Tulala na napatitig lang si Hera sa kisame nang lumabas na ang lalaki sa silid. Pinapakiramdaman ang sakit na bumabalatay sa kaniyang buong katawan lalo na sa pang- ibabang parte ng kaniyang katawan. Mahapdi iyon at masakit. Partikular na sa loob ng kaniyang pagkababae na sa tingin niya ay namamaga siguro dahil sa kaniyang kakaibang nararamdaman ngayon. She still felt like Lucas was still inside her, kahit na ilang oras na ang nakalilipas mula noong nangyari iyon. Hindi pa rin siya makapaniwala na hindi na siya birhen. Hindi naman sa nagsisisi siya, it's just that she felt something new finally happens in her life. In the past, her life has always been boring and the same. Kahit noong nag-aaral pa siya ay wala talagang ligaya at saya sa kaniyang buhay. She's always gloomy and silent. Kaya rin siguro walang lumalapit sa kaniya at kumakaibigan sa kaniya dahil na rin sa kaniyang ugali. Okay lang din naman. She already survived for how many years without having someone beside her. Ngayo
Matapos sabihin ni Lucas ang mga katagang iyon ay iniwan siya nito na mag-isa sa dining room. Nakaawang pa rin ang kaniyang labi at hindi makapaniwala sa narinig mula sa mismong bibig ni Lucas. As she thought, he really blames himself for what's happening to her right now. Hindi naman ganoon kalala ang kaniyang sitwasyon. Maliban sa mahapdi at masakit niyang pagkababae ay okay naman siya. She doesn't understand why he's feeling guilty. Sa totoo lang ay dapat nga siya ang makaramdam ng guilt at humingi ng tawad sa lalaki dahil siya naman ang pumilit dito. Hindi lang niya maintindihan kung bakit bigla na lang nagbago bigla si Lucas dahil lang sa gabing iyon. He even told her to stay away while she still can. Paano niya magagawa iyon kung ganito ang lalaki?Napabuntong hininga na lang si Hera at napatingin sa pinggan ni Lucas. Hindi man lang nagalaw ang pagkain nito. Kahit isang kutsara ay hindi niya nakita ito na sumubo. May problema ata talaga ang lalaki at siya ang may dahilan no'n.
Mabigat ang katawan ng siya ay magising mula sa pagkakahimatay. Lugmok ang kaniyang pakiramdam at masakit ang kaniyang ulo. Pakiramdam ni Hera ay mamatay na siya sa sobrang sakit na kaniyang nararamdaman ngayon. Hindi na lang pagkababae ang masakit sa kaniya, pati na rin ang kaniyang ulo ay masakit din. Parang minamartilyon iyon nang paulit-ulit sa sobrang sakit. Nanunuyo ang kaniyang lalamunan at gustong uminom ng tubig. Naalimpungatan siya dahil doon. Nauuhaw siya. Tuyong-tuyo ang kaniyang lalamunan maging ang kaniyang bibig at mga labi. Minulat ni Hera ang kaniyang mabigat na mga talukap at nilibot ang paningin sa buong silid. Ang pamilyar na puting kisame at ang pamilyar na amoy ng hospital ang nagpagising bigla sa kaniyang diwa. Mukhang na hospital na naman siya. Pangalawang beses na niya ito. Noon kasi ay hindi pa siya na h-hospital, ngayon lang at noong huli kung saan ay nawalan din siya ng malay. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Hindi niya inaasahan na lalagnatin p
Mugto ang mga mata ni Hera habang blangko pa rin na nakatitig lang sa kawalan. Hindi niya alam kung ilang oras na ba ang nakalipas. Nakatitig lang siya sa isang sulok at wala ng pakialam sa paligid. Mula noong sinabi iyon ni Lucas sa kaniya kahapon ay parang nawalan na rin siya ng gana sa kaniyang buhay. Parang pinipiga pa rin ang kaniyang puso at walang tigil sa pagkirot. Wala na siyang iba pang maisip kung hindi si Lucas. Hindi niya ito maintindihan. Bakit kailangan pa siyang palayasin? Wala naman siyang ginawang hindi nito nagustuhan. Sabi pa ng lalaki ay ayaw siya nitong saktan pero kahit kailan man ay wala itong ginawa na nagpasakit sa kaniya. She finds his reason not enough. Parang may mas malalim pa na rason ang lalaki pero hindi lang siguro iyon masabi sa kaniya. Gusto niyang manghimasok sa buhay ng lalaki at alamin ang totoong rason kung bakit pinalayas siya nito na parang wala lang. She was so hurt because of his decision. But you know what hurts the most? Seeing his painf
