"Hating gabi na, dito na lang kayo matulog." Nag-alalang sabi ni Orly. Agad naman akong umiling sa sinabi niya."Ah, huwag na baka hahanapin kami ni Nanay sa bahay." Pagtanggi ko. Mabuti't tumango naman ito.Buti na lang may pa bring house si Orly sa amin. Hinawakan ko nang mabuti si Lyza para hindi mahulog. Naka-tulog na kasi ito kaya binuhat ko na lang. Tumingin muna ako kay Orly at nagpaalam na ako sa kanya. Naunang umuwi si Janine dahil tinawagan siya nang kuya niya kanina. May pupuntahan pa raw sila.Medyo na hihirapan ako sa posisyon ko ngayon dahil may hawak pa akong pagkain.Lakad lang ako nang lakad papalabas hanggang may nabanga na naman ako dahilan nagising si Lyza."H-hala sorry po!" Andami ko nang nabanga ngayon! May kasunod pa ba?Napatingin ako sa nabanga ko ay 'yong lalaki kanina! Ay hindi! Anak ni Mr. Agus!"No, it's okay." Anito. Napatingin naman siya sa akin. Mukhang naalala niya ako nung nasa ospital ako.Napatingin ako kay Lyza ng nagising ito dahil siguro sa siga
"Bye ati!" Patakbo ito papasok sa school nila. Tumalikod na ako para pupunta sa rin sa school ko. Ilang araw nang nakalipas simula n'ung nangyari ang birthday ni Orly, nagsimula na rin ang araw ko maging problemado kung pano ako makahanap nang trabaho. Ubos na kasi ang ipon ko pang anim na buwan.Dapat sa isang buwan ay makaipon ako nang pera para sa pang anim na buwan sa iba't-ibang gastusin namin ni Lyza.Hindi naman ako gaano gumagastos sa sarili ko. Nag-iipon ako para sa sariling kailangan namin ng kapatid ko dahil kung hihingi man ako kay Nanay ay hindi talaga ako bibigyan n'un.Pumasok na ako sa room at nandon ba si Janine nagbabasa. Wala pa si Orly late nanaman 'yon. Tumabi ako sa kanya at inilapag ang gamit ko."Morning." Bati ko kay Janine. Naramdaman ata n'ya na problemado ang boses ko kata napalingon ito."Wala." Sabi ko. Sabay kaming napatingin nang narinig naming ang boses ni Orly."Good Morningggggg everyone! Himala ang konti pa nang tao dito." Anito. Hindi nalang namin
"Hoy 'yan? Binahay mo na ang crush ko babae ka!" Singhal ni Orly sa 'kin.Tinignan ko naman ito ng masama. Andito kami ngayon sa sala habang tinitignan si Anthonio habang sinusubuan ng pagkain ang kapatid ko. Patawa-tawa pa ang dalawa.Alam kong nagtataka silang dalawa kung bakit andito si Anthonio.Mas komportable pala akong tawaging Anthonio ang kumag na 'yon dahil feeling ko kasi nagmumukha akong mayaman pag Anthony.Andaming tanong ni Orly sa 'kin kaya inisa-isa ko itong sinagot. Si Janine naman ay nakikinig pero habang tumatagal na boboringan na siya sa kadaldalan ni Orly. Minsan sumasagot na lang ako ng oo at hindi sa mga tanong niya. E-explain ko na lang pag sinabi niyang dapat i-explain ko.Nakalimutan ko na tuloy na kumain. Ako na lang ang pumutol sa usap namin. Sabay kaming tatlong pumunta sa lamesa kung san nandon ang dalawa. May dala rin namang pagkain sina Janine kaya ito na lang ang pinag- lunch namin."Ang haba nang daldalan niyo ha. Ang daldal nang kaibigan mo." Ani A
Andito ako ngayon sa seven-eleven at nagta-trabaho bilang cashier. Alas tres ng madaling araw ang uwi ko at mamaya pa 'yon. Walang ibang tao dito kundi ako lang. Hindi naman ako na bored dito dahil may tv at may cp rin ako na pampalipas oras kung walang bibili.Nanunuod ako sa mga video ng kapatid ko na sinend ni Anthonio habang naglalaro sila sa play ground at kumakain.Palagi kung iniisip na malapit na akong maka-graduate.Madaling araw na akong nakauwi sa bahay, may dala akong spare key para hindi na ako kakatok baka hahagisan pa ako ng itak ni Nanay. Nag-text din sa 'kin si Antonio na iyon na pinakain na niya ng hapunan si Lyza at tsaka hinatid na rin sa bahay kaya laking pasasalamat ko sa kanya don.Mukha na siya tuloy kuya namin ni Lyza. Mas matanda pa kasi ito sa 'min. Nagbihis na ako para makatabi na kapatid ko, ang himbing ng tuloy niya, eh. Mukha ring pagod na pagod baka dinala naman ito ni Antonio sa mall. Wala naman problema sa 'kin 'yon. Mas lalong tumagal ay parang mas c
