Naalimpungatan si Lacy nang parang may humawak sa tungki ng kanyang ilong. At nang magmulat siya ng mga mata ay nanlaki ang mga iyon dahil bumungad sa harapan niya ang mukha ni Rafael.Papaanong nasa loob ng silid niya si Rafael gayong naka-lock ang pinto niya?Bakit pati panaginip kasama niya si Rafael? Nag-aagaw pa rin kasi sa kanya ang antok at karimlan kung kaya't muli niyang ipinikit ang mga mata.Mukhang maaga pa naman at kung bakit antok na antok pa siya."Good morning sleepy head,"No, panaginip lang ito. anang utang niya kung kaya't tumalikod siya rito."Hey wake up," sabi ulit nito."Stop, bothering me you impostor!" inis na wika niya.Narinig niya ang malakas na halakhak ng isang impostor dahilan para tuluyan siyang magmulat ng mga mata."Are you still daydreaming, sweetheart?""R-Rafael! What are you doing here?" akmang babangon siya nang pigilan siya nito at dumagan ito sa kanya.Nasama ang bigat ng katawan nito sa kanya dahilan para hindi siya makabangon."Hindi ba't sin
"Sweetheart, wake up. It's your enrollment day,"Naalimpungatan si Lacy nang marinig ang boses ni Rafael sa kanyang tabi.At nang imulat niya unti-unti ang mga mata ay nakita niyang nakangiti ito. Nakatukod ang isang kamay nito sa ulo nito habang nakahiga ang katawan nito.Nakaligo at nakabihis na rin ito. Napaka-presko nitong tignan. Rafael is a handsome man with a well-developed physique.Nakaramdam siya nang hiya dahil nakabihis na ito.Samantalang siya ay bagong gising lang.Ganoon ba talaga ito kaaga nagigising? At siya kulang ang tulog niya dahil mahapdi ang kanyang mga mata.Nakaramdam din siya ng sakit sa mga binti dahil sa maghapon siyang tinuruan ni Rafael mangabayo sa rancho nito.Parang lalagnatin din ang pakiramdam niya."What time is it?" tanong niya.Hinawakan nito ang tungki ng kanyang ilong. Ewan ba niya nagiging paborito nitong hawakan iyon."It's quarter to five," anas nito at hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha at iniipit nito iyon
Lumipas ang mga araw ay pasukan na sa unibersidad. Kahit ayaw ni Lacy ang kursong kinuha ay wala siyang ibang choice kung hindi ang pumasok.At sa mga araw na nagdaan simula 'nung huling pag-uusap nila ni Rafael sa puntod ng mga magulang nito, ay tila naging malamig na ang pakikitungo nito sa kanya.Ni hindi na rin sila magkasabay kumain at lalong-lalo ng hindi niya alam kung saan-saan ito nag tutungo.At nalaman niya na umalis ito ng bansa at hindi niya alam kung kailan babalik.Pakiramdam niya wala siyang silbi sa buhay nito kasi hindi man lang ito magpaalam sa kanya tuwing aalis ito at pupunta ng malayo.Dapat maging masaya siya kasi iniiwasan siya nito pero bakit nalulungkot siya?Si Editha na lang ang nakakausap niya nang madalas sa loob ng mansion.At dumadalaw naman ang kanyang ama pero umuwi din ito kaagad. Tinatawagan naman niya ang yaya Nelia niya pero ewan ba niya kung bakit nakakaramdam pa rin siya ng lungkot.Nakasuot na siya ng uniporme ng unibersidad kasi lunes. At bumab
Nang makauwi si Lacy sa mansion ay nagulat siya nang makitang maraming tao sa loob.Mukhang may mga bisita ang asawa niya. Nasa salas kasi ang mga ito. At mukhang mga may lahi ang bisita ng asawa niya.Mukhang nakauwi na si Rafael.Pero bakit ganun ang nararamdaman niya? Nung wala si Rafael sa loob ng mansion namimiss niya ito, pero ngayon dumating na nga ito parang mas gusto niya ulit na wala ito.Ano ba kasi ang nararamdaman niya sa asawa? Hindi niya kasi maipaliwanag ang nararamdaman niya.Sa batang puso niya masasabi naman niya na gusto niya si Rafael na mahal niya ito. Pero may bahagi sa kanyang kaloob-looban na namumuhi siya sa asawa. Dahil sa mga nagdaang araw unti-unting tinatakpan ng galit ang pagmamahal niya kay Rafael.Nang lumingon siya sa kanan ay nakita niya si Rafael may kausap itong isa. Nagtama ang mga mata nila ng asawa pero kaagad din siyang nagbawi ng tingin.Dumiretso na lang siya sa kanyang silid para makapagpalit.Wala naman siyang alam sa mga negosyong kalak
