Share

KABANATA 9

Ah, gusto ko nang umalis dito.

Napakagat na lang si Hera ng kaniyang labi at hindi alam ang gagawin. Nanginginig pa rin ang kaniyang katawan dahil sa takot. Hindi niya inaakala na ganoon pala kalala ang magiging reaksyon ni Lucas matapos niyang sabihin sa lalaki na hinampas niya ito ng matigas na bagay kagabi kaya siya nakatakas.

Sa totoo lang ay wala talaga siyang plano na sabihin sa lalaki ang totoo nang mag tanong ito sa kaniya kanina. Pero wala siyang nagawa kung hindi ang sabihin sa lalaki ang totoo sa takot na mapalayas nga siya ng tuluyan dahil sa kaniyang pagsisinungaling. Wala siyang pagpipilian kanina. Pakiramdam niya ay na korner siya sa isang sulok at hindi makaga ng desisyon na mag liligtas sa kaniya.

Dalawa lang ang kaniyang pagpipilian nang tanungin siya ni Lucas kanina. Una ay sasabihin niya sa lalaki ang totoo kahit na mapapatalsik siya at pangalawa ay hindi niya sasabihin ang totoo kahit na mapapatalsik siya. Kahit na ano sa dalawa ang kaniyang piliin ay isa lang nam
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status