Mabilis kong pinalis ang mga lumandas na luha sa pisngi ko. They don’t deserve my tears, naubos ko na lahat ng mga luha ko noon pa. Mapait akong napangiti sa salamin, may mas isasakit pa pala sa mga nalaman ko. Dapat pala nagresearch na muna ako sa mga taong nasa nakaraan ko bago ako nagtungo rito para naman hindi ganito na masyado akong nagugulat.They have a son at halos kasing edad lang siya ni Ethan. Kung ganun, una pa lang niloloko na nila akong dalawa. Hindi ko na kailangan ng ibang patunay para patunayan kong si Ate Camilla nga ang kasama niya noong mga panahong yun. Sapat ng ebidensya sa akin ang anak nila.Binuksan ko ang faucet at naghilamos, hindi mo dapat ipinapakitang naaapektuhan ka Beatrice. Patay na si Eilish kaya hindi mo na kailangang maging mahina sa harapan nilang lahat. Kompleto sila, masaya at parang buong buong pamilya pa rin.Muli kong inayos ang mukha ko at ngumiti sa harapan ng salamin. Masakit ang lokohin ka ng asawa mo pero mas masakit pala kung yung panlol
“Let’s not talk about it, Camilla. Let’s go.” “No! For heaven sake Blaze. Anim na taon ng patay si Eilish pero bakit bukambibig pa rin siya ng Mommy mo? Hanggang ngayon pa rin ba hindi pa niya ako tanggap?” ibig sabihin, si Mommy Chin lang ang hindi makalimot sakin? Nakakatuwa naman, sarili kong pamilya ayaw na akong maalala. “Bakit ba masyadong big deal sayo kapag nababanggit ang pangalan ni Eilish, Camilla? Normal lang na hindi makalimutan ni Mommy si Eilish dahil may pinagsamahan din naman silang dalawa. Kung umasta ka parang hindi mo kapatid si Eilish, magalit ka kung ibang babae na ang gusto ni Mommy.” “Pero iba na kasi ngayon Blaze, ako na ang asawa mo at hindi na si Eilish.” Ang sarap nilang panoorin, nag-aaway ng dahil lang sa pangalan ko. Ayos yun ah, akala ko kinalimutan na talaga nila ang pangalang yun, nag-eexist pa rin pala sa kanila hanggang ngayon. Bakit nga ba ang big deal kay Camilla kapag nabanggit ang pangalan ko? Gusto niya na talagang burahin ako sa buhay nilang
THIRD PERSON POVKunot noong binabasa ni Blaze ang mga hawak hawak niyang mga papeles. Hindi niya alam kung totoo ba ang lahat ng mga nababasa niya.“Are you sure about this?” nagtataka pa rin niyang tanong kay Aaron habang nasa mga papel pa rin ang tingin niya.“Yes Sir, lahat ng mga yan kliyente lang ni Ms. Beatrice.”“But how is that even possible? Sa loob lang ng ilang araw ay nakagawa siya ng ganiyan karaming plano?” this time nilingon niya na si Aaron.“I don’t know too Sir pero hindi ba dapat maging masaya tayo rito, sa loob lang ng ilang araw marami siyang naging kliyente. Hindi nga imposible na mabawi natin sa loob lang ng anim na buwan kung anong nawala sa kompanya kung ganito karami ang kliyente. Hanggang ngayon dinudumog siya, kahit na may kamahalan na ay kinukuha pa rin nila dahil ang iniisip nila yung quality. And about the quarterly report Sir, sinabi ni Chairman na icancel na muna maybe in another month again.” Hindi na masyadong pinansin ni Blaze ang huling sinabi ni
“Let’s go Dad, nagugutom na po ako.” agaw atensyong saad ng inosente niyang anak. Ipinagpatuloy niya naman na ang pag-aayos ng gamit ng mga anak saka sila kumain sa isang malapit na restaurant.Matapos niyang ihatid ang anak ay bumalik na rin siya ng kompanya. Kauupo pa lamang niya ng swivel chair niya nang may biglang pumasok sa office niya. Nagtataka niya namang tiningnan ang CEO ng Uy Group na si Jude.“What are you doing here?” seryosong tanong ni Blaze, bakas naman sa pagmumukha ni Jude ang galit na nararamdaman niya.“Ganiyan ka na ba talaga kadesperado? Kahit mga kliyente namin ay inaagaw mo? ganiyan ka karumi maglaro Blaze!! Hindi namin kayo pinapakialamanan, nirerespeto namin ang bawat desisyon ng mga kliyente pero bakit pati mga kliyenteng nakapirma na ng kontrata sa amin ay inaagaw mo?!!” mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Blaze dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Jude.“Ano bang sinasabi mo? Wala kaming inaagaw na kliyente sa kompanya niyo.”“Wala?” galit na
