เข้าสู่ระบบUmuwi ako na lutang at sabaw dahil sa engkwentro ko sa lalaking nagngangalang Kris kuno. Pasaldak akong umupo sa gamusang sofa namin na halos mamuti na dahil sa kalumaan. Hindi na rin ako nakapag-grocery pa gamit ang perang binigay ni Zander sa akin dahil natakot ako na baka may mangholdap sa akin. Hindi ko kayang mawalan ng ganitong kalaking pera. At saka, kung mawala ito, ano na lang ang sasabihin ko kay Zander? Salamat at naholdap ako? Hay.Naisipan ko na lang na kunin iyong maliit kong notebook na nakapatong sa itaas ng maliit na refrigirator. Listahan ko ito ng mga bills para hindi ko makaligtaan.Napabuntong-hininga ako nang masumahan ko lahat ng gastos. Umabot sa mahigit thirty-thousand ang bills ko ngayong buwan. Hindi kasi ako nakabayad nung nakaraan ng renta dito sa apartment dahil nagbayad ako ng tuition ni Ven.Malaking tulong talaga ang mga binibigay ni Zander sa akin. May sobra pa. Kinuha ko iyong passbook sa closet. Passbook ito ni Ven na pina-open ko last year.Pinag-
"Kumusta naman ang trabaho mo bilang CEO?" tanong ko kay Zander habang yakap niya pa rin ako sa kama."Well, it is not something I'm afraid to do. There are some people in there who doesn't trust my skills." Hinaplos ko ang braso ni Zander. "Siguro dahil bago ka lang kaya ganoon. Lagi naman ganoon ang sitwasyon kapag may bago, eh. Hindi ka pa kasi nila nasubukan ang galing mo sa trabaho."Naramdaman ko ang ngiti ni Zander sa leeg ko. "You're right about that. Hindi ko naman sila masisisi.""So, paano mo yun nasosolusyonan?" kunot-noong tanong ko."By coming here to see you." Napaawang ang bibig ko. Para makita niya ako?"Seryoso ang tanong ko, Zander. Huwag kang ano diyan." Tinampal ko ang braso niya.Natawa siya sa ginawa ko. "I'm being serious.""Hay, ewan ko sayo."Hinalik-halikan ni Zander ang leeg ko. "Kaya gusto kong pinupuntahan kita dahil sa ganyan ka. You're a breath of fresh air to me.""Hangin na pala ako ngayon," saad ko naman."Air that I wanna breathe every day. I keep
Ako ang first kiss ng isang Zander Almeda? Nananaginip ba ako? Siya kasi iyong tipo ng lalaki na kung huhusgahan siya ay tila ba marami ng dumaan na babae sa kanya. Mayaman, napakagwapo, matikas, matangkad, ma-appeal, halos lahat ng magagandang katangian sa isang lalaki ay nasa sa kanya na. Habang ako? Isang hamak na tagabigay ligaya sa mga kliyente sa club. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral at tanging katawan at hitsura lamang ang kaya kong ipagmalaki na namana ko pa sa mama ko.“Hindi mo dapat binigay sa akin ang first kiss mo, Zander,” may lungkot sa tinig ng boses ko. Nakapatong pa rin si Zander sa akin habang nakatitig siya sa mukha ko. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa paraan ng pagtitig niya. Para bang tinititigan niya ang kaluluwa ko.“It’s up to me who I’ll give my first kiss to, Callie. I’m lucky enough to have yours,” ani Zander.“Zander, isa kang CEO. Isa lamang akong ordinaryong babae. Ano ka ba naman,” sambit ko. Tinampal ko ng marahan ang kanyang dibdib. Natawa nam
Hindi ko alam kung bakit ko nilagok ang kalahati ng alak na iniinom namin ni Zander matapos niyang sabihin na halikan ko siya."S-sigurado ka?" nauutal ako sa sobrang kaba. Maya't maya pa ay naramdaman ko na uminit ang aking buong katawan dala ng alak.Lumapit pang muli si Zander sa akin. Halos magdikit na ang mga ilong namin at maduling ako sa kanyang mga matang nakatitig sa akin.Hindi ako makaatras dahil nakasandal ako sa headboard. Kung pwede lang akong tumagos dito sa pader ay ginawa ko na. Pader, lamunin mo na ako!Hinawakan ni Zander ang aking baba at inangat iyon. Amoy ko ang alak sa kanyang tila marshmallow na labi.Nakakahumaling tumitig ni Zander na para ba akong hinihigop at hinihila papunta sa labi niya. Wala pa akong nahahalikan na lalaki sa buong buhay ko. Ni wala akong naging boyfriend dahil mas pinili kong maging ulirang kapatid kay Ven.Hindi ko alam kung bakit napapikit ako. Hinihintay ko ba siyang halikan ako? O dala ng alak at ng sitwasyon? Ilang segundo na ang l
"Ha?!"Halos hablutin ko na iyong tablet ni Miss Joyce. Gusto ko talagang makumpirma kung si Zander nga ang tinutukoy niya. Nanlalaki pa ang mga mata ko habang binabasa ang request under his name.Napaupo ako sa pulang sofa ni Miss Joyce. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Paano kung maraming paparazzi ang sumunod sa kanya? Paano kung dumugin ako kapag nag-out na ako mamaya? Ayokong maging front page ng mga balita!Natataranta kong hinawakan ang magkabilang balikat ni Miss Joyce."Miss Joyce, ano nang gagawin ko? Wala ba akong body guard? Kailangan ko ng proteksyon mamaya kapag lumabas ako dito sa club. Baka ma-front page ako sa balita. Baka makilala ako ng mga tao. Baka i-bash ako sa social media! Baka—"Binitawan ni Miss Joyce ang tablet niya sa table at pinaupo ako sa sofa habang hawak-hawak ako sa magkabilang braso."Callie, kumalma ka nga muna," aniya. "Yung kapatid ko, Miss Joyce... hindi niya alam na sa club ako nagta-trabaho..." "Callie, walang nakakaalam sa club a
Pagkatapos naming kumain ni Ven sa karenderya ay dali-dali akong umuwi. Hindi ko alam kung may nagmamatyag ba sa akin na paparazzi. Natatakot na tuloy akong lumabas. O baka OA lang ako. Halata naman sa photo na hindi kita ang mukha ko. Marami naman kaming mga nagta-trabaho sa club. For sure, malilito ang mga paparazzi sa kung sino ang babaeng kasama ni Zander. Napahinga ako ng maluwag. Tama. Ganoon dapat ang isipin ko. Pero...paano kung malaman nila na ako ang babaeng nasa paparazzi photo? "Ate, natatae ka po ba? Bakit namumutla ka at pinagpapawisan ng malalaking butil?" tanong ng inosente kong kapatid. "A-ahh.. ano.. oo, kanina ko pa pinipigilan sa karenderya." May halong kaba ang pagtawa ko habang nagpapaliwanag kay Ven. Tumayo ako at tumakbo papunta sa banyo dala ang phone ko. Umupo ako sa toilet bowl at nagsimulang mag-scroll sa social media. Agad kong binuksan iyong isang bagong showbiz balita. "Usap-usapan talaga ang anak ni Mister Francisco Almeda, partner," wika ng ka







