Share

CHAPTER 1: The first bloom

LUMABAS ng hardin ang nagdadalagang si Lacy Rose, tangan ang meryenda na inihanda niya para sa kanyang mommy.

Paglabas niya ng hardin nasasamyo kaagad niya ang halimuyak ng mga rosas sa paligid napakadami niyon. Nakapagtataka't nabuhay lahat iyon ng kanyang mommy.

"Mommy, meryenda time!" inilapag kaagad niya ang dalang cookies at juice sa mesa.

"Sure darling tatapusin ko lang ito," ganting sagot ng mommy niya.

Nakatalikod ito at pinuputol nito ang stem ng roses at marahil papalitan na naman nito ang mga bulaklak na nakadisplay sa living room. Nilapitan niya ang kinaroroonan nito.

"Mommy, paano niyo napalago ang mga bulaklak na iyan?" kapagkuwan tanong niya ng marating ang kinaroroonan nito

Ngumiti ang mommy niya. "Madali lang anak kapag alam mong masaya ka sa ginagawa mo sa mga ito in response susuklian ka nila ng napakaraming punla nila."

Namangha siya sa sinabi nito. "Really, mommy?"

"Alam mo bang diyan ko rin nakuha ang pangalan mo."

"Yes I know mom, that's why I'm rose." sabay hagikhik sa sinabi niya.

"The rose petals are lacy and delicate. Their beauty never lasts it stays hangga't hindi nalalanta but their thorns remain. Mahihirapan ka munang makamtam ang kagandahan ng bukaklak ng rosas hanggang ang mga tinik nito ay naroroon pa rin. You're just like that rose darling. Your thirteen now at lalo ka pang gumaganda anak how I wish I still be there to witness your graduation." ngumiti siya sa sinabi nito.

Napakalalim ng sinabi ng mommy niya tungkol sa isang rosas. Hindi niya maintindihan marahil ang ibig pakahulugan ng sinabi nito ngunit hindi ang huling sinabi nito. Tatanungin na sana niya tungkol doon nang marinig ang boses ni yaya Nelia.

Maya't-maya lumapit ang yaya Nelia nila at pinapatawag ang mommy niya dahil may tawag daw ito.

"Maiiwan muna kita dito, Iha." ibinaba nito ang hawak na gunting.

"Sure mom," sabi niya ng tuluyang iwan siya nito.

Tila may naglaro sa kanyang isip. Kinuha niya ang gunting at ginaya niya ang ginawa ng mommy niya sa pagpuputol ng mga rosas. Napakayabong ng mga ito at may iba't ibang klase ng kulay. Marahil nagkaroon ang mommy niya ng malamig na kamay kaya madali lang itong magpayabong.

Pero siya kaya? Nasubukan na niyang magtanim pero hindi nabuhay. Marahil mali ang pagkakatanim niya o di kaya nama'y hindi malamig ang kamay niya.

Naghanap siya ng mapuputol niya. Medyo natatakot siya sa tinik niyon at baka matusok siya. Hinawi niya ang mga rosas bagama't ang mga tinik nito sumasagi sa kanyang kamay ngunit nag-iingat siya. Tumambad sa kanya ang napakalaking bulaklak ng pulang rosas na iyon. Napapahanga siya sa laki at ganda niyon. She was enchanted of that beauty of rose na tila kakaiba iyon sa lahat.

"Ouch!" tila natauhan siya ng maramdamang natusok siya hindi niya namalayang nahawakan niya ang tangkay niyon. Napaluhod siya sa damo.

She could see the blood on the tip of her middle finger! Bagama't hindi naman iyon masakit dahil konting sugat lang naman ang nangyari. Napatulala siya tila narealize niya ang lahat ng ibig sabihin ng mommy niya kanina.

"What happened?" tanong ng mommy niya ng makabalik ito. Hinawakan nito ang kamay niya at kinuha nito ang towel sa balikat nito at pinunasan ang dugo niyon.

