba. Hindi ko alam kung bakit ayaw lumayo ng katawan ko.O sadyang ayaw ko?Wala pa akong na-encounter na kliyente na kasing talas ng isip niya. Paano niya iyon nasabi? May telepathy ba siya?"Sir, masyado pang maaga para malasing ka," malumanay kong saad at may bahid pa ng pang-aakit. "Alam kong nanaisin mo ring matikman ako ngayong gabi. Hindi masasayang ang bayad mo. Tiyak na makakatulog ka ng mahimbing," dagdag ko pa. Isang nagtatagong ngisi ang lumabas sa aking labi dahil hindi ako magkakamaling makakatulog siya dahil sa pampatulog kong tableta.Binitawan ako ng kliyente ko na para bang nagising siya sa kanyang ginagawa."I can't do this. This is so ridiculous," umiiling niyang wika. Dini

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status