Nagtataka na ako ngayon dahil problemado na si Nanay ngayon. Problemado naman siya araw-araw kaso ngayon iba na ngayon. Parang hindi na talaga mapakali pati si Tatay gan'un din. Hindi ko alam kung bakit ganito ang inasta nila ngayon kaya kinabahan ako bigla. Tinanung ko naman sila kaso mag-iiwas lang sila ng tingin sa 'kin.Sabado ngayon kaya pupunta ako sa trabaho ngayon, nag-leave muna ang naka assign kaya ako na lang ang pumalit. Si Lyza naman ay nasa bahay lang, sinabihan ko na lang 'yon na huwag aalis kahit saan. Binigay ko na lang ang cellphone ko para hindi na siya lalabas. Pero parang feeling ko ngayon, mukhang may mangyaring hindi masama.Napatingin ako sa pinto ng pumasok ang manager ko."Farahh...""Sir, bakit po kayo dito?" takang tanong ko.Minsan lang kasi siya pumupunta dito pag may importanting sasabihin. Nakita ko naman ang lungkot ng mga mga niya. "Bakit po? May problema ba?" Aniko. May inabot siya sa 'kin na sobre at tinignan ko naman 'yon. Nanlaki ang mata ko ng na
"Wala na tayong pera Farahh!" Sigaw niya sa pagmumukha ko! Kita ko ang galit sa mukha niya. Siya pa iyong matapang dito pero alam na alam niyang siya ang may ginawang kagagahan! Pera?! Pera kapalit ng kapatid ko?! Nahihibang na ba siya?! Ilang araw! buwan! taon akong nagpakahirap para sisiguraduhing maging maayus ang buhay ang kapatid ko tapos ibibigay niya lang si Lyza kapalit ang pera para sa utang?! Putangina!Tao ba ang kaharap ko ngayon?!Matalim at hindi makapaniwala ko itong tinignan dahil sa ginawa niya. "Napaka walang hiya niyo! Ako ang nagpakahirap! Pinabayaan ko kayo sa mga pinag-gagawa niyong mga putanginang sugal na iyan! Hindi ko kayo sinusuway sa mga utos niyo! Sa mga salitang masasakit na pinagsasabi niyo! Lahat ginawa ko para maging kapatid at anak! Tapos ganito?! Pati sarili niyong anak gagatimitin pambayad ng utang niyo!"Kita ko naman hindi niya nagustuhan ang pag-sigaw ko sa kanya. Dinuro niya naman ako at sinigawan pabalik dahilan ikinatigil ko."Tangina kang b
Someone's POV"Yow! Why’d you want me to come here?" I immediately pointed a gun at him.He quickly raised his two hands. He already knew I wasn't really joking if I'll shoot him. I'm not happy with what he did! Nakita ka itong na-alarma dahil sa ginawa ko. But I don't give a fuck!"What the— I didn't do anything wrong, fuck! Dude, chill.""You hug her.""Fuck! Cry, eh!" He replied.I lowered the gun and placed it on the desk. I saw him swallowed while looking at my gun pointed at him."You can go now, may gagawin pa ako.” "May itatanong muna ako bago ako aalis." I already knew that this is about Farahh's sister."What?""Do you know anything about Lyza?" I slowly nodded. "Yeah. Interisado si Mr. Wang sa kanilang magkakapatid. I need to protect Farahh and her sister." One of the powerful mb organization who managed in Africa was interested in them, I don't know why. And will not let anything happen to them both, especially to Farahh."Magpakilala ka na kaya." He suggested. I don't
Ilang buwan ang nakalipas ay dumating ang araw na legal na ako. Hangang ngayon ay hindi ko pa rin nakita ang kapatid ko. Sa tuwing tatanungin ko si Nanay ay palagi niya lang sasabihin tigilan ko nang paghahanap sa kanya. Habang tumatagal ay alam ko ng katutuhanan na hindi ko talaga sila totoong magulang. Sino ba naman kasing mga magulang na gawin 'yon sa sarili niya anak para pambayad ng utang?Ngayong araw na ang graduation ko kaya pano ako maging masaya kung wala ang kapatid ko? Nagkapag decide na ako sa sarili ko na hindi muna ako mag college at humanap kaagad ng trabaho, para pamalit sa pera. Sinabi ko na 'yon nila Janine, alam kung tutul sila sa desisyon ko pero wala naman silang magagawa.Valedictorian si Janine at Second Honourable Mention naman ako. Nagtataka ako kung bakit nasali si Orly sa top 10, baka dahil sa pangungupya niya ni Janine. Friends goals daw kuno.."Congratulations Graduates!" Anito at sabay sabay naming hinagis pataas ang toga namin.Hindi ko alam kung bigla