"N-natusok ako mom, but it never hurt me nabigla lang ako."

"Darling, always remember this, those who fear thorns cannot pick roses. Pumasok ka muna sa loob anak at lagyan mo ng antiseptic 'yan. Ililigpit ko lang itong mga naputol ko na." inalalayan siya nitong tumayo.

Nag-ingat naman siya kanina at papaanong natusok siya ng hindi niya namamalayan? Somehow she realized the rose doesn't fit her.

"HAPPY BIRTHDAY MOMMY!" sabay halik ni Lacy Rose ang ina sa kanang pisngi nito. Iniabot din niya ang isang bungkos ng rosas na may iba't ibang kulay.

"Thank you darling. Oh how I missed these roses." maluha luhang wika ng ina.

Naawa siya sa kalagayan ng ina na halos maputla na ang kulay nito dahil sa sakit nitong cancer sa breast at may taning na rin ang buhay ito.

Dalawang buwan pagkatapos, nang biglang nawalan ng malay ang ina niya sa mismong hardin nila. Isinugod kaagad nila ito sa hospital at napag alaman nila na nasa stage 4 na pala ang sakit nito. Kaya pala nangayayat ang ina niya dahil sa sakit nito. Inilihim ng mga magulang niya sa kanya ang tungkol doon. Dahil hindi daw nito gustong mag-alala siya.

Iyak siya ng iyak ng mga araw na iyon. Ngunit hindi siya nagpakita ng kahinaan para sa kanyang ina. At ngayon nga nasa chemotherapy na ngayon ang mommy niya. Pinatest din siya ng kanyang mga magulang at baka positibo din siya mabuti nalang at negatibo ang lumabas.

Pumasok ang daddy niya na may dalang cake. Agad na sumilay ang ngiti sa mga labi ng kanyang ina.

"Happy Birthday, Honey!" sabay halik ng daddy niya sa lips ng mommy niya na tinakpan ng mga kamay niya ang mata niya.

Kinikilig siya sa kanyang mga magulang they are both happy with each other! Sobrang mahal na mahal nila nag isa't-isa, paano nalang kung wala na ang mommy niya? Oh, lord no, not this time.

"Thank you honey!" sabi ng mommy niya na tuluyan ng nalaglag ang mga luha nito.

"Oh, stop crying honey, I know God, never fail to answer our prayers. Make a wish now and blow out the candle." pang-aalo ng daddy niya.

"S-sure honey." sabi nitong pinunas ang mga luha pinikit nito ang mata at nahwish pagkatapos hinipan nito ang kandila.

"Nag-abala pa kayo kung dito lang din naman sa ospital na ito ako magsi-celebrate."

"Why not mommy you should have to celebrate it." niyakap niya ang ina sumunod ang daddy niya nagyakapan silang tatlo.

"Hindi na ako makahinga sa higpit ng mga yakap ninyo." natatawang wika ng ina at kaagad sikang kumalas ng dad niya.

"I miss you mommy!"

Ngumiti ang ina. "I miss you too darling. Pagpasensyahan mo na anak nasa hospital ako hindi na muna kita maasikaso."

"Mommy naman bini-baby mo na naman ako. Okay lang 'yon mom. Kayo lang din naman po ang inaalala ko."

"Kahit na anak trese mo palang at dapat nasa tabi mo pa ako lagi at nag-iisa ka pa mandin na anak namin."

Mabilis na nakalbo ang mommy niya. Bagaman maganda pa rin ito.

"Kaya nga mommy ang lungkot pala pag wala akong kapatid." sabi niya sa ina at tumawa ito.

Totoo iyon mas maganda sana kung may kapatid pa siya at kung paano magkaroon niyon. Hindi na muling nag anak pa ang mommy niya dahil nahirapan ito noon sa kanya na muntik ng ikinamatay nito.

"Lacy, hiwain mo na itong cake at ihain ko naman ang iba para makakain naman ang mommy mo." sabi ng daddy niya. Kaagad siyang tumalima.