BEATRICE POVMatapos kong makapaggayak ay tiningnan ko pa ang ilang mga gamit ko kung may naiwan pa ba ako lalo na ang mga gagamitin ko sa pagtatrabaho. Ngayon ang araw ng pagpunta namin sa Boracay, we’re going to stay there for one week after nun uuwi kami rito. Hindi kami pwedeng magstay dun ng dire-diretso hanggang matapos ang construction, magpapabalik-balik na lang kami.“Don’t worry about me Mom, I can take care of myself saka nandito naman po si Tita Sab at Mommyla. Mag-iingat ka po dun.” Kinuha ko naman ang anak ko saka ko niyakap. Napabuntong hininga na lang ako dahil iiwan ko nanaman siya.“I will call you often baby. Huwag mo silang bibigyan ng sakit ng ulo. I trust you.”“Don’t worry po.” Mahigpit ko siyang niyakap saka hinalikan sa noo. Pagkatapos nito anak, mamumuhay na tayo ng tahimik. Ayaw ko na sanang gawin pa ito para ituon ko na lang ang buong atensyon ko sayo pero parang laging may kulang sa puso ko eh, para bang uhaw na uhaw akong maghiganti sa ama mo, para bang m
“Magdadahilan ka pa? hindi ko kakainin ang pagkain ko kung alam kong may hipon yun—“ napahinto naman siya sa pagsasalita niya ng parang may marealized siya. “Ano bang pakialam mo kung kakain ako ng hipon? What do you know?” “Una, hindi mo talaga makikita ang hipon sa pagkain mo dahil parang giniling siya. Pangalawa, narinig ko lang sa secretary mo na hindi ka kumakain ng hipon. Yun lang yun, kung ayaw mong maniwala sa akin na may hipon nga ang pagkain natin pwede mong tanungin sa waiter. Hindi ko binabastos ang pagkain at hindi ko gagawin sayo yun kung trip ko lang.” wika ko, idinahilan ko na lamang na narinig ko kay Aaron na ayaw niya ng hipon kahit na ilang taon ko ng alam ang tungkol sa bagay na yan. Muntik ka na ring mamatay dahil sa hipon, gusto lang kitang pahirapan pero hindi ako criminal para pumatay. Kunot noo siyang nakatingin sa akin at para pa akong pinag-aaralan. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko, bahala ka, isipin mo kung anong gusto mong isipin. Bumalik siya sa
THIRD PERSON POVKunot noong tinitingnan ni Blaze ang paligid ng kwarto niya dahil sa mga nagkalat na planggana na may tubig, basang towel at ilang mga platito. Ang huli niyang naaalala kagabi ay ng sigawan pa niya si Beatrice dahil sa pag-aalaga sa kaniya.Napatingin na lang siya sa ibaba ng kama niya ng bumangon si Beatrice.“What are you doing there?” malamig niya nanamang aniya. Nakusot-kusot naman na muna ni Beatrice ang mga mata niya saka siya tumayo at inayos ang sarili.“Mataas kasi yung lagnat mo kagabi kaya hindi kita maiwan. Konsensya ko pa kung namatay ka.” prangka niyang saad saka inayos ang mga nagkalat na gamit sa kwarto.“Do you think I’m gonna die because of that?” masungit niyang saad, napairap na lamang si Beatrice dahil sa pagsusungit nito sa kaniya kahit agang aga.“May namamatay sa sakit, tandaan mo iyan. Hindi ka Diyos para alam mo kung anong mangyayari sayo.” pagkatapos niyang ayusin ang lahat na nagkalat sa kwarto ni Blaze ay lumabas na rin siya. Minsan pa niy
“Sana ikaw na lang nasugatan no tapos ako naman ang magsasabi niyan sayo. Napuyat ako ng dahil sayo, hindi ako nakatulog ng maayos at hanggang ngayon ramdam ko ang hilo sa ulo ko. Nakarinig ka ba ng reklamo sakin?”“Hindi ko naman sinabi sayong alagaan mo ako. I never asked your help.”“Ibang klase ka rin talaga eh no? Imbis na pasasalamat ang marinig ko mula sayo, pagmamayabang mo pa ang maririnig ko. Huwag kang mag-alala kapag nawala na ang konsensya ko kahit mamatay ka pa sa harapan ko wala akong pakialam.”Hindi naman na sila nag-usap na dalawa nang dumating na si Paul dala-dala ang medical kit.“Ako na,” ani ni Beatrice ng akma sanang gagamutin ni Paul ang sugat niya. Hindi naman yun masyadong malaki at malalim, sadyang malakas lang talaga tumagas ang dugo niya kapag nasusugatan siya na aakalain mong malaki o malalim ang sugat niya.Matapos niyang malagyan ng band aid ang sugat niya ay tumayo na rin siya.“Thanks,” baling niya kay Paul.“Siya nga pala, Mrs. Marissa gave me this a