Hera was caught off guard. Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ng kaniyang Ina. Nagtagis ang kaniyang bagang at hindi mapigilang magalit sa babae na kaharap niya ngayon. Noon ay kapag sinasabihan siya nang ganito ng kaniyang Ina ay hinahayaan niya lang ito at sinusunod ang gusto. Pero iwan niya ba, ngayon ay hindi niya mapigilang makaramdam ng galit. Sobrang kapal ng mukha nito para humingi sa kaniya ng tulong. Matapos ang lahat ng ginawa ng mga ito sa kaniya, sa tingin ba nito ay gana pa siyang tumulong? Grabe ang kaniyang naranasan noong kasama pa siya ng mga ito. Ang mga masasakit nilang salita, ang pagmamaltrato ng mga ito sa kaniya at iba pa. Kailan man ay hinding-hindi niya iyon malilimutan. Sawang-sawa na siya na magpakatanga pa sa pamilya na walang magandang dinulot sa kaniya kung hindi sakit lang. Alam niya sa kaniyang sarili na nangako siya noon sa namayapa niyang Ama na kahit anong mangyari ay iintindihin niya ang taong nagsilang sa kaniya. Pero kung ganito lang din na
Hindi na nag-abala pa si Hera na itago ang disappointment na bumalatay sa kaniyang mukha nang hindi ang lalaki na inaasam niya ang nakita. Akala niya talaga si Lucas na iyon, pero hindi naman pala. Hindi alam ni Hera kung ano bang reaksyon ang dapat niyang ipakita kay Sir Bryle. Blangko lang siyang nakatingin sa lalaki na may ngisi na nakapaskil sa labi nito. Did she seriously thought Lucas will find her?Napakagat na lang siya sa loob ng kaniyang pisngi nang bumalatay ang sakit sa kaniyang puso. It's hurting but she needs to accept it. It might be bitter but what can she do? Ang tanga niya sa part na umasa pa siya na hahanapin siya ng lalaki. Hindi na siya na kuntento na sa loob ng mahigit dalawang linggo ay hindi pa rin ito nagpapakita. Isn't that a sign trying to tell her that Lucas will never ever look for her? Bakit pa siya umasa na baka may gusto sa kaniya si Lucas. She needs to accept the fact that her feelings for him were clearly one sided. Nangarap ata siya na sana suklian
Hera was surprised seeing Lucas after how many days. Hindi niya magawang iiwas ang kaniyang tingin sa nakatayong lalaki, na para bang napako na ng tuluyan ang kaniyang tingin dito. Looking at him right now, it makes her think the difference between the last time she saw him and his current self. Sa totoo lang ay hindi na talaga siya umasa na makikita pa ito, but just as when her hope to see him almost died, he showed up. Hindi alam ni Hera kung matutuwa ba siya o hindi dahil sa biglaang paglitaw ng lalaki. One word she can describe right now aside from surprise was overwhelming. The feeling of seeing him again was overwhelming her entire existence. Just like the first time she saw him. Hindi maipagkakaila ni Hera na matapos ang ilang linggo na magkalayo sila, masasabi niya talaga na namiss niya ang lalaki. Magsisinungaling siya kung sasabihin niya na kahit kailan ay hindi siya nagalit sa ginawa nitong pagtaboy sa kaniya. She thinks it's unfair and it really is. Dahil lang sa nangyar
"Hera? Ikaw ba 'yan hija?" Ang mga kayumanggi nitong mga mata ay nabalutan ng gulat habang nakatingin sa kaniya pabalik. Hatala sa mukha ng matandang lalaki na kamukha ng kaniyang Ina ang saya at pagkasabik. Ilang taon na ba niya itong hindi nakita? Hindi na niya mabilang. Trese anyos pa lang siya noong huli niya itong nakita at bigla na lang itong nawala. Hindi kagaya sa nararamdaman ng kaniyang Uncle na kapatid ng kaniyang Ina, imbes na maging masaya dahil nakita niya ulit ito matapos ang ilang taon na lumipas, hindi niya mapigilang makaramdam ng takot. The trauma this man caused to her, despite the length of time had passed, she still couldn't forget it. Nagsimulang nanginig ang kaniyang buong katawan. Nabalutan na rin ng takot ang kaniyang puso at nagsimulang nanlamig ang kaniyang pakiramdam. This kind of feeling, it's the same as before. "U-uncle Thomas... A-ako nga po," nanginginig ang boses na wika niya sa Tiyuhin. Dahil sa kaniyang sinabi, kaagad na napalitan ng isang malaw