"Sa makalawa honey ilalabas ka namin at pumayag naman ang doktor mo." kapagkuwan sabi ng daddy niya.

"Really, hon? Hindi mo lang alam kung gaano akong kabagot dito sa Hospital."

"Saan mo gustong pumunta mommy?" tanong niya.

"Sa bahay nalang anak I miss our home I miss my roses." sabi ng mommy niya na kuminang-kinang pa ang mga mata sa huling binanggit nito. At sana ang mga rosas na iyon ang papawi sa kalungkutan nararamdaman ngayon ng ina.

Nagkatinginan silang mag-ama sa sinabi ng ina.

"As you wish honey!" sabi ng daddy niya. Masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain.

***************************************

"How's the air mommy?" tanong ni Lacy sa kanyang ina at nasa hardin sila ng umagang iyon. Nailabas nila kahapon ang mommy niya mula sa hospital.

Hinawakan nito ang kamay niya sa balikat nito. Naka-upo kasi ito sa weelchair at nakaalalay siya. "It's nice darling. Mas nakakahinga talaga ako dito sa labas at lalong lalo na't nakikita ko itong mga halaman ko. Mas gusto ko na dito nalang sana sa bahay ayoko ng bumalik pa sa hospital anak."

"Mommy, huwag ka sanang susuko. Ayokong iwan mo ako." nanatili siyang nakatayo sa likod nito kapag humarap siya sa kanyang ina ay baka maiyak lamang siya nang wala sa oras.

"I've tried darling but the past few days nanghihina na ako anak." kahit hindi niya nakikita ang mukha nito alam niyang nalulungkot ito.

"Look at those lovely flowers mommy, specially those roses napakaganda nilang tignan lalo na sa umaga." pang-iiba ni Lacy sa usapan gusto niyang pasayahin ang mommy niya sa mga sandaling buhay nito na hindi inaalala ang sakit nito.

"Tama ka anak. Buti pa nga ang mga rosas kahit ilang putol mo sa mga ito tumutubo pa rin ng panibagong bulaklak sana ganun din ang isang tao." makahulugang sabi nito.

"Kaya nga mommy, Life is too short kaya dapat talaga pinapahalagahan natin ang bawat sandali ng buhay natin."

"Rose, promise me one thing huwag na huwag mong pabayaan ang mga rosas kahit iyon man lang ang regalong maiiwan ko sa iyo at sa tuwing makakakita ka nito'y isipin mo lagi na naroroon ako." tila kinalabutan siya sa sinabi nito.

"Mommy, please don't say that! Mabubuhay ka pa lalaban tayo mommy makaksurvive ka din."

"I will, Rose." parang tinutusok ang dibdib niya sa sinasabi ng mommy niya na para bang nawawalan na ito ng pag-asa.

"Let's get inside now, mom. Magpapatugtog ako ng piano para sayo."

"Really darling? How did you learn to play that?" humahangang tanong nito sa kanya.

"Mommy, nagmember ako ng qoir lately lang sa school. We also sing tinuturuan kaming magpatugtug ng piano. I hope you will like it mom."

"Hindi ka lang magaling sa curriculum anak you also good at music at ano pa ang mga sinalihan mo sa school niyo anak?"

"I'm also good at sports mommy!"

"Oh my, you are so gifted anak dalian mo anak at ng marinig ko naman ang maganda mong boses at least ngayon mapapatugtog na din ulit ang piano ng lola mo."

"Thank you, mommy!" tinulak na niya ang weelchair ng ina at tinungo nila ang living na kung saan nasa gilid niyon ang piano.

Matagal na ngang nakadisplay iyon at hindi ginagamit. Her grandmother used to play it since she was a kid at naka-upo lang sa tabi ng lola niya.

Umaasa siya na sa pagtugtog niya at pag-awit ay makalimutan ng mommy niya ang kalagayan nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status