Share

CHAPTER 2: After the roses

HALOS maglupasay na si Lacy Rose sa ibabaw ng puntod ng mommy niya dahil sa kakaiyak. Nagsi-alisan na ang mga ibang bisita nilang sumama sa huling hantungan ng kanyang ina ngunit sila ng kanyang ama tila ayaw pa nilang umalis.

Wala pang anim na buwan ang itinagal ng buhay nito at binawian din. Bata pa ang kanyang ina para mamatay ito sa edad na thirty eight.

Punong puno ng mga iba't-ibang kulay ng rosas ang ibabaw ng puntod nito dahil iyon ang huling habilin ng ina niya.

"M-mommy! I don't want to leave you!" halos mapugto na ang hininga niya sa walang tigil na pagpatak ng kanyang mga luha.

Sumasabay pa ang mga patak ng ulan sa kanyang kalungkutan. Nanginginig na din ang katawan niya sa pahapyaw na hangin na tumatama sa kanyang balat.

"Iha, we have to go now." tinig ng daddy niya sa kanyang likuran at inaalo siya.

"No, daddy, we can't leave mommy here! Ayoko siyang iwan daddy, ayoko!" pagmamatigas niya sa kabila ng hikbi.

Hindi niya lubos maisip na nakabaon na sa lupa ang kanyang ina na parang kahapon lang kasa-kasama pa niya ito. Tulad ng isang talulot ng rosas na kapag maglaon maglalaglagan din. And her mom was totally gone.

Nagtatawanan lang sila noon, sinasamahan mamutol ng mga rosas pero ngayon hindi na nila magagawa iyon. Wala ng papalit sa mga rosas sa vase.

"Anak, remember what your mom told us na kapag nawala siya hindi dapat tayo maging malungkot."

"But we are now dad! Nalulungkot ako, tayo! Life is unfair dad!"

"I know Iha. We have to go now ayokong mapolmonya ka anak, malamig na. Let's go." sabi nito sa kabila ng mga hikbi inakay na siya ng ama pero nagpumiglas siya.

"Iwan mo na ako dad! I just can't go home without my mom. Mommy! mommy! Please bumangon ka na diyan mahal na mahal kita mommy!" naghehesterya na siya doon.

Muli na naman siyang hinawakan sa balikat ng daddy niya at upang akayin siya patayo. Nanlalambot ang mga tuhod niya. Hindi niya maitayo ang sarili. Hindi na din niya halos makita ang paligid dahil hilam na ng luha ang mga mata niya. Hanggang sa nawalan siya ng ulira't.

***********************************

Rose, promise me one thing huwag na huwag mong papabayaan ang mga rosas kahit iyon man lang ang regalong maiiwan ko sa iyo at sa tuwing makakakita ka nito'y isipin mo lagi na naroroon ako. . .

"Mommy.." Unti-unti siyang nagmula't ng mga mata. Nasa loob na siya ng kanyang silid. Napanaginipan niya ang sinabi noon ng ina niya.

Alas tres na pala ng hapon. Tatlong oras din siyang nawalan ng malay. Marahil dala na rin siguro ng pagod at puyat sa mga nagdaang araw na pagbabantay niya sa ina. Tila ngayon lang niya naramdaman ang mga 'yon.

Muli na namang naglandas ang mga luha sa kanyang pisngi. Paano na sila ng daddy niya? Paano na ang mga rosas na hindi niya galamay?

Pinahid niya ang kanyang mga luha. Tumayo siya at tinungo ang bintana.

Hinawi niya ang kurtina at tumingin sa labas umaambon na lang at hindi gaya kanina. Bagama't makulimlim pa rin ang kalangitan at nagbabadya ng malakas ng ulan. Nililipad ng hangin ang mga ilang dahong nahuhulog sa puno.

Sinundan niya ng tingin ang dahong unti-unting nahulog sa ibaba at napadako ang tingin niya sa mga rosas! Tila iyon sumasayaw , showing her that she must do something. It seems a little cheerful.

Hindi na siya nagdalawang isip. Mabilis siyang bumaba tinatawag siya ng yaya Nelia niya ng mapadaan siya sa living room ngunit hindi siya lumingon dito nagtatatakbo siyang tinungo ang mga kumpol ng mga rosas na nakatanim sa lupa. It was like a little farm.

Nakaluhod na siya sa mga rosas

Wala na siyang pakialam kahit mabasa siya ng ulan na unti-unting lumalakas.

Sa tuwing makakakita ka nito'y isipin mo lagi na naroroon ako. . .

"Mommy, I feel your presence and thanks for cheering me up! Ipapangako ko sa inyo na ito na ang huling araw na iiyak ako." sa bawat patak ng ulan na tumatama sa mukha niya ganun din ang pagpatak sa kanyang mga luha.

Ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi niya muling tatangkahing hawakan ang tangkay ng rosas. Tila isa iyong sumpa kapag nangahas siyang hawakan iyon. Pagmamasdan na lamang niya ang kagandahang taglay ng mga iyon.

