Share

Chapter 5

I ask to take a leave. Upang asikasuhin ko ang divorce ko. Nang matapos na ang leave ko ay agad akong pumasok sa pinagta-trabaho-an ko.

Nang umupo ako sa mesa ay hindi agad ako makapagtrabaho ng maayos, dahil kulang ako sa tulog, may nangugulo sa akin at marami akong iniisip.

Napasabunot na lang ako sa aking buhok. Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Are you okay, Kath?" tanong ni Eliza sa akin. Ang co-worker ko.

"I am okay, don't worry about me."

"May tumatawag pala sa landline. Hinahanap ka."

"Sige."

Agad akong pumunta sa telephone at sinagot iyon.

"Hello," sagot ko.

"Kailan ka magbabayad?" galit na tanong ng nasa kabilang linya.

"Hindi ko pa po alam. Pero naghaha—"

"Pag hindi ka nagbayad ay mangugulo ako dyan sa pinagta-trabaho-an mo!" galit nitong sambit.

"Magbabayad ako. Gagawa ako ng paraan."

"Dapat lang."

Nawala na ang tao sa kabilang linya. Naisuklay ko na lang ang aking kamay sa aking buhok.

Babalik na sana ako sa aking pwesto ng may makabanga ako. Akala ko ay hahalik na ako sa sahig ng mabilis nitong nahawakan ang aking baywang. Para di ako maupo sa sahig ng tuluyan.

"I am sorry," hiningi ko ng paumanhin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Dahil sa sobrang katangahan ko.

Iniangat ko ang aking mukha, upang tignan ang nakabanga ko. Nanlaki ang mga mata ko ng magtagpo ang aming mga mata.

"I am sorry, sir."

Agad na lumayo ako sa CEO namin. Napakagat at umiwas na lang ako ng tingin, dahil sobrang nakakahiya ang ginawa ko.

Nabanga ko ang CEO ng aming kumpanya. Ang tagapagmana.

Tsaka ko lang naalala na umiiyak pala ako. Kaya agad kong pinahid ang aking mga luha.

"I am sorry. Hindi ko sinasadya."

"It's okay."

Aalis na sana ako, dahil sobrang nakakahiya talaga ang ginawa ko.

"Do you want to marry me?" tanong nito, na siyang nakapagpatigil sa akin.

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nito.

"My offer is still available. Puntahan mo na lang ako, pag nakapag-isip ka na."

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Dahil hindi ko kalain mag-o-offer siya ng ganun.

Hindi ako mapakali sa buong umaga kong pagtatrabaho. Hanggang sa dumating ang lunch.

Nagkita-kita kami ni Hanelyn and Analyn sa café shop na madalas naming kinakainan. Napangiti ako ng mapait, dahil kung noon ay apat pa kaming kumakain.

Ngayon at tatlo na lang kami.

"Kung iniisip mo na naman iyon, ingrata mong best friend. Please, stop, Kath. Hindi ka nakakatuwa."

"Paano pala kong may mag-offer sa iyo ng kasal. Kahit kaka divorce mo lang. Tatanggapin mo ba?"

"Ano ba itong pinagsasabi mo, Kath."

Napabuntonghininga na lang ako. 

"Iyong boss ko, iyong CEO ng kumpanya namin. He offers me. . . marriage."

"Oh my gosh!"

"Sino nga ang CEO?"

"Si Daniel. My ex way back to high school."

"OMG, baka siya na ang para sa iyon."

"Parang hindi din. Baka naghihigante."

"Hindi kayo nakakatulong."

"Accept his offer, para mawala na ang problema mo."

"Pero nagdadalawang-isip ako," sambit ko.

"Be practical, Kath. Lalo na at malaki ang problema mo, baka matulungan ka niya."

"Paano kung hindi. . ."

"Wag ka ngang nega. Accept his offer. Baka siya na ang kaligayahan mo."

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Gusto kong umatras pero nandito na ako.

Nasa elevator ako ngayon, papunta sa opisina ng CEO ng kumpanya namin. Nang makarating ako sa opisina nito ay agad kong nakita ang secretary nito.

"Oh, anong ginagawa mo dito, Kath?" tanong ni Mera sa akin.

Mera is also one of my friend. Pero hindi kami masyadong close.

"Gusto kong maka-usap ang CEO."

Biglang nagtaka si Mera sa sinabi ko.

"Sige. Pasok ka na lang. Nand'yan lang siya sa loob."

"Thanks, Mera."

Pumasok na ako sa loob ng opisina nito. Abala ito sa ginagawa.

"Sir," tawag pansin ko sa kanya.

Umangat ito ng tingin. Bigla na lang ako napatulala sa kanya. Bigla ding bumilis ang tibok ng puso ko. Gaya noong nasa high school pa lang kami.

"I assume that you will accept my offer." Napasandal ito sa swivel chair nito.

Pero tumayo ito at lumapit sa akin. Nasa harapan ko na siya ngayon at ang kamay nito ay nasa pisngi ko.

"Marry me, Kath. I will help you pay back the money."

I felt embarrassed, dahil magpapakasal ako sa isang lalaki na hindi ko naman mahal.

'Hindi mo ba talaga mahal?'

Napapikit na lang ako. Pero ang mga humahabol sa akin. Kaya nag-aalangan ako.

Idinilat ko ang aking mga mata. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa.

"Why do you want to marry me?" tanong ko sa kanya.

Bumitaw ito. Umalis sa harapan ko.

"My grandmother's wish is to see me get married to someone that I love. Fu*k that love. Matagal na akong di naniniwala dyan."

"Matanda na rin ang Mommy La ko. Iyon ang gusto niya. So, who am I not to fulfill her wish?"

Tinignan ko si Daniel. Sobrang dami na nang nagbago sa kanya. Dati sobrang payat nito, pero ngayon hindi mo akalain na ang lalaking kaharap ko ngayon at ang lalaking kilala ko noon.

"I need to find a woman who wants to marry me. When my grandmother dies, I will give her the freedom that she wants."

"Bakit, ako?" tanong ko sa kanya.

"Bakit, hindi? You are fit, Kath. Hindi na rin ako mahihirapan once na maghiwalay tayo. We know each other. Kaya hindi na tayo mahihirapan."

"And I can help you pay your debt."

Hindi ako mapakali. Hindi ako makapagdesisyon ng maayos.

Naiilang ako sa bawat titig ni Daniel. Nakahinga ako ng naluwag ng tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong sinagot.

"Hello," sagot ko.

"Ano na?" tanong nito.

Bigla akong kinabahan. Dahil alam ko kung sino ang tumatawag. Ang isa sa pinagkakautangan ni Marco.

"Wala pa akong pera."

"Aba, bilisan mo. Pag ako na inip. Malilintikan ka talaga sa akin."

"Okay."

Napapikit na lang ako. Dahil hindi ko kinaya ang sitwasyon. Muntik pa akong bumigay sa kinatatayuan ko kung di lang ako nakahawak sa mesa.

"Are you okay?"

May pag-alala sa boses ni Daniel.

"Gusto mo ba talaga akong pakasalan, Daniel?" tanong ko sa kanya.

"Oo."

"Then, pumapayag na ako. Yes, Daniel. I will marry you."

Tumulo ang mga luha ko. Agad niya akong niyakap.

"Hindi ka magsisisi, Kath na ako ang pinakasalan mo."

Niyakap ko siya pabalik. Dahil hindi ko kinaya ang sitwasyon. Kaka-divorce ko lang, pero ito ngayon. Ikakasal ako sa taong parte ng nakaraan ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status