Share

Kabanata 6.1

“Sa ballpen mo nanaman ibinubuhos ang galit mo. May nangyari nanaman ba?” nag-aalalang tanong ni Aurora, humugot ako ng malalim na buntong hininga. Hindi ko lang talaga makalimutan ang pag-uusap naming yun. Parang biglang nawala ang dating kilala kong Blaze, para siyang ibang iba sa pinakasalan kong Blaze noon.

“Tell me, what happened?”

“Wala naman, mga bagay lang na tungkol sa trabaho. Hindi ko alam na ganun pala talaga siya kasama. Hindi ko lang inaasahan.” Naupo siya sa tapat ko at seryoso akong tiningnan bago siya bumuntong hininga.

“Kung ganun, hindi mo pa nga gaanong kilala ang dati mong asawa kahit na matagal kayong nagsama o maaaring nagbago siya simula ng mawala ka.”

“Nagbago? Hindi imposible pero kung talagang minahal niya ako dati pa hindi niya ako magagawang lokohin at sa Ate ko pa? Wala na akong pakialam kung anong relasyon nilang dalawa sa nakalipas na taon panigurado namang naging masaya sila.” Muli akong humarap sa laptop ko at sa mga papel na pinapatapos niya sa akin.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status