Share

KABANATA 14

Nakatingin pa rin si Hera sa galit na mukha ng kaniyang nakababatang kapatid na lalaki na si Nathan. Hindi niya alam kung saan ba siya magugulat. Sa galit ba na mukha nito o sa ugaling pinapakita ng lalaki ngayon sa kaniya. Hindi niya ine-expect na dahil lang sa ginawa niya kay Natalie ay susugod ang lalaki dito sa kaniyang pinagtrabahuhan.

Wait, how did he even know she's working here?

Kumunot ang noo ni Hera at pinagkrus ang dalawang braso sa ilalim ng kaniyang dibdib. Kung tama pa ang kaniyang pagkakaalala, wala siyang kahit ni isa sa kaniyang pamilya na sinabihan kung saan ang insaktong address ng mansyon ni Lucas. Wala rin ang kapatid na lalaki sa mga panahong na hospital siya. Impossible rin na sinabi ni Lucas sa mga ito ang lokasyon ng kaniyang bahay dahil tinatanong din siya ng mga ito noon.

Nakapagtataka pero wala naman siyang mapapala kung mas lalo siyang magduda sa kapatid. Kung tanungin niya man ito ay tiyak na hindi siya nito sasagutin. Bagkos ay baka murahin lang siya n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status