LOGINMatapos ang mahigit dalawang oras na biyahe mula Surigao City, sa wakas ay nakarating na rin kami sa Butuan Airport. Pagkababa namin ng taxi, agad akong napatingin sa paligid—maraming pasahero ang abala sa pagpasok at paglabas ng terminal, may mga pamilyang nag-aabang ng kanilang flight, at ilang turista namang tila excited sa kanilang destinasyon.
Si Justin, na hawak pa rin ang kamay ko, ay abala sa pag-aasikaso ng aming mga tiket habang ako naman ay nakikiramdam sa dami ng taong naroon. Hindi ko maiwasang mapansin ang ilang mapanuring tingin ng mga tao sa amin.Maya-maya lang, may isang babae ang dahan-dahang lumapit sa amin. Halatang kinakabahan pero puno ng excitement ang mukha.**"Excuse me po… Kayo po ba si Justin Olarte at Tina Baguinaon?"** tanong niya nang may halong pag-aalinlangan.Napatingin ako kay Justin, na agad namang ngumiti. **"Opo, kami nga."**Biglang lumiwanag ang mukha ng babae. **"Grabe! Hindi ko in-expect na mHabang tinutulak ako ni Justin sa wheelchair, ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko. Naisuka ko na halos lahat ng laman ng tiyan ko sa eroplano, pero hindi pa rin nawawala ang bigat ng ulo ko. Parang may pumipiga sa utak ko, at sa bawat paggalaw ng sasakyan o kahit bahagyang tunog sa paligid, mas lalo lang akong nahihilo. Nang makarating kami sa labas ng airport, agad na naghanap si Justin ng taxi. Kahit abala siya sa pag-aabang ng masasakyan, hindi pa rin siya tumitigil sa pag-aalaga sa akin. **"Love, kumusta pakiramdam mo?"** tanong niya habang palipat-lipat ang tingin sa akin at sa kalsada. Mahina akong umiling, pilit na nilalabanan ang hilo. **"Mas okay na siguro kung makakapahinga na ako sa kama… pero ang sakit pa rin ng ulo ko, love."** Agad niyang hinaplos ang noo ko, ang init ng kamay niya ay parang bahagyang nagpapagaan sa bigat ng ulo ko. **"Baka dehydrated ka na, love. Wala nang laman ‘yung tiyan mo, tapos puro suka pa ‘yung
Ramdam ko ang matinding panghihina ng katawan ko habang dahan-dahan kaming bumababa ng eroplano. Pakiramdam ko ay parang naubos ang lakas ko matapos ang ilang beses na pagsusuka sa biyahe. Kahit pa medyo gumaan na ang sikmura ko dahil sa ginger tea, nanatiling mabigat ang pakiramdam ko—para bang pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawa kundi umupo at magpahinga. Sa bawat hakbang ko pababa ng eroplano, parang lumulubog ang mga paa ko sa sahig. Napapikit ako saglit at humugot ng malalim na hininga, sinusubukang igiit sa sarili na kaya ko pang maglakad nang mag-isa. Pero bago pa ako tuluyang mawalan ng balanse, agad akong sinalo ni Justin. **"Love, dahan-dahan lang,"** sabi niya, bakas ang pag-aalala sa boses niya. Mahigpit niyang hinawakan ang bewang ko at inalalayan ako palapit sa kanya. Napasandal ako sa dibdib niya, hinihingal nang bahagya. **"Justin… parang gusto ko munang umupo,"** mahina kong sabi, halos hindi ko na kayang itaas ang ulo ko p
