Eumerriah’s Point of View
“Nasaan ka ngayon?” “Nasa condo, malapit na akong ikasal wag mo na muna ako bigyan ng trabaho. Ito na ang last chance ko kay Jerome. Sa ngayon susundin ko na sila Mommy.” Sagot ko kay Manager Kim ng ito ay tumawag. “Ganoon mo talaga kamahal ang lalaking ‘yan noh. Siya sige, basta kung gustuhin mong bumalik open ang agency ko para sa iyo.” Tumango-tango ako na parang nakikita niya ako. Binaba niya ang tawag. “M-magkano po ito?” utal kong tanong sa cashier. Hindi naman niya ako makikilala dahil nakadisguise ako ngayon. Nakasuot ako ng cup at naka-facemask. Nakasuot din ako ng leather Jacket upang hindi makita ang bibilhin ko. “135 pesos po ma’am.” “Alin ba ang pinakamahal dito at accurate?” I ask the pharmacist na kararating lang. “Ilang weeks na po ba?” Bumuntong hininga ako. “I think 5 weeks already pero 2 weeks pa lang akong delay, isn’t possible na accurate ang lumabas?” “Two or three sigurong try every morning po, wala muna kayong kakainin at iinumin na kahit ano pagkagising bago niyo gamitin. Kung hindi pa din kayo satisfied better to visit OBGYN.” Nakangiti niyang sagot sa akin. “Bigyan mo ako ng tig tatlo brand. How much?” “1135 po lahat ma’am.” “Okay.” Kinuha ko ang dalawang libong piso sa wallet ko at agad na kinuha ang pinamili ko, nilagay ko agad ito sa bulsa ng jacket ko. “Miss, mayroon ba kayo nito for hangover- ay sorry. Pasensya ka na medyo may tama pa kasi ako.” Tinulungan naman ako ng lalaking nakabangga sa akin. Nagkalat ang mga pinamili ko. Dahil yumuko ako ay nalaglag ang cup ko. “Ang dami naman nito Ms. Lahat ba ito ikaw ang gagamit?” umangat ang tingin niya sa akin. “I-ikaw?” luminga pa ito. Lumapit siya sa akin at bumulong. “Anong gagawin mo sa pregnancy test?” Nagmadali akong kinuha ang pinamili ko at tumayo. Hindi ko na ininda kung may naiwan pa ba dahil agad akong lumabas ng pharmacy. Hindi ko siya pinansin, dire-diretso akong pumasok sa kotse ko. Huminga ako ng malalim. “Buntis ka?” sobrang gulat ko ng may pumasok sa backseat ng kotse ko. “Anong ginagawa mo dito?” “Tinatanong kita! Buntis ka ba? Ako ba ang ama?” “Lumabas! Wala tayong dapat pagusapan!” tinulak ko siya palabas ng kotse. “Hindi ako lalabas kung hindi mo ako sasagutin.” Nagpipigil akong sumigaw. Sobrang galit ko sa kaniya, siya ang dahilan ng lahat ng problema namin ni Jerome. This time hindi na ako papayag na may gawin pa siya para pigilan ang kasal naming dalawa. “Hindi ako buntis, inutusan lang ako ng kaibigan ko para bumili nito. Please, nakikiusap ako! Wag ka ng gumawa ng bagay na ikakasira namin ni Jerome. Ikakasal kaming dalawa at mahal naming ang isa’t isa. Kami ang nakatadhana.” May pag sign gesture pa ako sa kaniya. Nakikisuyo na ako. “Ganoon mo ba talaga siya kamahal? Hindi mo ba nakikita na hindi ka niya mahal. Kailangan ka lang niya. Kung hindi ka maniniwala desisyon mo iyon, binalaan na kita! Hindi ka niya mahal!” padabog niyang sinara ang kotse ko. Bumuntong hininga ako at agad na umuwi sa condo. Mamaya ng gabi ang Engagement party namin ni Jerome pero ilang araw na ding masama ang pakiramdam ko. Minsan nawawalan ako ng malay at nagigising na lang ng walang nakakita sa akin. Nangangamba na ako, pero hindi ako tanga, alam kong possibleng buntis ako kaya hindi agad ako makalapit sa doctor. Wala akong ibang mapagsabihan. “Nasaan ka?” sinagot ko ang tawag ni Dad habang nagda-drive. “Pauwi na po.” Sagot ko. Ibinaba niya na din agad kaya nag u-turn na ako pauwi. Hindi na muna ako dadaan sa condo. Agad akong nakarating sa isang hotel na pagmamayari din ng pamilya namin. Iginaya ako ng mga tao ni Mom papunta sa isang kwarto. "Nandyan na po sila Sir Jerome. Pinapatawag na kayo ng Mommy niyo." " Iwan niyo na muna ako." Sabi ko sa kanila at iniwan nila ako dito sa kwarto. Sinisipat ko ang sarili ko. "Sinabi ko di ba-ano ba sino ka ba ibaba mo ako!" Utos ko sa taong may karga sa akin ngayon bago niya lagyan ng panyo ang bibig ko. Nakalutang ako ngayon at nagpupumiglas. "Araaay! Ang sakit! Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sa lalaking nagda-drive ngayon pagkatapos niya ako isalampak sa backseat ng kotse niya. " Hoy! Ihinto mo ito! Ano ba! Sino ka ba para gawin sa akin ito!?!" Wala pa din humpay ang paghampas ko sa likod niya habang palinga-lingang nagbabakasakaling may makita akong kakilala sa dinadaanan. "Gabrielle?!? Ikaw na naman! Ihinto mo ang sasakyan! I said stop the car- aw! Shit! Bakit ka nag preno bigla?!" Naumpog kasi ang mukha ko sa upuan na nasa harapan ko ngayon. "Sabi mo stop the care!" Napataas niya ang kilay ko. " Ibalik mo ako doon kung hindi sisigaw ako ng sisigaw dito!" "Magsisigaw ka. Wala naman makakarinig sa iyo! Isa pang gulo sa pagda-drive ko sa empyerno tayo pupulutuin!" Pagbabanta niya. "Ikaw lang! Sa langit ako" Irap ko sa kaniya. " Kung langit gusto mo, manahimik ka dyan. Sabay natin pupuntahan ulit iyon!" Automatic na nagkulay kamatis ang mukha ko at nahiya ng bahagya sa kaniya. Ang kapal ng mukha niyang ipaalala ang bagay na iyon. "Ewan ko sa iyo! I'll going to call manager Kim. Ipapakulong kita sa pangingidnap mo sa akin!" Pagbabanta ko. Kinuha ko ang phone ko sa secret pocket ng gown ko. Sunod-sunod na notifications at tawag ang nareceieve ko mula sa iba't ibang tao lalo na sa mga executives. Kumunot ang noo ko ng makita ang isang vedio, nanginginig ang kamay ko pero hindi ako nagdalawang isip na tingnan. "Aaaaaaa. B-bakit may ganyan? S-saan galing iyan!" Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa gulat. " Ah! Shit! Tinuloy nga nila!" Komento niya ng makita ang vedio na nagpiplay sa cellphone ko. Hindi pa ako nakakarecover ng makita kong tumatawag si Dad. Nanginginig ako at umiiyak pero kailangan kong sagutin. "D-dad l-let me exp-plain. I-" " Kaya ba hindi ka nagpakita dito dahil nakipagtanan ka sa lalaki mo? Wala ka talagang utang na loob! Ngayon anong gagawin mo? Isa kang malaking kahihiyan! Kung hindi ka pakasalanan ni Jerome sisiguraduhin kong wala kang makukuha sa amin ng Mommy mo. Hindi ka na namin anak! Nagsisisi akong kinuha kita at pinaglaki!"15 years ago,Eumerriah's Point of View "Pakasalanan mo si Jerome!" galit na sabi ni Daddy, habang tinitigan ako ng mariin.Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Pero, Dad, alam naman nating hindi ko na siya kayang balikan.""Dahil ano? Dahil sa kapatid niya? Alam mo bang nilalagay mo sa kapahamakan si Gabrielle?" Lumalim ang mga mata niya, at may bigat sa bawat salitang binibitiwan niya.Napatingin ako sa kanya, litong-lito. "Ano pong ibig niyong sabihin?"Nag-aalangan si Mommy, biglang hinawakan ang braso ni Daddy. "Mahal, wag mo na sabihin kay Yumi ang bagay na iyan," pakiusap niya, tila may pag-aalala sa kanyang boses.Pero matatag si Daddy, hindi nagpatinag. "Hindi, kailangan niyang malaman para matauhan siya. Ang lakas ng loob magpabuntis sa lalaking iyon."Napalunok ako, unti-unti nang tumitindi ang kaba sa aking dibdib. "Ano po ba kasi iyon?!"Lumapit si Daddy, malamig ang tingin niya sa akin. "Kaya nilang patayin si Gabrielle, huwag lang kayong magkatuluyan."Parang nabingi
Eumerriah's Point of ViewSa tagal naming nag-uusap ni Gabrielle, hindi kami magkasundo. Hindi ko maunawaan kung bakit niya kailangang ilayo ang sarili niya sa amin. Lumabas na ang lahat ng katotohanan—ang tungkol sa kasal nila ni Kristine at ang naging takbo ng buhay niya kasama si Paul. Nagsisisi na rin siya, at maging si Paul ay tila napansin ang kanyang mga pagkakamali."Hindi mo talaga ako nauunawaan," sabi ni Gabrielle, may halong frustration sa boses."Edi ipa-intindi mo sa akin!" sagot ko, hindi na rin nakapagpigil."Sige, matanong kita. Bakit pinili mong lumayo at magtago, aber? Labing limang taon! Labing limang taon kong hindi nakita at nakasama ang anak ko, tapos malalaman kong legally anak siya ni Shaira! Paano mo ipapaliwanag sa akin ang bagay na iyon, ha?" tanong niya, puno ng galit at pagkabigo."Makinig ka!" sabi ko, halos hindi ko na maitago ang sakit sa boses ko. "Nawalan ng anak si Shaira dahil sa naging asawa mo! Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Natural, inisip ko
