Pare-pareho pa rin kaming mga tahimik dito sa loob ng conference room. Kaya nang bumuntong hininga si Chairman ay rinig na rinig namin.“Hindi ko na alam kung anong nangyayari.” Tanging naiusal niya, tila nahihirapan pa rin siyang iproseso sa utak niya ang lahat ng nangyari ngayon.“Hindi rin ako makapaniwala sa lahat. Malapit kayo ni Mr. Jonathan, Mr. Blaze. Are you sure about him?” tanong pa ng isang matanda.“Hindi dahil sa malapit sa akin ang isang tao ay paniniwalaan ko lahat ng mali niyang nagawa. No, dahil kahit gaano kalapit sa akin ang isang tao kaya ko pa rin siyang parusahan lalo na pagdating sa kompanya ang usapan.” Alam kong nagtatapang-tapangan ka lang ngayon para ipakita mo sa kanila na wala kang kahinaan at hindi nila magagamit iyun laban sayo. Paglabas mo mamaya at mag-isa ka na lang uli dun na uli manghihina ang tuhod mo.Ang kilala nilang matapang at walang kinatatakutan na Blaze ay nagtatago lang sa isang sulok. Itinatago ang lahat ng tunay niyang nararamdaman at m
“Hindi ko rin alam kung kilala ko na ba talaga ang kapatid ko o kung nakilala ko ba talaga siya ng lubusan dahil sa mga nangyayari ngayon, hindi ko na alam, hindi ko na siya kilala, parang hindi na siya yung kapatid kong nakasama ko noon.” Ibang iba sa masayahin kong Ate Camilla. Ganun talaga siguro ang buhay, kapag lumilipas ang maraming taon, marami ring nagbabago.“Just focus to your goal at kapag kontento ka na. Let’s go back at Italy at dun na tayo mamuhay ng tahimik malayo sa kanila.” napatango na lang ako, my heart not contented yet pero hindi ko alam kung ano ba talaga itong nararamdaman ko. I want him to taste my wrath pero dahil lang sa sitwasyon niya, sa kalagayan niya, sa panic disorder niya ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.Ito nanaman lang ang malambot kong puso, maawain ako pero hindi niya deserve ang awa ko.“Thank you so much, Sab.”“No problem basta sabihan mo lang ako.” ngiti niyang saad, nagpaalam naman na siya at lumabas na ng office
Maaga akong nagising, tahimik akong sumisimsim ng kape ko sa kusina nang pumasok si Aurora at nagtimpla rin ng kape niya.“How’s your work?” tanong niya.“Good, okay naman ako dun.”“You sure? Wala bang nangyayaring hindi maganda? That’s your ex-husband company, you’re not doing any dangerous thing, right?” hindi ako nakatingin sa kaniya, diretso lang ang mga mata ko sa kung saan. “Wala na akong alam sa mga ginagawa mo o nangyayari sayo, Beatrice. Medyo nagiging masekreto ka na.” I know, ayaw ko lang idamay sa gulo ko ang taong pinagkakautangan ko sa maraming bagay.Maraming nagawa sa akin at naitulong si Aurora hanggang ngayon kaya ayaw kong ipaalam sa kaniya ang mga ginagawa ko lalo na sa pagpapabagsak kay Blaze at sa kompanya niya. Gusto ko akin na lang yun.“Okay lang ako, you don’t have to worry about me. Wala naman akong ginagawa eh.” Pagsisinungaling ko, tahimik at maganda ang buhay ni Aurora at kung sakali mang ako ang bumagsak dito sa ginagawa ko hindi ko siya mahihila pababa
Lumapit na ako sa kaniya at pinili ang isang dark color ng necktie na babagay sa porma niya ngayon. Wala kong sali-salita na kinuha iyun saka isiunot sa kaniya at bahagya ko pang pinagpag nang maisuot ko na sa kaniya saka siya tiningala. Nagsalubong ang mga mata namin at nakatitig lang siya sakin.“Pagpili na lang ng necktie hirap na hirap ka pa. Kailan ka ba mapapabilis sa pagsusuot ng necktie mo? tssss.” Irap kong saad saka ako naupo sa sofa niya. Sumunod naman siya sa akin at iyan nanaman lang ang pagngiti niya, nakakailang na.“Hindi ko mapigilang hindi makita sayo ang isang taong mahalaga sa buhay ko. May mga pagkakapareho kayo.” Anas niya, ano namang pakialam ko sa taong mahalaga sa buhay mo at wala akong pakialam kung may pagkakapareho kami. Gusto ko na lang bumilis ang oras dahil hindi ako sanay ng wala man lang ginagawa kahit isa.Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ko ng maramdaman ko ang pagvibrate nun. Napangiti na lang ako ng magsend sakin si Ethan ng picture niya kasama
