Share

KABANATA 21

Mabigat ang katawan ng siya ay magising mula sa pagkakahimatay. Lugmok ang kaniyang pakiramdam at masakit ang kaniyang ulo. Pakiramdam ni Hera ay mamatay na siya sa sobrang sakit na kaniyang nararamdaman ngayon. Hindi na lang pagkababae ang masakit sa kaniya, pati na rin ang kaniyang ulo ay masakit din. Parang minamartilyon iyon nang paulit-ulit sa sobrang sakit.

Nanunuyo ang kaniyang lalamunan at gustong uminom ng tubig. Naalimpungatan siya dahil doon. Nauuhaw siya. Tuyong-tuyo ang kaniyang lalamunan maging ang kaniyang bibig at mga labi. Minulat ni Hera ang kaniyang mabigat na mga talukap at nilibot ang paningin sa buong silid. Ang pamilyar na puting kisame at ang pamilyar na amoy ng hospital ang nagpagising bigla sa kaniyang diwa.

Mukhang na hospital na naman siya. Pangalawang beses na niya ito. Noon kasi ay hindi pa siya na h-hospital, ngayon lang at noong huli kung saan ay nawalan din siya ng malay. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Hindi niya inaasahan na lalagnatin p
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status