She imagined her mom was there cutting some stems of roses.

Mommy.... I miss you so much!

"Señorita, tumayo ka na riyan at baka magkasakit ka pa." sabi ng yaya Nelia niya sa kanyang likuran at pinapayungan siya.

Mula pa ng bata siya ang yaya Nelia na nila ang matagal na nag asikaso sa kanila. Hindi na ito nag-asawa simula pa noong nabubuhay pa ang kanyang aguela malamang nasa singkwenta na ang edad nito.

"Yaya Nelia, iniwan na talaga ako ni mommy! Everytime I went to this place I saw her cutting those stems, pero ngayon hindi ko na siya nakikita." palahaw na wika niya halos mapugto na ang hininga niya sa kakaiyak.

"Ako man din Iha nalulungkot, napakabuti ng mommy mo iha at sana huwag mong sasayangin ang mga bilin niya lagi sayo humayo ka na diyan at ayaw ng mommy mo na magkasakit ka."

Tama ang yaya Nelia niya hindi nga nagkulang ang mommy niya sa kapapaalala sa kanya kung gaano kaganda ang mabuhay sa mundong ibabaw at bigyan iyon ng kahulugan.

***************************************

PAG-UWI ni Lacy Rose sa kanilang Mansion mula sa skwelahan inaasahan niyang naroon ang ama. Muli nanlumo siya dahil hindi na naman niya nakita ito.

Madalas na itong hindi umuuwi sa kanilang bahay hindi niya alam kung ano ang pinagkakaabalahan nito. Malamang nasa trabaho ito ngunit simula noong namatay ang kanyang ina madalas ng wala ang kanyang ama sa kanilang bahay.

Sa tuwina nakikita niya ang ama na madalas uminom ng alak tuwing gabi. Hindi na rin niya ito nakakausap ng madalas. Dalawang linggo na ang nakaraan simula noong inilibing ang kanyang ina sa huling hantungan nito. Tila napapabayaan na rin ng ama ang kalusugan nito. Malaki na rin ang ibinagsak ng katawan nito parang tumanda pa ang ama kumpara sa tunay na edad nito. Kwarenta'y singko palang ang ama niya pero mukha na itong singkwenta. May mga ilang puti na rin ito sa buhok.

"Yaya, hindi pa ba umuwi si daddy?" tanong niya sa kanyang yaya Nelia.

Nilingon siya nito dahil abala ito sa pagluluto sa kusina. "Baka gagabibin na naman 'yon anak, alam mo naman iyon minsan madaling araw na kung umuwi o di kaya naman sa condo nito umuuwi." nalungkot siya sa sinabi ng yaya niya. Namimiss na niya nag kanyang ama.

"Ganun po ba," maikling sagot niya.

Kelan kaya ito uuwi?

"Mabuti pa't tikman mo itong niluluto ko." sabi ng yaya niya.

Agad sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Kinuha niya ang sandok at nagsalin ng sabaw tsaka tinikman.

"Hmmn, ibang klase talaga ang tinola ninyo yaya sobrang sarap!" totoo 'yon kaya ganadong-ganado siya kung kumain tuwing nagluluto ito ng paborito niyang tinola.

"Binola mo pa akong bata ka,"

"Tototo naman po yaya!"

"Oo na nga halika na't ipaghahain na kita." nakangiting wika ng yaya niya.

"Sabay-sabay na po tayo nina yaya Sabel at yaya Linda." madalas na kasi ang mga kawaksi ang kasali niya sa pagkain na minsan naiilang pa ang dalawang kawaksi dahil sa tingin niya baguhan pa.

"O, siya sige tatawagan ko na sila," nagpatianod na ang yaya Nelia niya para tawagin ang dalawang kawaksi kahit papaano hindi siya malulungkot na mag-isa kung kumain at para hindi niya maalala ang sitwasyon niya. Masaya silang nagsalo-salo sa pagkain.

"Umakyat kana señorita at magtungo kana sa kwarto mo mukhang pagod na pagod ka."

"Sige po yaya salamat po ulit sa masarap ninyong luto."

"Walang anuman señorita." nakangiting tugon ni Yaya Nelia.

Umakyat na siya sa kanyang silid. Binuksan niya ang ilaw sa kanyang kwarto at dire-diretsong nahiga sa kama. Ipapahinga lang niya saglit ang katawan. bago siya magtungo sa banyo.

Napakatahimik ng bahay nila. Sanay naman siya dati na tahimik lang pero bakit ngayon nakaramdam siya ng kahungkagan. Pakiramdam niya nag-iisa na lang siya.

Bumangon siya at muling kinuha ang picture frame sa bedside table.

Mommy.....

Sana naroon ang mommy niya para samahan siya sa kanyang pag-iisa. Hanggang ngayon parang isang masamang panaginip pa rin ang pagkawala nito at sana sa paggising niya kinabukasan hindi totoong wala na ang ina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status