THIRD PERSON POVBakas na sa kaniya ang pagiging desperada. Wala naman siyang magagawa kahit gaano pa niya kagustong maging VP ng kompanya dahil si Chairman at board of directors na ang namili sa kaniya bilang maging VP.Napailing na lang at napabuntong hininga si Beatrice.“I’m sorry Camilla pero hindi ko magagawa ang gusto mo.” hilaw namang tumawa si Camilla at nanlilisik na ang mga mata niyang nakatitig kay Beatrice. Matagal niya ng gustong mailagay sa taas at hindi niya matanggap na isang baguhan lang ang makakapalit sa kaniya.“Plano mo na ito una pa lang. Pagsisisihan mo ang pagpili mo sa posisyong ito.”“Kahit naman hindi ko tanggapin ang posisyon Camilla, hindi ka pa rin sigurado kung ikaw nga ba ang ilalagay nila sa posisyon ng pagiging VP. Si Chairman at board of directors na ang naglagay sa akin sa pwestong ito kaya wala ka ng magagawa sa bagay na iyun and if you really worth it in this position siguro naman ay ikaw ang una nilang maiisip para ilagay at paupuin dito hindi a
“Mommy,” naiiyak niya ng saad, mas lalong napapahigpit ang hawak niya sa tali ng kaniyang aso. Tahimik lang din naman ang alaga niyang nakasunod sa kaniya. Sinubukan niyang magpatuloy sa paglalakad pero pakiramdam niya ay mas lalo siyang napapalayo. Sinubukan niyang pigilan ang luha niya at lakasan ang kaniyang loob gaya ng turo sa kaniya ng Mommy niya pero hindi rin nagtagal ay naiyak na siya.Mas lalo siyang naliligaw dahil maraming pasikot-sikot sa loob ng art gallery. Napaupo na lang siya sa isang tabi habang nakayakap sa mga binti niya.“Mommy.” Umiiyak niya ng saad.“Mommyyyy. I want to go home na Mommyyyy.” Patuloy niyang iyak. Tumatahol na rin ang maliit niyang aso.Tiningnan ni Blaze ang relo niya dahil kanina pa ay hindi pa rin nakakabalik si Aaron. Hindi na siya makatiis na naghihintay lang kaya naisipan niyang muling lumabas. Subalit hindi pa lamang siya nakakalayo mula sa kinatatayuan niya kanina ay narinig niya ang paghikbi ng isang bata. Napakunot na lang ang noo niya d
Nakatitig lamang siya sa bata. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya, ang pagbilis ng tibok ng puso niya at tila pagkamangha sa bata. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi at nagulo ang buhok ni Ethan. “You’re so sweet, your Daddy is so lucky to have a kid like you. Sino bang mga magulang ang hindi mawawala ang pagod kung anak nila ang unang sasalubong at hahalik. Stay kind to others kid.” Masaya niyang saad, hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya ngayon, ang pagkalimot pansamantala sa mga problema ng dahil sa bata. Bubuksan na sana ni Blaze ang pintuan ng kotse niya ng mapatigil siya. “Ethan!” malakas na tawag ni Aurora, hingal na hingal ito at abot ang kaba sa dibdib niya. Kanina pa siya hanap ng hanap sa bata, halos libutin niya na ang buong parke sa paghahanap. Nang makalapit siya sa pwesto nila Blaze ay mabilis niyang kinuha sa mga kamay ni Blaze ang bata. “Where have you been? Kanina pa ako hanap ng hanap sayo. Pinag-aalala mo ako masyado
“Eilish,” anas ni Blaze habang nakatingin kay Beatrice na patuloy pa ring kumakanta. “You’ll be okay Beatrice, walang mangyayari sayo sa dilim. Walang mangyayari.” Saad niya sa sarili. Lahat ng sinasabi ngayon ni Beatrice ay siyang mga sinabi din noon ni Eilish, ang kantang inaawit ngayon ni Beatrice ay siyang palagi kinakanta ni Eilish sa tuwing natatakot siya. “Eilish, Hon.” Mahinang wika ni Blaze, dahan dahan siyang lumuhod at tiningnan si Beatrice na nakapikit pa rin habang kumakanta. Mabilis siyang niyakap ni Blaze at hinaplos ang likod nito para pakalmahin. “You’ll be okay, we’ll be okay. Don’t be afraid, I’m here, I’m always here. Please don’t cry, I’m here.” wika niya habang hinahaplos ang likod ni Beatrice. Unti-unti na ring nanghihina si Beatrice, nababasa na siya dahil sa init. Patuloy siyang pinapakalma ni Blaze. “I’m here Hon, I’m here for you, hindi kita pababayaan.” Anas niya, nakagat na lamang din niya ang pang-ibaba niyang labi dahil sa paglandas ng mga luha niya.