Eumerriah's Point of View"Nasaan siya?" tanong ko kay Kate, diretso at puno ng curiosity."Kung gusto mong malaman, sumunod ka sa akin," sagot niya, sabay pasok sa kanyang kotse. Tumango ako, ngunit imbes na mag-drive ng sarili kong sasakyan, nagmadali akong pumasok sa passenger seat ng kotse niya.Napakunot ang noo niya at binigyan ako ng tingin na parang nagtatanong. "Bakit ang tamad mong mag-drive?" tanong niya, may halong inis."Gusto kong sumakay sa kotse ng babaeng gustong-gusto ako dati," sabi ko, nagpapatawa na rin para mawala ang tensyon."Tsk! Kung hindi dahil kay Kuya Gabrielle, hindi kita magugustuhan," bawi niya, pero may nakakalokong ngiti sa mga labi."What do you mean?" tanong ko, medyo naguguluhan pero alam kong may something siyang tinatago."Secret," sagot niya, sabay tawa habang nagmamaneho.Napatingin ako sa labas ng bintana, pero di ko mapigilan ang ngiti sa mukha ko. Hindi ko akalain na ang masiyahing bata noon na palaging nakadikit sa akin, gustong gusto ako,
"Eumerriah!" Tinawag ako ni Kate, ang boses niya ay puno ng alalahanin.Lumingon ako sa kaniya, at nakita ko ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha."Naiisip mo pa din ba siya?" Tanong niya, ang tinig ay puno ng pag-aalala. "Kung kamusta man lang ba siya?"Tahimik akong tumayo at binugaw ang mga tao sa paligid, tila may nararamdaman akong bigat. Naisip ko si Gabrielle. Sa lahat ng nangyari, siya pa rin ang nagbigay ng damdamin sa aking puso, pero hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon."Ano bang nais mong iparating?" tanong ko, pilit na tinatago ang nararamdaman."I just wanted you to know," sabi ni Kate, ang kanyang boses ay seryoso, "na noon pa lang nahirapan na siyang tanggapin na nawala ka ng ganoon lang. Tapos bigla kang bumalik at inisip na pinabayaan ka niya, na hindi ka man lang hinanap?"Habang binabasa ko ang kanyang mga salita, parang sumabog ang sakit sa aking dibdib. Naramdaman ko ang pighati ni Gabrielle sa mga taon ng pagkawala ko, ngunit hindi ko rin kaya
"Another movie you slay!" bati ni Shaira, habang yakap ako ng mahigpit."Napakagaling talaga ng mommy ko," puri ni Justine na ngayon ay nakaayos na parang ganap na binata na, ang buhok ay maayos, at ang suot na amerikana ay tumatakip sa kanyang buong katawan. Tumingin siya sa akin ng may labis na paghanga, at para bang natutunan niya ang mga bagay na ito mula sa akin."You always pretty, Mommy," sabi ni Dustine, na kahit bata pa, may mga simpleng salita na kayang magpasaya sa puso ko. Nakangiti siya sa akin, ang mga mata ay puno ng kasiyahan at pagmamahal."Ang napakaganda at walang kupas sa galing," papuri naman ni Jayson, na tumayo sa aking tabi, ang mga mata ay puno ng paggalang.Kakatapos lang ng premier night ng isa sa mga pinakamatagumpay naming pelikula ni Jerome. Ang kwento namin sa pelikula ay punong-puno ng emosyon, at hindi ko inisip na magiging ganito ang lahat. Matapos ang ilang linggong hirap at pagod, ang pagkakataon na ito ay nagbigay saya at tagumpay sa amin.Nasa git
Eumerriah's Point of View Sa loob ng anim na buwan, nasa maayos ang lahat. Walang gulo, walang away, kahit madalas ko nang katrabaho si Jerome."Siya pa din ba hanggang ngayon?" tanong ni Jerome."Eh, ano naman sa'yo?" Sagot ko, medyo matalim ang tono.Para bang wala siyang pakialam sa mga nangyari noon. Na parang hindi siya ang lalaking minsang kinabaliwan ko."Kung sana pinagpatuloy mo lang ang pagiging baliw sa'kin, baka natutunan ko pa 'yang mahalin ka," biro ko."Sabi mo e," sagot niya, tila walang malasakit."Ang tigas mo na ngayon, ah. Parang hindi ka nabaliw sa'kin noon," patuloy ko."It's been 17 years and still? Hindi ka pa rin ba nakaka-move on? Hindi mo nga nagawang ipaglaban ang bestfriend kong una mong minahal, ako pa kaya na ginamit mo lang?""Eh, hindi ko kasalanan kung hindi siya matanggap ng pamilya ko.""Kasalanan mong pinaasa mo siya at hindi minahal ng totoo.""Anong alam mo sa pagmamahal ng totoo?""Eh, ikaw? Anong alam mo? Hindi na tayo mga bata para dyan! Kung