Home / Romance / The Billionaire's Hidden Heirs / Kabanata 0005 Drug Test

Share

Kabanata 0005 Drug Test

Author: Anne_belle
last update Last Updated: 2024-06-08 18:04:46

Padabong na pinatay ni Yumi ang kaniyang telepono dahil sa sunod-sunod na tawag at messages na natatanggap niya mula sa mga malalapit na tayo sa buhay niya.

"Oh? Bakit mo pinatay? Bakit hindi mo kausapin ng harapan at tanunngin ang bestfriend mo para hindi ako ang pinagiinitan mo ng ulo dyan!" May diin na salita ang binitawan ng lalaking si Gabrielle na kasama niya ngayon.

Sa halip na sumagot ay umismid na lamang ito. Hindi niya din kasi alam ang sasabihin, hindi siya sigurado kung papaniwalaan niya ba ang sinasabi nito pero alam niyang in the back of her mind na walang dahilan ang lalaking nasa harapan niya para magsinungaling.

" Gusto ko ng magpahinga. Pwede mo ba akong ihatid sa pinakamalapit na hotel?!" Pagod at lamya na tanong ni Yumi sa binatang kanina pa hawak ang manubela.

"Hindi pwede!"

" Anong gusto mo? Matulog ako dito sa kotse mo? Hindi mo ba nakikita? Hindi ako komportable sa suot ko at sa pwesto ko kung dito ako matutulog. Bakit hindi mo na lang paandarin itong sasakyan mo! Okay sige wag na! Maiwan ka dito maglalakad ako papunta sa hotel! Jusko ang hirap kausap" Padabog ng lalabas si Yumi sa kotse ng hawakan ni Gabrielle ang kamay niya.

"Hindi ka ba talaga nagiisip? Anong tingin mo sa sarili mo? Ordinaryong tao? Hindi man lang ba sumagi sa isip mo na may isang tao lang ang makakita sayo dyan sa labas ay magiging trending na at paguusapan online? Niligtas na kita sa kahihiyan ipapahamak mo naman sarili mo. Kung 'yan ang gusto mo. Sige umalis ka na at wag kang babalik dito. Bahala ka sa buhay mo, sino ka ba naman para tulungan ko!" Galit din ang tono ng lalaki ng bitawan nito ang kamay ng dalaga.

Hindi na nagpumilit lumabas si Yumi, napaisip siya na tama nga ang lahat ng sinasabi ng binata kaya sumandal na lang siya at hinilot ang sintido. Hindi niya alam kung ano pa ba ang dapat maramdaman niya. Sino ang sisihin at kanino dapat magalit.

Tahimik lang na nagiisip si Gabrielle. Alam niyang malaking gulo kung malalaman ng pamilya niyang itinakas niya ang mapapangasawa ng kaniyang kapatid. Hindi niya alam sa sarili niya kung bakit niya ginawa iyon ngunit alam niyang ayaw pa nitong mapahiya at masaktan ng sobra kung masasaksihan ang pangyayari sa loob ng event center, kung saan ginanap ang engagement party nila ni Jerome at Yumi.

Buhat ng malaman ni Gabrielle ang mga ginawang katarantaduhan at pagtataksil ng bestfriend ni yumi at ng kaniyang kapatid ay pakiramdam niya obligasyon niya ang dalaga. May kung ano sa loob niya ang nagsasabing protektahan ito sa masamang gagawin ng taong minamahal ni Yumi ng sobra maliban sa sarili niya.

Napailing na lang si Gabrielle ng makitang nakatulog si Yumi.

Noong una, nagwawala ito sa galit si Yumi dahil para itong isang sakong bigas kung buhatin ni Gabrielle. Noong napanuod pa ni Yumi ang viral vedio nilang dalawa ni Gabrielle ay dumoble ang galit nito. Pinahinahon lang siya no Gabrielle at hinayaan na umiyak. Kita ni Gabrielle ang sakit ng nararamdaman nito. Paulit-ulit sinasabing hindi sila pwedeng maghiwalay ni Jerome. Si Jerome daw dapat ang pakasalanan niya at mapangasawa.

Nagising si Yumi sa isang malambot na kama, tumungin siya sa paligid ngunit napansin niyang wala siya sa sariling kwarto.

Habang inaalam kung nasaan siya ay biglang naalala niya ang lahat ng bagay. Napaiyak na lang siyang isipin na nawalan na naman siya ng magulang sa ikalawang pagkakataon. Higit pa doon ay ang isipin na wala na ang boyfriend niya, ang taong akala niya ay makakasama niya habambuhay.

Natatarantang tumakbo si Gabrielle ng marinig niya ang sigaw ni Yumi.

"A-anong nangyari sa iyo?"

"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi ka tumabi sa akin ng gabing iyon hindi sana nakipaghiwalay sa akin si Jerome. Bakit ka kasi nandoon sa kwartong iyon at bakit mo ako pinagsamantalahan!?!!" Nangingiyak na sigaw ni Yumi sa binata habang dinu-duro ito.

