Hera was caught off guard. Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ng kaniyang Ina. Nagtagis ang kaniyang bagang at hindi mapigilang magalit sa babae na kaharap niya ngayon. Noon ay kapag sinasabihan siya nang ganito ng kaniyang Ina ay hinahayaan niya lang ito at sinusunod ang gusto. Pero iwan niya ba, ngayon ay hindi niya mapigilang makaramdam ng galit. Sobrang kapal ng mukha nito para humingi sa kaniya ng tulong. Matapos ang lahat ng ginawa ng mga ito sa kaniya, sa tingin ba nito ay gana pa siyang tumulong? Grabe ang kaniyang naranasan noong kasama pa siya ng mga ito. Ang mga masasakit nilang salita, ang pagmamaltrato ng mga ito sa kaniya at iba pa. Kailan man ay hinding-hindi niya iyon malilimutan. Sawang-sawa na siya na magpakatanga pa sa pamilya na walang magandang dinulot sa kaniya kung hindi sakit lang. Alam niya sa kaniyang sarili na nangako siya noon sa namayapa niyang Ama na kahit anong mangyari ay iintindihin niya ang taong nagsilang sa kaniya. Pero kung ganito lang din na
Hindi na nag-abala pa si Hera na itago ang disappointment na bumalatay sa kaniyang mukha nang hindi ang lalaki na inaasam niya ang nakita. Akala niya talaga si Lucas na iyon, pero hindi naman pala. Hindi alam ni Hera kung ano bang reaksyon ang dapat niyang ipakita kay Sir Bryle. Blangko lang siyang nakatingin sa lalaki na may ngisi na nakapaskil sa labi nito. Did she seriously thought Lucas will find her?Napakagat na lang siya sa loob ng kaniyang pisngi nang bumalatay ang sakit sa kaniyang puso. It's hurting but she needs to accept it. It might be bitter but what can she do? Ang tanga niya sa part na umasa pa siya na hahanapin siya ng lalaki. Hindi na siya na kuntento na sa loob ng mahigit dalawang linggo ay hindi pa rin ito nagpapakita. Isn't that a sign trying to tell her that Lucas will never ever look for her? Bakit pa siya umasa na baka may gusto sa kaniya si Lucas. She needs to accept the fact that her feelings for him were clearly one sided. Nangarap ata siya na sana suklian
Hera was surprised seeing Lucas after how many days. Hindi niya magawang iiwas ang kaniyang tingin sa nakatayong lalaki, na para bang napako na ng tuluyan ang kaniyang tingin dito. Looking at him right now, it makes her think the difference between the last time she saw him and his current self. Sa totoo lang ay hindi na talaga siya umasa na makikita pa ito, but just as when her hope to see him almost died, he showed up. Hindi alam ni Hera kung matutuwa ba siya o hindi dahil sa biglaang paglitaw ng lalaki. One word she can describe right now aside from surprise was overwhelming. The feeling of seeing him again was overwhelming her entire existence. Just like the first time she saw him. Hindi maipagkakaila ni Hera na matapos ang ilang linggo na magkalayo sila, masasabi niya talaga na namiss niya ang lalaki. Magsisinungaling siya kung sasabihin niya na kahit kailan ay hindi siya nagalit sa ginawa nitong pagtaboy sa kaniya. She thinks it's unfair and it really is. Dahil lang sa nangyar
"Hera? Ikaw ba 'yan hija?" Ang mga kayumanggi nitong mga mata ay nabalutan ng gulat habang nakatingin sa kaniya pabalik. Hatala sa mukha ng matandang lalaki na kamukha ng kaniyang Ina ang saya at pagkasabik. Ilang taon na ba niya itong hindi nakita? Hindi na niya mabilang. Trese anyos pa lang siya noong huli niya itong nakita at bigla na lang itong nawala. Hindi kagaya sa nararamdaman ng kaniyang Uncle na kapatid ng kaniyang Ina, imbes na maging masaya dahil nakita niya ulit ito matapos ang ilang taon na lumipas, hindi niya mapigilang makaramdam ng takot. The trauma this man caused to her, despite the length of time had passed, she still couldn't forget it. Nagsimulang nanginig ang kaniyang buong katawan. Nabalutan na rin ng takot ang kaniyang puso at nagsimulang nanlamig ang kaniyang pakiramdam. This kind of feeling, it's the same as before. "U-uncle Thomas... A-ako nga po," nanginginig ang boses na wika niya sa Tiyuhin. Dahil sa kaniyang sinabi, kaagad na napalitan ng isang malaw