**"Uminom ka muna, love. Para mawala ‘yung lasa sa bibig mo,"** sabi niya habang inaabot din ang panyo niya upang punasan ang labi ko. Kinuha ko ang tubig at nagmumog ng kaunti bago uminom. Mas lumuwag ang pakiramdam ko, pero nanghihina pa rin ako. **"Pasensya na, love,"** mahina kong sabi habang nakasandal sa kanya, ramdam ang bigat ng katawan ko. Hinaplos niya ang buhok ko at marahang hinawakan ang pisngi ko. **"Ano ka ba, hindi mo kailangang humingi ng sorry. Ang importante, okay ka na. Alam mo namang andito ako lagi para alalayan ka."** Sa sinabi niyang iyon, hindi ko maiwasang mapangiti kahit nanghihina pa rin ako. Ilang sandali pa, lumapit ang isang flight attendant sa amin matapos mapansin ang nangyari. **"Ma’am, sir, okay lang po ba kayo? Kailangan niyo po ba ng gamot o assistance?"** tanong niya nang may pag-aalala. Bago pa ako makasagot, si Justin na mismo ang umaksyon. **"Medyo hilo lang po siya at nasuka, pero m
Matapos ang mahigit dalawang oras na biyahe mula Surigao City, sa wakas ay nakarating na rin kami sa Butuan Airport. Pagkababa namin ng taxi, agad akong napatingin sa paligid—maraming pasahero ang abala sa pagpasok at paglabas ng terminal, may mga pamilyang nag-aabang ng kanilang flight, at ilang turista namang tila excited sa kanilang destinasyon. Si Justin, na hawak pa rin ang kamay ko, ay abala sa pag-aasikaso ng aming mga tiket habang ako naman ay nakikiramdam sa dami ng taong naroon. Hindi ko maiwasang mapansin ang ilang mapanuring tingin ng mga tao sa amin. Maya-maya lang, may isang babae ang dahan-dahang lumapit sa amin. Halatang kinakabahan pero puno ng excitement ang mukha. **"Excuse me po… Kayo po ba si Justin Olarte at Tina Baguinaon?"** tanong niya nang may halong pag-aalinlangan. Napatingin ako kay Justin, na agad namang ngumiti. **"Opo, kami nga."** Biglang lumiwanag ang mukha ng babae. **"Grabe! Hindi ko in-expect na m
Tina’s POV** Habang nakatanaw kami ni Justin sa dagat mula sa deck ng barko, ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. Mahigpit ang pagkakahawak ni Justin sa kamay ko, parang sinisigurado niyang hindi ako bibitaw, kahit kailan. Tahimik naming pinagmamasdan ang unti-unting paglubog ng araw sa abot-tanaw nang biglang may marinig akong pabulong na usapan sa likuran namin. **"Hala, diba siya si Justin Olarte?"** isang babaeng pasahero ang biglang nagsalita, halatang pigil ang excitement sa boses niya. **"Oo nga! At ‘yung kasama niya, si Tina Baguinaon! Yung sikat na artista at yung magaling na makeup artist!"** sagot naman ng isa pang babae, na ngayon ay halatang kinikilig na. Napatingin ako kay Justin, na nakangiti lang at tila hindi nagugulat sa nangyayari. Sanay na sanay na siya sa atensyon ng tao, pero ako? Iba ang kaba na nararamdaman ko. Maya-maya pa, isang grupo ng mga pasahero ang lumapit sa
**Tina’s POV** Matapos ang walang katapusang pang-aasar mula sa pamilya ni Justin, napagdesisyunan na naming magpaalam muna. Kailangan na rin naming bisitahin ang bago naming bahay sa Manila, ang magiging opisyal naming tahanan bilang mag-asawa. Habang tinatapos namin ang almusal, hinawakan ko ang kamay ni Justin at mahinang bulong, **"Mahal, baka kung ano na namang topic ang mabuksan nila. Umalis na tayo bago pa nila sundan ‘yung usapan kanina!"** Napangisi siya at bumulong pabalik, **"Bakit, love? Nahihiya ka pa rin? Asawa na kita, wala ka nang kawala."** Pinandilatan ko siya at sinipa nang mahina sa ilalim ng mesa. **"Justin, seryoso ako!"** Natawa siya bago sumandal sa upuan at lumingon sa mga magulang niya. **"Ma, Pa, aalis na muna kami. Pupuntahan namin ang bagong bahay sa Manila."** Agad na nagliwanag ang mukha ni Mrs. Villanueva. **"Ay, ang bilis naman! Sige, sige! Mag-ingat kayo, ha? Sabihan niyo kami kung kailan p