" Teka nga lang! Bakit sa akin ka nagagalit? Hindi ko nga alam na ikaw ang kahalikan ko ng gabing iyon! Hindi mo ba nakita ang vedio? Ikaw ang pumasok sa kwarto para halikan ako. Kaya kung may nangyari sa atin dalawa sigurado akong ginusto mo iyon!" Sigaw pabalik ni Gabrielle. Hindi naman niya intensyon na sabihin lahat ng katagang 'yon ngunit sumusobra na si Yumi. Naiinis si Gabrielle na hindi man lang makapagisip ng tama si Yumi sa halip ay naghanap na lang ito ng masisisi. Sa isip ni Gabrielle ay kung bakit hindi man lang sumagi sa isip ni Yumi na ginamitan siya ng droga para gawin ang ganoong bagay na parehas lang silang dalawang biktima ng sitwasyon.

"Hindi! Hindi ko iyon magagawa. Hindi ko pagtataksilan si Jerome. Mahal na mahal ko 'yon e." Naiiyak na kontra ni Yumi sa mga sinasabi ni Gabrielle.

"Huminahon ka muna. Wag mo pairalin iyang nararamdaman mo dahil iyan mismo ang dahilan kung bakit nagbubulagbulagan ka sa mga nangyayari sa paligid mo. Wag kang masyadong magtiwala sa nakikita mo!" Sigaw ni Gabrielle kay Yumi. Parang bata niya itong pinagsasabihan. "Heto, bumangon ka dyan at ayusin mo sarili mo. Walang mangyayari kung iiyak ka lang. Lumabas ka para kumain saka tayo magusap ng ayos!"

Totoo naman si Gabrielle, magaling umarte si Yumi dahil masunurin ito. Sobrang inosente sa mga bagay. Pinalaki siya ng magulang niyang sumunod lang sa kung anong sasabihin. Yumi is so naive.

Nahihiyang lumabas si Yumi mula sa kwarto. "Kamusta? Kasya ba sa iyo?" Panimula ni Gabrielle.

Nahihiya naman si yumi na hatakin pababa ang dress dahil masyadong maiksi. Above the knee dress kasi ito.

"Ayos lang iyan! Bagay naman sa iyo. Wag mo na muna isipin ang problema mo. Kumain ka na muna" Hinatak ni Gabrielle ang upuan para makaupo ito.

May pagtataka sa mukha ni Yumi ngunit wala na siyang ibang matatakbuhan. Mainit ang mata ng mga tao sa kaniya lalo na ang mga nasa news industry. Alam niyang hihingian siya ng statement ng mga ito.

"Tawagan mo ang manager mo pagkakain. Sabihin mong ayos ka lang at wag kang alalahanin. Sabihin mong magbabakasyon ka. Kailangan natin magtulungan para malaman ang nangyari ng gabing iyon! You need to do drug test!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 131- The Reason why she left

    15 years ago,Eumerriah's Point of View "Pakasalanan mo si Jerome!" galit na sabi ni Daddy, habang tinitigan ako ng mariin.Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Pero, Dad, alam naman nating hindi ko na siya kayang balikan.""Dahil ano? Dahil sa kapatid niya? Alam mo bang nilalagay mo sa kapahamakan si Gabrielle?" Lumalim ang mga mata niya, at may bigat sa bawat salitang binibitiwan niya.Napatingin ako sa kanya, litong-lito. "Ano pong ibig niyong sabihin?"Nag-aalangan si Mommy, biglang hinawakan ang braso ni Daddy. "Mahal, wag mo na sabihin kay Yumi ang bagay na iyan," pakiusap niya, tila may pag-aalala sa kanyang boses.Pero matatag si Daddy, hindi nagpatinag. "Hindi, kailangan niyang malaman para matauhan siya. Ang lakas ng loob magpabuntis sa lalaking iyon."Napalunok ako, unti-unti nang tumitindi ang kaba sa aking dibdib. "Ano po ba kasi iyon?!"Lumapit si Daddy, malamig ang tingin niya sa akin. "Kaya nilang patayin si Gabrielle, huwag lang kayong magkatuluyan."Parang nabingi

  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 130 The Truth

    Eumerriah's Point of ViewSa tagal naming nag-uusap ni Gabrielle, hindi kami magkasundo. Hindi ko maunawaan kung bakit niya kailangang ilayo ang sarili niya sa amin. Lumabas na ang lahat ng katotohanan—ang tungkol sa kasal nila ni Kristine at ang naging takbo ng buhay niya kasama si Paul. Nagsisisi na rin siya, at maging si Paul ay tila napansin ang kanyang mga pagkakamali."Hindi mo talaga ako nauunawaan," sabi ni Gabrielle, may halong frustration sa boses."Edi ipa-intindi mo sa akin!" sagot ko, hindi na rin nakapagpigil."Sige, matanong kita. Bakit pinili mong lumayo at magtago, aber? Labing limang taon! Labing limang taon kong hindi nakita at nakasama ang anak ko, tapos malalaman kong legally anak siya ni Shaira! Paano mo ipapaliwanag sa akin ang bagay na iyon, ha?" tanong niya, puno ng galit at pagkabigo."Makinig ka!" sabi ko, halos hindi ko na maitago ang sakit sa boses ko. "Nawalan ng anak si Shaira dahil sa naging asawa mo! Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Natural, inisip ko