Kung puwede lang sana sumabog ang isang puso sa sobrang lakas nang pagkabog no'n ay siguro kanina pa sumabog ang sa kaniya. Hindi alam ni Hera kung ano ang gagawin. Parang na estatwa siya sa kaniyang kinatatayuan at walang magawa kung hindi ang pagmasdan ang kapatid ng kaniyang Ina na ngayon ay lumitaw na mula sa madilim na sulok. Ang mukha nito na puno na ng kulubot ay nasisiyagan ng ilaw mula sa buwan na ngayon ay tirik na tirik sa gitna ng dilim. Ang pamilyar na mga mata nito at ang ibang parte ng mukha ay katulad na katulad ng sa kaniyang Ina. Habang nakatingin siya sa lalaki, sari-saring emosyon ang naglalaro sa kaniyang puso. Pero isa lang ang masasabi ni Hera ngayon, ang nag-iisang emosyon na nanaig sa kaniyang puso ay takot. "Hera, hindi ko inaakala na makikita pa ulit kita." Umangat ang sulok ng may kaitiman nitong labi habang sinasabi ang mga katagang iyon. Pa simple na nilagay ng may katandaang lalaki ang dalawa nitong kamay sa magkabilang bulsa ng shorts nito at tinitiga
Hera never cried this hard before. Kahit noong namatay ang kaniyang Ama, na siyang nag-iisang tao na nagmalasakit sa kaniya at kahit noong pinagbabato siya ng masasakit na salita ng mga tao na tinuring niyang pamilya. Kahit kailan ay hindi siya umiyak nang ganito ka grabe na para bang mawawalan na siya ng hininga at malay kapag nagpatuloy pa siya sa pag-iyak. Mahigpit pa rin siya na nakayakap kay Lucas para pigilan ang lalaki dahil baka mapatay na nito ang kapatid ng kaniyang Ina. Natatakot siya sa maaring kahahantungan ng mga nangyayari. Hindi niya alam kung paano ba napunta sa ganito ang kaniyang sitwasyon. She was just buying food for the person she caress and now, she's in this situation where she doesn't know what to do. "S-stop already. H-hindi na siya humihinga, baka mapaano po k-kayo..." nag-aalalang wika ni Hera na mas lalong nagpatigil kay Lucas. Sumikip bigla ang puso ng lalaki at nagtiim ang bagang sa galit. Why is she worrying about him? She should worry about herself!
Wow... Na miss ko 'tong lugar na 'to.Hindi mapigilang untag ni Hera sa kaniyang sarili habang nililibot ang buong paningin sa mansyon na pagmamay-ari ni Lucas. Habang tinitingnan niya ang bawat sulok ng malaking bahay na ito ay hindi niya mapigilang maging emosyonal. Parang kailan lang noong umalis siya dito pero ngayon ay nakabalik na siya. Sa totoo lang ay hindi talaga niya ine-expect na makakabalik pa siya dito. But then, she always pray every night that she'll get back here. Naging tahanan na rin niya ang bahay na ito at kahit na hindi man niya aminin sa kaniyang sarili ay gusto niyang manatili dito habang buhay. Iwan niya ba, but something in this mansion is making her feel comfortable and relief."By the way, your room changed." Napatigil si Hera nang magsalita si Lucas na nasa kaniyang likod. Mabilis na tumalikod siya at humarap sa lalaki. Nakapamulsa ito habang seryoso ang mukha na pinagmamasdan niya. Napalunok si Hera at hindi pa rin talaga masanay sa mga titig nito sa kani
"You're going to finally see your boss today?" nakataas na kilay na tanong ni Nathan sa kaniyang kapatid na si Natalie na busy sa pag-aayos ng mukha nito. Gamit ang may kalakihan na salamin na nasa kaniyang harap, tiningnan ni Natalie ang kaniyang kapatid at masayang tumango. Hindi talaga maipagkakaila ang kasayang na kaniyang nababatid sa pagkakataon na ito. "Yes!" Mas lalong tumaas ang kilay ni Nathan dahil sa pagiging hyper ng kaniyang kapatid. Hindi niya pa nakita si Natalie noon na maging ganito ka excited. Parang may mali. Parang may..."Sobrang guwapo ba 'yang boss? You're too excited. Kanina ka pa nagpapaganda, ganoon lang din naman ang mukha mo." Nathan murmured with a huge frown on his face. Ngayon ay si Natalie na naman ang kumunot ang noo dahil sa biglaang inasta ng kapatid. Hindi niya tuloy mapigilang mainis dahil sa sinabi nito. "Why do you care? Umalis ka na nga lang! Kanina ka pa nakatingin sa akin!" bulyaw ni Natalie sa kaniyang kapatid. Napailing-iling na lang si N