登入"Lander, bakit mo ba talaga ginagawa ’to?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. "Hindi mo kailangang magpakababa nang ganito para lang mapatawad kita."Tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin. "Hindi ko ’to ginagawa para lang mapatawad mo ako, Sef. Ginagawa ko ’to dahil gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya kong maging tao ulit para sa ’yo. Sa loob ng ilang buwa at taon, puro trabaho ang inisip ko, hanggang sa nakalimutan ko na kung ano ang talagang mahalaga."Lumapit siya nang kaunti. "Noong nakita kita sa ospital, doon ko na-realize na balewala ang lahat ng hotels na itinatayo ko kung wala ka naman doon. I’m sorry for everything. Kung kailangang maging utusan mo ako rito habambuhay para lang bumalik ang tiwala mo, gagawin ko."Hindi ako agad nakapagsalita. Ang galit na matagal kong itinago ay parang unti-unting lumalambot. Hindi pa ako handang sabihing okay na ang lahat, pero sa nakikita ko ngayon, pagod na pagod pero nakangiti pa rin, alam kong seryoso siya."Matulo
Nang sumapit ang tanghalian, misyon naman niya ang mamalengke. Pinanood ko siyang umalis gamit ang lumang bisikleta ni Aling Nena, ang landlady ko. Nakakatawang tignan, isang lalakeng may height na 6'1, nakasuot ng sunglasses na mas mahal pa sa kabuuan ng bahay ko, pero pumipedal sa isang bisikletang may basket na puno ng kangkong at luya.Pagbalik niya, hingal na hingal siya. "Ang hirap makipag-tawaran sa palengke, Sef. Mas mahirap pa kaysa sa pakikipag-close ng deal sa mga investors.""Bakit? Magkano ba ang bili mo sa isang kilong manok?" tanong ko habang binubuklat ang plastik."The lady said it was 250, but I used my negotiation skills. I told her the supply chain in this area seems efficient, so she should lower the overhead cost passed to the consumer. She just stared at me and called me baliw. I ended up paying 300 just to make her stop shouting," kwento niya habang nagpupunas ng pawis.Hindi ko napigilang tumawa. Isang malakas na tawa na matagal nang hindi lumalabas sa mga la
Asefeh’s POV"Sigurado ka na ba, Sef? Pwede naman tayong mag-extend pa ng isang araw kung nahihilo ka pa," pag-aalala ni Marco habang tinutulungan akong iligpit ang gamit ko."Ayoko na rito, Marco. Amoy gamot, amoy sakit. Gusto ko na sa apartment ko," sagot ko habang dahan-dahang isinusuot ang tsinelas ko. Gusto ko na lang magpahinga sa sarili kong kama, malayo sa mga monitor at lalong-lalo na, malayo kay Lander.Kahit narinig ko siyang ipinagtanggol ako laban kay Isabella noong isang araw, hindi pa rin no’n mabubura ang anim na buwan na paghihirap ko. Sabi ko kay Marco, huwag siyang magpapakita sa akin sa pag-discharge ko. Gusto ko ng tahimik na exit.Pero paglabas na paglabas namin ng hospital room, napatigil ako.Nakatayo sa tapat ng pinto si Lander. Hindi siya naka-suit. Naka-simpleng t-shirt lang siya na puti at maong, pero ang aura niya, parang pagmamay-ari niya ang buong hallway. Agad siyang lumapit at bago pa ako makapagsalita, kinuha na niya ang bag na bitbit ni Marco."Lande
Tahimik ang gabi sa Coron District Hospital, maliban sa mahinang ugong ng aircon at ang paulit-ulit na tunog ng heart monitor sa tabi ni Asefeh. Si Lander ay nananatiling nakaupo sa tabi ng kama, hindi bumibitiw sa kamay ng dalaga. Ang kaniyang mga mata ay antok na sa pagod, pero ayaw niyang pumikit. Natatakot siya na sa sandaling itigil niya ang pagbabantay, baka bigla na lang mawala si Asefeh na parang bula, gaya ng ginawa nito anim na buwan na ang nakakaraan."Sir Lander," mahinang tawag ni Marco mula sa pinto. "Madaling-araw na po. Ako na muna ang magbabantay rito. Magpahinga na po muna kayo."Umiling si Lander nang hindi tumitingin kay Marco. "Hindi ko siya pwedeng iwan, Marco. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nagising siya at wala siyang makitang kasama.""Pero Sir," pag-aalangan ni Marco. "Sa tingin niyo po ba... kapag nagising siya at kayo ang unang makita niya, magiging maayos ang pakiramdam niya? Sabi ng doktor, bawal siyang ma-stress. Ang presensya niyo ang pinakam
Sa loob ng umaandar na tricycle, hindi na maikubli ni Asefeh ang sobrang panghihina. Ang kaniyang paningin ay unti-unting nilalamon ng itim. Ang huli niyang narinig ay ang ingay ng makina at ang hangin ng Coron na humahampas sa kaniyang mukha bago tuluyang bumigay ang kaniyang ulirat.Napansin ng tricycle driver sa side mirror na biglang humilig ang ulo ni Asefeh sa gilid ng sasakyan. "Ma'am? Ma'am, okay lang po kayo?"Walang sagot. Sinubukan ng driver na tawagin ulit ang dalaga habang dahan-dahang itinitigil ang tricycle sa gilid. Nang hawakan niya ang balikat ni Asefeh, naramdaman niya ang sobrang init ng balat nito. Puti na ang mga labi ni Asefeh at hindi na ito tumutugon."Diyos ko, nahimatay si Ma'am!" bulong ng driver sa sobrang kaba. Sa takot na baka may mangyaring masama sa kaniyang pasahero sa gitna ng kalsada, hindi na siya nag-atubili. Mabilis niyang pinihit ang manibela at pinaharurot ang tricycle patungo sa pinakamalapit na pampublikong ospital.Samantala, sa gilid ng kal
Hindi na naririnig ni Asefeh ang ingay sa paligid. Ang tanging nasa isip niya ay ang makalayo sa hotel. Bitbit ang kaniyang bag, mabilis siyang naglakad palabas ng lobby. Bawat hakbang niya ay puno ng pait, at bawat hininga niya ay parang may kasamang galit."Asefeh! Sandali! Mag-usap tayo!" sigaw ni Lander mula sa likuran. Halos magkandabuhol ang mga paa nito sa pagmamadali.Hinarangan siya ni Marco bago pa siya tuluyang makalabas ng pinto. "Sir, please. Huwag ngayon. Galit na galit siya, lalo niyo lang palalalain ang sitwasyon," matapang na sabi ni Marco, nakadipa ang mga kamay para pigilan ang kaniyang boss."Umalis ka sa daan, Marco! Hindi pwedeng umalis siya nang ganito!" ungal ni Lander. Namumula ang kaniyang mukha sa halo-halong emosyon, takot, galit, at matinding pagsisisi."Sir bilang kaibigan na lang ang pakiusap ko. Hayaan niyo muna siyang huminga," giit ni Marco.Pero hindi nakinig si Lander. Buong lakas niyang tinabig si Marco.Kahit anong pigil ni Marco, parang naging bi