Gillermo couldn't help but tremble when he faced the heir of Raffy's young son who was about twenty-three years old. He was wearing his exclusive attire that suits him well. Matalino ang anak nito at ayaw palinlang. Tila siya sinisilihan sa mga oras na 'yon."Hindi ko na sana pa pakikialaman ang mga dokumentong 'yon kung hindi ako tinamaan ng kuryusidad." prenteng sagot ng kaharap. Ito na ang pinakahihintay niyang delubyo na mangyayari sa buhay niya ang singilin siya sa mga ginawa niyang kalokohan sa kompanya ng mga ito. "H-Hindi ko sinasadya nagkataon lang na nangangailangan ako noon, ibabalik ko naman ng paunti-unti kapag nakakaraos ako sa-""Sugal? Akala mo siguro hindi ko pinasubaybayan ang mga kilos mo na madalas kang magtungo sa casino." salungat kaagad nito sa huling sinabi niya. Hindi kaagad siya nakapagsalita dahil totoo din naman iyon."Ipinangsusugal mo ang mga ninakaw mo sa kompanya ng ama ko. He trusted you so much, pero trinaydor mo lang siya." pagpapatuloy nito. Napak
LUMABAS ng hardin ang nagdadalagang si Lacy Rose, tangan ang meryenda na inihanda niya para sa kanyang mommy. Paglabas niya ng hardin nasasamyo kaagad niya ang halimuyak ng mga rosas sa paligid napakadami niyon. Nakapagtataka't nabuhay lahat iyon ng kanyang mommy. "Mommy, meryenda time!" inilapag kaagad niya ang dalang cookies at juice sa mesa. "Sure darling tatapusin ko lang ito," ganting sagot ng mommy niya. Nakatalikod ito at pinuputol nito ang stem ng roses at marahil papalitan na naman nito ang mga bulaklak na nakadisplay sa living room. Nilapitan niya ang kinaroroonan nito."Mommy, paano niyo napalago ang mga bulaklak na iyan?" kapagkuwan tanong niya ng marating ang kinaroroonan nitoNgumiti ang mommy niya. "Madali lang anak kapag alam mong masaya ka sa ginagawa mo sa mga ito in response susuklian ka nila ng napakaraming punla nila."Namangha siya sa sinabi nito. "Really, mommy?""Alam mo bang diyan ko rin nakuha ang pangalan mo.""Yes I know mom, that's why I'm rose." sabay
HALOS maglupasay na si Lacy Rose sa ibabaw ng puntod ng mommy niya dahil sa kakaiyak. Nagsi-alisan na ang mga ibang bisita nilang sumama sa huling hantungan ng kanyang ina ngunit sila ng kanyang ama tila ayaw pa nilang umalis.Wala pang anim na buwan ang itinagal ng buhay nito at binawian din. Bata pa ang kanyang ina para mamatay ito sa edad na thirty eight.Punong puno ng mga iba't-ibang kulay ng rosas ang ibabaw ng puntod nito dahil iyon ang huling habilin ng ina niya."M-mommy! I don't want to leave you!" halos mapugto na ang hininga niya sa walang tigil na pagpatak ng kanyang mga luha. Sumasabay pa ang mga patak ng ulan sa kanyang kalungkutan. Nanginginig na din ang katawan niya sa pahapyaw na hangin na tumatama sa kanyang balat."Iha, we have to go now." tinig ng daddy niya sa kanyang likuran at inaalo siya."No, daddy, we can't leave mommy here! Ayoko siyang iwan daddy, ayoko!" pagmamatigas niya sa kabila ng hikbi. Hindi niya lubos maisip na nakabaon na sa lupa ang kanyang ina
NAGULAT si Lacy Rose nang makita ang resulta ng kanyang exam. Matataas lahat ang mga iyon. Iyon ang huling exam nila sa finals at siya ang tatanghalin na valedictorian. "Congratulations, Lacy!" sabay-sabay na pagbati ng mga kaklase niya nang hapong iyon. Nai-announce na kanina ng teacher nila about the ranking at siya ang may pinakamataas."Thank you, guys." nakangiting pasasalamat niya sa mga ito."Lacy! We should celebrate your victory manood kaya tayo ng The Last band mamaya sabado naman bukas, di ba guys!" suhestiyon ni Gelly. Sa bayan lang din naman gaganapin ang concert ng THE LAST BAND at medyo malapit lang din sa school nila ang plasa. Pwede naman niyang tawagan o i-text ang daddy niya para makapag-paalam siya na manunuod muna siya."S-sure anong oras ba iyon?" tanong niya."Mamayang alas-sais." sagot ni Mia"Pero hanggang alas otso lamang ako ng gabi, ah." sabi niya"Syempre alas otso tayo uuwi," sang-ayon din ng isa nilang kaklase.Masaya siya at naging kaklase niya ang mg