  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 129 His Place

    Eumerriah's Point of View"Nasaan siya?" tanong ko kay Kate, diretso at puno ng curiosity."Kung gusto mong malaman, sumunod ka sa akin," sagot niya, sabay pasok sa kanyang kotse. Tumango ako, ngunit imbes na mag-drive ng sarili kong sasakyan, nagmadali akong pumasok sa passenger seat ng kotse niya.Napakunot ang noo niya at binigyan ako ng tingin na parang nagtatanong. "Bakit ang tamad mong mag-drive?" tanong niya, may halong inis."Gusto kong sumakay sa kotse ng babaeng gustong-gusto ako dati," sabi ko, nagpapatawa na rin para mawala ang tensyon."Tsk! Kung hindi dahil kay Kuya Gabrielle, hindi kita magugustuhan," bawi niya, pero may nakakalokong ngiti sa mga labi."What do you mean?" tanong ko, medyo naguguluhan pero alam kong may something siyang tinatago."Secret," sagot niya, sabay tawa habang nagmamaneho.Napatingin ako sa labas ng bintana, pero di ko mapigilan ang ngiti sa mukha ko. Hindi ko akalain na ang masiyahing bata noon na palaging nakadikit sa akin, gustong gusto ako,

  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 128 He still care

    "Eumerriah!" Tinawag ako ni Kate, ang boses niya ay puno ng alalahanin.Lumingon ako sa kaniya, at nakita ko ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha."Naiisip mo pa din ba siya?" Tanong niya, ang tinig ay puno ng pag-aalala. "Kung kamusta man lang ba siya?"Tahimik akong tumayo at binugaw ang mga tao sa paligid, tila may nararamdaman akong bigat. Naisip ko si Gabrielle. Sa lahat ng nangyari, siya pa rin ang nagbigay ng damdamin sa aking puso, pero hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon."Ano bang nais mong iparating?" tanong ko, pilit na tinatago ang nararamdaman."I just wanted you to know," sabi ni Kate, ang kanyang boses ay seryoso, "na noon pa lang nahirapan na siyang tanggapin na nawala ka ng ganoon lang. Tapos bigla kang bumalik at inisip na pinabayaan ka niya, na hindi ka man lang hinanap?"Habang binabasa ko ang kanyang mga salita, parang sumabog ang sakit sa aking dibdib. Naramdaman ko ang pighati ni Gabrielle sa mga taon ng pagkawala ko, ngunit hindi ko rin kaya

  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 127

    "Another movie you slay!" bati ni Shaira, habang yakap ako ng mahigpit."Napakagaling talaga ng mommy ko," puri ni Justine na ngayon ay nakaayos na parang ganap na binata na, ang buhok ay maayos, at ang suot na amerikana ay tumatakip sa kanyang buong katawan. Tumingin siya sa akin ng may labis na paghanga, at para bang natutunan niya ang mga bagay na ito mula sa akin."You always pretty, Mommy," sabi ni Dustine, na kahit bata pa, may mga simpleng salita na kayang magpasaya sa puso ko. Nakangiti siya sa akin, ang mga mata ay puno ng kasiyahan at pagmamahal."Ang napakaganda at walang kupas sa galing," papuri naman ni Jayson, na tumayo sa aking tabi, ang mga mata ay puno ng paggalang.Kakatapos lang ng premier night ng isa sa mga pinakamatagumpay naming pelikula ni Jerome. Ang kwento namin sa pelikula ay punong-puno ng emosyon, at hindi ko inisip na magiging ganito ang lahat. Matapos ang ilang linggong hirap at pagod, ang pagkakataon na ito ay nagbigay saya at tagumpay sa amin.Nasa git

  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 126

    Eumerriah's Point of View Sa loob ng anim na buwan, nasa maayos ang lahat. Walang gulo, walang away, kahit madalas ko nang katrabaho si Jerome."Siya pa din ba hanggang ngayon?" tanong ni Jerome."Eh, ano naman sa'yo?" Sagot ko, medyo matalim ang tono.Para bang wala siyang pakialam sa mga nangyari noon. Na parang hindi siya ang lalaking minsang kinabaliwan ko."Kung sana pinagpatuloy mo lang ang pagiging baliw sa'kin, baka natutunan ko pa 'yang mahalin ka," biro ko."Sabi mo e," sagot niya, tila walang malasakit."Ang tigas mo na ngayon, ah. Parang hindi ka nabaliw sa'kin noon," patuloy ko."It's been 17 years and still? Hindi ka pa rin ba nakaka-move on? Hindi mo nga nagawang ipaglaban ang bestfriend kong una mong minahal, ako pa kaya na ginamit mo lang?""Eh, hindi ko kasalanan kung hindi siya matanggap ng pamilya ko.""Kasalanan mong pinaasa mo siya at hindi minahal ng totoo.""Anong alam mo sa pagmamahal ng totoo?""Eh, ikaw? Anong alam mo? Hindi na tayo mga bata para dyan! Kung

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status